bc

Glitter Trilogy | Atlas

book_age18+
1.8K
FOLLOW
12.9K
READ
murder
possessive
doctor
sweet
bxg
city
small town
secrets
sassy
actress
like
intro-logo
Blurb

To my readers here in Dreame/Yugto,

Due to personal reasons, I have decided to stop writing for this company. All my ongoing stories will be completed in my new app (Raven Sanz — availabe in Playstore; coming soon to IOS).

Thank you for supporting my stories.

Sincerely,

Raven Sanz

chap-preview
Free preview
Chapter 1
LUMULAN ako ng roro papuntang Puerto Princesa. Ramdam ko ang pagod dahil sa walang katapusang pagtakas mula kay Roldan. Ang hayup ay masyadong matinik at palagi na lang natutunugan kung saan ako tutungo. Kagabi ay pinasibad ko ang sports car ko papuntang Batangas. Hinagip ko ang backpack ko at itinigil ko kung saan ang kotse saka sumakay ng jeep. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Magbabarko ba ako o sasakay ng bus? Hindi ako pwedeng sumakay ng eroplano. Mas mabilis nila akong matutunton. Pinili kong magpahatid sa pier pero hindi na pala dumidiretso ang mga jeep doon. Sabi ng driver ay magtricycle na lang ako. Mabuti na lang at hindi nila ako nakilala. Nagsuot ako ng baseball cap at pinutol ko ang mahaba kong buhok. Hahaba rin naman uli 'yon. First time ko rin magbyahe, ang hirap pala. Sh*t! Nauntog pa ako sa bubong ng tricycle dahil bako bako ang daan papunta sa pier. Binayaran ko ang driver at dinagdagan ko na rin ng tip. Mabilis akong naglakad papunta sa booth ng ticket. Saan ba ako pupunta? Nakita ko ang patalastas sa tv. Nag-advertise sila ng Puerto Princesa. Doon na lang ako pupunta. Bumili ako ng ticket -- one way. Mangilan ngilan lang ang pasahero sa roro. Siguro dahil hindi peak season at isa pa, weekdays ngayon. I am so hungry but the little cafeteria is close. Hindi rin magseserve ng pagkain. Damn! Tubig lang ang laman ng bag ko at kahit 'yon ay kakaunti na rin. Naubos ko na rin ang crackers ko. Nakaramdam ako ng panunubig at nagtungo ako sa banyo. Sadly, sarado ang female bathroom. Ano ba 'yan?! Ang malas malas ko naman ngayong araw na ito. Katabi nito ang panglalakeng banyo. I knocked and no one answered. Wala sigurong tao. Hay salamat! Pumasok ako sa nag-iisang cubicle at saka naupo para umihi ng biglang bumukas ang pinto. Sira din kasi ang lock nito. "Oh sh*t!" Sa katarantahan ko ay hindi ko rin agad naisara ang pintong itinulak n'ya. "Jeez!" Mukhang nagulat rin ang lalake at napako sa kinatatayuan n'ya. "Ano ba? Umalis ka nga d'yan! Nakita mong umiihi ang tao," masungit kong sabi sa kanya. Nang makabawi ay nagsalita ito. "Hoy Miss, either malabo ang mata mo o tanga ka lang talaga -- pang-lalake ang banyo na ito. Anong ginagawa mo dito? Manyak ka ba?!" Tarantado 'tong gago! "Hoy! Hindi malabo ang mata ko, hindi rin ako tanga at lalong hindi ako manyak. Tarantado ka! Nakita mo ba 'yong nakapaskil sa pinto ng kabilang banyo? Sira. Eh saan mo ako gustong paihiin?" The nerve of this guy. "You're cute," biglang bulalas n'ya. "Manyak!" Ngayon ko lang narealize na nakikipagbangayan ako sa kanya habang nakaupo pa rin ako sa toilet. Oh my gosh! It's so embarrassing. Bigla kong isinara ang pinto at saka hinagip ang wet wipes ko sa bag. Narinig ko ang pag-ingit ng pinto, mukhang lumabas s'ya. Mabuti naman! Nang maayos ko ang sarili ko ay naghugas ako ng kamay at saka nag-apply ng sanitizer. Paglabas ko ng washroom ay nakita ko s'yang nakaabang sa labas. "Tapos ka na?" "Malamang, nakalabas na nga eh!" Singhal ko sa kanya. "Sungit mo naman, ikaw na nga ang trespassing sa banyo," natatawang sabi nito. "Tse!" Umirap ako at saka s'ya iniwanan. Naupo ako sa silya malapit sa barandilya at nagmasid sa kawalan. Naisip ko si Daddy. But it's not the time to be soft. May araw din si Helena at Roldan sa akin. Hindi ko makontak si Uncle George -- s'ya ang nag-iisang kapatid ni Mommy at nasa Washington. He's always moving around since he's a navy. S'ya lang ang pwede kong pagkatiwalaan. Itinapon ko na ang sim card ko kanina pero hindi pa ako nakakabili ng bago. Limited rin ang dala kong cash. Hindi ko pwedeng gamitin ang mga bank cards ko. Hindi ko alam kung hanggang saan ang connection ni Roldan. Hayup na 'yon! Kung gusto n'ya si Helena, isaksak n'ya sa baga n'ya. Hindi n'ya kailangang patayin ang Daddy ko. Naputol ang pag-iisip ko ng makaramdam ako ng presensya sa tabi ko. Nang lingunin ko ay ang lalake sa banyo. Na naman. "Madaming upuan, mamili ka huwag lang d'yan," pasuplada kong sabi sa kanya. "Nag-susungit ka na naman. Aalukin lang naman kita ng peace offering." Peace offering? Nang tingnan ko ang hawak n'ya ay cheeseburger. Bigla akong napalaway. "Kunin mo na, sarado ang cafeteria dito at anim na oras ang byahe. Isa pa, ang putla mo na." Kinuha ko ang cheeseburger at mainit init pa 'yon. Nakita ko ang lalagyan, kaya naman pala. "Paano ka?" "May isa pa ako. Dalawa lagi ang binibili ko. May malamig din akong soft drinks dito unless gusto mo ng tubig. Tig-isa lang kasi," napakamot ito sa leeg. "Okay na 'to. May tubig naman ako. Salamat," sunod sunod ang ginawa kong pagkagat sa cheeseburger. Talagang gutom na gutom ako. Kaninang umaga pa yata ako kumain pero puro tinapay lang at tubig hanggang sa naubos na pati crackers ko. "Dahan dahan, baka mabulunan ka. Sabihan mo pa ako ng manyak kapag nagperform ako ng Heimlich sa 'yo," tatawa tawang sabi nito. I rolled my eyes. "Anong pangalan mo?" "Ares Cirillo, ikaw?" Cirillo is Greek. Kaya naman pala hindi ito mukhang purong Pilipino. "Amber." "Do you have a last name?" "Aragon." "Amber Aragon. Nice name, bagay sa 'yo. Tunog artista." Ang huling sinabi n'ya ay nagpatindig ng balahibo ko sa katawan. Sh*t! Did he recognize me? But no one would, malayo ang itsura ko sa sikat na aktres na si Atlas San Diego. Amber is my second name at ang Aragon ay middle name ni Mommy noong dalaga pa s'ya. I didn't want to lie but I need to. Kailangang masiguro ko ang kaligtasan ko kung gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Daddy. Nasaan ka na ba Uncle George? Hindi pa nakuntento sa sinabi n'ya, dinagdagan pa. "Siguro kung pahahabain mo ang buhok mo, makakamukha mo 'yong nasa billboard. Tsaka hindi s'ya ganyan manamit. Glamorosa 'yon eh. Nakalimutan ko lang ang pangalan n'ya," patuloy n'ya. Uminom ng tubig. Napalunok ako. "Crush mo?" Natawa ito. "Oo, ang ganda n'ya. Parang anghel na maldita. Naalala ko na ang pangalan. Atlas San Diego." Tanginang 'to! Mukha daw akong angel na maldita. Kanina, malabo ang mata, tapos tanga, tapos manyak -- ngayong naman anghel na maldita. Namumuro na s'ya sa akin!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.7K
bc

In Love With A Witch

read
256.6K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.9K
bc

Her Beauty In His Eyes (Tagalog-R18)

read
99.7K
bc

'TILL I MET YOU (SPG R-18)

read
335.0K
bc

SPELLBOUND - Masked Bachelors 1

read
81.7K
bc

A Deal With Isaiah

read
2.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook