Chapter Eleven

1619 Words
Hanggang Sa Walang Hanggan Written by: Reyna Ng Ulan Chapter Eleven "Loco, kung mahal mo talaga si Erza ay kayang-kaya mo s'yang patawarin at mahalin ulit," "Wala ka sa kinatatayuan ko para sabihin sa akin ang ganyan, Agustin! Wala kang naiintindihan sa mga pinagdaraanan ko kaya tumahimk ka! Dahil para mong hinihingi sa akin ang napaka-imposibleng mangyari dahil hindi iyon ganun kadali, Agustin! Hanggang ngayon kahit anong pilit kong kalimutan ang lahat, nakaukit pa rin ang sakit! Buo pa rin! Naka-dikit pa rin! Kaya huwag na huwag mong hihilingin sa akin iyan dahil para mong hinihiwalay ang anino ko sa akin! You know what, kung wala ka ng ibang sasabihin ay umalis ka na!" sigaw nito. "Pero Loc…," "Alis!" agresibo nitong sigaw. "Loco kailangan ka ni Erza dahil…," "Dahil ano!? Dahil ano, Agustin?! Dahil ano?!" "Dahil pagsisisihan mo!" sagot nito na s'ya namang ikanalisik ng mga mata ni Loco. "Who the hell are you to tell me that?! Ako ang mas nakakaalam kung may pagsisihan ba ako o wala! It should be me at hindi ko kailangan ang mga salita mo!" matigas na sambit ni Loco. "Alis na, Agustin! Umalis ka na bago pa kita mapatay!" "Pero Loc…," "Alis!" putol nito sa mga nais sabihin ni Agustin. "Sinabi ng umalis ka na! Alis! Layas! Layas!" agresibong sigaw ni Loco habang tinuturo ang bukas na gate. Napa-atras naman si Agustin dahil sa itsura ni Loco ay handa na naman s'ya nitong suntukin. Isang mga malalaking hakbang ang ginawa ni Loco palapit sa lalaki at inilapit ang kanyang mukha sa mukha nito at halos walang isang dangkal na lang ang agwat ng mga mukha nila sa isa't-isa. "Alis!" muling utos nito sa lalaki habang may matutulis na mga titig para rito. "Alis!" pag uulit nito sabay tulak kay Agustin. Malaking napa-atras naman ang lalaki. "Loco makinig ka," aniya subalit tila bingi ito. "Alis!" muling sigaw nito at muling itinulak si Agustin hanggang sa umabot na sila sa labas ng gate. "Loco, mahalaga ang sasabihin ko kaya makinig ka naman!" "Wala na akong gustong marinig mula sa'yo, Agustin. Better take your leave or I will kill you!" mariin at may banta nitong bigkas sabay malakas na isinara ang gate. "Loco! Loco!" sigaw ng lalaki sa labas ngunit nge konting pansin ay hindi ibinigay ni Loco sa dating kaibigan. Kahit anong pag sigaw ang ginawa ni Agustin sa labas ay walang naging mabuting resulta. Matigas si Loco at ayaw nitong magpatinag. Wala itong handang pakingan dahil hanggang ngayon ay nababalot pa rin ng galit at puot ang kanyang puso. Habang si Loco naman ay bumalik sa kanyang mesa at muling tinunga ang kanyang alak. Kasalukuyan namang tuwang-tuwa si Roxanne hawak-hawak ang singsing na nakuha n'ya mula sa pantaloon ni Loco. Ang ganda nito at halatang mamahalin. Namamangha s'ya sa ganda ng singsing at hindi n'ya mapigilang angkinin ito. "Hindi naman ito para sa asawa n'ya dahil wala na namang sila. I'm sure para ito sa akin. His ex-wife should know about this ring. Kung gaano ako kamahal ni Loco," panloloko n'ya sa kanyang sarili. Dinampot n'ya ang phone ni Loco sa ibabaw ng kama. Hinanap n'ya ang pangalan ni Agustin at nagpadala ng mensahe. Agad namang ibinigay ni Agustin ang bagong address ni Erza sa inaakalang si Loco ang nagpadala ng mensahe sa pag-a-akalang handa itong makipag-usap sa asawa . Isang malapad na ngiti naman ang gumuhit sa mga labi ni Roxanne. Kasalukuyang mag-isa si Erza ngayon sa kanyang apartment ng makaranig s'ya ng pagkatok. Akala n'ya ay si Agustin kaya agad n'ya itong binuksan subalit nanlaki lang ang kanyang mga mata ng makitang si Roxanne ang dumating. "Mamimilog na lang ba ang mga mata mo d'yan? Hindi mo ba ako aalukin ng tubig o papasukin na lang?" mataray nitong sambit. "Anong kailangan mo?" agad n'yang tanong sa babae at wala itong pakundangan na pumasok sa loob sabay pasalampak na umupo sa malambot na upuan. Ginawang de-kwatro pa nito ang mga paa. Nilaro-laro n'ya and kanyang daliri and trying to show Erza the ring she's wearing. "Can you see it?" maarti nitong sambit. Habang si Erza naman ay nakatitig lang sa singsing na ipinagmamayabang ni Roxanne sa kanya. "It's a ring, right?" anito. "Do you want to know who gave this to me? It's your husband! Yes it's him! I'm here to show you of how much he love me, nandito ako para sabihin sa'yo na sana tuloy-tuloy na ang paglayo mo and give Loco and I a chance to be happy. Your extra man, Agustin ay pumunta sa bahay ni Loco to convince him na bigyan ka ng chance. So naive you are to manipulate him! Kung ako sa'yo, better stay away from us forever!" maldita nitong sambit na mas matapang pa sa tunay na asawa. Kalmado namang tumabi si Erza sa babae ng kanyang asawa. "See the difference?" palaban na sambit ni Erza sa kabit. " I'm the wife, you are the mistress. Look our situation, sa mga tuno mo ay pinapalabas mong ako ang dispirada. But look at you right now? You are at my place to ask me to be gone forever. Sino sa atin ngayon ang mukhang dispirada?" maangas nitong sambit at halos hindi naman maukit sa bato ang mukha ni Roxanne. "You…!" nangigil nitong sambit kay Erza at taas kilay lang s'yang hinarap ng original na asawa. "Mahal n'ya ako! Mahal ako ni Loco!" anito kay Erza. "Iyan ba ang totoo o panloloko mo lang sa sarili mo?" "I know he loves me, eh Ikaw? Pinalayas ka n'ya dahil hindi ka na n'ya kailangan sa buhay n'ya! Kaya huwag kang umasa na may pag-asa ka pa sa kanya because he's mine!" matigas nitong sambit. "Hindi ko alam kung mahal ako ng asawa ko, Roxanne. Isa lang ang alam kong nararamdaman n'ya sa akin at iyon ay galit. Hindi ko hinihiling na mahalin n'ya ako ulit. Ang gusto ko lang ngayon ay ang mahalin s'ya Hanggang Sa Walang Hanggan gaya ng pinangako ko sa altar kasama s'ya. Kaya ikaw, Roxanne. Umalis ka na dito at itigil mo na iyang kahibangan mo dahil alam mo kung ano at alin ang tunay sa mga sinasabi mo. Kung mahal ka ng asawa ko, sige. Mahal ka na n'ya kung mahal ka nga ba? Or you are just his f*ck buddy? a friend at night? Leave now, Roxanne!" gigil namang tumayo si Roxanne mula sa kanyang kinatatayuan at gustong-gusto pa n'yang mag bato ng masasakit na salita para kay Erza subalit wala s'yang mahagilap na tamang panlaban dito kaya gigil at halos pumutok na ang kanyang ulo sa sobrang init dahil napatalsik s'ya nito ng walang kalaban-laban. Nagmamadaling umuwi si Roxanne pabalik sa bahay ni Loco. Dahan-dahan n'yang binuksan ang gate pati na ang pintuan dahil wala na s'yang naririnig na kahit ano sa loob ng bahay. Tila parang tulog na si Loco o baka nawalan na ito ng ulirat sa kaka-lagok ng alak. Subalit pagkabukas at pagkabukas pa lang n'ya ng pintuan ay sumalubong sa kanya ang matikas na si Loco, nakatayo ito sa harap ng pintuan at nakatitig ito sa kanya. "Saan ka galing?" matikas nitong tanong sa kalaguyo. Habang s Roxanne naman ay naka-nga-nga pa rin ang labi sa pagka-gulat. "A-ah, w-wala. May pinuntahan lang ako," paliwanag n'ya. Natuon naman ang mga mata ni Loco sa singsing na suot-suot ng babae. Kahit dim light na lang ang kanilang ilaw ay hindi pa rin ito nakawala sa mga mata ni Loco. "Why are you wearing that ring?" hindi nasisiyahan nitong sambit. "Nakita ko sa pantaloon mo at nagustuhan ko kaya isinuot ko na," aniya rito subalit ang mga mata ni Loco ay may galit ng makita nitong suot ni Roxanne ang singsing na hindi para rito. "Remove your finger from that ring!" utos n'ya rito. "Ayuko, akin na ito," pagmamatigas nito na s'yang hindi ikinatuwa ni Loco at agresibo nitong hinablot ang kamay ng babae at hinubad ang singsing mula sa daliri nito. "Bakit ba, Loco? Anong problema mo?" naiiritang tanong ng babae na s'yang hindi n'ya kayang sagutin. Basta't Isa lang ang alam n'ya, si Erza lang dapat ang mag susuot ng singsing na iyon dahil binili n'ya ito para sa asawa at walang ibang pwedeng magsuot nito. Bagay na hindi n'ya rin nagustuhan na naging reaksyon ng kanyang sarili. Galit na galit s'ya sa asawa pero bakit tila he still want to keep her? Bakit parang gusto pa rin n'ya itong makapiling? Kahit konting bagay na para rito ay ayaw n'yang pakialam ng iba. Gulong-gulo ang kanyang isipan sabay agresibo n'yang hinablot ang leeg ng babae at sinugod ng mga halik ang mga labi nito. Doon n'ya inilabas lahat ng kanyang galit para sa asawa. Mabilis n'ya ring hinubaran ang babae at nakipag-isa sa katawan nito. Mabilis silang natapos, at kasalukuyang nakaupo s'ya ngayon sa silya habang nakatitig sa babaeng hubad ang katawan. Gulong-gulo pa rin ang kanyang isipan habang nakatitig sa babae. Kahit anong gawin n'ya, kahit anong pakikipag-isa n'ya kay Roxanne ay hindi n'ya kayang maging masaya. Katawan n'ya lang ang naliligayahan at hindi ang puso n'ya. Hindi ang buhay n'ya. "F*ck! F*ck Erza! Why do I still need you in my life? Bakit hinahanap pa rin kita sa buhay ko gayong sinaktan at niloko mo lang ako?!" nagagalit n'yang sambit sa kanyang sarili. Sa kaguluhan ng kanyang puso at isipan ay tinungo na naman n'ya ang mesa na may mga inumin at inilublub ang kanyang sarili sa mga matapang na alak. Umaasa na kahit saglit ay mawala sa kanyang isipan ang asawa at tuluyan na itong mabura. Sa gitna ng pag-iisa kasama ang alak ay binuksan ni Loco ang envelope kung saan naglalaman ito ng annulment papers. To Be Continued! Ang Katotohanan Ay Bukas Na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD