Hanggang Sa Walang Hanggan
Written by,: Reyna Ng Ulan
Chapter Ten
Wala sa sariling binabaybay ni Erza ang kalsada habang panay ang pag punas n'ya ng kanyang mga luha.
Wala s'yang mapupuntahan ngayon at hindi n'ya alam kung saan s'ya pupunta.
Subalit ang mga bagay na iyon ay hindi na mahalaga sa kanya. Ang nais n'ya lang ay ang makapiling si Loco. Her husband is her only home. Ngunit ang taong sinasabi n'yang tahanan ay isinuka na s'ya. Hindi rin naman n'ya ito masisisi dahil alam n'ya ang kamalian n'ya rito. Isang kamalian na walang kapatawaran.
Patuloy lang s'ya sa paghakbang at hinahayaan lang n'ya ang kanyang mga paa kung saan s'ya nito dadalhin dahil sa ngayon ay para s'yang isang baliw na patuloy lang sa pag hakbang habang wala sa sarili at walang direksyon. Loco her life compass, kaya ngayong wala na ito sa tabi n'ya ay tila para s'yang isang ibon na naliligaw ng daan.
Malayo-layo na rin ang kanyang nalalakbay at sa gitna ng kanyang pag-iisa ay may isang kotse ang huminto subalit hindi n'ya ito pinansin.
"Erza?! Erza?!" sambit ni Agustin sabay hablot sa kamay ng babae na tila wala sa sarili nitong katinuan habang naglalakad.
Napaharap naman si Erza sa lalaki sa lakas ng pagka- kahablot nito sa kanya.
"God! Anong ginagawa mo sa kalsada ng ganitong oras sa ilalim ng gabi? Para kang nakikipag- patintero kay kamatayan," alala nitong sambit.
Subalit walang imik si Erza.
"Halika! Pasok ka sa loob," aniya sa babae at wala s'yang pakialam kung sasama ba ito sa kanya o hindi. Basta't ang alam lang n'ya ngayon ang mailayo ito sa kapahamakan.
Dinala ni Agustin si Erza sa isang bakanteng condo n'ya at doon ito pinatuloy.
"Erza, mag usap nga tayo. Pinalayas ka ba ni Loco?"
anito sa hindi natutuwang tinig.
Tumango-tango naman ito bilang sagot.
"Nakita n'ya kasi ang isang milyon na bayad mo sa akin kaya pinalayas n'ya ako," aniya.
Nagpakawala naman ng isang malaking buntong-hininga ang lalaki bago ito nagsalita ulit.
"Hindi mo pa pala ginamit?"
umiling-iling naman ang babae.
"Wala ng magagawa ang pera na iyon sa akin," maiksi at malungkot n'yang sagot na s'ya namang ikina -kunot ng noo ni Agustin.
"Anong ibig mong sabihin?"
Ngunit walang imik na naman si Erza at tumingin ito sa malayo.
"Mabuti pa ang mga ibon, malaya at payapa. Habang ako, hindi ko alam kung makakamit ko ba ang mga bagay na iyan lalo na ang kapatawaran ng asawa ko sa akin. Sa lahat ng naging kasalanan ko sa kanya," aniya rito.
"Erza, tinatanong kita kung anong ibig mong sabihin. Kung bakit wala Ng magagawa ang pera mo sa'yo?" muli nitong tanong at tinignan lang s'ya ni Erza sa mga mata. Mga titig na may nais ipahiwatig at ipaalam. Sa pagtitig n'ya sa mga mata ni Erza na mapupungay subalit nababalot ng lungkot ay kusang nalaglag ang mga luha mula sa mga mata ni Agustin at mahigpit s'yang napayakap rito at lumuha ng lumuha.
Ramdam na ramdam naman ni Erza ang lungkot sa pagkatao ni Agustin, subalit ang mas nararamdaman n'ya ay ang pighati para sa kanyang sarili. Ayaw n'yang may mga taong iiyak dahil sa kanya.
To Agustin cry and tears, ramdam din ni Erza kung gaano s'ya kamahal ng lalaki kaya niyakap n'ya rin ito.
"Huwag ka ng umiyak, wala na tayong magagawa. Bago mangyari ang araw na iyon ay gusto kong humingi ng tawad sa'yo, Agustin," umiling-iling naman ang lalaki habang lumuluhang naka-yakap sa kanya.
"Wala kang kasalanan sa akin , Erza. Wala!" hagulhol nito.
"Meron, malaki," aniya. "Ginamit ko ang pagmamahal mo sa akin para gamitin ka sa sarili kong pangangailangan. Sa sarili kong interes kaya ngayon pa lang ay humihingi na ako ng kapatawaran," dugtong n'ya na hindi naman sinang-ayon ng lalaki habang mahigpit naman itong naka-yakap sa kanya.
"Ako dapat ang humingi ng kapatawaran, Erza. Naging makasarili ako. Naging sobrang makasarili ko! Galit na galit ako sa sarili ko dahil sobrang napaka-makasarili ko. Pinagsamantalahan kita dahil alam kong mahina ka at kailangan mo ako! Dahil mahal kita kaya ko nagawang apakan ang kahinaan mo at hindi ko na alam kung gaano na ba ako kasama sa babaeng pinapangarap ko at mahal na mahal ko mula noon hanggang ngayon. You are weak and you need me kaya I make a deal with you kahit na masasaktan ko rin ang kaibigan ko mapa-sa'kin ka lang! Look how selfish i am? Napaka-demonyo ko! I want you to love me, kasi gusto kong ako ang kasama mo dahil malayo si Loco at hindi ka n'ya kayang samahan. I want you by my side. Ganun ako kadisperadong makasama ka. Akala ko tama ang ginawa ko, pero tama lang pala iyon sa sarili ko," wika ni Agustin habang isinisisi n'ya ang lahat-lahat sa kanyang sarili. "Imbis na tulungan kita ay pinagsamantalahan ko pa ang kahinaan mo, napaka-g*go ko! Napaka-g*go ko!" dugtong n'ya habang galit na galit sa kanyang sarili.
"Patawarin mo ako, Erza. Patawad,"
Ngumiti lang si Erza at niyakap ng husto ang lalaki. Kahit bali-baliktarin ang mundo ay may kasalanan din s'ya rito.
"Tama na, huwag na tayong umiyak," aniya sa lalaki.
"Si Loco, alam na ba ni Loco ang tungkol dito?" umiling-iling si Erza.
"Huwag na natin s'yang abalahin, masaya na iyon. Buhay pa nga ako eh may kapalit na ako," pabiro n'yang sambit subalit hindi n'ya kayang pigilan ang pag patak ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. Biro lang iyon para sa kanya subalit sariling biro n'ya rin ang mananakit sa kanya.
"Ano? May babae si Loco? Erza naman! Wala ka bang balak na sabihin sa kanya ang totoo? Erza, hindi mo ito pwedeng ilihim habang buhay sa asawa mo! "
"Hayaan na natin s'ya, b-baka nga mas mabuti na ito. Iyong kinamumuhian n'ya ako para mas madali na ang lahat para sa kanya," may kirot sa puso n'yang sambit habang patuloy sa pag patak ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
"Erza, itama na natin ang pagkakamali natin! Kailangan malaman ito ni Loco! Kailangan dahil asawa mo s'ya!"
"Hindi! Hindi pwede! Walang dapat malaman si Loco dahil sasaktan ko lang s'ya! Labis ng nasasaktan ngayon ang asawa ko at ayaw kong dagdagan pa," pigil n'ya sa lalaki.
"Erza, nge minsan ba sa buhay mo, minahal mo ako?" lakas loob na tanong niya sa babae.
"Wala akong ibang minahal kundi ang asawa ko lamang alam mo iyan!" buong katotohanan n'yang sagot sa lalaki.
"Sa mga araw ba na nakikipagtalik ka sa akin, talaga bang nasisiyahan ka?"
umiling-iling si Erza.
"Umaarti ka lang diba? Na nasisiyahan ka upang mabilis kong ibigay ang kailangan mo tama ba?"
Walang naging sagot si Erza subalit sa mga mata nito ay nakaukit ang mga kasagutan.
"Kahit hindi mo ako sagutin Erza alam ko. Alam ko ang lahat. Alam kong mahal mo si Loco ng higit pa sa lahat kaya kong mahal na mahal mo s'ya, dapat malaman niya ang tungkol rito!"
"Hindi ko kaya, Agustin. Hindi ko kayang sabihin. Hindi ko kayang makita ang magiging kalungkutan n'ya kapag nalaman n'ya ang lahat kaya wala s'yang dapat malaman kahit konti lang. Wala kahit katiting!" impit n'yang bigkas habang patuloy sa pag agos ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.
"Kung hindi mo kayang sabihin, ako nalang!" walang alinlangan sambit ni Agustin sabay nilisan ang silid.
"Agustin? Agustin huwag! Agustin!" tawag ni Erza sa pangalan ng lalaki habang hinahabol ito. Pero huli na ang lahat dahil mabilis ng nakasakay ang lalaki sa sarili nitong kotse.
Pagkarating ni Agustin sa bahay ni Loco ay panay ang pag doorbell nito, panay rin ang pag sigaw nito at walang pakialam kung skandalo na ang kanyang ginagawa.
"Loco! Loco! Buksan mo ako! Loco!" patuloy na sigaw ni Agustin.
Habang si Loco naman ay pabagsak n'yang ibinaba ang hawak-hawak n'yang isang bote ng inumin.
"Ang kapal naman ng mukha ng hayop na ito para mag wala sa labas ng pamamahay ko!" gigil n'yang sambit sabay agresibong tumayo mula sa silya at agad na tinahak ang gate.
Subalit kabubukas pa lang n'ya ng gate ay isang malakas na suntok na ang lumipad sa kanyang mukha dahilan upang matumba s'ya sa mga bermuda.
Ngumiti si Loco ng napaka-sarkastiko habang pinupunas ang konting dugo sa kanyang ibabang labi.
"Anong ginagawa mo sa asawa mo, Loco?!" galit na galit na bigkas ni Agustin sa kaibigan.
"I see, pumunta ka pala rito para sa babae mo? Para sa kabit mo?" aniya at tumayo mula sa kanyang pagkakabagsak.
"So, how is she? Do she run to you matapos ko s'yang palayasin? Magkasama na ba kayo? Masaya na ba kayo?" wika nito na may bahid ng pagka-puot.
"Hindi ako pumunta para sa kabit ko! Para sa babae ko kundi para sa asawa mo! Para sa babaeng pareho nating minahal!" anito sa malakas na boses subalit isang ngisi lang ang isinagot ni Loco sa lalaki.
"At ano ang pakay mo rito? Alam mo, Agustin. Kunin mo ang asawa ko dahil wala na akong pakialam sa kanya! Kahit katiting na pakialam ay binura ko na!" mariin nitong tugon.
"Mahal ka ni Erza, Loco! Oo at may nangyari sa amin pero hindi n'ya kagustuhan iyon! Pinagsamantalahan ko lang ang kahinaan n'ya at pangangailangan n'ya! Kung may makasalanan man sa aming dalawa ay walang iba kundi ako!" kumonot naman ang noo ni Loco sa mga sinabi ni Agustin sa kanya na may pagtataka.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Oo aaminin ko, pinagtaksilan ka ng asawa mo gamit ang katawan n'ya! Pero nge minsan ang puso n'ya ay hindi nagtaksil sa'yo kahit kailan!" dugtong nito.
"Ano bang pinagsasabi mo? Balak mo bang paikotin ang ulo ko gaya ng ginawa n'yo sa akin dati?!"
"Loco, alam kong mahal na mahal mo si Erza at mahal na mahal ka n'ya! Ang mga nagawa n'yang kasalanan sa'yo ay may dahilan! At ang pinaka-iniisip n'ya ay Ikaw! Kahit sa mahirap n'yang sitwasyon ay ikaw pa rin ang iniisip n'ya! Ayaw ka n'yang saktan dahil mahal ka n'ya! Dahil mahal na mahal ka n'ya! Kahit na mali ang pinili n'yang paraan ay ginawa n'ya pa ring solusyon upang hindi ka lang masaktan! Napakaswerte mo sa asawa mo, Loco. Babaeng handang gawin ang tama pati ang mali para sa'yo! At ang lahat ng ''yon ay dahil mahal ka n'ya! Dahil sobrang mahal ka n'ya!"
"W-what? Naririnig mo ba ang sarili mo? Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi mo, Agustin?" nagugulumihanan wika ni Loco sa mga walang katuturang mga katagang binitawan ni Agustin.
To Be Continued!