Hanggang Sa Walang Hanggan -1
Hanggang Sa Walang Hanggan
S'ya si Loco, a seaman. His a newlywed man pero kailangan n'ya na agad malayo sa piling ng kanyang asawa dahil sa uri ng kanyang piniling trabaho. He doesn't want to be away from her especially since they are just in their honeymoon stage. Dapat nasa tabi s'ya ng asawa at pinaparamdam kung gaano n'ya ito kamahal. And he wants to feel the love of his wife too. Ayaw na ayaw n'yang malayo sa kanya dahil alam n'yang kapag nakasakay na ulit s'ya sa barko ay matagal na naman bago nila makapiling ang isat-isa.
It's been six months now that he is away from his wife.
Loco loves his wife so much, his love for her is forever. Erza his wife is his long time girlfriend since high school . He never cheated on her ever since at ang pagmamahal na kanyang binigay rito ay hindi nagbabago, bagkus ay mas tumitingad pa ang kanyang pag-ibig rito. Para kay Loco ay si Erza ang pinaka-masaya at pinaka-tamang nangyari at biyaya sa kanya sa buong buhay n'ya, she's like a shining diamond for him that he treasure a lot. Wala s'yang mahihiling pa mula sa itaas kundi ang magkaroon ng pamilya. Ang magkaroon ng isang anak mula sa dugo at at laman n'ya at ng kanyang kabiyak. Kapag nangyari iyon ay s'ya na 'ata ang pinaka-masayang tao sa balat ng lupa.
He was in the middle of his happy moment ng biglang nakarinig s'ya ng isang pag iyak mula sa kanyang kasamahan. Lima sila ngayon na nakahiga sa isang kwarto dahil off duty na nila and time for their sleep.
Napabangon s'ya mula sa kama at agad na pinansin ang kaibigan.
"Hoi, Lex! Anong problema mo?" nag aalala n'yang tanong sa kaibigan at tinabihan ng upo sa gilid ng kama.
Patuloy pa rin si Lex sa pag hingos at panay ang pag pahid nito sa kanyang mga luha, sa itsura nito ay tila may mahirap itong pinagdadaanan.
Bumangon din ang iba nilang mga kasamahan at umopo sa kani-kanilang higaan.
"Oo nga, Lex. Anong problema mo? Tayo na lang ang pamilya dito kapag nasa barko tayo. Kaya huwag kang mahiya na mag sabi sa amin," sabi ni Randy.
"Oo nga Kuya Lex. Makikinig kami sa'yo, nandito lang kami para sa'yo," " dugtong naman ni Airon na s'yang pinaka-bata sa lahat.
"Naku, sigurado ako! Tungkol sa pamilya mo ang problema mo, Lex. Kung hindi ako nagkakamali," sambit naman ni Al na s'yang pinaka-may edad sa lahat.
Humagulgol ng hagulgol si Lex at tinapik-tapik ni Loco ang balikat nito upang iparamdam ang kanyang pag damay.
"T-t-tumawag ang mama ko kanina,"
Pag-uumpisa pa ni Lex sa kanyang sagot subalit halata na sa tinig nito ang sakit at paghihirap ng kanyang dibdib. Konti pa lang ang binibigkas nito ay para na itong pumipiyok sa pagsasalita. Ramdam ng bawat isa sa kanila ang hinaing nito.
"S-sabi ni mama, a-ang asawa ko ay may ibang kinakasama. A-ayaw ko pa nga sana maniwala eh d-dahil asawa ko iyon eh, alam kong hindi ako magagawang lokohin ng asawa ko. P-pero may litratong ipinadala sa akin. A-ang s-sakit mga tol," impit nitong hikbi sa harap ng lahat. "A-ang sakit, sobrang sakit ng mga nakita ko dahil totoo ang sinasabi ng mama ko. May ibang lalaki na nga ang asawa ko! Hayop s'ya! Manloloko! Salawahan at walang puso! Hindi man lang n'ya inisip ang kapakanan ng aming binuong pamilya! Ang mga anak namin! Ang hirap ko at pagtitiis ko mabigyan lang sila ng magandang buhay at magandang bukas sa hinaharap. Para n'ya akong ginawang g*g*! Tanga! A-ang masaklap pa, lumayas na ang asawa ko sa bahay namin dala ang mga pera naming inipon pati na ang dalawa naming anak! Inilayo n'ya ang mga anak ko sa akin! Walang hiya s'ya! Walang awa! Hindi na s'ya naawa sa akin! Hindi n'ya pinahalagahan lahat-lahat pati ang paghihirap ko!" puno ng sakit na may halong galit na sambit ni Lex tsaka humagulhol ng hunagulhol sa harap ng kanyang mga kasamahan. Bawat isa sa kanila ay nakikiramay sa nararamdaman ng kasamahan nilang si Lex. Hindi na kasi kasamahan lang ang turing nila sa isa't-isa kundi kapatid at kapamilya.
" Malapit na ang baba natin, pinapauwi ka ba ni sir?" tanong ni Al.
Tumango-tango naman si Lex.
" Oo, mauuna akong bababa sa inyo. Isang buwan, binigyan ako ni sir ng isang buwan para ayusin ang pamilya ko," sagot n'ya.
Bumuntong-hininga si Al.
"Ma-swerte lang tayo sa manager natin dahil pag dating sa pamilya ay agad s'yang tumulong sa atin. Kailan na ang alis mo, bukas ba? Saktong nasa port na tayo," dugtong n'ya.
"Oo, bukas na bukas din ay uuwi na ako, kailangan kong ayusin ang pamilya ko mga pre, sa totoo lang hindi ko alam kong saan ako magsisimula at kung may pag-asa pa bang maayos ang pamilya ko. Para sa mga anak ko na lang, ayaw ko silang lumaki ng walang maayos na pamilya gaya ko. Ayaw ko silang matulad sa kinalakihan ko,," sagot ni Lex na patuloy pa rin sa pag hingos.
"Lex, parti sa buhay natin ang mga hamon sa buhay lalo na pag dating sa pamilya. Pamilya talaga ang pangunahing problema natin dahil nalalaya tayo sa kanila. Ayusin mo iyan kung kaya pang habulin at ayusin. Baka magaya ka sa akin," wika ni Al at napatingin ang lahat sa kanya.
"Oy, dahan-dahan lang sa pag tingin sa akin. Ikwe-kwento ko na," dugtong n'ya.
"Pamilyadong tao rin ako kagaya ninyo at dumaan din ako sa pagsubok na ganyan.
Isang araw sa pag uwi ko noon sa asawa ko, nahuli ko ang misis ko na may katalik na iba. Ang mas malala pa ay ninong pa ng mga anak ko. Syempre masakit, halos mabaliw ako noon, pero sinubukan ko pa ring ayusin. Pero hindi na kaya, ang tiwala ko pati na ang pagmamahal ko ay biglang nawala at naglaho noong niloko n'ya ako at gonago. Hindi na kami naging maayos kaya lumaking parang ulila ang mga anak ko. Malayo sa ama at iniwan ng ina at sumama sa iba na namang lalaki. Kawawang mga bata. Ang tanging magagawa ko na lang ay bigyan sila ng magandang buhay dahil bigo akong ibigay ang tahanan na dapat ay sa kanila" nalulungkot at naluluhang sambit ni Al na halatang nagpipigil ng mga luha sa harapan ng lahat.
"Ako nga rin," singit ni Randy.
"Noong umuwi rin ako sa asawa ko galing barko, gulat na lang ako na buntis s'ya. At paanong ako ang magiging ama eh sampung buwan hindi kami nagkikita.
Binuntis pala s'ya ng best friend n'ya," umiling-iling na wika ni Randy.
"Ako nga rin kuya," tugon naman ni Airon.
"Huling baba ko sa barko uuwi na sana ako sa fiance ko upang magpakasal dahil naipadala ko naman ang perang kailangan. Pero pag uwi ko, sa iba pala ikinasal ang fiance ko. Ang mas pangit pa ay pera ko pa ang ginamit n'ya,"
Kwento nilang tatlo sa mga sarili nilang karanasan.
"Ang hirap naman ng pinagdaanan ninyong apat. Mabuti at maswerte ako sa asawa ko. Alam kong hindi n'ya magagawa sa akin ang mga bagay na iyan sa akin," nakampanting sagot ni Loco sa lahat na may buong tiwala sa asawa.
"Loco, huwag ka masyadong pakampanti," sabat ni Al. "Ganyan na Ganyan din ang sinabi ko sa sarili ko noon bago ako iniputan sa ulo ng asawa ko. At batid kong sila rin," aniya at ang mga kasamahan nila ang tinutukoy nito.
"Hindi sa tinatakot ka namin, Loco. Ang amin lang ay sana maging handa ka sa lahat ng hamon,"
Kasalukuyang nakatayo ngayon si Loco at titig na titig sa alon ng dagat at tila ay may malalim itong iniisip na agad namang napansin ni Al kaya agad s'yang nilapitan nito.
"Loco, ang layo ng iniisip mo ah! Ano ba yun?" tanong nito kay Loco.
"Wala ito," maiksi sagot n'ya rito.
"Sabihin mo na,"
Bumuntong-hininga si Loco pinakamalalim bago sumagot.
"Ano kasi, hindi na ako mapalagay simula noong nag usap tayong lima tungkol sa mga pamilya natin. Laging sumasagi sa isip ko ang asawa ko. Lalo na, na-kwento ni Ina sa akin noon na panay ang paglabas ni Erza sa bahay namin," nangangamba n'yang sagot.
"Hay naku, Loco! Masyado mo lang dinamdam ang pag uusap natin. Walang masama sa panay paglabas ng asawa mo. Wala kayong anak at wala ka sa tabi n'ya kaya nababagot siguro iyon sa bahay n'yo. Maaaring rason n'ya para sa palaging paglabas mula sa pamamahay ninyong dalawa," tugon ni Al. "Pero para mas makampanti ka ay tumawag ka sa asawa mo at tanungin mo s'ya tungkol d'yan sa iniisip mo," dugtong nito.
At ganun nga ang ginawa ni Loco. Pagkarating nila sa port ng Europe ay agad n'yang tinawagan ang kanyang asawa. Malaking barko ang pinagtatrabahuhan ni Loco at may sarili itong signal kaya nakakatawag s'ya sa pamilya n'ya anumang oras.
Mabilis namang sinagot ni Erza ang tawag mula sa asawa.
"Hon, kamusta ka? Miss na miss na kita. Kailan ka uuwi?" bungad sambit nito sa asawa.
Parang naibsan naman ang mga pangamba ni Loco sa loob ng kanyang isipan. Sa tuno kasi ng asawa n'ya ay para namang wala itong inililihim sa kanya.
"Malapit na, hon. I love you hon. Sobrang miss na miss na kita. Gusto ko ng makita ka ulit, mayakap at mahalikan ka. Sobrang miss ko na ang mga yakap mo sa akin," matapat n'yang tugon sa asawa.
"Hon, naipadala ko na pala ang pera kahapon. Nakuha mo na ba?" dugtong n'ya.
"Oo, nakuha ko na. Eh, hon, ano kasi, ubos ko na ang pera mo," malumanay n'yang sagot sa asawa.
"Ano kasi hon. Iwan ko ba, panay kasi ang paglabas ko ngayon sa bahay," dugtong nito.
Sa mga isinambit ni Erza ay tuluyan na ngang nabunutan ng tinik si Loco sa kanyang lalamunan. Nalinis sa isang iglap ang kanyang agam-agam. "Panay kasi shopping ko sa labas, kapag namimiss kita sa shopping ko nalang binubuntong ang lahat para maiwasan ko ang lungkot. Hindi ko na nga alam paano ko gagamitin ang lahat ng ito eh. Basta bili lang ako ng bili. Isa pa, binayad ko sa utang ang iba mong pera. Sabi ko kasi sa'yo noon na huwag masyadong engrandi ang kasal natin eh. Masaya na ako sa simple. Two million kasi ang kasal natin, one million pa ang utang," sabi ng asawa ko na parang sinisisi pa n'ya ako na binigyan ko s'ya ng engrandeng kasal.
"Hon, isang beses ka lang ikakasal kaya I want you to have a best wedding you deserved," malambing n'yang sagot sa asawa "I will send more later para sa pang gastos mo d'yan, shopping all you want. I don't care as long as you are happy and safe," dugtong nito.
Napangiti naman si Erza sa kanyang asawa.
"I love you hon," malambing n'yang tugon.
"I love you too, kailangan ko na muna mag trabaho. Mag ingat ka d'yan, ha?" huling sambit ni Loco bago tuluyang nagpaalam sa asawa.
Matapos makipag usap ni Loco sa asawa ay biglang gumaan ang kanyang dibdib. Nawala ang pagdududa sa kanyang isipan. Sa wakas ay nakabalik na ang utak n'ya sa dati at malaya mula sa mabigat na isipin.
Habang sa kabilang banda naman pabagsak na ibinaba ni Erza ang kanyang phone sa sofa at tinignan ng maigi ang mga binili n'yang mga sapatos at damit.
"Hay! Paano ko gagamitin lahat iyan?!" stress n'yang sambit sa kanyang sarili at hinilot-hilot ang kanyang ulo. "Bakit ko ba kasi binili ang mga iyan?" dugtong n'ya.
"Hindi mo na kailangan suotin ang mga iyan, Erza. Dahil huhubaran lang naman kita," malamyos na wika ni Agustin sa babae at agad na niyakap si Erza.