Hanggang Sa Walang Hanggan
Written By: Reyna Ng Ulan
Chapter Twelve
Umabot sa limang beer na ang nainom ni Loco at langong - lango na s'ya sa alak.
Wala sa sarili s'yang tumayo mula sa kanyang kina-u-upuan at inihakbang ang kanyang mga paa palabas ng gate at menaneho ng wala sa puwesto ang kanyang kotse dala-dala ang annulment papers para sa asawa.
"Erza, Erza," sambit n'ya habang nagmamaneho at halos maging isang linya na lang ang guhit ng kanyang mga mata dahil sa kalasingan at antok. Tinatahak n'ya ang daan kung saan may gusto s'yang puntahan.
Kasalukuyang nakahiga na si Erza ng makarinig s'ya ng isang katok mula sa kanyang pintuan.
"Ano ba itong Roxanne na ito! Ang hirap kausap!" aniya sa kanyang sarili at labag sa loob na tumayo mula sa kama.
Nayayamot n'yang binuksan ang pintuan ng biglang bumalandra sa kanyang mga mata ang taong hindi n'ya inaasahang makita. Ang lalaking mahal na mahal n'ya at ang lalaking nagpalayas mismo sa kanya walang iba kundi ang kanyang asawa.
"L-loco?" nauutal n'yang sambit ng makita ang asawa.
"Tama! Ako nga!" ganado nitong sambit at hindi mo mawari kung natutuwa ba ito o nang-iinis.
"Ano ang nangyari at naparito ka? Lasing na lasing ka pa," aniya rito.
"Ako? Lasing? Hindi. Hindi ako lasing ano ka ba. Bakit ba ako nandito? Tinatanong pa ba iyon?" anito at pasuray-suray na pumasok sa loob ng kwarto at nahiga sa kama ni Erza.
"Halika dito asawa ko! Halika, tabihan mo ako!" utos nito sa asawa. Sinunod naman ni Erza ang lasing upang walang gulo at walang maingay.
"Higa ka, higa," muling utos nito habang nakapikit ang mga mata.
Humiga naman si Erza sa tabi nito at kung animo'y walang ingat nitong niyakap ang kanyang asawa ng sobrang higpit. Mga yakap na nangungulila para sa isang taong napaka-halaga para rito.
"Why am I here?" halos bulong nitong sambit.
"Gusto ko lang naman umuwi sa asawa ko. Gusto ko lang naman umuwi sa bisig mo kung saan ako nabibilang. Gusto lang kitang maramdaman ulit. Gusto kong umuwi sa tahanan ko at Ikaw iyon," anito sabay humilik ng napaka-lakas na akala mo ay napaka-kumportable nito sa tabi ng asawa.
Napangiti naman si Erza sa mga isinambit ng asawa n'ya sa kanya. Labis na tuwa at ligaya ang kanyang nararamdaman ngayon dahil mahal pa rin pala s'ya ng asawa n'ya kahit papano. Walang katumbas na ligaya ang natatamasa ni Erza sa gabing ito. Pati ang mga yakap ni Loco ay tila binilanggo s'ya nito at ayaw s'ya nitong pakawalan kahit kailan.
Nahulog sa masaya at mahimbig na pagkakatulog ang mag-asawa subalit lahat ng saya ay panandalian lamang.
Putok na ang araw at kasalukuyang nakaupo ngayon si Erza sa kama katabi ng kanyang asawa habang pumapatak ang mga luha nito mula sa kanyang magagandang mga mata while reading the papers.
"Nabasa mo na pala," wika ni Loco na kagigising lang . Bumangon ito sa kama at tinitigan ang mukha ng umiiyak n'yang asawa na tila ba ay nakalimutan na nito ang mga isinaad n'ya kagabi.
"I want freedom from you, Erza," dugtong nito.
"No!" matigas na sagot n'ya rito while crying heavily.
"Hindi ako papayag! Hindi mo pwedeng gawin ito sa akin, Loco!? Bakit mo ba ito ginagawa sa akin, ha?" hagulhol n'ya sa harap nito.
" Bakit ko ginagawa? Because I want my freedom from you! Gusto kong putulin ang koneksyon natin sa isat-isa! At Ultimo pati sa papel na iyan ay ayaw ko ng maging asawa ka!" wika nito na s'yang lubos ba ikinasakit ng buong puso ni Erza. Para s'yang tinutusok-tusok ng maraming karayum at para s'yang sinusuka ng mundo. Sobrang bigat at sakit ng kanyang nararamdaman dahilan upang mag total break down s'ya sa harap ng kanyang asawa na halos mawalan na s'ya ng ulirat ka- iiyak.
"Ayuko! What are you fighting for, Loco? Your freedom? Bibigyan kita ng kalayaan kahit masakit! Kahit sobra ang hinihiling mo pero hindi kita papayagan na hiwalayan ako!" aniya sa lalaki habang panay ang pag agos ng mga luha mula sa kanyang mga mata.
"What am I fighting for? I'm fighting for my escape from you! From this mistake, marriage with you! I want a happy life and I will be happier without you!" isang masakit na salita na naman na halos ikamatay na naman ni Erza.
"Ayuko!" matigas na tutol ni Erza. "Mambabae ka sige! Okay lang! Pero huwag na huwag mong ihiwalay ang apelyido mo sa pangalan ko! Because I want to be your wife ! Gusto kong maging asawa mo hanggang sa dulo! Gusto kong tuparin mo ang pangako mo sa akin sa harap ng altar that I will be your wife forever! I want to be your wife , Loco. Ako lang ang magiging asawa mo at wala ng iba! Kung you are fighting for your freedom, i'm fighting for my right as your wife!" mariin n'yang sambit.
Inis namang kinuha ni Loco ang ballpin mula sa maliit na mesa at sapilitan itong pinahawak kay Erza.
"Hold it! Hold it!" utos nito.
"No! Ayuko! Ayuko!" hagulgol ni Erza at ayaw na ayaw n'yang madampi sa kanyang balat ang katawan ng ballpen.
"I said hold it! F*ck! Sign it, Erza! Sign it!" pagpipilit nito sa asawa.
"You can't do this to me, Loco! No! Ayuko! Hindi mo maaaring gawin ito sa akin, Loco! Hindi! Hindi!" patuloy n'yang pagluha.
",And why not? Huh? Why not?"
"Dahil may sakit ako!" pagbubunyag n'ya at natigil naman si Loco sa pagpipilit sa kanyang asawa na pirmahan ang papel.
Tila parang huminto ang mundo ni Loco sa kanyang narinig.
"W-what? S-say it again?" nagugulumihanang tanong nito sa asawa.
"May leukemia ako, Loco! May sakit ako!" tuluyang pag-amin ni Erza sa kanyang asawa subalit tinawanan lang s'ya nito ng sobrang lakas na akala mo ay kinikiliti ito.
"P-paano ka mag kaka-sakit eh ang lakas-lakas mo! Ano ito, drama?" aniya habang humahagalpak sa tawa.
"It's true, Loco, may sakit ako!" mariing bigkas ni Erza. Sa tuno n'ya ay kinukumbinsi n'ya ang kanyang asawa na totoo ang lahat ng sinasabi n'ya subalit muli lang s'ya nitong tinawanan.
"Are you f*cking serious?" tawang-tawa pa rin nitong sambit.
"How could you be sick kung malakas ka pa ngang makipag-isang katawan sa hayop kong kaibigan!" patuloy nitong tawa.
"Look, look at you! You are good, namayat ka nga lang dahil panay pagamit mo kay Agustin! Tsaka, look at you! Ang may leukemia na tao ay nalalagas ang buhok at tignan mo nga iyang buhok mo! Halos wala ngang bawas eh," patuloy nitong sambit sabay hablot n'ya sa buhok ng asawa subalit laking gulat n'ya ng sumama ang buhok nito sa kanyang kamay at bumalandra sa kanyang harapan ang ulo ng kanyang asawa na halos maubusan na nito ng buhok.
Tila parang pinagsakluban ng langit at lupa si Loco. Kay tagal pumasok sa kanyang isipan ang kung ano ang nakikita ng kanyang mga mata. Ang kanina ay tuwang-tuwa ay naging pepe habang titig na titig ito sa nakakalbo at lumuluha n'yang asawa.
"E-erza?" nauutal n'yang sambit na animo'y hirap na hirap bangitin ang pangalan ng asawa. Pagkabigkas n'ya sa pangalan ng asawa ay agad na namula ang kanyang mga mata at handa ng tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. It seems like he's dreaming and he wants to be awake immediately. It's not a good dream.
"May sakit ako, Loco," muling bigkas ni Erza sabay agos ng malalaking butil ng mga luha mula sa mga mata ni Loco.
"Isa lang ang hinihiling ko sa'yo bilang asawa mo. Hayaan mo akong dalhin ang apelyido mo at huwag mo itong ipagkait sa akin dahil wala akong balak na ilayo ang pangalan ko na karugtong ang pangalan mo. Gusto kong maging asawa mo, Loco. Iyan lang naman ang hinihiling ko. Kahit huwag mo na akong mahalin, huwag mo lang kunin ang ibinigay mo na sa akin. Iyon na lang kasi ang akin. Kahit masakit, kahit mahirap, payag ako na magkaroon ka ng ibang babae sa buhay mo. Basta't ako lang ang asawa mo, ako pa rin ang pinakasalan mo at wala ng iba. Kahit sa papel na lang ako, Loco. Kahit doon lang naman sana ay akin ka pa rin, kahit iyon na lang. Kahit sa papel na lang, Loco. Kahit doon na lang ako magkaroon ng katapatan. Kahit iyon lang, Loco. Kahit iyon lang,"
pagmamakaawa n'ya sa asawa at halos lumuhod na s'ya sa harap nito upang huwag lang nitong paghiwalayin ang ipinagsama nilang mga pangalan na s'yang simbolo ng matindi nilang pagmamahalan noon.
"W-why? B-bakit?" bigkas ni Loco sabay patak ng mga luha mula sa kanyang mga mata habang litong-lito ang kanyang utak. Gulong-gulo why his beautiful wife fading her beauty now? At bakit hindi n'ya ito alam?
"Why didn't you tell me the truth, Erza?! Why did you hide it from me?! Why do you keep it from me?!"
"Dahil natakot ako! Natatakot akong makita kang nasasaktan! Takot akong makita na hindi mo na kayang ngumiti! All I want for you is to live your life without thinking na may asawa kang may sakit! Na may asawa kang inutel! Ayuko kong makita kang nahihirapan kaya itinago ko ang lahat! Kaya mas pinili kong pasanin ito ng mag-isa kahit mahirap!"
"P*tang Ina, Erza! Sino ba ako para sa'yo?! Asawa mo ako at sa lahat ng dapat unang makaalam ng lahat tungkol sa'yo ay walang iba kundi ako! I'm your f*cking husband, Erza! Iam your husband!"
Ipagpapatuloy!