Hanggang Sa Walang Hanggan
Chapter Nine
Sunod-sunod ang pagagos ng mga malulusog na luha mula sa mga mata ni Erza. Sobrang sakit ng kanyang nakikita, sobrang nakakabingi ang bawat ungol na kanyang naririnig.
Habang si Roxanne naman ay mas lalo pa nitong pina-sexy ang kanyang itsura habang minamaneho si Loco upang ipakita kay Erza na wala itong laban sa kanya. That Loco is totally her already. That she owned Loco now.
Kinagat ni Erza ang kanyang ibabang labi habang umaasa na maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. Nais na n'yang tumakbo palayo mula sa maingay na ungol ng dalawa subalit tila walang lakas ang kanyang dalawang mga paa upang gawin iyon. Nangangatog ang mga ito at nais ng bumigay. Muli n'yang sinubukang ihakbang ang kanyang mga paa subalit kahit anong pilit n'ya ay wala talaga s'yang lakas upang gawin ang kilos na iyon. Tila iniwan na s'ya ng kanyang enerhiya. Wala s'yang nagawa kundi ang mapa- daos-dos sa pader at doon impit na umiyak ng umiyak. Iniluha n'ya ang lahat -lahat ng sakit na kanyang natatamasa. Para s'yang unti-unting pinapatay at pinaparusahan sa lahat ng kanyang mga naging kasalanan. Subalit
sa lahat ng sakit na nadarama ay hindi n'ya magawang magalit para kay Loco. Bagkus ay sinisisi n'ya ang kanyang sarili dahil sa kanyang sariling kahinaan at kasalanan kaya sila dumadaan ng kanyang asawa sa ganitong pagsubok.
Matapos magpa-sarap ni Loco ay pinaglutuan n'ya ng masarap na pagkain si Roxanne. Kahit galit na galit s'ya sa kanyang asawa na si Erza ay hinahanap pa rin ito ng kanyang mga mata ngunit hindi n'ya ito makita sa paligid ng bahay.
"Wow! Mukhang masarap lahat ah," Nanghihinam na sambit ni Roxanne at excited na itong tikman ang inihanda ni Loco para sa kanya.
"Enjoy your food darling, may sisilipin lang ako." Bigkas n'ya sa babae.
"Alright." tugon naman nito at nawiwili na sa paglantak ng mga pagkain.
Habang si Loco naman ay tinahak n'ya ang silid ng kanyang asawa. Napapa-isip kasi s'ya kung ano na ang nangyari rito bakit hindi n'ya ito nakita halos buong araw.
Habang si Erza naman ay umiinom ng medisina.
"Erza?" tawag ni Loco sa pangalan ng asawa.
Nagulantang naman si Erza sa pagtawag na iyon.
Tarantang dali-dali n'yang ininom ang panghuli n'yang gamot at mabilis na ipinasok ang mga ito sa lagayan sabay bumukas ang pintuan.
"L-l-loco," Nauutal n'yang bigkas sa pangalan nito at itinago sa kanyang likuran ang mga medicina na hawak n'ya. Labis na kaba ang namayani sa buong pagkatao n'ya at tila parang istatwa s'yang nakatayo sa isang sulok. Natatakot s'ya na baka malaman na ni Loco ang pinaka- tago-tago n'yang lihim.
"Ano iyang sa likuran mo?"
"S-sa likuran? Wala ito, hindi mahalaga,"
"Okay. Go out at kumain ka na," Matigas nitong sambit. Akmang tatalikud na sana ito ng may nasagi ang paningin nitong isang medisina na nakalatag sa kama na tila nakalimutan ni Erza kunin at itago.
"Ano ito?" tanong nito sabay dampot ng isang pack ng gamot. Taranta namang inagaw ni Erza ang medisina mula sa kamay ni Loco dahilan upang hindi na nito mabasa pa kung para saan ang medisina'ng iyon. Subalit hindi nakaligtas sa mga mata ni Loco ang pasa ng asawa dahil umangat ng konti ang sleeve nito.
"Is that because of me?" tanong ni Loco sa kanyang sariling habang hindi n'ya maiwasang mahabag para rito. Kung ang pasa nito ay galing nga sa kanya ay hindi n'ya mapapatawad ang kanyang sarili.
"What am I thinking? I didn't mean to hurt her. Kung tutuusin ay wala nga lang iyan sa lahat ng mga kasalanan n'ya sa akin. That was nothing kumpara sa ginawa n'yang pagtataksil sa akin!" dugtong n'ya at pilit na kinalimutan ang natural at labis n'yang pagmamahal para sa kabiyak.
"W-wala, w-wala ito," kumbinsi n'ya sa lalaki at pinilit na ngumit sa harapan nito sa ilalim ng matinding pagkabog ng kanyang dibdib.
"Anong gamot iyan? Para saan iyan? At bakit ka may gamot dito sa loob ng kwarto? Ano iyang itinatago mo sa likuran mo?" kunot noo nitong usisa. "May tinatago ka ba sa akin?" Dugtong pa nito na s'yang mas nagpa-pintig ng husto sa puso ni Erza.
Paano na n'ya lulusutan ito kapag nagpatuloy pa ito sa pang-u-usisa sa kanya?
"W-wala. P-p-paracetamol ito. M-medyo masama kasi a-ang p-pakiramdam ko k-kaya u-uminom ako ng isa. May sinat pa siguro ako. T-tsaka n-normal lang siguro sa isang tao na mag imbak ng gamot sa kwarto diba? A-alam mo na, baka biglang may trangkaso na darating o lagnat, d-diba? Kaya mas mainam na ang may gamot sa bahay In case of emergency, diba?" utal-utal n'yang sagot sa kanyang asawa sabay ngumiti ng napaka-fake upang itago ang katotohanan mula rito.
"Okay, sabi mo eh." turan nito at hindi na nag usipa pa at tumalikod na ito sa kabiyak.
Akmang lalabas na ito sa pintuan ng may naapakan s'yang isang papel na umagaw sa kanyang attention. Takang pinulot ito ni Loco.
"Ano ito?" tanong nito at dali-dali na naman itong hinablot ni Erza mula sa kamay ni Loco subalit bigo s'yang makuha ito.
Habang si Loco naman ay nagdikit na naman ang mga kilay nito habang binabasa ang konting naka-sulat sa papel sabay tapon ng mga nanlilisik na mga tingin sa kanyang asawa. Si Erza naman ay muling nabuhay ang takot sa kanyang sarili dahil sa napaka-samang tingin ng kanyang asawa sa kanya.
"So this is the reason why you cheated on me?!" mabagsik at malakas nitong sambit habang inihahakbang ang kanyang mga paa palapit kay Erza habang ang mga tingin nito ay nanunulis at nagliliyab sa galit.
"For money?! For this f*cking money!" Dugtong nito.
Sa bawat pag hakbang naman ni Loco ay tila parang istatwa lang si Erza na nakatayo sa kanyang kinatatayuan at naghihintay sa lapain ng Lion.
"L-loco, hindi sa ganon. Hindi dahil sa pera," Paliwanag n'ya rito pero tila parang bingi si Loco at naka-fucose lang ang paniniwala nito sa kung ano ang kanyang nakikita.
"And what is your damn f*cking reason? What?! What is it? Tell me!" Anito at nagsisimula ng maging bakulaw ang tinig nito. Subalit walang kahit anong paliwanag ang lumabas mula sa mga labi ni Erza kundi ang pag patak lang ng mga luha nito.
"Wala? Wala kang maisagot dahil bistado ka na? Na maluho ka at hindi mo kayang makuntento sa kung ano lang ang kaya kong ibigay ganon ba?!"
"Loco, hindi ganon, maniwala ka hindi ganon. Kuntento ako sa mga ibinigay mo maniwala ka," tugon n'ya na s'yang inilingan lang ng asawa.
"Lier!"
"L-loco hindi sa ganon," Patuloy n'yang kumbinsi sa asawa at gustong-gusto na n'yang sabihin ang totoo n'yang dahilan rito subalit nanaig pa rin sa kanya na ilihim dito ang lahat. Ayaw n'yang masaktan si Loco. Alam n'ya sa sarili n'ya na kapag isiniwalat na n'ya ang katotohanan ay masasaktan lang ng labis ang kanyang asawa.
"Don't you ever f*cking lie to me, Erza!. A-ano pa bang gusto mo?" nagugulumihanan wika nito. "What are you going to do sa ganito kalaking pera? To buy a car? I gave you car. To buy a house? I build house for you. What more? Saan ba talaga ako nag kulang para lokohin mo ako ng ganito para sa pera! Para ba sa luho?! F*ck! F*ck! F*ck!" Pagmumura nito na tila ay masisiraan na ito ng bait.
"I'm sorry, I'm sorry, Loco. I'm sorry," Tanging sambit n'ya at hindi n'ya alam kung paano magpaliwanag sa asawa. Habang awang-awa s'ya sa itsura ng kanyang asawa ay gustong-gusto na talaga n'yang lumaya mula sa kanyang lihim at sabihin ang lahat rito subalit nasasaktan na ito ngayon at hindi na n'ya ito kayang saktan pa. Hindi n'ya kaya.
Akmang yayakapin n'ya ang kanyang asawa ng malakas s'ya nitong itinulak dahilan upang dumagongdong ang kanyang likod sa pader.
"Ugh!" masakit n'yang ungol sabay dumausdos pabagsak sa sahig. Halos mamilipit s'ya sa sakit, pakiramdam n'ya ay may nabali sa kanyang likuran dahil sa lakas ng pagkakatulak nito sa kanya.
"Leave! Leave my house now, Erza! This time hindi na ako maaawa sa'yo! Hinding-hindi na. Please, I beg you. Nag mamakaawa ako sa'yo na umalis ka na sa pamamahay na ito! Magpakalayo-layo ka na sa paningin ko. At higit sa lahat sa buhay ko! Hinihiling ko sa'yo na maglaho ka na, pakiusap! Pakiusap!" Galit na galit na wika ni Loco na s'ya ring kinalugmukan ng puso ni Erza. Masakit para sa kanya na marinig ang kahilingan at pakiusap ng kanyang asawa. Masakit ang hilingin nito sa kanya ang kanyang paglaho.
Pilit na itinayo ni Erza ang kanyang sarili kahit na masakit pa ang kanyang likod.
Walang imik n'yang tinahak ang pintuan palabas sa kwarto at palabas sa pamamahay nilang mag-asawa habang panay ang pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Sa bawat pag hakbang ni Erza ay ganun din karami ang pag patak ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata pabagsak sa sahig.
Kay bigat ng kanyang mga paa at ayaw n'yang umalis sa piling ng kanyang asawa. Ayaw man niyang umalis pero kailangan. Ni isang lingon ay hindi n'ya ginawa dahil alam n'ya sa sarili n'ya na sa oras ng kanyang paglingon ay isisiksik na naman n'ya ang kanyang sarili sa taong ayaw na sa kanya.
Habang si Loco naman ay nakasunod lang ang mga mata nito sa paglabas at paglisan ng kanyang asawa. Gusto n'yang pigilan ang pag-alis nito subalit hindi n'ya ito ginawa. Mahal na mahal n'ya ito pero galit na galit din s'ya rito.
Mula sa wagas na pag-ibig ay naging galit ang kapalit.
Pagkalabas ni Erza sa gate ay naka-abang pala sa kanya si Roxanne at masayang-masaya ang mukha nito.
"Serves you right! And opps. Huwag ka ng bumalik sa bahay na ito dahil wala ka ng lugar sa pamamahay na ito. Leave your husband to me. I can promise you that I can make him more happier. More than you do," May katarayan at pagmamalaki nitong sambit at feeling nito ay s'ya na ang nanalo sa laban.