Chapter 7

1679 Words
Hanggang Sa Walang Hanggan Chapter Seven Pumatak na lang ang alas nuebe ng gabi ay hindi pa nakakabalik si Loco sa kanilang pamamahay. Habang si Erza naman ay panay na ang pabalik-balik n'ya sa pintuan ng bahay pati na sa gate upang silipin kung dumating na ba ang kanyang asawa. Lumamig na ang inihanda n'yang pagkain subalit wala pa ring Loco ang dumating. Hanggang sa pumatak na ang oras ng hating gabi ay wala pa rin si Loco. Nakatulog na lang s'ya sa Sofa kahihintay sa kanyang asawa. Ala-una ng umaga ay naalimpungatan s'ya ng biglang bumukas ang pintuan ng kanilang pamamahay. "Loco?" agaran n'yang sambit sabay napabalikwas ng bangon mula sa kinahihigaan n'ya ng matumba ang asawa sa bungad ng kanilang pintuan dahil sa sobrang kalasingan kaya dali-dali n'ya itong nilapitan. "Hon? Hon?" aniya at inalalayan itong tumayo. " Halika na sa kwarto, naku! Lasing na lasing ka," nag aalala n'yang wika sa asawa. Humagalpak naman sa tawa ang lasing na si Loco. "Ano ka ba, Roxanne! Hindi ako lasing!" bigkas ni Loco na tila wala ito sa sarili nitong katinuan. Pakiramdam pa 'ata nito ay nasa bar pa ito kasama ang babaeng nag ngangalang Roxanne. Napatigil naman si Erza sa binigkas ng asawa. Gumuhit ang taka at pangamba sa buong pagkatao n'ya. S'ya ang kasama ng kanyang asawa subalit ibang pangalan ng babae ang lumalabas sa bibig nito. Gayon pa man ay inalalayan pa rin n'ya si Loco na makahiga sa sofa dahil sobrang laking tao ni Loco at hindi n'ya ito kayang akayin pa. "Kukuha lang ako ng pamunas mo," aniya sa asawa at akmang tatalikod na s'ya rito ng biglang hinawakan ni Loco ang kanyang kamay. Napalingon naman s'ya sa asawa. "Dito ka lang, Roxanne. Magaan ang loob ko sa'yo eh, lalo na kung paano mo ako pinaligaya kanina," Wala sa katinuang wika ni Loco. Bigla namang nanikip ang dibdib ni Erza sa narinig sabay namuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata at agarang bumagsak ang mga ito. Sobrang sakit na marinig mismo ito mula sa bibig ng sarili n'yang asawa. Hindi s'ya bobo upang hindi ito maintindihan na ang asawa n'ya ay may katalik na iba. Agad namang nasagi ng kanyang mga mata ang pulang lipstick ng babae sa dibdib ng asawa. Nakabukas kasi ang ilang botones ng suot nitong sleeve kaya balandrang-balandra sa kanyang mga mata ang mga bagay na ayaw n'yang makita. Parang piniga-piga ang kanyang puso at para itong tinusok-tusok ng libo-libong mga karayom sa sobrang sakit. Napaupo s'ya sa sahig habang hawak-hawak ang kamay ng kanyang asawa habang nakatingin sa mukha nito at doon humagulgol ng humagulhol. Hinalikan pa n'ya ang kamay ng asawa kung saan nakalakip ang kanilang wedding ring. "L-loco, h-hon," garalgal n'yang bigkas sa pangalan nito. "I'm sorry, i-im sorry, i-im sorry sa lahat-lahat ng nagawa kong akala ko ay tama. H-on, mahal na mahal kita. Patawarin mo ako, hindi ko sinasadya," aniya habang panay ang paghalik sa kamay ng kanyang asawa. Habang si Loco naman ay panay pa rin ang pag bigkas sa pangalan ni Roxanne. Makalipas ang ilang segundo ay tumayo si Erza at kumuha ng maligamgam na tubig para sa asawa at isang maliit na tuwalya upang punasan nito. Hinubad n'ya ang pang itaas na damit ng kanyang asawa at inuna n'yang punasan ang nakakarinding halik ng babae sa katawan ng kanyang asawa. Ang tagal pa nitong burahin kahit kuskusin pa n'ya ito ng maayos. "R-oxanne, d-dahan -dahan lang naman," naliligayahang sambit nito Loco sabay patak na naman ng malalaking butil ng mga luha mula sa mga mata ni Erza. Ang sakit, sobrang sakit sa pakiramdam na ibang babae ang ibinibigkas ng kanyang asawa, hindi lang iyon. Para na rin itong nagsisimulang magkagusto sa ibang babae, bagay na kay hirap tanggapin para sa kanya. "R-oxanne, p-paligayahin mo pa ako. Gusto kong kalimutan ang asawa ko dahil alam mo ba," wika ni Loco at nagsisimula ng pumangit ang tinig nito na tila ba ay may nagbabayadang hikbi sa boses nito. "Kasi, sobrang mahal na mahal ko ang asawa ko, ginawa ko ang lahat para sa kanya. Magandang bahay? Binigay ko sa kanya. Magarbong kasal? Ibinigay ko rin sa kanya. Mamahaling singsing? Ibinigay ko rin sa kanya. Pati puso ko, katapatan ko, sarili ko ay ibinigay ko ng buong-buo sa kanya at sobra-sobra pa," hikbi ni Loco sa kalasingan subalit lahat ng iwiniwika ng lasing ay totoo lahat. Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ni Loco habang si Erza naman ay panay punas ng mga luha ng asawa habang s'ya ay lumuluha rin. "Patawad, patawad hon," bigkas n'ya. "Sinaktan kita ng sobra-sobra, ang tanga-tanga ko, hon. Ang tanga-tanga ko," pag aamin n'ya sa kanyang sarili habang si Loco naman ay panay ang pagsasalita. "Iyong bestfriend ko na parang kapatid na ang turing ko ay nagawa rin akong lokohin. M-masakit, sobrang sakit. Halos gusto ko ng magpakamatay dahil hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang tiisin ang sakit na naramdaman ko dito, dito sa puso ko," hagulhol ni Loco habang si Erza naman ay nakikisalo sa iyak ng asawa at panay rin ang pag patak ng kanyang mga luha habang nakahawak sa isang kamay ng kanyang asawa. "Sobrang sikip ng dibdib ko, parang gustong sumabog, parang gusto ko ng itigil ang mundo at mawala na lang dahil sobrang sakit na. H-hindi ko na kaya, sobra-sobra na. D-dalawa, d-dalawa silang sinaktan ako. D-dalawa silang sabay na nawala sa akin. Ano bang mali ko? Anong kasalanan ko sa kanila para patayin nila ako ng ganito? Nge isang bagay na makakasakit sa kanila ay hindi ko ginawa! Hindi ko sila sinaktan! Hindi ko sila tinalikuran! Pero bakit?! Bakit ako? Bakit nila ako tinalikuran at sinaktan? Wala naman akong kasalanan. Wala naman akong naging kasalanan! Sobrang sakit, ang sakit-sakit nito, Roxanne. Sobrang sakit at wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi ang sakit! Ang pait, ang kirot sa dibdib ko! Para akong nalulusaw ng paunti-unti. Just imagine this! Nawalan ako ng asawa, kasanga sa buhay at kasama. Nawalan pa ako ng kaibigan, ng kapatid, ng pamilya! Silang dalawa mahal ko! Silang dalawa ang naging pamilya ko pero, pero , ughhh! Hindi ko na kaya! Sobrang sakit na! Ang sakit -sakit na! A-ang s-sak-," hindi na naipagpatuloy ni Loco ang kanyang nais sabihin ng unti-unting bumigat ang mga talukap sa kanyang mga mata at unti-unti na s'yang nakatulog na may luha sa mga mata. Na may mabigat na dinaramdam sa loob ng kanyang damdamin. Habang si Erza naman ay panay ang kanyang pag hikbi at pag-iyak. Ngayon lang n'ya napagtanto kung gaano n'ya sinaktan ang kanyang asawa dahil sa paraan na alam n'yang makakabuti para sa kanilang dalawa. Labis na labis s'yang nagsisisi at nanlulumo, humihiling ng kapatawaran sa d'yos at sa kanyang asawa. "S-sorry, s-ooorry, Loco. P-patawad, patawad asawa ko, patawarin mo ako," hagulhol n'ya habang hawak pa rin ang isang kamay ng kanyang asawa hanggang sa nakatulog na s'ya sa tabi nito. Kinaumagahan ay maagang nagising si Erza dahil sa tunog ng phone ng kanyang asawa. Napatingin s'ya kay Loco at tulog na tulog pa ito. Kinuha n'ya ang phone mula sa gilid nito. Naipitan kasi ito ni Loco kaya maingat n'ya itong kinuha upang hindi magising ang asawa. Pagkakuha n'ya ng phone ay malaking pagtataka n'ya ng mapagtantong hindi na ito ang phone ng asawa. Gayon pa man ay binasa pa rin n'ya ang message na dumating. "Text" "Good morning babe! I just noticed na nagkapalit pala tayo ng phone. I had your address kaya pupuntahan na lang kita d'yan sa bahay mo to get my phone. And also, I wanted to see you. I can't forget about you, babe! Our night together is hunting me. It's killing me with pleasure and I want you again in me," malanding text message ng babae kay Loco. Nag uumapaw namang inis ang naramdaman ni Erza para sa babae. Akmang buburahin n'ya ang message ng biglang hinablot ni Loco ang phone nito mula sa kanya. "Huwag kang makialam ng gamit na hindi sayo! I already allow you to stay here in my house kahit naririndi na ako sa pagmumukha mo but you are not allowed to touch what is mine!" mabagsik na sambit ni Loco sa asawa na parang hindi n'ya ito asawa. "Sino si Roxanne?" agad n'yang tanong sa asawa. "None of your business!" anito . "Do you want to know what happened between me and her?" seryosong tanong ni Loco sa asawa. Natahimik naman si Erza at hinihintay na aminin mismo ng asawa n'ya sa kanya kung anong himala ang ginawa nito kagabi kasama ang ibang babae. Loco gave a deadly stare to his wife. Hindi naman maiwasan ni Erza ang kabahan sa mga titig nito para sa kanya. Para kasi itong nanunukat at naninindak. "P-pwede ko bang malaman?" lakas loob n'yang tugon. Ngumisi naman si Loco sa asawa. "I repeat, it's none of your business! Let me remind you again of what I have told you if you have forgotten. Na huwag na huwag kang kumilos at umasta na parang asawa ko! You are not my wife anymore! You are nobody but a w***e!" mariin nitong bigkas sa asawa. "I'm still your wife, Loco! Like it or not I'm still your wife!" paninindigan ni Erza kahit alam n'yang para na s'yang tanga sa harapan ng asawa. Sarkastiko namang ngumisi si Loco. "You are crazy! Noong pumasok ang p*********i ni Agustin d'yan sa pagka-babae mo ay kinalimutan mo ng asawa kita, tandaan mo iyan! Kaya wala kang paki kung ano man ang gagawin ko sa buhay ko! Stay here at my house like a beggar that has nowhere to go. But don't you ever act like a wife to me, it's disgusting! Also, give me a favor. Please distance yourself from me from now on," may diin pa rin nitong sambit sa asawa sabay may narinig silang isang katok mula sa pintuan dahilan upang maagaw ang attention ng dalawa. "I guess my friend is here, excuse me!" bigkas ni Loco at iniwan ang asawa na parang wala s'yang pakialam dito. To Be Contenued!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD