Chapter 17

1218 Words
Chapter 17 : Chimera Town  “Teka nga, wala ka bang portal para makarating agad tayo roon? Napapagod na ako. Kanina pa tayo lakad nang lakad dito sa kagubutan na ito na tila ba walang katapusan!” reklamo ni Sekani kay Wasuna. “Hindi ko kapangyarihan ang gumawa ng portal. Kaya ko, oo, pero sa ngayon ay hindi. Saka, konting tiis lang. Makakarating din tayo roon.” Huminto sila nang makakita si Sekani ng maraming puno ng buko. Umakyat siya roon para mamitas ng ilan. Uhaw na uhaw na kasi silang dalawa. Palubog na rin ang araw kaya nagpasya silang doon na lang muna magpalipas ng gabi. Buko lang ang hinapunan nila at pagkatapos ay natulog na sila dahil maaga pa silang maglalakbay bukas. Sa gitna nang tulog ng dalawa, biglang naalinpungatan si Sekani sa isang malamig na kamay na humawak sa kaniyan paa. Nang idilat niya ang mata ay natakot siya dahil isang babaeng nakaputi ang nakita niya. “Aaahhhh!” Namuo ang sigaw ni Sekani sa kagubatan. Nang magising si Wasuna ay agad niyang tinaboy ang white lady na nangugulo kay Sekani. “Ang OA mo masyado,” sabi ni Wasuna sa kaniya. “Anong OA?! Multo iyon. Hindi pa ako nakakakita ng multo, ngayon lang!” sigaw pa rin niya kaya natatawa na lang si Wasuna. “Mabait naman si Puti. Kakilala ko ‘yan. Matagal na siyang patay ay hanggang ngayon ay pagala-gala rito sa kagubatan.” “A-anong kinamatay niya?” Medyo kalmado na si Sekani. “Ang sabi niya sa akin ay may limang lalaking nagdala sa kaniya rito. Walang awa raw siya nitong pinagsamantalah*n. Pagkatapos ay saka siya pinat*y.” “Kawawa naman pala siya. Bakit hindi mo tanungin sa kaniya kung sinu-sino ang mga iyon at gantihan mo?” “Tapos na, Sekani. Matagal ko na ring nagawa. Naipaghiganti ko na rin siya.” “Kung ganoon ay bakit pagala-gala pa rin ang kaluluwa niya? Hindi pa rin ba siya masaya sa ginawa mo?” Samandaling natahimik si Wasuna. Pumikit ito at saka napaluha. “Ayaw niya dahil gusto pa raw niyang mabuhay. Kaya ka niya hinawakan kanina ay gusto niyang pasukin ang katawan mo para nakawin. Ayaw niyang tanggapin na patay na siya.” Napatingin sa gilid si Sekani. Nakita niyang nakatanaw sa kanilang dalawa ng white lady na si Puti. Seryoso itong nakatingin sa kaniya na tila uhaw ngang pasukin ang katawan niya. “Hoy, sabihan mo nga siya na huwag ako at marami pa akong pangarap sa buhay ko. Baka kapag natulog ulit ako ay nakawin na niya ang katawan ko,” sabi ni Sekani kay Wasuna. Sinunod naman siya ni Wasuna. “Huwag iyan at hindi siya tao. Hindi bagay ang gaya mo sa katawan ng lalaki. Ang maganda mong gawin ay pumunta ka na lang sa dapat mong kinaroroonan ngayon. Pumunta ka na sa kabilang-buhay dahil hindi ka na nararapat dito, Puti. Mamahinga ka na ng tuluyan,” mahabang sabi ni Wasuna kaya biglang nagalit ang white. Tumapang ang itsura nito na parang pinadidilatan siya ng mata. “Galit na ata,” bulong ni Sekani na agad na namang natakot. “Ganiyan lang iyan. Aalis na rin iyan mayamaya. Takot siya sa akin dahil minsan ko na rin siyang naparusahan.” Sinugurado ni Sekani na wala na si Puti bago ulit siya natulog. Nang lumiwanag na at nasilaw si Sekani ay nagising na siya. Wala si Wasuna sa tabi niya nang bumangon na siya. Mayamaya ay nakaamoy siya ng usok kaya sinundan niya kung saan iyon nanggagaling. Nakita niyang si Wasuna pala iyon na nagluluto ng inihaw na kamote. “Oh, tamang-tama luto na ang kamote,” sabi niya. Natatawa si Sekani. “Napakainam mo na pusa, Wasuna. Ikaw lang ang nakita kong pusa na sanay magluto ng pagkain,” puri niya kaya nakita niyang napairap si Wasuna. “Teka, saan mo naman nakuha ang mga kamote na ‘yan?” tanong pa niya at saka kinuha ang inaabot sa kaniya ni Wasuna na kamoteng luto na. “Diyan lang. May nakita akong tanim na kamote. Mukhang wala namang may-ari kaya kinuha ko na.” Pagkatapos nilang mag-almusal ay umalis na rin sila. Nagbaon na lang sila ng lutong kamote at tubig ng buko na nilagay nila sa supot na dala-dala ni Sekani. Pagsikat ng matinding sikat ng araw ay nakaramdam ng pagod ang dalawa. Hindi pa man sumasapit ang hapon ay ubos na ang mga baun-baon nilang pagkain at tubig ng buko. Nag-aagaw ang liwanag at dilim nang sa wakas ay makarating na sila sa bungad ng Chimera Town. Isang malaking arko na gawa sa mga kaliskis ng sirena ang bumungad sa kanilang dalawa. “Wow! May ganito pa lang lugar sa dulo ng kagubatan. Tiyak na walang tao nga na makakarating dito dahil sobrang layo at sikreto ng lugar,” sabi ni Sekani na tila nawala ang pagod dahil alam niyang naroon na sila sa pupuntahan nila. “Sana lang ay tanggapin nila tayo. Ilang taon na rin kasi akong hindi nakakarating dito,” sabi ni Wasuna. Nang pumasok na sila sa arkong iyon ay dalawang lalaking green ang buhok at mata ang biglang humarang sa kaniya. “Hulihin ang mga iyan!” sigaw ng isang babae na green din ang buhok. “Teka-teka, apo ako ni Lola Adelinda,” sabi ni Sekani pero hindi siya pinakinggan ng mga ito. “Malaking kasalanan ang ginawa mo, bata. Ang taong nagtatakang pumasok dito ay pinaparusahan ng reyna namin,” sabi ng lalaking may bitbit sa kaniya. Buhat-buhat naman ng isang babae si Wasuna. “Hoy, bakit ayaw mong magsalita ngayon? Wala ka bang gagawin?” tanong ni Sekani kay Wasuna. “Hindi nila ako naririnig, Sekani. Kahit anong sabihin ko ay ikaw lang ang maaring makaintindi at makarinig sa akin,” sagot sa kaniya ni Wasuna. “Bakit ganoon?” “Saka ko na ipapaliwanag sa iyo. Ang mahalaga naman ay kapag nakita ka ni Reyna Adelinda ay tiyak naman na makikilala ka niya.” “Baliw ata ang taong ito. Bakit kinakausap niya ang isang pusa na hindi naman nagsasalita.” Pinagtawanan pa ng mga sireno na iyon si Sekani. “Kung papatayin man ang taong iyan ay sa akin na lang ang cute na pusang ito,” sabi naman ng babaeng may buhat kay Wasuna. “Hindi ako papatayin ng lola ko. Pagsisihan ninyo na hindi niyo ako ginalang,” banta ni Sekani na nginingisian sila. “Hibang ka na nga. Walang apo si Reyna Adelinda. Saka kung apo ka nga niya ay bakit wala kang kapangyarihan?” Nanahimik na lang si Sekani, pero poot siya dahil sobrang higpit ng pagkakahawak ng mga ito sa braso niya. Gayunpaman ay nalibang siya dahil habang naglalakad sila papasok sa loob ng Chimera town ay parami na ng parami ang mga bulaklak sa paligid. Mayamaya pa ay isang malaking ilog ang natanaw niya. Ilog na ang agos ay papunta sa itaas. Ang tubig ng ilog ay umaakyat papunta sa hangin. Kaya naman kitang-kita niya ang sari-saring sirena na masayang naglalangoy doon. “Ang ganda pala ng Chimera Town,” sabi niya. Sumaya siya dahil hindi niya inaasahang ganoon kaganda ang kaharian na mayroon sila. Lalo tuloy siyang nasasabik na makilala ang lola niya dahil tiyak na kikilalanin siyang prinsipe doon kapag nakita na siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD