Chapter 18

1161 Words
Chapter 18  : Ang pagkikita ng nila Sekani at Reyna Adelinda  Nagtinginan ang lahat sa kay Sekani nang makarating sila sa  harap ng ilog na iyon. Ang mga batang sirena at sireno ay natakot nang makita si Sekani. Para bang may mga phobia na ang mga ito sa gaya niyang tao.  "Tignan mong mabuting ang mga batang sirena at sireno. Takot na takot sila kapag nakakakita ng tao. Ganiyan ang phobiang dulot niyo sa amin. Nasaksihan kasi nila kung paano patayin ng mga tao ang mga kapwa namin sirena noong minsan ay lumabas kami rito sa Chimera Town." "Hindi naman lahat ng tao ay masama. Sadyang may iilan lang na masama. Pero kung ako ang tatanungin ay mali nga ang mga taong iyon. Bakit naman kailangan nilang patayin ang mga ganitong nilalang na sobrang maganda sa paningin. Masaya ako dahil sa wakas ay nakita ko na ang mga kauri ko." "Tumigil ka tao! Hindi mo kami malilinlang. Hindi ka sireno kaya huwag kang umasta na kagaya ka namin. Alam namin na binobolo mo lang ang mga ulo namin. Hindi ka na makakatakas dito dahil alam naming ibabalita mo ito sa mga kapwa mo tao. Kung mangyari iyon ay delikado kami. Kaya bago pa kami mapunta sa alanganin ay mabuti pang patayin ka na lang ni Reyna Adelinda," galit na sabi sa kaniya ng isang lalaki na may hawak sa kaniya. "Hayaan mo, kapag nakita ka naman ng lola mo ay tiyak na makikilala ka niya," sabi ni Wasuna sa kaniya. "Mabuti pa'y iharap niyo na sa akin ang lola ko para mapahiya kayo," pagmamalaki ni Sekani. Mayamaya ay isang magandang sirena na galing sa ilog ang biglang umahon sa lupa. Pagtuntong nito sa damuhan ay kusa itong nagkaroon ng mga paa. Kuminang ang mata ni Sekani dahil sobrang ganda nito. Maputi, mahaba ang buhok na abot sa kaniyang balakang. Matangkad din ito at kung ikukumpara siya sa tao ay para itong artista o model. "Anong mayroon, Tulya?" tanong ng babaeng iyon sa babaeng may hawak sa pusang si Wasuna. "Magandang araw po, Binibining Gustava," bati sa kaniya ni Tulya habang nakayuko. "May hawak-hawak po ngayon nila Dilis at Daing ay isang tao. Nakita po namin ang taong iyan na pumasok dito sa Chimera Town," sumbong ni Tulya kaya agad na napakunot ang noo ni Gustava. "Hawakang mabuti ang taong iyan, Dilis at Daing. Kailangan siyang makita ni Reyna Adelinda para malaman nating kung ano ang gagawin sa kaniya," utos ni Gustava sa mga alagad ng pulis na si Tulya. Palihim na natatawa si Sekani. Tawang-tawa kasi siya sa mga pangalan ng mga pulis sa Chimera town. "Ano ang nginingiti-ngiti mo, tao?" galit na tanong ni Gustava. "Wala naman. Sabik na kasi akong makita ang lola Adelinda ko," sagot na lang niya. "Lola? Sino ang tinutukoy mong lola?" tanong pa nito habang nakataas ang isang kilay. "Ang reyna ninyo. Apo ako ni Reyna Adelinda," matapang niyang sagot. Tumawa nang malakas si Gustava matapos marinig ang sinasabi niya. Pagkatapos ay bigla itong lumapit sa kaniya at saka hinawakan ang braso niya. Nagulat si Sekani dahil biglang natusok ang mga balat niya na hinawakan ni gustava. Ramdam niya na parang may mga tinik na lumabas sa kamay nito kaya nasaktan siya. "Aray!" reklamo niya kaya lalong napangisi si Gustava. "Isa iyan sa hindi ko gusto na taga rito," sabi ni Wasuna. "Bakit?" "Dahil sadyang masungit at strikto ang isang 'yan," sagot ni Wasuna. "Malalagot ka sa lola ko kapag sinumbong kita," sabi pa ni Sekani kaya lalo nang nainis sa kaniya si Gustava. Lumapit ito sa kaniya at saka siya binuhat. Binalibag siya nito papunta sa ilog. Naglanguyan naman agad palayo sa kaniya ang mga sirena nang mapunta siya sa tubig.  Nagkaroon ng pagkakataon si Sekani na magpakitang gilas sa mga taga roon. Lumangoy kasi ito nang parang isang isda habang nasa ilog. Nakita niya na nanlaki ang mga mata ng sirena habang pinapanuod siya. Pagkatapos niyang maglalangoy ay umahon na rin siya para muling harapin si Gustava. "Ngayon mo sabihin na tao ako," sabi niya kaya napakunot na naman ang noo nito. "Paano mo nga ba nagagawang huminga sa ilalim ng tubig nang ganoong katagal? Sirena ka nga ba?" pagtataka na ni Tulya. "Apo nga ako ni Reyna Adelinda. Hindi ko rin alam kung sirena ba ako dahil ngayon ko lang din natuklasan ang lahat ng ito. Nawala na rin ang mga magulang ko dahil kinuha ito ni Reyna Avilako. Nilamon ng isang portal ang mga magulang ko kasama ng babaeng iyon," sabi niya kaya lalong nanlaki ang mga mata nilang lahat. "Kung ganoon ay anong pangalan ng mga magulang mo?" tanong bigla ng isang magandang babae na sumulpot. Lahat ng sirena na naroon ay biglang yumuko para magbigay galang sa pagdating ni Reyna Adelinda. "K-kayo ho ba ang lola ko?" tanong ni Sekani na kumikinang ang mata habang nakatingin kay Reyna Adelinda. “Ang tanong ko muna ang sagutin mo. Sino ang mga magulang mo? Ano ang mga pangalan nila?” seryosong tanong ni Reyna Adelina. Muli namang hinawakan nila Dilis at Daing si Sekani para masiguradong hindi siya makawala. Utos iyon ni Gustava na duda pa rin sa kaniya hanggang ngayon. “Sina Sikhina at Cain po,” sagot ni Sekani. “Ha? Anak ka ni Sikhina?” Si Gustava ang unang nagulat. “Oo, siya ang ina ko na kinuha ni Reyna Avilako,” sagot ni Sekani. “Bitawan niyo siya,” utos agad ni Gustava. Lumapit ito kay Sekani at saka siya niyakap. “Ikulong ang taong iyan,” bigla namang utos ni Reyna Adelinda kaya nagulat si Gustava. “Mawalang galang na po, pero hindi po ata maganda na ikulong si Prinsipe Sekani,” tutol ni Gustava. Nagulat si Sekani at Wasuna na bigla itong kumampi sa kaniya at ngayon ay pinagtatanggol na siya. “Gawin niyo na lang ang inuutos ko, Gustava,” seryosong sabi ni Reyna Adelinda kaya wala nang nagawa si Gustava kung ‘di ang sumunod na lang. “Huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan para makawala ka. Magtiis ka na lang muna sa kulungan, iho,” bulong sa kaniya ni Gustava kaya tumango na lang siya. Dinampot muli nila Dilis at Daing si Sekani. Dinala siya nila Tulya sa isang kulungan na gawa sa bula. Bula na kulay pula. Nang ipasok siya roon ay tinangka niyang tumakas doon pero hindi na siya makawala. Ang bula na akala niya ay madaling sirain ay para pa lang bakal dahil sa sobrang tibay nito. Napatulala na lang si Sekani habang tinititigan na lang siya ng mga sirena doon na lumapit sa kulungan niya. Nalungkot siya dahil hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging trato ng lola niya sa kaniya. Pakiramdam niya ay namali pa siya nang pagpunta rito. Mukhang hindi rin naman pala makakatulong ang mga ito sa pagligtas sa mga magulang niya. Nagbago tuloy agad ang plano niya. Ang gusto niya ay makatas na lang sa Chimera Town at saka bumalik sa bahay nila.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD