bc

Sekani And The Last Berberoka

book_age16+
208
FOLLOW
1K
READ
adventure
twisted
straight
loser
ambitious
male lead
multi-character
supernature earth
special ability
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Sekani is a 20-year-old man. He is a shy type of a person but once you became friends with him, he shares a lot of things. Inshort, he is very talkative. He is the breadwinner of his family because he's the only one who can provide for the whole family since his parents have disability.

One day, sekani's world fell apart when He saw her loving mother with his very own eyes being taken away by the evilest creature of the sea - the Siren. The queen took his mother's soul but it didn't stop there. The evilest queen also took his greatest and one true love - Nitina.

After that tragic incident, His life turned crazier from the normal life he had. It became magical when He met a cat. However, it is not a normal cat that you might be thinking. It is known to be the most powerful cat. The cat will not only be the key to awaken and trigger His powerful abilities & strengths. It is also the key for him to meet the last Berberoka on earth.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 : Ang paghahanda sa darating na Fiesta "Aalis na po ako, nanay at tatay," paalam ni Sekani sa mga magulang niya. Sabado ng araw na iyon at walang pasok sa school. Ito ang araw na pumupunta si Sekani sa bundok para kumuha ng mga gulay na pananim nila. Ititinda niya iyon sa palengke. Iyon na lang kasi ang tanging pinagkukunan nila pera sa ngayon. Parehas na ng baldado ngayon ang mga magulang niya. Naaksidente ang mga ito nang mamundok sila para kumuha ng gulay na pananim nila na dapat ay ibebenta sa palengke. Hindi nila inaasahan na uulan pala ng araw na iyon. Hindi na sila nakaatras pa dahil na sa kalagitnaan na sila ng gubat. Wala silang nagawa kundi ang tumuloy na lang dahil nandoon na rin naman sila. Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang ulan. Sa kalagitnaan nang paglalakbay nila ay biglang nagkaroon ng landslide. Dalawang malaking bato ang tumama kay Sikhina at Cain. Napuruhan kapwa ang mga binti at paa nila na sinagasaan ng malalaking bato. Suwerte pa sila dahil hindi sila namatay. Ang problema lang ay wala silang sapat na pera para magpagamot, kaya naman nag sariling gamutan na lang sila sa bahay. Umasa na lang mga ito sa mga manghihilot. Dahil doon ay tuluyang nabaldado ang mga ito. Bagay na lalong nagpahirap kay Sekani dahil siya na ngayon ang breadwinner sa kanila. Siya ang nagpapaaral sa sarili niya at bumubuhay sa mga magulang niya ngayon. Habang nag-aaral si Sekani ngayong highschool na siya ay sinasabayan niya ito nang pagtatrabaho sa gabi sa isang maliit na restaurant. Ang maliit na kinikita niya roon ay ginagamit niyang pambaon at pambili ng pagkain ng pamilya niya. Kahit pa paano ay malaking tulong din ang pagbebenta niya ng gulay na inaani niya sa liblib na gubat na pinagtataniman nila simula pa noong araw. Si Sekani na rin ang nagtatanim, nag-aalaga at umaasikado roon kaya halos dugo at pawis ang puhunan niya para lang maging maayos ang pamumuhay nila. Habang naglalakad na siya sa kalsada ay napadaan siya sa bahay ng kababata niyang si Nitina. Natanaw niya ito sa bakuran ng bahay nila na nag-eensayong maglakad na para bang isang model. Iyon kasi ang pangarap nito. Ang maging sikat na model balang-araw. Napapangiti siya dahil ang ganda-ganda nito, lalo na kapag inaartihan ni Nitina ang paglalakad niya. Nanlaki ang mata niya nang mahuli siya nitong nakatingin sa kanya. Kinawayan siya ni Nitina kaya kinawayan na rin niya ito. Hindi alam ni Nitina na matagal na siyang gusto ni Sekani. Ayaw lang niyang umamin dahil alam niyang hinding-hindi siya nito magugustuhan dahil isa lang siyang taong mahirap lamang. Sa madaling salita ay mababa ang tingin ni Sekani sa sarili niya. Ganoon pa man ay sobra silang close sa isa't isa. Bestfriend nga ang turingan nila. Hindi na niya inistorbo ito dahil alam niyang sasabak ito sa contest bukas. Fiesta kasi bukas sa Victoriana Town. Hindi pa man sumasabak sa contest ito ay alam niyang si Nitina na ang mananalo bukas. Pagkalagpas niya sa ilang kanto na nilakaran niya ay pumasok na siya sa looban ng gubat. Magtitiis na naman siya ng kalahating oras para maglakad patungo sa nakatagong taniman nila ng mga gulay. Sanay na siya roon kaya hindi na niya iniinda ang mainit na sikat ng araw na tumatama sa balat niya. Ang kinakatuwa lang niya ay kahit babad siya sa araw ay hindi siya umiitim. Para bang pinganak siyang tisoy. Sabagay, parehas namang maputi ang mga magulang niya kaya hindi na rin siya magtataka kung bakit ganoon ang kutis niya. Pumasok siya sa mga matatas ng d**o, umakyat sa mga malalaking bato at tumawid sa sapa na may lalim ng hanggang baywang. Pagkaraan nang kalahating oras ay narating na rin niya ang sikretong taniman nila. Hindi na siya nagsayang pa ng oras. Kinuha na niya ang mga gulay na puwedeng nang anihin at ibenta. Dinamihan niya ang kuha dahil alam niyang maraming mamimili ngayon ng mga gulay dahil fiesta bukas sa bayan nila. May dala-dalang sako si Sekani. Doon niya sinilid ang mga naani niyang sari-saring gulay. Pag-uwi niya sa bahay nila ay tinulungan naman siya ng mga magulang niya na linisin at ayusin nang maganda ang mga gulay na ititinda naman niya sa bayan. "Sana ay makarami ako ng benta. Gusto ko rin po kasing maghanda bukas. Fiesta dito sa Victoriana Town kaya dapat lahat ng bahay ay may handa," sabi ni Sekani habang nilalagyan ng mga goma ang healthy at malalagong pechay na tanim nila. "Mag-iwan ka na rin ng kaunting gulay dito para makapag-chop suey na rin ako," sabi ng ama niya na inuugasan ang mga kamoteng puro lupa pa. "Bumili ka na rin ng gulaman pag-uwi mo. Igagawa kita ng buko gelatin para may dessert naman tayo bukas," utos naman ng ina niya habang inuugasan ang mga malalaking kalabasa sa running water. "Kahit manok, makabili manlang mamaya kapag nakaubos ako," sabi niya kaya napangiti ang mga magulang niya. "Tiyak naman na mauubos ‘yan. Fiesta bukas kaya nagkakagulo ang mga tao sa pamimili sa bayan ngayon. Hindi ka magtatagal doon at agad mo rin mauubos ang mga ibebenta mo, anak," sabi ng ama niya na siguradong-sigurado na sa mangyayari sa tinda ng anak niya. Ganoon naman kasi palagi kapag fiesta sa kanila. Nauubos agad ang mga tinda ni Sekani. "Tama po kayo." Pinagmasdan ni Sekani ang mga magulang niya. Ilang taon na silang ganito. Lumaki na siyang ganoon na lang ang estado ng buhay nila. Nasanay na ang mga magulang niya na ganoon ang gawain. Palihim siyang naawa sa mga ito. Gusto niyang balang-araw, makaramdam naman sila ng ginhawa sa buhay. Kaya naman kahit hirap siya sa buhay ay pinag-iigihan niya talaga ang pag-aaral. Sa umaga, pasok sa school, sa gabi naman ay pasok sa maliit na restaurant. Kahit pa paano ay nagtatabi siya ng kaunting pera para sakaling may mag kasakit sa kanila ay may huhugutin siya kapag nagpagamot sila. Nagpahatid sa isang tricycle si Sekani patungo sa bayan. Hindi na niya kasi puwedeng isako pang muli ang mga gulay dahil papangit na ang itsura ng mga iyon. Pagdating niya sa palengke ay hindi pa man din siya nakakapuwesto sa puwesto niya ay nakaabang na ang mga suki niya. "Late ka na naman, Sekani. Kanina pa kami rito," salubong sa kanya ng isang ale na tinulungan pa siyang magbaba ng mga gulay. "Oo nga, ilang minuto mo kaming pinaghintay, iho. Kung ‘di lang talaga mga matataba at maganda ang mga paninda mong gulay ay sa iba na ako bumili," sabi naman ng isang matandang lalaki na tinulungan din siyang magbuhat ng karton na may lamang mga kalabasa at repolyo. Tulad nang sabi ng ama niya. Wala pang isang oras ay sold out na ang mga paninda niyang gulay. Maaga tuloy siyang nakaligpit. At dahil malaki ang kinita niya ngayong araw ay tinupad niya ang gusto niyang mangyari. Bumili siya ng dalawang buong manok at sinamahan pa niya ito ng isang kilong baboy. Sinunod din niya ang sinabi ng mama niya na bumili ng gulaman. Lahat din ng mga kailangan nila sa bahay ay binili na rin niya. Tuwang-tuwa siya dahil marami pang natira sa pera niya. I-aabot niya ang lahat ng iyon sa nanay niyang si Sikhina. Walang labis, walang kulang. Magsisinungaling na naman siya na may natira pa sa kanya na pambaon kahit ang totoo ay wala naman talaga. Sanay na rin kasi siya na magtiis na hindi kumain ng pang-recess para lang hindi nawawalan ng pera ang mga magulang niya. Pag-uwi niya sa bahay nila ay masaya silang nagtulong-tulong sa paghahanda ng pagkain na handa nila para bukas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
43.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.3K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
44.1K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
176.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
10.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook