Chapter 15

1356 Words
Chapter 15 : Ang pagpaparamdam ng kapangyarihan ni Sekani  Napabalikwas nang bangon si Sekani sa isang malakas na sampal sa mukha niya. Pagdilat ng mga mata niya ay nakita niyang si Conrad ang may gawa niyon. “Sir Conrad?!” Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. “Tumayo ka riyan. Hinahamon kita sa isang suntukan.” Nagising na siya nang tuluyan dahil sa sinabi nito. Tumayo siya at saka ngumit. “Sir, marunong din pala kayong mag-joke,” sabi niya pero hindi ito ngumiti. Nagulat na lang ulit si Sekani dahil isang malakas na suntok sa mukha niya ang natanggap kay Conrad. Tumilapon siya sa dingding ng bahay niya. Malakas sumuntok si Conrad kaya ramdam niya agad ang pagkaliyo. Pinilit niyang bumangon kahit masakit ang pisngi niya. “Sir, ano po bang problema ninyo at nanakit kayo? Ang pagkakaalam ko ay wala naman akong ginagawang mali sa iyo,” mahinahong sabi ni Sekani pero walang pakialam si Conrad. Tumuntong pa ulit ito sa papag para sugurin siya. Nang akmang susuntukin siya ulit nito ay doon na niya tinulak si Conrad. “Sir, tama na. Hindi na tama itong ginagawa mo.Mapipilitan na talaga akong lumaban.” Unti-unti nang tumataas ang boses ni Sekani. Naiinis na rin siya. “Iyon ang gusto ko.Lumaban ka, Sekani,” seryoso pa rin nitong sabi kaya napakunot na lang ang noo niya. Doon na niya naisipang tawagin si Wasuna. “Wasuna?” Bumaba sa papag si Conrad. Susugurin siya ulit nito kaya tumakbo na siya sa likod-bahay nila. Hangga’t maari ay ayaw niyang patulan ang amo niya. Pakiramdam kasi niya ay tila may maling nangyayari rito. “Sir Conrad, please, itigil mo na ito. Ayaw ko pong saktan ka.” “Hindi! Lumaban ka!” Nahablot nito ang damit niya. Doon siya muling sinapak nito. Tinamaan siya sikmura. Napangiwi siya dahil solid ang pagkakatama niyon sa tiyan niya. Hindi na tama. Sobra na. Hindi na niya matitiis pa ang p*******t nito. “Pasensyahan po tayo. Nasasaktan na ako kaya lalaban na ako.” Nang akmang susuntukin siya ulit nito ay mabilis niyang dinampot ang malaking kahoy sa lupa. Iyon ang pinangsalo niya sa kamao nito kaya nakita niyang napangiwi si Conrad. Gayunpaman ay naawa siya dahil nakita niyang nagdugo ang mga daliri nito. Madaling nawala ang galit niya. Napalitan iyon ng awa kaya lumapit siya rito para humingi ng tawad. “Sorry po, Sir Conrad,” sabi niya pero nagulat na naman siya nang sipain naman siya nito. Tumumba siya sa lupaan. “Ano na? Ilabas mo ang lakas mo, Sekani. Ilabas mo ang dapat ilabas!” sigaw sa kanya ito. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Wasuna kahapon na isasalang siya nito sa laban. Nang tignan niya tuloy si Conrad  ay naamoy niyang hindi talaga siya ito. Nagkaroon siya ng kutob na maaring si Wasuna ang nakasapi ngayon sa katawan ni Conrad. Dahil doon ay napangisi siya. Nagkaroon na siya ng lakas na labanan ito dahil alam na niyang si Wasuna ang nasa katawan ni Conrad. “Fine. Bahala ka na, Sir Conrad. Pasensyahan na lang. Nasagad na ako. Hindi na ako papayag pa na masaktan mo ako.” Tumayo si Sekani habang matapang ang mukha. Matalim ang tingin niya kay Conrad kaya nakita niyang napangisi ito sa kaniya. “Ito na ang hinihintay ko. Ganiyan nga, Sekani,” sabi pa nito kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at isang malakas na suntok ang binigay niya kay Conrad. Nagulat siya dahil hindi ito natinag. Siya pa ang napangiwi dahil naramdaman niyang parang bakal ang kaniyang nasuntok. Gusto niyang sumigaw sa sobrang sakit na nadarama niya pero pinili niyang maging tahimik at matapang. Sinubukan niya ulit sumuntok pero ganoon pa rin. Tila ginamitan siya ni Wasuna ng kakaibang kapangyarihan. Tiyak na gamit ang ice magic nito ay gumagawa siya ng barrier para hindi siya tuluyang masuntok ni Sekani. Tila ang gusto niya lang mangyari ay ang inisin at galitin nang galitin si Sekani hanggang sa lumabas ang inaasam nitong kapangyarihan niya. “Ano? Nasaan na? Wala pa rin ba?” tanong nito kaya’t sunud-sunod na suntok na ang binigay niya kay Conrad. Mayamaya pa ay isang mahabang tattoo ang biglang lumitaw sa isang braso ni sekani. Umilaw rin ng kulay berde ang kamao niya. Sa puntong iyon ay nang suntukin niya ulit si Conrad ay tumilapon siya nang sobrang layo. Napunta sa kalsada si Conrad na muntikan pang masagasaan ng sasakyan. Doon nahimasmasan si Sekani dahil muntikan na niyang mapatay si Conrad. Nang takbuhin niya ito sa kalsada ay nakita niyang parehong nakahandusay sa kalsada sina Conrad at ang pusang itim na si Wasuna. Kapwa niya itong binuhat para ipasok sa loob ng bahay niya. Hiniga niya ang dalawa sa papag. Nang tignan niya ang braso niya ay nawala na ulit ang nakita niyang tattoo na lumabas doon. Ngayon alam na niya ang gustong ipunto ni Wasuna. Totoo ngang may tinatago siyang kapangyarihan sa katawan niya. Habang walang malay ang dalawa ay iniwan niya muna ang mga ito. Mabili siyang nagtungo sa ilog na malapit sa kanila. Nang makarating siya roon ay saktong walang tao sa paligid. Naisip niya na kung apo nga siya ng reyna ng mga sirena ay maaring kaya niyang huminga sa ilalim ng ilog. Iyon ang pinunta niya roon. Gusto niyang makasiguro kung may kakayahan nga ba siyang makahinga sa ilalim ng tubig. Lumusong na siya sa tubig. Tirik ang araw ng oras na iyon kaya kung maglalangoy siya sa ilalim ng tubig ay makikita niya nang malinaw ang ilalim nito. Nang tuluyan na siyang lumubog sa ilalim ng tubig ay doon niya pinigilang huminga. Nang masiguro niyang lubog na lubog na ang katawan niya sa tubig ay sinubukan na niyang huminga roon. May mga bubbles na biglang lumabas sa bibig niya. Naramdaman niya na parang nalulunod siya. Pumapasok sa loob ng katawan niya ang tubig pero hindi siya nag-panic dahil parang wala lang iyon sa kaniya. Sa huli ay nagulat na lang siya dahil kahit pakiramdam niya ay nalulunod siya ay kaya niyang magtagal sa ilalim ng tubig. Napangiti siya. Kumpirmado na kaya niya ngayong magtagal sa ilalim ng tubig kahit ilang oras pa siya roon. Hindi niya sinayang ang pagkakataon na makalangoy sa ikalaliman ng ilog. Tuwang-tuwa siya dahil ang kanina lang na mabagal na paglalangoy niya ay biglang bumilis. Kung titignan ay kasing bilis na rin niya ang mga isda kung maglangoy. Marami siyang isda na nakita. Maliliit at malalaki. Doon rin niyang nasaksihan na ang ilalim ng ilog ay padilim na nang padilim habang lumalalim. Hindi na niya sinubukan pang tumungo roon dahil pakiramdam niya ay mga halimaw na ang makikita niya.     **   Pagbalik niya sa bahay nila ay wala na roon si Conrad. Nadatnan niya si Wasuna na nakaupo sa isang upuan na tila hinihintay ang pag-uwi niya. “Aray,” salubong ni Wasuna sa kaniya. “Bakit? Napalakas ba ang suntok ko kanina?” tanong niya. “Ganoon na nga. Hindi ko inaasahan na ganoon kalakas ang magiging suntok mo. Hindi ako handa dahil pakiramdam ko kanina ay tila walang mangyayari dahil nawawala ang tapang mo. Napapalitan iyon ng bait at awa. Pero kanina ay nakaramdam ako ng inis. Bakit nang malaman mo sa bandang huli na nakasapi ako kay Conrad ay tila lumaban ka na bigla. Kapag ako, sasaktan mo, pero si Conrad hindi. Kaibigan mo ba ako, Sekani?” Natawa si Sekani. “Eh, hindi ba’t iyon naman ang gusto mong mangyari. Ang lumaban ako para mapalabas mo ang galit ko. Nang magtagumpay ka ay bakit nagkaganiyan ka?” “Hindi. Ang sa akin lang ay kapag ibang kaibigan mo ay ayaw mong labanan pero kapag ako na, handa kang manakit,” sabi pa rin nito. “Alam ko naman kasing malakas at makapangyarihan ka. Kaya lang ako lumaban ay dahil gusto ko na ring sakyan ang gusto mong mangyari. Seryoso na, Wasuna. Gusto ko nang masagip ang mga magulang ko. Gusto ko nang madaliin ito. Dapat ko nang maipalabas na ng todo ang kapangyarihan ko para malabanan ko na si Reyna Avilako. Atat na ako.” “Kaunting tiis pa, Sekani. Malapit na tayong sumugod doon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD