Chapter 13

1226 Words
Chapter 13 : Portal  Nagse-serve ng coffee si Sekani sa mga costumer nila nang marinig niya ang boses ni Wasuna. “Lumabas ka riyan, Sekani. Kailangang-kailangan kita ngayon.” Nang marinig niya ang boses nito ay dali-dali niyang inabot sa nakasalubong na si Chadwick ang tray na hawak niya. Paglabas niya sa coffee shop na iyon ay nakita niya ang tila takot na takot na si Wasuna. “Ano bang problema, Wasuna?” tanong niya pero hindi na siya sinagot nito. Agad itong pumasok sa katawan niya at ito na ang kumontrol sa kaniya para mapadali ang pagtungo nila sa kanilang bahay. Ginamit ni Wasuna ang kapangyarihan niyang lumipad sa hangin. Kasing bilis ng kidlat ang pagdating nila sa bahay nila Sekani. Pagpasok nila sa loob ng bahay nito ay nagulat sila dahil nilalamon na ng mahiwagang portal ang mga magulang ni Sekani. Kahit nasa katawan niya si Wasuna ay nagawa pa rin niyang kontrolin ang sarili niyang katawan. Tutulungan niya sanang hatakin muli ang mga magulang niya sa portal na iyon pero huli na siya dahil bago pa man niya nahawakan ang mga kamay nito ay naglaho na kapagdaka ang portal na iyon. Isang malakas na paghiyaw ang pinakawalan ni Sekani. “Hindiiiiiii!!!” Sa kaniyang paghiyaw ang isang malakas na puwersa ng lamig ang kumawala sa katawan niya. Ang buong bahay nila Sekani ay biglang naging yelo. Naglabasan ang mga kapitbahay nito. Ang pagyanig ng lupa ang siyang nagtawag sa mga ito para magsilabasan sa kani-kanilang bahay. Nang makita nila ang nagyeyelong bahay nila Sekani ay kaniya-kaniya sila sa paglabas ng cellphone para kuhanan ito ng litrato o kundi naman ay video. May ilan pa nga na nag-live sa f*******: kaya naman mabilis na naging trending ang nangyari sa bahay nila Sekani. Dahil sa malakas na puwersa na napakawala ni Sekani sa katawan niya ay parehas sila ni Wasuna na nawalan ng malay. Nagising na lang sila nang marinig nilang may mga naghuhuntahan sa gilid ng bahay na iyon. Unang bumangon si Sekani. Nang makita siya ng mga tao ay kani-kaniyang tanong ito sa kaniya. “Anong nangyari, Sekani?” “Ayos ka lang ba, iho?” “Bakit nagyelo ang bahay niyo?” “Anong kababalaghan ang nangyari rito?” Tuliro pa nang oras na iyon si Sekani kaya wala siyang sinagot sa mga ito. Binuhat na lang niya si Wasuna at saka siya lumabas sa bahay na iyon. Doon na lang nila nakitang nilamon pala ng yelo ang buong bahay nila. Sobrang daming tao ang nagpunta roon para masaksihan ang nagyeyelo nilang bahay. “Anong nangyari, Wasuna?” tanong ni Sekani. “Ikaw ang may gawa niyan, hindi ako. Sa sobrang galit mo kanina ay nagawa mong kontrolin ang sarili kong kapangyarihan. Sobrang lakas ng puwersa na pinakawalan mo kaya kapwa tayong nawalan  ng malay kanina.” “Teka, paano na sina nanay at tatay? Saan sila napunta? Anong klaseng nilalang ang kumuha sa kaniya?” sunud-sunod niyang tanong sa alaga niyang pusang itim. “Kilala ko ang kumuha sa kaniya. Hindi ako puwedeng magkamali.” “Sino siya, Wasuna?” atat na tanong niya. “Si Reyna Avilako. Siya ang reyna ng mga masasamang kataw.” “Ano?! Pero, teka, anong kailangan niya sa mga magulang ko? Bakit sa dinami-dami ng tao na kukunin niya ang mga magulang ko pa na lumpo? Anong mapapala niya sa mga ito?” “Iyan nga rin ang hindi ko malaman kung bakit sila pa ang kinuha nito. Pero, hindi ko rin inaasahan na ganito kabigat ang tatamang problema sa iyo. Gayunpaman ay akong bahala. Tutulungan kita. Alam ko naman kung saan ang lungga nila,” sagot nito sa kaniya kaya nabuhayan siya ng loob kahit pa paano. “Sekani, maari ka bang ma-interview?” “Sekani, ako muna ang una mong kausapin.” “Sekani, iho, maari ka bang makausap saglit?” Dumami agad ang mga reporter na lumapit sa kaniya kaya lalong sumakit ang ulo niya. Mabuti na lang at todo rescue sina Conrad at Nitina. Huminto sa mismong harap niya ang sasakyang dala-dala nila. “Pasok na, Sekani,” sabi ni Nitina. Dali-daling sumakay doon si Sekani habang buhat-buhat niya si Wasuna. Pagsakay nila roon ay pinaharurot agad ni Conrad ang sasakyan niya. Hindi naman napigilang maiyak ni Sekani nang makita niya si Nitina. “Sh*t! Napanuod ko sa tv ang nangyari sa bahay mo kaya napapunta agad kami ni Nitina. Sabihin mo nga, ano bang nangyari at nagyelo ang buong bahay niyo?” tanong ni Conrad. “Oo nga. Saka, bakit ka umiiyak? May nasaktan ba sa inyo? Saka, nasaan nga pala ang mga magulang mo?” sunud-sunod namang tanong ni Nitina. Nagpunas muna ng luha si Sekani bago sumagot. “May kakaibang nilalang na nagpakita sa bahay namin. Pag-uwi ko kanina ay nakita ko na lang na nilamon ng mahiwagang portal ang mga magulang ko. Pagkalaho ng portal ay saka na lang sumabog doon ang malakas na puwersa ng yelo,” pagkukuwento niya. Nakahinga ng maluwag si Wasuna nang i-edit ni Sekani ang kuwento. Masaya siya na kahit namomoblema si Sekani ay pinili pa rin nitong ilihim ang kung anong kapangyarihan ang mayroon siya. “OMG!Hindi kaya may kinalaman dito sina Teresa at ang pamilya niya?” tanong ni Conrad kaya napatingin si Sekani kay Wasuna. “Walang kinalaman sina Teresa rito. Matagal na silang wala sa kaharian ni Reyna Avilako,” sagot sa kaniya ni Wasuna gamit ang mind magic nito. “Wala naman siguro. Hindi naman kasi makapangyarihan ang mga iyon,” sagot ni Sekani kay Conrad. Dahil sa nangyari ay napagpasiyahan ni Sekani na tumuloy na lang muna sa bahay ni Conrad. Inalok kasi siya nito na maaring doon muna siya tumuloy. Tutal ay mag-isa lang naman ito sa bahay. Pagdating nila sa bahay nila Conrad ay hinayaan  na muna siya ng mga ito na mapag-isa. Nang nasa isang kuwarto na sina Sekani at Wasuna ay doon na sila ulit nag-usap. “Now, sabihin mo sa akin kung saan dinala ng Avilako na iyon ang mga magulang ko?” “Sigurado ako na sa Killen Town niya ito dinala. Doon kasi ang kaharian nila,” sagot sa kaniya ni Wasuna. “Saan iyon? Dito lang din ba sa mundo natin iyon matatagpuan?” “Oo, dito lang din iyon. Alam ko naman lugar na iyon kaya huwag ka nang mag-alala.” “Kung ganoon ay sa lalong madaling panahon ay sagipin na natin ang mga magulang ko at baka kung ano pa ang gawin sa kaniya ng halimaw na si Avilako na iyon.” “Not now, Sekani. Masyadong malakas si Reyna Avilako. Kailangan mo munang magpalakas. Kailangan muna nating magising ang natutulog mong kapangyarihan,” sabi nito sa kaniya na kinagulat niya. “A-anong ibig mong sabihin?” “Siguro nga ay dapat mo nang malaman. Ikaw kasi ang taong palagi kong nakikita sa paniginip ko. Ikaw ang tinakdang nilalang na makakuha ng kapangyarihan sa kahuli-hulihang berberoka na nabubuhay ngayon sa mundong ito. Pero, hindi madali ang mangyayari, Sekani. Marami ka pang dapat malaman. Marami ka pang dapat matutunan.” “Please, sabihin mo na sa akin ang lahat ng dapat kong malaman. Hindi ko kayang mawala sa akin ang mga magulang ko. Kailangan ko silang masagip.” “Kalma na muna, Sekani. Hindi tayo puwedeng magpadalos-dalos at baka pati tayo ay malagay sa alanganin.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD