Chapter 12

1281 Words
Chapter 12 : Never!   Nilagay agad ni Sekani sa likod niya sina Nitina at Conrad nang biglang sumugod si Roberto na nag-anyong siyokoy na. Sinipa siya nito kaya tatlo silan tumilapon palabas sa bahay na iyon. “Hayop! Mga halimaw nga pala!” galit na sabi ni Conrad at saka tinulungang tumayo si Nitina. “Sige na, lumabas na kayo. Ako nang bahala rito,” sabi ni Sekani. “Hindi, tutulungan kita,” kontra sa kanya ni Conrad. “Ikaw ang bahala,” sagot na lang niya. Paglabas ni Roberto ay agad ulit silang sinugod nito. Hindi na pumayag si Sekani na maatake pa sila nito. Sinalubong niya ito nang malakas na suntok. Tumama ito sa pader at saka nabuwal. Mayamaya ay si Teresa naman ang sumugod. Sa puntong iyon ay anyong kataw na rin ito. Lumapit siya kay Sekani at saka ito sinuntok sa tiyan. Hindi siya nagpatinag. Mahina ito kaysa kay Roberto na malakas ang suntok at sipa. Hindi rin nakaligtas si Teresa dahil isang sipa lang ni Sekani ay tumilapon na ito pabalik sa loob ng bahay nila. Narinig pa niya na may nasabag doon. Mukhang sa babasagin na lamesa ito tumama. “Wow!” dinig niyang sabi ni Nitina. “Ibang klase ka naman pala, Sekani,” puri rin sa kaniya ni Conrad. Mayamaya ay ang ina naman ni Teressa ang lumabas. Nagulat sila dahil isa itong malaking kataw. Hinablot siya nito at saka tinapon sa halamanan doon. Alam nila Sekani at Wasuna na hindi na uubra ang atakeng puro lakas lang. Power elements na ang kailangan nila kaya napilitan na silang gumamit ng kapangyarihan. “Anong plano mo?” tanong ni Sekani. “Tubig. Kailangan ko ng tubig,” sagot ni Wasuna. “Ayon. May timba ata na may lamang tubig sa isang gilid.” Kusang kinontrol ni Wasuna ang katawan ni Sekani para lumapit doon. Kinuha niya ang timbang may lamang tubig. Hinawakan niya ang tubig at saka nilagyan ng poison. “Humanda ka. Magiging totoo na ang pagiging bedridden mo,” warning ni Sekani sa ina ni Teresa. “Anong magagawa mong batang paslit lang? Akala mo ba’y matatakot mo ako sa timbang may lamang tubig lang? Ano ako tanga?” “Tanga talaga. Hindi lang kasi bastatubig ito. Heto at tikman mo!” Pagdaka’y binuhos ni Sekani ang tubig sa ina ni Teresa. Isang malakas na paghiyaw ang pinakawalan nito nang biglang malusaw ang balat niya. Ang pagiging kataw niya ay biglang nawala. Nagbalik ito sa anyong tao at saka nabuwal sa sahig. “Halika na, Sekani. Tama na ‘yan,” akay sa kaniya ni Nitina palabas sa bahay na iyon. Gusto pa sana niyang tapusin ang laban. Kaya lang ay nagpupumilit nang umalis doon ang mga kasama niya kaya napilitan na siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Pagsakay nilang lahat ay pinatakbo na ng mabilis ni Conrad ang sasakyan niya. Lahat ay pawisan at hingal na hingal. Magkatabi sina Sekani at Nitina sa loob ng sasakyan. Nakatitig na lang nang nakatitig si Nitina sa kaniya kaya naiilang na siya. “Ano ba ito? Bakit pakiramdam ko ay may something kayo?” “Wala. Issue ka, Wasuna!” “Hindi ako puwedeng magkamali. May something talaga kayong dalawa,” panunukso pa nito. “Shut up! Huwag kang gagawa ng kung ano at mapapalayas talaga kita sa bahay,” pananakot niya kaya tumahimik na lang si Wasuna. “Opo, boss. Sorry na po.” “Ikaw ba talaga si Sekani na kababata ko?” tanong na ni Nitina. “Ano bang tanong ‘yan, Nitina?” Tinawanan na lang siya ni Sekani at saka binaling ang tingin sa bintana ng sasakyan. “Ang cool mo kanina, Sekani,” puri ni Conrad. “Tama. Ang galing-galing mo kanina. Parang ang lakas mo. Saka, hindi ka mukhang lampa kanina. Parang ibang Sekani talaga ang kasama ko ngayon,” sabi pa niya kaya tuloy-tuloy na ang pagtawa ni Sekani para hindi siya mahalata. “Malakas naman talaga ako. Sadyang ayaw ko lang nang away noon. Pero, iba na ako ngayon. Sawa na akong masaktan. Sawa na akong maging tanga sa mata ng ibang tao. Ikaw ang nagsabi sa akin na maging matapang na ako. Lumalaban na ako kaya maging masaya ka na ngayon,” sagot niya kaya napangiti si Nitina. “Yeah!Tama ‘yan. Ganiyang ang gusto kong mangyari noon pa. Ngayon, kayang-kaya mo nang ipagtanggol ang sarili mo kay Emon. Ipakita mo sa kaniya ang lakas mo kapag pinag-trip-an ka pa niya.” “Tapos na. Nabigyan ko na siya leksyon,” sabi niya kaya natawa na naman si Nitina. “Naging busy lang ako sa pageant, dumami na pala ang mga ganap na hindi ko nasaksihan. Anyway, ipagpatuloy mo na ang pagiging matapang, Sekani. Lalo akong humahanga sa iyo ngayon. Ang cool na lalo nang tingin ko sa iyo,” puri nito sa kaniya kaya muli na namang nang-asar si Wasuna sa kaniya. “Sabi na e. May something talaga.” “Quiet! Palalabasin kita riyan sa katawan ko at saka kita ilalaglag sa kotse!” “Sorry ulit, boss.” “Habang tumatagal ay nagiging makulit ka na, Wasuna.” “Hala, sorry talaga, boss. Hindi na mauulit.”   **   Inuwi na muna nila si Nitina sa bahay nito at saka sila tumuloy ni Conrad sa coffee shop nito. Pagdating doon ay nadatnan nilang maraming costumer. Hindi na tumunganga si Sekani. Agad-agad na siyang tumulong sa mga kapwa niya coffee server. Malaking pasasalamat niya at hindi pa rin umaalis sa katawan niya si Wasuna. Hindi na siya mapapagod pa dahil ito na ang ko-control sa katawan niya. Hanggang sa matapos ang trabaho niya ay naroon pa rin ito sa katawan niya. Nang pauwi na sila ay doon lang ito lumabas sa katawan niya. Habang naglalakad na sila pauwi ay kita niya ang panlalata ni Wasuna. “Gusto mo bang buhatin na kita?” alok ni Sekani kay Wasuna. Alam niya kasi na napagod ito. “Yes, please!” Dahil doon ay binuhat na niya ito. Hanggang sa makauwi sila ay buhat-buhat niya si Wasuna. Pag-uwi sa bahay ay full energy pa si Sekani. Nagawa pa tuloy niyang magsaing ng kanin at magluto ng adobong baboy. Hinayaan na lang muna niyang matulog si Wasuna dahil habang kilik niya ito kanina ay tulog na tulog ito. Bilang pabuya sa pusa niyang itim ay pinagluto niya rin ito ng paborito niyang gulay. Matapos magluto ay sabay-sabay silang kumain. “Aba’y bakit tila full energy pa ang anak namin?” tanong sa kaniya ng ama niya. “Kaya nga. Pansin ko rin iyan,” sabi naman ng ina niya. “Wala lang hong masyadong ginawa ngayong araw,” sagot na lang niya at saka tumingin kay Wasuna. Nakatanggap siya ng irap sa pusa niya kaya palihim siyang natatawa. “Hindi na mauulit iyon, Sekani. Kapagod pala ng work mo. Ngayon alam ko na kung bakit kapag uuwi ka na sa bahay ay pagod na pagod ka,” sabi sa kaniya ni Wasuna gamit ang mind magic niya. “Ayaw mo na ba? Naisip ko nga na araw-araw ko nang ipapagawa sa ‘yo iyon para hindi ako pagod,” panunukso pa niya kaya sinadya siya nitong kalmutin sa kamay niya. Napasigaw tuloy si Sekani. “Aray!” Tatampalin niya sana ang pusa, pinigilan niya lang ang sarili dahil alam niyang babae pa rin iyon. “Hindi na mauulit iyon. Never! Gawin pa kitang isang buong yelo diyan kapag nasura mo ako,” pananakot sa kaniya ni Wasuna kaya natahimik na lang siya. Alam niyang makapangyarihan itong pusa kaya hindi na lang siya kumibo. Ngayon, alam na niya na nakakatakot pala ito kapag pagod at wala sa mood.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD