Chapter 22 : Ang muling pagkikita nila Sekani at Emon
Maagang nagising si Sekani. Pagbaba niya sa salas ay natanaw niya sa bintana ang malawak na hardin ng mansyon ni George. Lumabas siya roon. Paglabas niya ay sinalubong siya ng maaliwalas ng hangin. Amoy na amoy sa buong paligid ang mga bulaklak na kakabuka lang ngayong umaga.
“Apo?” Nagulat siya nang biglang lumitaw sa likuran niya ang lola Adelinda niya.
“Ang lakas naman ho ng loob niyo na magpakita pa sa akin?” Lumapit ito sa kaniya at akmang hahawakan sana ang kamay niya pero agad itong iniwaas ni Sekani. “Umalis ka na at ayokong makita ang pagmumukha mo. Mamamatay tao ka!” Galit niyang sabi kaya napaluha na lang si Reyna Adelinda.
Hindi tumitingin si Sekani sa mukha ni Adelinda. Galit na galit talaga siya rito dahil ang pinuntan niya roon ay ang paghingi ng tulong pero hindi niya inaasahan na sa kamay ng sarili niyang lola pa pala siya mamamatay.
“Apo, makinig ka muna. Hindi naman talaga kita papatayin. Sinusubok ko lang ikaw kung may kapangyarihan ka na ba. Hindi ko inaasahan na wala pa pala kaya nang atakihin kita ay nagulat din ako. Tutulungan naman kita. Sasagipin natin ang nanay mo. Patawarin mo sana ako kung kamuntikan na kitang mapatay,” mahaba nitong sabi sa kaniya pero nilayasan lang siya ni Sekani. Mangiyak-ngiyak na naiwan sa hardin si Reyna Adelinda.
Pagpasok ulit ni Sekani sa loob ng mansyon ay tumuloy siya sa kusina. Uminom siya agad ng tubig para mapawi ang galit na nararamdaman.
“Agad mo atang nagising, prinsipe,” bati sa kaniya ni George na papungay-pungay pa ang mata. Halatang kakagising lang nito. Tumuloy ito sa prigider para uminom din ng tubig. Tiyak na may hangover ito dahil uminom ito ng alak kagabi.
“Papasok muna po kasi ako sa trabaho habang wala pang plano. May mga pangarap din po kasi ako kaya ayaw ko naman po na masayang ang oras ko.”
“Anak ka nga nila Sikhina at Cain. Gaya mo ay dati rin silang punung-puno ng pangarap.”
“Kung hindi man nila natupag ang pangarap nila, ako ang tutupad niyon.”
“Basta, kapag kailangan mo ng tulong ay magsabi ka lang.”
“Salamat po, Tito George,” sabi niya at saka na ito umalis doon. Nang lumabas na siya sa bahay na iyon ay wala na si Reyna Adelinda.
“Saglit,” tawag sa kaniya ni George kaya napahinto siya sa paglalakad. Tumakbo ito sa kaniya para I-abot ang isang supot ng cookies at isang malamig na gatas na galing sa prigider. “Bauinin mo na iyan para makapag-almusal ka naman,” sabi pa niya.
“Maraming salamat po ulit. Nakikita ko sa iyo si papa. Nalungkot tuloy ako,” sabi niya kaya niyakap na lang bigla siya ni George.
“Maabot mo rin ang mga pangarap mo sa buhay. Mabait kang bata kaya kumalma ka lang at alam kong maraming magagandang pangyayari ang mangyayari sa buhay mo.” Tumango na lang siya at saka nag-umpisa na ulit maglakad. Habang naglalakad siya ay kinakain na niya ang cookies.
Malapit na siya sa coffee shop ni Conrad nang makita niyang bumaba sa sasakyan ni Conrad si Nitina. Natuwa siya dahil mukhang tinigilan na ito ni Reyna Avilako. Tatakbo na sana siya para kausapin ito pero nagulat na lang siya nang biglang hinalikan ni Conrad sa labi si Nitina.
“Natutuwa ako dahil natupad din ang pangarap ko na maging tayo,” masayang sabi ni Conrad kaya lalo nang gumuho ang mundo ni Sekani.
“Hindi ko rin inaasahan na ikaw ang mamahalin ko. Hindi ka umalis sa tabi sa mga oras na takot na takot ako. Ikaw ang naging lakas ko, Conrad. Mahal na mahal kita kaya sana ay alagaan mo akong mabuti at ipagtanggol palagi sa mga masasamang nilalang,” sagot sa kaniya ni Nitina.
Unti-unti nang napaatras si Sekani. Naisip niya na hindi na dapat siya tumuloy doon. Hindi na dapat siya lumapit doon dahil hindi siya belong sa mga ito. Nawalan na siya ng ganang kumain kaya nabitawan na lang niya bigla ang mga pagkaing pabaon sa kaniya ni George. Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa makarating ulit siya sa dati nilang bahay. Binuksan niya iyon at saka pumasok sa loob. Doon niya binuhos ang sakit na nararamdaman niya. Iniwan na siya ng lahat. Wala na sa kaniya ang lahat.
“Sabi na nga ba’t babalik ka.” Nahinto siya sa pag-iiyak nang marinig niya ang boses ni Emon. Nakangisi ito sa kaniya na para bang masaya na nalulungkot siya. Alam niyang hindi talaga si Emon ito. Ginagamit lang ng nilalang na ito ang itsura ni Emon para makuha ang atensyon niya.
Dali-dali siyang tumayo. Hindi siya dapat magpatalo dahil ililigtas pa niya ang mga magulang niya. Dinampot niya bigla ang bakal na ginamit niya sa mga kataw na nakalaban niya noong nakaraang araw.
“Subukan mong lumapit sa akin at sisiguraduhin kong putol ang ulo mo,” banta ni Sekani.
“Kalma. Hindi naman kita lalabanan. Narito ako para ibalita sa iyo na ngayong araw ko na kukunin si Nitina mo. Nasa labas siya at walang apoy sa paligid niya kaya kayang-kaya ko na siyang kunin,” sabi nito sa kaniya kaya kinabahan agad siya.
“Ano bang plano niyo? Bakit ang mga taong malalapit sa aking ang kinukuha niyo?” galit niyang tanong.
“Maari mo naman din silang mabawi. Iyon ay kapalit ng buhay mo. Pakakawalan sila pero ikaw ang kapalit,” sagot nito sa kaniya kaya napaisip siya.
“Ako?”
“Oo, ikaw. Pero alam kong hindi ka pa namin mapapayag kaya kukunin na muna namin si Nitina para tuluyan ka nang mabaliw.” Naglaho bigla ang kamukha ni emon matapos iyong sabihin sa kaniya. Hindi sanay magmura si Sekani pero nang maglaho si Emon ay napamura siya habang napapasuntok sa haligi ng bahay nila na gawa sa kahoy.
Dali-dali siyang umalis ng bahay para tumakbo pabalik sa coffee shop. Gusto niyang unahan si Emon. Sayang lang at wala na ang cellphone niya para matawagan si Conrad. Nang mawala na kasi ang mga magulang niya ay hindi na rin niya alam kung saan na ba napunta ang cellphone niya. Maaaring nakuha na iyon ng mga tao nang pagkaguluhan na mga ito ang bahay nila noong maging yelo iyon.
Padating pa lang siya sa Coffee shop ni Conrad pero tanaw na niya agad ang umiiyak na si Conrad habang pinapakalma ng mga tauhan niya roon. Doon pa lang ay alam na niya ang nangyari. Muling napamura si Sekani. Ngayon, hindi lang ang mga magulang niya ang hawak ni Reyna Avilako, pati na rin si Nitina.
**
“Oh, akala ko ay pumasok ka sa trabaho mo?” tanong ni Gustava sa kaniya nang makauwi na ulit siya sa mansyon.
“May kinuha na naman sila Reyna Avilako,” sabi niya kaya nanlaki ang mata ni Gustava.
“Sino naman?” tanong ni George.
“Ang kaibigan kong si Nitina,” sagot niya.
Tumayo si Gustava para yakapin siya.
“Dapat na talaga sigurong maghanda. Kailangan mo nang maging malakas. Kailangan ng lumabas ang kapangyarihan mo,” sabi nito sa kaniya.
“Gusto ko na po. Gusto ko nang mangyari iyan para maturuan ko ng leksyon si Avilako. Gigil na ako sa kaniya. Hindi na ako makapaghintay na masaktan siya!” galit na sagot niya kaya napangiti si Wasuna. Alam ni Wasuna na seryoso na ngayon si Sekani.
“Doon tayo sa hardin. Kailangan mo munang sumabak sa laban ng manu-mano,” aya ni Gustava kaya lahat sila ay tumungo agad sa hardin.
“Sino ang makakalaban ko? Kayo po ba?” tanong niya kay Gustava pero umiling ito.
“Ako, prinsipe,” sagot ni George kaya nagulat siya.