Chapter 23

1330 Words
Chapter 23 : Ang pagtungo nila Sekani at Wasuna Sa Red Town  “Oh, bakit tila masakit ang katawan mo?” tanong ni Wasuna kay Sekani nang pumasok siya sa kuwarto nito. Napailing si Sekani. Tumayo siya at saka humarap sa bintana na nakabukas. “Hindi ko inaasahan na malakas at magaling si George. Kahit normal na tao lang siya ay parang isang malakas na kataw ang kalaban ko,” sagot niya kay Wasuna kaya natawa ito. “Kahit ako ay nagulat din sa napanuod ko sa inyo kanina habang naglalaban kayo. Kung titignan ay maari rin natin siyang makasama sa pag sugod kay Reyna Avilako.” “Pero hanggang kailan ba tayo maghihintay? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang kapangyarihan ko?” “Hindi ko rin alam. Kahit ako man ay naiinip na. Parang gusto na kita tuloy dalhin sa Red Town.” “Doon hindi ba nakatira ang kahuli-hulihang berberoka na nabubuhay ngayon sa buong mundo?” tanong niya kaya napatango si Wasuna. Lumapit tuloy siya kay Wasuna. “Tara na. Harapin na natin siya. Siya na nga siguro ang susi para magising ang natutulog kong kapangyarihan sa katawan ko,” sabi pa niya kaya napaisip na rin si Wasuna. “Magpaalam ka muna kay Gustava.” “Huwag na. Tiyak naman na hindi niya ako papayagan.” Binitbit ka agad ni Sekani si Wasuna. Dumaan sila sa nakabukas na bintana. Desidido na silang dalawa na tumungo sa Red Town. Paglabas sa bintana ay palihim silang nagtago sa mga puno na naroon sa likod ng mansyon. Hindi man nila alam kung saan patungo ang gubat na pinasok nila ay ayos lang. Ang mahalaga ay makaalis na sila at makatungo sa Red Town. Nang makalayo na sila ay roon na bumagal ang kanilang paglalakad. “Wow! Hindi ko inaasahan na ang gubat na pinasok natin ay ang gubat din na patungo sa Red Town. Mukhang tinadhana na talaga ngayong araw na tumungo tayo sa Red Town. Ngunit ngayon pa lang ay sasabihan na kita. Tatagan mo ang loob mo. Maging matapang ka dapat sa lahat ng oras dahil puro kababalaghan ang bumabalot sa Red Town. Kahit ako man ay takot doon ay magiging matapang na rin ako ngayon dahil kailangan. Kailangan nating makaharap ang berberoka para sa ikakaayos ng lahat.” “Kahit mahirap ay kakayanin ko. Kahit mapanganib pa ay magiging matapang ako. Buhay ng mga magulang ko ang nakasasalay dito kaya gagawin ko ang lahat para maligtas sila,” matapang na sabi ni Sekani kaya napatango na lang si Wasuna. May mga nadaanan silang prutas. Tamang-tama, may dalang bag si Sekani. Nag-imbak sila ng pagkain dahil sabi ni Wasuna ay kahit anong tanim na prutas o gulay ay wala sa Red Town. Walang kahit anumang pagkain doon kaya kailangan nilang mag-imbak. Isa pa, hindi rin nila alam kung hanggang kailan sila mamalagi roon.e Habang naglalakbay silang dalawa ay patingin-tingin sila sa paligid. Sinusuyod nila nang tingin ang buong paligid para wala silang makaligtaan na pagkain. Sa gitna na paglalakad nila ay isang mabangis na leon ang nakasalubong nila. “Malakas ang kutob ko na galing ang isang iyan sa Red Town. Senyales ito na malapit na tayo roon. Tignan mo ang mata ng leon na iyan. Pula. Ibig sabihin ay hindi lang basta leon ang isang iyan,” sabi ni Wasuna kaya naghanda ka agad si Sekani. “Sumapi ka sa akin, Wasuna. Hindi ko kaya ang isang iyan,” wika ni Sekani kaya sinunod naman siya ni Wasuna. Pumasok na nga ito sa katawan niya. “Tignan ko na lang ang galing mo ngayon,” matapang na sabi ni Sekani at siya na mismo ang unang sumugod sa leon. Seryoso ang leon. Hindi manlang ito natakot sa kaniyang pag sugod. Nang akmang susuntukin niya ang leon ay hindi manlang ito natinag. Ang malakas na suntok niya ay tila kiliti lang para sa kaniya. “Teka, tila ako pa ang nasaktan sa pagsuntok sa kaniya. Hindi manlang siya natinag,” nagtatakang sabi ni Wasuna. “Ramdam ko rin ang sakit ng kamao ko. Mukhang kakaiba nga ang leon na ito,” sagot naman ni Wasuna. Nagsimula nang magalit ang leon. Sumigaw ito nang malakas kaya tumilapon sila nang malayo at saka tumama sa malaking puno. Pagtama nila sa malaking puno ay kusang nahiwalay ang pusang itim na si Wasuna sa katawan ni Sekani. “Argh! Grabe naman iyon,” pangangaray ni Sekani habang nakahandusay sa damuhan. “Pakiramdam ko ay nabalian ako ng buto,” reklamo naman ni Wasuna. Dahan-dahang tumayo si Sekani. Tinanaw niya ang leon pero wala na ito sa kinaroroonan nito kanina. “Wala na siya,” sabi ni Sekani at saka tinulungang tumayo si Wasuna. “Patikim pa lang iyon, Sekani. Isang leon pa lang iyon. Hindi pa tayo nakakapasok sa Red Town pero bumagsak na agad tayo,” sabi ni Wasuna kaya binabalot na ng takot si Sekani. “Wala pa akong kapangyarihan kaya talagang mahina pa ako. Pero malay mo, habang tinalo tayo ng mga nilalang sa Red Town ay lumabas na ang kapangyarihan ko. Hindi ako matatakot. Hindi ako puwedeng matakot. Kayanin natin ito para sa mga magulang ko,” matapang niyang sabi at saka binuhat si Wasuna. Tinutubuan man ng takot ay nagpatuloy pa rin sila sa paglalakad. “Isa ka ngang prinsipe. Natutuwa ako dahil buo ang loob mo, Sekani,” puri sa kaniya ni Wasuna. “Iyon naman kasi ang dapat hindi ba?” “Tama ka naman. Pero dapat simula ngayon ay pag-isipan muna natin ang mga galaw natin bago sumugod sa susunod na makakalaban natin. Ito ay para hindi agad tayo mapahamak.” “Sige, gawin natin iyan,” sagot ni Sekani. Nang lumipas ang dalawang oras ay napagpasiyahan nilang mamahinga na muna. Binuksan ni Sekani ang bag at saka nilabas ang ilang piraso ng mangga na napitas nila kanina. Mga hinog ang pinili nila kaya madali nila itong nabalatan. “Ganito pala ang lasa ng prutas na ito,” sabi ni Wasuna. “Hala, ngayon ka lang nakatikim niyan?” gulat na tanong ni Sekani. “Oo, ngayon lang.” Ang sunod ns binuksan ni Sekani ay buko para may mainom naman sila. Marami pa naman silang madadaanang buko kaya papalitan na lang nila iyon para pagpasok nila sa Red Town ay may tubig pa rin sila. “Sana ilang araw lang tayo maglagi roon. Parang hindi ko kasi kakayaning hindi makakain ng kanin ng ilang araw. Iniisip ko pa lang ay nanghihina na ako,” sabi ni Sekani kaya natawa si Wasuna. “Huwag kang mag-alala. Kapag maganda naman ang mood ng berberoka ay nagbibigay naman ito ng mga masasarap na isda sa ilog doon.” “Talaga? Mainam kung ganoon. Pero paano kung tayo ang gawin niyang pagkain? Sigurado ka ba na mapagkakatiwalaan ang berberoka na sinasabi mo?” “Ayon sa mga panaginip ko ay siya kasi ang gigising sa natutulog mong kapangyarihan. Pero ang panaginip naman kasi ay minsan ay kasinungalingan. Pero may mga panaginip kasi ako na nangyayari sa totoong buhay kaya subukan na lang natin para malaman natin.” “Matanong ko lang. Saan ba takot ang berberoka? May kinakatakutan ba ito?” “Iyan ang hindi ko pa alam. Pero maganda iyang naisip mo. Iyan ang dapat nating alamin para may alas tayo laban sa kaniya.” “Nang sa ganoon ay mapadali ang trabaho natin. Excited na akong magkaroon ng kapangyarihan. Excited na akong makuha ang mga magulang ko kay Reyna Avilako.” Habang patuloy silang naglalakbay ay isang malaking unggoy naman ang nakita nila. Gaya ng leon kanina na nagpakita sa kanila ay pula rin ang mga mata nito. “Oh, no! Unggoy naman ngayon,” sabi ni Sekani na napako agad ang paa sa kinakatayuan niya. “At mas malaki pa ito kaysa sa leon kanina.” “Hindi pa tayo nakakapasok sa Red Town pero parang maaga tayong mamatay,” sabi ni Sekani na titig na titig sa malaking unggoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD