Chapter 7

1549 Words
MAG-IIKATLO ng madaling araw, kinabukasan. Iminulat ni Carol ang mga mata at naulinigan ang kulay puting kisame. Iginala ng babae ang paningin sa paligid. Unti-unting magbabalik sa kan’yang gunita ang lahat, at napagtanto n’yang nasa ospital s’ya. Iginalaw ni Carol ang kanang kamay. Bahagya pa s’yang napaigtad nang maramdaman ang sakit na dulot ng nakakabit na dextrose. Muli n’yang iginala ang paningin sa paligid, nag-iisa lamang s’ya sa kan’yang silid nang sandaling iyon. Naalala n’ya si Jerome. Nasa'n ang kan’yang asawa? Hanggang sa naputol ang pag-iisip ni Carol nang bumukas ang pinto at iluwa no'n ang isang lalaki, marahil ay ang doktor, kasama ang isang babaeng nurse. Napalunok-laway si Carol. At nakaramdam ng pag-aalala. "Gising ka na pala, Mrs. San Diego." Ani ng doktor. Pinigilan nitong bumangon si Carol sapagkat batid nito na mahina pa ang babae. "Doc, ano po ang nangyari sa baby ko? Tell me, okay lang s’ya, 'di ba?" Nag-aalalang tanong ni Carol. Nagkatinginan naman ang doktor at nurse, nagdalawang-isip. "Doc?" Bakas sa boses ni Carol ang pagkainip. At pangamba. "Mas makakabuti siguro, Mrs. San Diego, kung nandidito ang mister ninyo..." Hindi na natapos ng doktor ang kan’yang sinasabi nang magsalita si Carol sa nakikiusap na tinig. "Doc, sabihin ninyo sa ‘kin kung ano ang nangyari sa anak ko, parang awa n’yo na po!" Wika ni Carol. Namuo ang luha sa gilid ng kan’yang mga mata. Hindi n’ya nagugustuhan ang itinatakbo ng usapan nila. Nakakaramdam s’ya nang pag-aalinlangan at pag-aalala sa reaksyon ng mga kaharap n’ya. Mariing kinuyom ni Carol ang kamao. Kinakabahan s’ya sa maaari n’yang malaman. Pinagmasdan s’yang maigi ng doktor saka ito nakumbinsi. "Okay, Mrs. San Diego, if you insist." "Tell me my child is okay, right?" Carol asked. "I'm so sorry pero wala na po ang bata." Malungkot na saad ng doktor. "Ho?" Pakiwari ni Carol ay nabingi s’ya sa narinig. "Ano bang sinasabi n’yo, Doc, paano mawawala ang anak ko eh nasa tiyan ko lang naman s’ya!" Napangiti si Carol tapos sinapo n’ya ang kan’yang tiyan. Pero naiyak na rin s’ya. "Nagkaroon ng malalang internal bleeding kaya nagka-miscarriage, Misis. Plus, the fact na nasa maselang stage pa po kayo ng inyong pagbubuntis kaya..." Hindi na pinakinggan ni Carol ang mga sumunod na sinabi ng doktor dahil nakaramdam na s’ya nang panginginig ng kan’yang katawan. Pinilit n’yang bumangon dahilan para daluhan s’ya ng assisting nurse at pigilan. "Makakasama po sa inyo kung pipilitin n’yong bumangon, Ma'am. Hindi n’yo pa po kaya!" Ani ng nurse sa kan’ya ngunit wala s’yang pakialam dito! Gustong lapitan ni Carol ang doktor para bawiin nito ang sinabi nio tungkol sa kan’yang anak. Hindi s’ya naniniwala rito! HIndi totoong wala na ang kan’yang baby! "Nagsisinungaling kayo! Hindi totoong patay na ang anak ko! Baka naman nagkakamali lang kayo, 'di kaya?" Hindi mapigilang matawa ni Carol sa kabila nang pagtangis. Sumuko na s’ya sa pagpupumilit na makabangon sa halip ay hinimas ulit n’ya ang kan’yang sinapupunan, at muling kinausap ang anak. "Anak, nand'yan ka, 'di ba? Hindi totoong iniwan mo sina mommy at daddy, 'di ba? O!" Tumawa si Carol at napatingin sa doctor na napapailing sa ginagawa n’ya. "Doc, nararamdaman ko ang t***k ng puso ng baby ko. Hindi pa s’ya patay!" Awang-awa sa kan’ya ang doctor na pagkatapos ay sumenyas sa kasama nitong nurse. Agad ‘yong naunawaan ng babae saka naglabas ng isang syringe at in-enject sa dextrose na nakakabit kay Carol. "I'm really sorry, Mrs. San Diego, but you really need to rest. Makakasama sa inyo ang paglilikot." Mahinahong saad ng doktor. Naramdaman ni Carol ang pamamanhid ng buo n’yang katawan. Marahil ay dahil iyon sa in-inject sa kan’yang dextrose. Hindi na rin naman nanlaban pa ang babae at tahimik na nagpaalalay sa nurse upang maihiga s’ya ng maayos. Unti-unti na n’yang ipinipikit ang kan’yang mga mata ngunit ramdam na ramdam pa rin n’ya ang labis na sakit sa kan’yang puso. Nasa'n ba si Jerome? Nasa'n ba ang kan’yang mister? Bakit ngayon pa ito nawala kung kailan mas higit n’ya itong kailangan? *** MULING idinilat ni Carol ang mga mata at napatingin s’ya sa orasang nakasabit sa pader ng kan’yang silid at napagtanto n’yang mag-iika pito na ng umaga, ilang oras din ang lumipas matapos n’yang makatulog. Napabuntong-hininga si Carol, nag-iisa pa rin s’ya sa kuwarto n’ya ng oras na iyon nang maaalala ang masamang ibinalita sa kan’ya ng doktor hinggil sa anak nila. Nakaramdam ng matinding kirot sa puso si Carol at tahimik na tumangis. Wala na ang kan’yang anak. Patay na ang anak na inalagaan n’ya at hinintay. Wala na ang anak nila ni Jerome! "Carol? Carol, diyos ko!" Magkahalong pangamba at pag-aalalang wika ni Elise pagkapasok sa silid ng kan’yang kaibigan. At lalo namang naiyak si Carol nang makita ang kaibigan. Mahigpit na niyakap ni Elise ang umiiyak na si Carol dahilan upang lalo itong humagulgol. "Elise, wala na ang baby ko. Patay na ang baby ko!” Umiiyak na wika ni Carol habang mahigpit na nakayakap sa kaibigan. Nagpapasalamat s’ya sa Diyos sapagkat mayroon na rin s’yang kasama. Hindi na rin naman napigilang umiyak ni Elise. Alam n’yang napakasakit ng bagay na iyon para kay Carol, para sa isang ina. "I'm so sorry, Carol. I'm so sorry..." Pinabayaan lang ni Elise na umiyak si Carol. Na ilabas nito ang nararamdaman. Na kahit paano ay may balikat itong masasandalan. Makalipas ang ilang sandali ay kumalas si Elise sa pagkakayakap sa kaibigan at pinahid ang luha nito. Inalalayan n’ya itong makaupo ng maayos tapos ay tinabihan n’ya ito. "Tinawagan ako ni Jerome para sabihin ang nangyari at s’ya rin ang nagpapunta sa akin dito. Bakit ba kasi nagkaganito, Carol? Bakit ka nahulog sa hagdan n’yo samantalang maingat ka naman?” Napakagat-labi si Carol dahil sa kuwentong ginawa ng mister upang pagtakpan ang totoong nangyari. But at the same time, nagpapasalamat s’ya rito dahil hindi s’ya nito sinumbong. “Aksidente ang nangyari.” Aniya. Napailing naman si Elise bagaman nakumbinsi sa sagot ni Carol. "Sinabi ba ni Jerome sa ‘yo kung nasa'n s’ya? Kailan s’ya pupunta rito, Elise? Kailangan ko s’ya, eh!" Muling napahagulgol si Carol. Nanginginig ang buo n’yang katawan. Natatakot s’ya na baka anomang oras ay may makadiskubre sa bangkay ni John, at anomang sandali ay may mga pulis na umaresto sa kan’ya dahil sa nagawa n’yang krimen. "Hindi n’ya sinabi pero ang sabi n’ya darating s’ya. Carol, alam na ba ni Jerome ang tungkol sa nangyari sa anak n’yo?" Napailing si Carol, nangangahulugang hindi. Napabuntong-hininga naman si Elise. Hindi n’ya mawari ang inaasal ng kaibigan. Hindi n’ya mahinuha ang labis na pagkatakot at pag-aalala sa mukha nito. Marami pa s’yang gustong malaman ngunit naisip ni Elise na hindi makabubuti sa kondisyon ni Carol ang pagiging matanong n’ya. Kaya naman in-insist n’yang pagpahingahin ito habang pinaghahanda ng dala n’yang makakakain. Tahimik lang si Carol na nakatitig sa kawalan habang abala si Elise sa pag-aasikaso ng kan’yang almusal. Gulong-gulo na ang isipan ni Carol sa mga posibleng mangyari. Hindi n’ya alam kung nasa'n si Jerome. Natatakot s’ya! Ngunit sa ngayon ay mas nangingibabaw ang sakit na kan’yang nararamdaman dulot nang pagkawala ng kanilang anak. Hinawakan ni Carol ang sinapupunan saka humikbi. At taimtim na humingi ng kapatawaran sa kan’yang munting anghel. "Patawarin mo si Mommy, anak. Patawarin mo si Mommy kung hindi kita naingatan. Alam mo sabik na sabik pa naman ako na makita ka kaso mukhang hindi na iyon mangyayari. Sorry, baby... Sorry, anak ko..." Napahagugol na muli si Carol. Nag-alala naman si Elise kaya dinaluhan s’ya nito at niyakap. Inalo s’ya ng kaibigan at umiyak naman nang umiyak si Carol. Kahit sinong ina na mawalan ng anak ay tatangis din ng gano'n. Lalo na sa kaso ni Carol na hindi pa man n’ya nakikita ang kan’yang sanggol ay binawi na sa kan’ya kaagad. Napakasakit. Hindi makatarungan. Kahit kailan. *** NAGISING si Carol nang maramdaman na may humimas sa kan’yang buhok. At nasumpungan n’ya ang pinakamamahal na asawang si Jerome. Sabik na niyakap ni Carol ang mister saka muling umiyak. Sa totoo lang, pakiramdam n’ya ay naubos na ang lahat ng luha n’ya ngunit ang sakit sa kan’yang puso ay tila walang katapusan. Inalo naman ni Jerome si Carol kaya nakaramdam s’ya ng kapayapaan at kaligtasan. Kung mayro'n man s’yang bagay na pinagsisisihan, iyon ay ang nangyari sa kanilang anak. "Honey, saan ka ba nanggaling, ha? Medyo kanina pa kasi kita hinihanap. Feeling ko rin na hinahanap ka na rin ni Baby.” Sabi ni Carol sa asawa. Hinawakan n’ya ang kamay ni Jerome at ipinatong sa kan’yang tiyan. "'Wag kang mag-alala kasi safe na safe si Baby sa tiyan ko." Napabuntong-hininga naman si Jerome saka ngumiti at tumango. Binawi nito ang kamay at hinawakan ang pisngi ni Carol na agad din naman nitong inakap. Awang-awa si Jerome sa kan’yang pinakamamahal na asawa at labis din s’yang nasasaktan sa nangyari sa kanilang anak. Hindi n’ya iyon ginusto o inasahan. Biglaan ang lahat. "Carol, honey, kumusta na ang pakiramdam mo?" Malumanay n’yang tanong sa asawa dahilan para mapangiti naman ito. "Maayos. Kasi nandito ka na sa tabi ko, Jerome. Nandito kayo ni Baby. Ang saya-saya ko kasi nabuo ulit ang pamilya natin, Honey." Wika ni Carol. "Masaya rin ako. Masayang-masaya rin ako." Wika ni Jerome saka niyakap nang mahigpit si Carol. At isang mahiwagang ngiti ang gumuhit sa labi ng nobelista.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD