bc

CAROL (bxg) (COMPLETED)

book_age18+
240
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
love after marriage
submissive
heir/heiress
bxg
scary
loser
office/work place
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Bilang isang manunulat, hindi na bago kay Jerome na maitampok at makatanggap ng mga prestiyosong parangal sa larangan ng panitikan. Mahal na mahal niya ang pagsusulat, higit pa sa kaniyang sarili. Kaya noong matapos mailathala ang huli niyang akda, nagsimula ulit siyang makaramdam nang pagnanasang makapagsulat ng bagong kuwento ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na magmumula ang mga karanasan at detalye sa ibang tao.Para kay Carol, siya na ang pinaka maswerteng babae dahil napangasawa niya si Jerome, isang sikat na nobelista. Mapagmahal, maalalahanin, tila wala na siyang mahihiling pa! Pero paano kung ang inakala niyang perpektong pagsasama nilang mag-asawa ay magkaro'n ng lamat? At paano kung sa huli ay masubok ang pagmamahal niya para sa lalaki sa paraang nakahanda siyang pumatay ng dahil sa pag-ibig niya rito?Sa kuwentong ito matutunghayan natin ang iba't ibang mukha ng pag-ibig."Hindi ko pinangarap na madungisan ng dugo ng iba ang aking mga kamay. Ngunit kung para naman sayo, nakahanda akong pumatay." - CAROL

chap-preview
Free preview
Chapter 1
PASADO ika-anim ng gabi, araw ng Lunes sa kalagitnaan ng buwan ng Pebrero, sa tahanan ng mag-asawang San Diego— abalang-abala sa pagluluto sa kusina si Carol nang marinig n’ya ang pangalan ng kan’yang asawa na si Jerome, isang kilalang manunulat, sa telebisyon nang tawagin ito sa entablado para sa kasalukuyang nagaganap na "Gawad-Parangal Para Sa Mga Natatanging Nobelista 2023" ng hapong iyon. Agad na itinigil ni Carol ang ginagawa n’ya saka dali-daling nagtungo sa sala upang saksihan ang espesyal na sandaling iyon para sa kan’yang pinakamamahal na asawa. *** HINDI maitago sa mukha ni Jerome ang saya nang tanggapin n’ya ang tropeo na simbulo ng kan’yang pagkapanalo at pagkatampok ng nobelang isinulat at inilathala sa ilalim ng pen name n’yang Marahuyo. "Nagpapasalamat ako sa inyong lahat dahil kung hindi sa mga masugid kong taga-subaybay at ng aking mga kuwento ay tiyak na wala ako ngayon sa kinatatayuan ko. Nagpapasalamat din ako sa aking editor at publishing company sa pagkunsinti sa 'king mga nobela..." *** NAGKAROON ng tawanan. Natawa rin si Carol sabay punas ng luha na bahagyang tumulo sa kan’yang mga mata. Muli n’yang pinakinggan ang talumpati ng asawa. *** "HIGIT sa lahat, gusto ko ring kunin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang aking asawa. Ang aking pinakamamahal na si Carol." Isang malumanay na ngiti ang namutawi sa labi ni Jerome bago tumitig sa kamera at muling nagsalita. "Honey, alam kong nanunuod ka ngayon sa bahay. Pasensya ka na kasi naiwan kang mag-isa d’yan but I hope you're okay, um, ladies and gentlemen, maselan kasi ang pagbubuntis ng aking misis..." Nagkaro'n ulit ng tawanan mula sa mga panauhin. *** "CAROL, umiiyak ka ba?" Nakangiting wika ni Elise, matalik na kaibigan ni Carol, na kadarating lamang sa bahay nila ng oras na iyon. "Hindi naman.” Aniya na hindi naman kinuwestyon ng kaibigan n’ya. “Halika, panuorin mo si Jerome." Nakangiting saad ni Carol at sabay nilang pinanuod ang asawa sa telebisyon na patuloy lamang sa kan’yang talumpati. "Ngunit bilang isang manunulat, may iba't-ibang estilo rin akong sinusubukan. No, hindi ko sinasabi na babaguhin ko ang “Marahuyo” na kilala ninyo sa kan’yang mga write-ups, but, mayroon akong inihahandang sorpresa. Kung ano man iyon ay malalaman ninyo na lang kapag na-publish na. Alam ko na masisiyahan kayo rito at alam ko rin na tulad ng dati ay susuportahan ako ng editor at publishing company ko..." *** "AT HIGIT sa lahat, ng aking pinakamamahal na si Carol. Maraming salamat sa inyong lahat!" Nakangiting wika ni Jerome matapos ang kan’yang pananalita. Bahagya muna n’yang inayos ang salamin sa mata saka tinahak ang hagdan pababa ng entablado. Sinundan naman yaon ng isang masigabong palakpakan mula sa audience. *** GALAK NA GALAK naman ang puso ni Carol sa panibagong tagumpay ng asawa. Hindi maikakaila sapagkat ito ay talagang mahusay sa larangang pinili nito— ang pagsusulat ng nobela. Ang mga akda nito ay de kalidad at higit sa lahat ay makatotohanan dahil kung tutuusin ay doon ito mas nakilala. Ipinagpatuloy ni Carol ang pagluluto kasama ang kaibigang si Elise. Gusto n’yang sorpresahin ang kan’yang mister pagkauwi nito at bilang munti na ring selebrasyon para sa panibagong parangal nito. Habang abala sa kusina ay hindi mapigilan ni Carol na maisip ang nakaraan. Ang nakaraang hinding-hindi n’ya makakalimutan at labis na ipinagpapasalamat sa Diyos sapagkat ‘yun ay ang araw na nakilala n’ya si Jerome, ang kan’yang pinakamamahal na asawa, tatlong taon na ang nakakalipas. Napangiti si Carol. Ang kuwento ng pagtatagpo nila ni Jerome ay hindi naman kasing magical o romantic gaya ng ibang kuwento ng pag-ibig na nababasa sa libro o napapanuod sa mga pelikula dahil ‘yun payak lamang. Cliché ika din marami ngunit para kay Carol iyon ay natatangi at dalisay. Nakilala n’ya si Jerome sa isang art shop matapos s’ya nitong tulungan sa mga pinamili n’ya na nagkalat noong may customer na nakabangga sa kan’ya habang palabas s’ya ng pinto. At nang magtama ang kanilang mga mata ay nakaramdam kaagad si Carol ng kapayapaan sa kan’yang puso. Iyon bang kung ilarawan n’ya ay may hatid na kapanatagan ang prisensya ng binata. At alam n’ya na si Jerome na nga ang taong inilaan sa kan’ya ng langit upang makasama n’ya habambuhay. May hitsura si Jerome. Guwapo, matangkad, moreno at may matikas na tindig! Bagsak ang itim na itim nitong buhok na mas binagayan pa ng maganda at tila nangungusap nitong mga mata. Sa wari ni Carol ay para itong matinée idol noong 80's! Muli s’yang napangiti dahil sa alaala. Hinding-hindi n’ya malilimutan ang kulay jade green na polo shirt na suot noon ni Jerome sapagkat paboritong kulay n’ya ‘yun. At may suot din itong salamin sa mata kaya mas nagmukha itong seryoso at misteryoso. Buong akala ni Carol ay iyon na ang huling pagkikita nila ni Jerome ngunit laking-tuwa n’ya nang sa ikalawang pagkakataon ay pinagtagpo ulit sila ng tadhana. Pareho nilang ikinagalak iyon at mula noon ay nagsimula na silang mag-usap at lumabas. Hanggang sa nagkapalagayang-loob at naging magkasintahan sila. Makalipas ang halos dalawang taon ng kanilang pagiging mag-nobyo ay niyaya s’yang magpakasal ni Jerome na buong-puso naman n’yang tinanggap. At maghanggang sa ngayon, paulit-ulit na ipinagpapasalamat ni Carol sa Diyos ang lahat ng magagandang nangyari sa kan’yang buhay. Alam n’ya na ang pag-iibigan nila ni Jerome ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kan’ya gayong ikinasal din sila sa mismong araw ng kan’yang kaarawan. At mas dumoble ang saya na kan’yang nararamdaman sapagkat makaraan ang ilang buwang pagsubok upang magkaanak ay dininig ng langit ang panalangin nilang mag-asawa nang magdalang-tao na din s’ya. Para kay Carol ay mabubuo na ang pinapangarap nilang masayang pamilya. *** ALAS otso bente ng gabi nang iparada ni Jerome ang kan’yang pulang kotse sa tapat ng gusali ni Rhia Cinco na may-ari ng Cinco Modelling Agency, isa sa mga sikat at maunlad na ahensya ng negosyo sa Pilipinas. Alam ni Jerome na madalas gabihin sa opisina ang babae kaya hindi s’ya nagdalawang-isip na puntahan ito pagkatapos ng pagtitipon na dinaluhan n’ya kanina kung saan s’ya at ang kan’yang huling nobelang isinulat ay kinilala. Hindi na bago para kay Jerome ang maitampok at makatanggap ng mga prestiyosong parangal sa larangan ng pagsusulat. Bukod sa kilala ay talaga namang isa s’yang mahusay na nobelista! Ang mga sinusulat n’yang nobela ay talagang makatotohanan, na tila madaling mailalagay sa pusisyon ng mga karakter at sa sitwasyon ang sinomang magbabasa nito kaya doon s’ya mas hinangaan. Mahal na mahal ni Jerome ang pagsusulat. Para sa kan’ya, may kakaibang kiliti sa puso at saya sa damdamin kung ang bawat kuwento na kan’yang sinusulat ay makatotohanan. Tumigil ang elevator sa ikalimang palapag ng gusali at iniluwa noon si Jerome. Tinahak ng lalaki ang tahimik na pasilyo tungo sa nag-iisang silid sa kanan, ang opisina ni Rhia. Bago pumasok ay bahagya munang niluwagan ni Jerome ang kan’yang kurbata at malumanay na tiningnan ang dala n’yang bulaklak. Saka s’ya kumatok sa pinto. Nakarinig s’ya ng boses mula sa loob na nagsasabing pumasok s’ya kung kaya iyon ang kan’yang ginawa. Sa loob ng opisina ay inabutan n’ya si Rhia na abala sa kung anong ginagawa nito sa harap ng kompyuter. Sa 'di kalayuan ay makikita naman ang bote ng champagne. Napansin ni Jerome na halos nangangalahati na ito. "Good evening, Rhia." Saad ni Jerome saka inilapag ang bitbit na bulaklak sa lamesa ng babae. A bouquet of beautiful red roses, her favorite. Sarkastiko namang natawa si Rhia pagkakita sa mga bulaklak saka itinigil ang ginagawa sa kan’yang kompyuter. "For you." Ningitian ni Jerome ang babae. Ang huling nobela ni Jerome ay kuwento tungkol sa isang babae na palaging sawi sa pag-ibig, babaeng palaging talunan at nasasaktan, babaeng desperada at handang gawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. At ang mga karanasan at detalye ng malaking bahagi sa kuwentong iyon ay galing mismo sa pangunahing karakter ng kan’yang nobela— ang babaeng itinatampok nito na walang iba kundi si Rhia. Tatlong buwan na ang nakakalipas nang makilala ni Jerome si Rhia. Kalantari ito ng editor-in-chief n’ya at isang araw ay nagpunta sa opisina nila. Bukod doon, aminado rin si Rhia na fan din s’ya ng mga nobela ni Jerome kaya iyon ang nag-ugnay sa kanila. Hanggang sa ito na rin mismo ang nag-alok ng kuwento nang buhay pag-ibig nito na maaring gamitin ni Jerome para sa kan’yang mga sinusulat na nobela. Para kay Rhia, isang malaking karangalan na maitampok ng kilala at paborito n’yang nobelista. Simula noon, tatlong beses sa isang buwan ay nagkikita sina Rhia at Jerome para mag-usap or let say para magkuwentuhan. "Nag-abala ka pa pero salamat. These roses are really gorgeous." Saad ni Rhia habang pinaglalaro sa mga daliri ang talulot ng mga bulaklak matapos sandaling amuyin. Hindi naman nakaligtas sa mausisang si Jerome ang malungkot na tono ng babae. Transparent at kaswal na matatawag ang relasyon nina Jerome at Rhia sa isa't-isa. Para kay Jerome, bukod sa kaibigan n’ya si Rhia ay itinuturing din n’ya itong kliyente. Bagaman hindi maikakaila na sa edad na thirty ay talaga namang napakaganda ni Rhia. Matangkad, petite ang pangangatawan, malago at mahaba ang itim na itim nitong buhok at mayroon itong pares ng matatapang at palabang mga mata— bagay na mas nagustuhan n’ya sa personalidad nito. Matatas din kung manalita si Rhia, makapangyarihan at matalino. Bukod doon ay mapera ngunit tulad ng ibang bagay at tao sa mundo ay hindi rin ito perpekto. Ang mga kapintasan at kahinaan ni Rhia ang hustong nagustuhan sa kan’ya ni Jerome. Sapagkat sa bawat masasakit na senaryo sa buhay pag-ibig ng dalaga ay nakakabuo si Jerome ng isang obra na talaga namang tumitimo sa puso at isipan ng kan’yang mambabasa. "By the way, would you like a glass of Champagne?" "Sure, thank you." "...I just heard your newest award, well, congratulations!" Nakangiting wika ni Rhia matapos kumuha ng isa pang baso. Pinapanuod naman ni Jerome ang pagsasalin n’ya ng champagne sa dalawang glass wine at nang matapos ay inabot ito sa kan’ya ng babae. "This is for you and this is for me." "Thanks." Saad ni Jerome sabay amoy sa alak. Ang matapang nitong aroma ay lumatay kaagad sa kan’yang ilong patungo sa lalamunan n’ya. At bagaman hindi n’ya pa ‘yun natitikman ay alam na n’ya kung gaano ‘yun kapait. Pinaglaro n’ya ang baso sa kan’yang palad habang pinagmasdan ang naturang inumin. "Let's have a toast. Congratulations once again." Napangiti si Rhia habang pinagmamasdan ang lalaki. Hindi naman eksaktong isinulat ni Jerome ang kabuuan ng buhay ni Rhia sa nobela na kinatatampukan nito, sa halip, ay kumukuha lamang ng mga pira-pirasong bahagi ang manunulat sa mga karanasan ng babae. Iba ang pangalan ng mga tauhan, maging ang lokasyon ngunit galing kay Rhia ang mga sitwasyon. Besides, s’ya rin naman ang nag-offer ng mga iyon kay Jerome. Platonic ang relasyon nila ng lalaki, bagaman guwapo ito ay hindi naman si Jerome ang tipo n’ya. At bukod doon, alam ni Rhia na mayroon na itong asawa— si Carol, at alam din n’ya na mahal na mahal ni Jerome ang babae. Para kay Rhia, tiyempo ang pagdating ni Jerome sa buhay n’ya. Dahil noong mga panahong iyon ay nangangailangan talaga s’ya ng taong makikinig sa mga masasakit at malulungkot n’yang istorya, lalo na sa kan’yang buhay pag-ibig. Taong hindi s’ya huhusgahan at natagpuan n’ya iyon sa katauhan ni Jerome. Nakakatulong din naman sa kan’ya ang pagkukuwento dito sa paraang mas napapagaan noon ang kan’yang mabigat na damdamin. But, she's okay right now. At kung mayroon man s’yang dinaramdam at bagay na nangyayari sa buhay n’ya ay gusto n’yang huwag na ‘yung ipaalam kanino man, kahit kay Jerome. Nais na lamang n’yang sarilinin ito at angkining tunay. "Hey, napakinggan ko iyong speech mo kanina. Sabi mo mayro'n kang inihahain na sorpresa sa mga readers mo. I know you, kapag nakakatapos ka ng kuwento ay automatic na mayro'n na namang nabubuo diyan sa isipan mo." Natawa si Jerome dahil sa sinabi ni Rhia. Kilalang-kilala talaga s’ya nito pagdating sa bagay na iyon. "Am I right?" Dugtong pa nito. "Sa totoo lang, wala pa talaga akong ideya." Pag-amin ni Jerome dahilan para matawa naman ang dalaga. "That's why you're here." Pilya nitong saad. Isang malumanay na ngiti naman ang gumuhit sa labi ni Jerome. He's about to say something but Rhia interrupts. "But, honey, I'm so sorry to tell you but I'm out." Kaswal na saad ni Rhia sabay talikod kay Jerome. Nagtungo ito malapit sa bintana at tahimik na pinagmasdan ang gabi. "Magre-retiro ka na ba bilang main character ko?" Pabirong saad ni Jerome habang pinagmamasdan ang tahimik na babae. Alam n’ya na mayroon itong inililihim, bagay na ayaw nitong ipaalam sa kan’ya na kung tutuusin ay karapatan naman nito ngunit aminado si Jerome na kung anoman ang bagay na iyon ay lubhang malalim para ikabagabag ni Rhia. "Yes." Inilapag ni Jerome sa mesa ang glass wine n’ya at inayos ang coat na suot n’ya. Naghahanda na s’ya para umalis. "No worries. I just want to say thank you for everything. Kung hindi dahil sa iyo at sa mga karanasan mo ay hindi ako makakapagsulat ng magandang kuwento. Utang ko sa ‘yo ang lahat." Sinsero ang pagpapasalamat na ‘yon ni Jerome, bagay na nagustuhan din sa kan’ya ni Rhia. "You’re welcome. And I'm so sorry, masyado lang akong busy this past few days. Dumagdag pa sa isipin ko ang John na ‘yon." Bakas ang galit sa boses ni Rhia matapos n’yang sabihin ang tungkol kay John na dahilan para ikataas ng kilay ni Jerome. "Sino si John?" "Wala. He's just a client, makulit na kliyente. Hindi masyadong mahalaga pero sakit sa ulo. Alam mo na, business matters." Saad ni Rhia. Napangiti naman si Jerome, nakumbinsi at nagbadyang umalis. "Well, good luck sa ‘yo. I need to go, tiyak hinihintay na ako ni Carol." Pormal n’yang pagpapaalam kay Rhia na noon din ay bumalik na sa table nito at sa tapat ng kan’yang kompyuter. "Sure. Bye." Payapa ang kaloobang naglakad si Jerome palabas sa opisina ng babae. Bago isara ang pinto ay sinilayan pa ni Jerome si Rhia. Bakas sa mata nito ang magkahalong galit at pagkabalisa. At ayaw nitong ibahagi sa kan’ya ang dahilan kung bakit nagkakagano'n s’ya. Isang mahiwagang ngiti ang gumuhit sa labi ni Jerome habang inaayos ang salamin sa mata. Tila may mga kakat'wang ideya ang unti-unting nabibigyang daan sa kan’yang isipan. Nananabik s’ya, hindi iyon maitatanggi, lalo na sa mga susunod pang mangyayari. *** "WELCOME HOME, Honey, and congrats— Ay!" Hindi na natapos ni Carol ang sinasabi nang buhatin s’ya ni Jerome at halikan sa labi. Isa ‘yung malalim at nangungulilang halik. Kararating lamang ng lalaki sa bahay nila at sakto namang natapos na n’ya ang paghahanda ng kanilang hapunan bago pa ito tuluyang makauwi. "I miss you, Honey, I really miss you." Muling hinalikan ni Jerome sa labi ang asawang si Carol habang ito'y buhat-buhat n’ya pa rin in a bridal style. Sobrang kinasabikan n’yang makita ang pinakamamahal na asawa. "And I miss you, too, sunshine." Baling n’ya sa baby sa sinapupunan ni Carol. Maingat n’yang inilapag ang misis at dinampian ng halik ang tiyan nito. Labis naman ang saya sa mukha ni Carol habang pinagmamasdan ang mister. "Nagluto ako ng mga paborito mo." "Talaga? Ikaw naman, nag-abala ka pa." "Para ito sa pagkapanalo mo. Maliit na bagay lang naman ito kumpara sa araw-araw na pagpapasaya at pagpaparamdam mo sa 'kin nang pagmamahal." Nakangiting wika ni Carol sabay ang paghaplos sa pisngi ng lalaki. Hinalikan naman ni Jerome mga kamay n’ya dahilan para makiliti ang puso n’ya. "Wala ‘yon. Siyempre, ikaw yata ang pinakamamahal ko. Ang akin lang eh worried ako kasi baka napagod ka sa paghahanda." Sinserong saad ni Jerome. "Wag kang mag-alala, dumaan dito kanina si Elise. Tinulungan n’ya ako." "Your best friend Elise?" Inakay ni Carol ang mister patungo sa dining table kung saan nakahain ang inihanda at pinaghirapan n’yang hapunan. Namangha naman si Jerome sa special arrangement ng dinner table nila kung saan mayroon pang candlelight at wine. Napapaligiran din ng mga talulot ng rosas ang iba't-ibang bahagi ng mesa, maging ang upuan at sahig. Bukod doon ay nagutom din s’ya sa bango at natakam sa masarap na putahe na inihanda ni Carol para sa kan’ya. Puro mga paborito n’ya! Isa sa mga bagay na nagustuhan ni Jerome kay Carol ay ang galing nito sa pagluluto at paggawa ng mga baked goodies. Araw-araw, simula nang makilala n’ya ni Carol ay palagi na n’yang natitikman ang mga recipe na gawa nito na labis na ikinagagalak 'di lang ng kan’yang tiyan, maging ng kan’yang puso. "Yes po." Sagot ni Carol. "Jeremy's girlfriend, right?" Tumango si Carol tanda ng pagsang-ayon. Naunawaan naman iyon ng kan’yang mister. "Ah, I got you. Wait." Mabilis na ipinag-urong ni Jerome ng upuan ang kan’yang asawang si Carol. "Mi Amore, have a sit." "Jerome, ano ka ba? I'm fine. Dapat nga inaasikaso kita, eh!" Natatawang wika ni Carol ngunit napilit din naman s’yang umupo ng mister. Bago puntahan ang sarili nitong upuan sa 'di kalayuan ay muli s’yang hinalikan nito sa labi. Napakainit ng halik na iyon at punong-puno ng pagmamahal. Nag-uumapaw sa kaligayahan ang puso ni Carol ng oras na iyon. "Anong aasikasuhin? Asawa kita at hindi katulong. And besides, nagawa mo na ang lahat, Honey. Nagluto ka. Nag-setup nitong magandang dinner table natin. Let me do my part." Saad ni Jerome saka binuksan ang mamahaling wine na nasa table. Sinalinan n’ya ang dalawang wine glass para sa kanilang mag-asawa. "Pero gusto kitang sorpresahin at asikasuhin." Wika ni Carol. "Nagawa mo na, Carol." Iba ang dating sa kan’yang pandinig ang paraan ng pagkakabanggit ni Jerome sa kan’yang pangalan. May hatid na kiliti at kilig sa kan’yang munting puso. "And I thank you for this. Thank you for everything, honey. Let's have a toast, for us, for our family..." "And for your milestone. I'm so proud of you, Jerome. Kahit kailan o kahit saan ay lagi kitang susuportahan. Makakaasa ka na palagi akong nasa tabi mo, kami ng anak mo, para ka i-cheer." Mangiyak-ngiyak na wika ni Carol. Nag-toast sila ni Jerome subalit hindi ininom ni Carol ang wine dahil buntis s’ya, natawa naman si Jerome bagaman aware s’ya sa sitwasyon kaya sa halip ay sinalinan na lang n’ya ng tubig ang isa pang wine glass saka ibinigay sa misis. Do'n na naluha si Carol, hindi dahil sa tubig kundi dahil sa hustong kasiyahan. Nag-uumapaw na kasiyahan dahilan para maluha s’ya. "Umiiyak ka ba?" Natawa si Jerome saka pinunasan ang mga luha ng misis n’ya. Inalis naman kaagad ni Carol ang kamay ng asawa at pinunasan ang sariling luha. Pinigilan n’ya ang sarili na muling maiyak. Kahinaan talaga n’ya iyon simula pa lamang noong bata s’ya, iyon bang mabilis s’yang maiyak sa mga simple o 'di kaya'y minsan ay hindi naman talaga nararapat na iyakang bagay. "Kumain na nga tayo bago pa ako humagulgol." Biro n’ya na sinang-ayunan naman ni Jerome. Sinimulan na nilang pagsaluhan ang masarap na pagkain na pinaghirapang ihanda ni Carol para sa espesyal na gabing iyon. Ang kanilang munting salu-salo ay napuno ng tawanan at matatamis na tinginan para sa isa't-isa. Hindi maitatanggi ang pag-ibig na nangingibabaw sa kanilang pagitan. Para kay Carol, malaki talaga ang utang na loob n’ya sa Amang nasa langit sapagkat ibinigay Nito sa kan’ya ang lalaking tulad ni Jerome. Responsable, mapagmahal, maalalahanin bagaman may mga bagay at pagkakataon din sa kanilang relasyon na masasabi n’yang hindi gano'n kaperpekto. Kung tutuusin ay wala namang perpektong relasyon. At ang tinutukoy ni Carol ay ang propesyon ng mister, ang pagiging manunulat nito. Oo nga’t hinahanggan n’ya si Jerome pagdating sa galing nito sa pagsusulat pero mayro'ng ugali ang asawa n’ya na sa tuwing may isinusulat itong nobela ay nawawala na lang ito na parang bula. Hindi umuuwi sa kanilang bahay si Jerome. Minsan, nagtatrabaho ito sa desk n’ya sa opisina nila ngunit mas madalas na umaalis ito at walang nakakaalam kung saan ito nagpupunta. Kapag nagkakagano'n ang kan’yang mister ay isa lamang ang ibig sabihin nu’n, gusto nitong mapag-isa para makapagsulat ng mabuti at walang abala. Ipinaliwanag naman sa kan’ya ni Jerome noon pa man ang tungkol sa bagay na iyon at sinabing wala s'yang dapat ikabahala, at nagtitiwala naman si Carol sa tinuran ng asawa. Alam naman n’ya na bahagi iyon ng pagiging mahusay at estilo bilang manunulat ng kan’yang mister. "Oo nga pala, Honey…” Biglang usal ni Jerome dahilan para mapukaw si Carol. Napatingin naman sa kan’ya ang misis at naghintay ng susunod n’yang sasabihin. "Tungkol doon sa sinabi mo kanina na handa kang suportahan ako anoman ang mangyari..." Napangiti si Jerome, nagdalawang-isip. Natawa naman si Carol at hinawakan ang kamay ng lalaki. "Oo, sinabi ko nga na iyon, Jerome, at nakahanda akong tuparin ang bagay na iyon. Bilang asawa mo at bilang pagganap sa bahagi ko na sinumpaan natin sa altar." Sinserong saad ni Carol dahilan upang mapanatag si Jerome. Pinisil nito ang kamay ng misis at hinawakan ng dalawang kamay. "Tungkol ito do'n sa susunod kong nobela." "O? Mayro'n ka na bang bagong ideya?" "Sa totoo lang ay wala pa pero alam ko naman na darating din iyon." "Um? Okay..." Alam ni Carol na kapag nagsisimula nang magsulat si Jerome ay mas iikli na naman ang panahon na makakasama n’ya ito hanggang sa matapos ang sinusulat nito. Kung kaya bahagya s’yang nakahinga ng maluwag matapos sabihin ng mister na wala pa talaga itong kongkretong ideya sa isip tungkol sa susunod nitong kuwento. "Ganito kasi iyon, naisip ko lang ito kanina, I mean, kung okay lang naman sa iyo, Honey?" Napangiti ulit si Jerome. Nakaramdam naman ng pagkainip si Carol at hinampas ang mister. "Ano ba kasi iyon? Pinapakaba mo naman ako, eh!" Umubo muna si Jerome bago ipinagpatuloy ang sinasabi. "Naisip ko lang na ikaw ang gagawin kong inspirasyon sa susunod kong nobela. Okay lang ba?" Natawa naman si Carol matapos marinig ang sinabi ng mister. "Siyempre, okay lang naman sa akin, ano ka ba? Masaya ako na maging bahagi ng nobela mo." Saad n’ya dahilan para yakapin s’ya at halikan sa labi ng kan’yang asawa. "Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako, Carol. Pinasaya mo ‘ko.” Bakas na bakas ang kagalakan sa mga mata ni Jerome. Ang pagpayag ni Carol ang pinakamasayang nangyari sa buong araw n’ya at higit pa iyon sa pagtanggap n’yang parangal kanina. "Pero curious lang ako. Ano namang klaseng karanasan ang ise-share ko sa ‘yo? Parang lahat naman ay naikuwento ko na. Mayro'n pa ba akong hindi nababanggit?" Napaisip si Carol ng mga bagay tungkol sa kan’ya na hindi pa n’ya naibabahagi sa kan’yang asawa. "Okay lang iyan, Hon, hindi pa naman ngayon, eh. Hayaan mo, darating din tayo sa pagkakataong iyon pero sa ngayon i-enjoy muna natin ang gabing ito. Ang swerte ko talaga na ikaw ang naging asawa ko. Maganda na, masarap pang magluto!" Buong galak na wika ni Jerome. Natawa naman si Carol. "Naku, nambola ka pa talaga, ha?" "I love you, Carol." "I love you, too, Jerome."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Lady Boss

read
2.2K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
65.5K
bc

The Real About My Husband

read
26.1K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.9K
bc

Wife For A Year

read
51.1K
bc

AKO ANG NAUNA [SPG]

read
6.5K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
287.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook