Habang patungo si Joshua sa baba, para sundan ang mga bata na nakapag-ayos na ay hindi mawala sa isip nito ang pagkamay nila sa isa’t-isa ni Stephanie. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman nitong may halong kaba at hiya.
Habang nakikipaglaro ito sa mga bata na lalaki, ay natanaw niya muli sina Stephanie at Chloe. Malaking ngiti ang ipinakita nito na tila ba ay halatang masaya nyang nakilala ang dalaga.
Dahil natanaw siya ni Chloe ay niyaya nito si Stephanie patungo kay Joshua.
“aging-aga nakakapagod naman,” saad ni Chloe
“ano kaba? Okay lang yan. Hindi ka pa rin ba sanay? Mukhang sanggol kapalang nandito kana e! hahaha.” Pabiro ni Joshua kay Chloe.
“manahimik kanga diyan! Ang ingay mo,” tugon ni Chloe.
Biglang napansin ni Chloe ang kaibigang si Stephanie na tahimik.
“Huy! Ang tahimik mo, ano iniiisip mo?” patanong kay Stephanie.
“wala lang, naiisip ko lang kung kailan rin kaya may aampon sa akin,” tugon ni Stephanie kay Chloe.
Habang nakatingin sa mga bata si Stephanie at kinakausap ni Chloe, ay pinagmamasdan ni Joshua si Stephanie. Ng dahil sa meron din itsura si Stephanie at pakiramdam nito’y may magandang loob ay hindi maiwasan ni Joshua na pagmasdan ito ng biglang..
“Huy! Titig na titig ka sa kaibigan ko, baka matunaw!” saad na pasigaw ni Chloe kay Joshua.
“Huy hindi ah! Eto naman, kinikilala ko lang ang tao,” tugon ni Joshua
“kinikilala? Pero tinititigan. Ano yun? kausap mo ang hangin at hindi siya mismo?” saad ni Chloe
“ewan ko sayo Chloe,” tugon ni Joshua.
Ng biglang umimik si Stephanie,
“ikaw Joshua? Naranasan mo na ba mapili yung tipong akala mo ikaw na ang pipiliin kase kasama ka sa choices pero ang ending, iba parin,” tanong ni Stephanie kay Joshua
“H-hindi, ahm.. meron, m-meron na pala.” Utal na tugon ni Joshua.
“e sa tingin mo, bakit hindi ikaw?” tanong ni Stephanie habang si Chloe ay nakikinig lamang.
“dahil siguro, hindi ako masigla dati, tahimik lang, nag-iisa. Pero okay lang yun, kung hindi talaga para sayo, hindi para sayo. Hindi mo kasi sila mapipilit na gustuhin ka,” saad ni Joshua.
“may punto ka naman, ikaw Chloe? Naranasan mo naba?” tanong ni Stephanie.
“Hindi pa, hindi ko pa nararanasan. Minsan nga, naiiisip ko rin kung kailan e. kase gusto ko rin naman makaranas na may pamilya. Ang lungkot kaya kapag wala,” tugon ni Chloe
Nagsitahimik ang tatlo pagkatapos ng paguusap nila, ng biglang may naalala si Chloe at yun ay tungkol sa libro.
“So! Ano nanga palang balak mo libro mo?” tanong ni Chloe kay Stephanie.
“anong libro?” tanong naman ni Joshua.
“Wala, para magkaroon siya ng emosyon,” tugon ni Chloe kay Joshua.
“Gusto ko na simulan bukas, ngunit hindi ko alam kung kaya ko mag-isa,” saad ni Stephanie
“Gusto mo tulungan ka namin?” saad naman ni Joshua
“oo nga! Tulungan ka namin, total may pasok naman tayo sa isang araw, may araw pa tayo bukas Linggo. Sa gabi ayos nayun!” saad ni Chloe.
“sige sige, salamat sa inyo ha,” saad ni Stephanie kay Joshua at Chloe.
Ng matapos na ang kaganapan sa kanilang bahay ampunan, ay nagtungo na ang mga ito sa kusina para mag-ayos para sa tanghalian. Muling inihanda ni Joshua ang mga bata, habang sina Chloe naman at Stephanie ay naghahanda ng pagkain bawat hapagkainan.
“buti nalang, nandyan si Joshua,” saad bigla ni Chloe kay Stephanie.
“at kung wala?” tanong ni Stephanie
“edi walang mangyayari,” sagot ni Chloe
“kahit nandyan siya o wala, mangyayari padin ang gagawin ko,” tugon ni Stephanie.
“pero atleast nagkusa siya na tulungan ka, pasalamat kaparin,” saad ni Chloe
“Oo nga, nagpasalamat naman ako ah? Ewan ko sayo Chloe,” sagot naman muli ni Stephanie.
Tinuloy nalamang nila ang kanilang ginagawa. At hanggang sa matapos na, ay naihanda narin nila ang kanilang kakainin. Ng biglang lumapit si Joshua.
“Okay lang bang makiupo?” tanong ni Joshua sa dalawang dalaga
“Kakagulat ka naman Joshua! Oo naman, upo upo.” Tugon ni Chloe
At sabay sabay na silang kumain.
Ng matapos na silang kumain sabay sabay ang mga ito na tumungo ng kusina, at habang nag-lilinis sila ay pinag-uusapan nila kung ano ba ang mga bagay na kailangan nila at kung kailang nila ito gagawin. Nag-isip rin sila ng paraan, kung ano ang idadahilan ng mga ito kay Hilda.
“paano kapag nahuli tayo ni ka-Hilda? Ano idadahilan natin?” patanong ni Chloe
“Sabihin nalang natin na may project ako, tapos nagpatulong ako sainyo dahil medyo mahirap gawin kapag mag-isa lamang. Siguro naman sapat na yun diba?” tugon ni Stephanie.
“Oo nga, pwede na yun. ano ba ang kailangan nating gamit? Para makahanap na ako,” saad ni Joshua
“Kahon, tapos maglalagay lang tayo ng palamuti sa kahon, para maganda naman tingnan. Diba Steph?” tugon ni Chloe.
“Oo, ayos na iyon. Hindi naman kailangan sobrang ganda ng kahon, ang mahalaga yung mga bagay na ilalagay sa kahon galing sa mga magdodonate,” saad ni Stephanie.
Umalis na si Joshua at nagsimula ng maghanap ng kahon sa bodega, ganoon din si Chloe na naghahanap rin ng pwedeng palamuti sa kahon. Habang si Stephanie naman ay nagsusulat na ididikit sa kahon.
Mga ilang minuto ang lumipas ay biglang dumating si Hilda, dahil tuwing gabi ay nagtitingin muna ito ng silid kung may mga bata pa bang gising. Ng papunta ito sa silid kung nasaan sina Stephanie at Chloe, ay tinanong niya ang mga ito.
“Gabi na, bakit gising pa kayo? Diba dapat kayo’y tulog na sa inyong mga silid?” patanong ni Hilda sa kanila.
“Pasensya na po, kailangan lang po naming itong matapos hanggang bukas dahil proyekto lang po sa school,” tugon ni Stephanie.
Ng pabalik si Joshua, sa silid kung saan nasa loob sina Stephanie at Chloe, ganoon na din si Hilda. Ay hindi nakapasok ito dahil sa gulat na nandoon ang matrona, kaya’t hinintay nalamang nito na makaalis ang matrona sa loob bago siya pumasok.
“Sige. Pagkatapos niyan ay magsitulog na kayo dahil maaga pa para bukas. Maiwan ko na kayo,” tugon ni Hilda sa kanila
“sige po, salamat po,” tugon ng dalawa sa matrona.
Nakalabas na ang matrona ng biglang nagulat ito sa binata, nakita nito si Joshua na may dalang kahon. Binati lamang nito ang matrona.
“Magandang gabi po.” Pagbati ni Joshua sa matrona.
Ngunit hindi na lamang pinansin ng matrona si Joshua at sabay umalis.
Pumasok na si Joshua sa silid dala ang kinuha niyang kahon sa bodega.
“ang taray naman pala ng matrona, hindi ako nakapasok agad sa kaba. Hahaha,” saad ni Joshua habang papasok ng silid.
“baliw! Baka marinig ka, ang ingay mo. Sadyang ganoon iyon,” tugon ni Chloe
“hayaan niyo na iyon, tayo na maggawa,” saad naman ni Stephanie.
Sabay-sabay ng nagtulong tulong ang magkakaibigan sa silid, at dahil kakaunti na lamang ang kanilang oras, ay tinapos nila ang kalahati at ang isang kalahati naman ay kinabukasan na nila itutuloy.
Kailangan ay bago mag 10 ng gabi ay tapos na ang kanilang ginagawa dahil baka balikan na sila ng kanilang matron na si Hilda.
Napatingin si Joshua sa kaibigang si Stephanie, habang nagsusulat ito. Napansin naman iyon ni Chloe, ngunit hindi na nito pinakailman ang binate. Ngumiti nalamang ito dahil napapansin nito palagi si Joshua na nakatingin kay Stephanie. Ngunit napatingin bigla si Stephanie, at biglang umiwas ng tingin si Joshua.
“Kamusta ka na diyan Joshua? Ikaw Chloe?” patanong ni Stephani sa kaniyang mga kasama.
“Okay lang naman ako Steph, ewan ko lang tong si Joshua,” tugon ni Chloe
“huy! Okay lang ako sa ginagawa ko. Sinasabi mo diyan!” pahabol na tugon ni Joshua na may kasabay na inis na tingin kay Chloe.
“sus, halos matunaw nga yung tinitingnan mo e. wag nga ako Josh,” saad ni Chloe
“anong tinitingnan? Yan bang kahon?” tugon ni Stephanie na walang kamalay-malay.
“O-oo oo Stephanie. Itong kahon ang tinutukoy ni Chloe,” sagot naman ni Joshua.
“Asuuuus! Galawan mo, wag nga ako.” Pabulong ni Chloe kay Joshua na may kasabay na pagtulak.
Hindi na pinansin ni Stephanie ang dalawa, dahil nagkukulitan na ang dalawa ni Joshua at Chloe. Ang nasa isip ni Stephanie ay mukhang may tinatagong relasyon ang dalawa kaya’t ganon nalamang kalapit ang dalawa sa isa’t-isa. Ngunit hindi niya alam, ay siya ang tinutukoy ng dalawa.
Habang nagliligpit na silang magkakaibigan, ay lumabas si Stephanie saglit para itapon ang mga basura na naipon nila. Ng biglang nag-usap ang dalawa sa silid habang nagliligpit parin.
“Huy ikaw ha, nakakapansin na ako sayo,” saad ni Chloe kay Joshua
Nagulat naman ang binata “na ano?!” tugon naman ni Joshua.
“maang-maangang hindi alam, kahit alam naman. Wag nga ako Joshua,” sagot ni Chloe
“alin ba? Ano ba sinasabi mo?” tanong ni Joshua
“nakakapansin ako na palagi kanalang nakatingin kay Stephanie, ano ibig sabihin noon?” pahayag ni Chloe
“ahh. Wala yun! ano ka ba?! Eto naman binibigyan ng malisya,” tugon ni Joshua
Tinulak muli ni Chloe si Joshua palapit sa pintuan, ng biglang pumasok si Stephanie at nadagil nito. Pabagsak si Stephanie, ng biglang nasalo naman ni Joshua ito. At napatingin sa isa’t-isa. Kakaiba ang naramdaman ng binate, ngunit wala paring maramdaman si Stephanie na kahit ano. Kaya’t lumayo nalang ito sa binata.
“sorry Stephanie, si Chloe kasi e,” pahayag ni Joshua kay Stephanie.
“Okay lang yun, ano ka ba. So ano na? tayo na matulog, alam kong pagod at antok narin tayo,” pahayag ni Stephanie sa mga kasama.
“sige sige, tara na,” tugon ni Chloe.
Nauna ng lumabas si Stephanie, nahuli naman ang dalawa.
Kinulbit ni Chloe si Joshua, “Wala pala ha,” tugon nito sa binata
“wala talaga,” sagot naman ni Joshua.
“e ano iyong nakita ko? Paki-paliwanag po,” saad ni Chloe.
“wala. Sinalo ko lang yung tao. Ikaw kasi, may pag-tulak pa,” sagot ni Joshua.
Hindi na umimik si Chloe, at umalis na silang dalawa sa silid. Nagtungo na si Joshua sa kaniyang silid, at ganon din ang dalawa ni Stephanie at Chloe. Magkaiba ang tinutulugan ng babae at lalake sa bahay ampunan. At nagpaalaman na ang magkakaibigan.
Habang naglalakad si Joshua, ay napapangiti ito ng hindi niya alam kung bakit.
“ano ka ba Joshua? Nasisiraan kanaba?” tanong sa sarili sabay na hinampas ang sarili niyang ulo. Ngunit nakangiti pa rin.
Ng nasa kwarto naang dalawang dalaga na sina Stephanie at Chloe, ay hindi na naiwasang tanungin ni Chloe si Stephanie tungkol sa nangyari sa kanila kanina sa silid.
“huy! Wala ka man lang bang naramdaman kanina nung sinalo ka ni Joshua?” pa-tanong ni Chloe kay Stephanie.
“wala. Wala lang sa akin,” tugon nito.
“ano ba naman yan, daig pa kita. Ako yung kinilig, pero di naman ako ang sinalo.” saad ni Chloe.
“sige next time, ikaw naman ang itutulak ko, try ko baka saluhin ka din ni Joshua. Tingnan ko kung kiligin din ako,” saad ni Stephanie.
“siraulo ka, sige na matulog na tayo. Sana wala din akong emosyon, para less sakit. Charot,” pahayag ni Chloe kay Stephanie.
Hindi na pinansin ni Stephanie si Chloe, at natulog na ang dalawang dalaga. Habang si Joshua naman ay nakahiga na ngunit iniisip parin niya ang nagyare sa kanila kanina ni Stephanie sa silid. Hindi niya lubos maisip na mangyayari iyon, dahil bukod sa unang beses siyang nakasalo ng babae ay unang beses rin siyang nakaramdam ng ganoong pakiramdam.
Nakangiti parin ang binate habang nakapikit, “Hindi ko alam, pero ito ang unang beses na makaramdam ako ng kakaiba. Bakit ganito?” pabulong sa kaniyang sarili. Nakapikit siya dahil nakikita niya parin sa imahinasyon niya ang mukha ng dalaga na si Stephanie.
“nagugustuhan na ba kita?”
“bakit kakaiba ka sa akin?”
“paghanga ba ito?”
“bakit palagi kitang tinitingnan?”
“nababaliw na ba ako?”
“may bukas pa Joshua, wag kang mabaliw parang awa mo na.” pabulong sa kaniyang sarili.
Hindi maipaliwanag ng binat ang kaniyang nararamdaman, ng bigla itong may naisip. Naisip niyang, malabong magkagusto sa kaniya ang dalaga dahil kahit kailan, hindi pa ito nagkakaroon ng emosyon.
“mukhang malabo Joshua. Paano kana?” saad muli sa kaniyang sarili.
Sa kakaisip sa dalaga ay unti-unti na itong napapapikit hanggang sa nakatulog ito.
Si Stephanie ay mahimbing na ang tulog, ngunit si Chloe naman ay hindi pa makatulog. Dahil naiiisip nito ang nangyare kayna Stephanie at Joshua.