bc

Starcrossed Lovers

book_age16+
403
FOLLOW
1K
READ
revenge
others
friends to lovers
student
twisted
mystery
bully
magical world
realistic earth
secrets
like
intro-logo
Blurb

Si Stephanie Mendez ay isang ulila na ipinanganak na walang emosyon. Walang nakaka-alam sa kanyang tunay na pagkatao o pinanggalingan. Nakita na lamang siya ng Matrona na nakatihaya sa isang puting lampin sa labas ng bahay ampunan.

Nakilala niya ang kaibigang si Chloe na isa ring ulila. Si Chloe ang tumulong sa kanya at naghanap ng paraan upang kahit papaano ay magkaroon siya ng emosyon. Nakakita sila ng isang lumang libro sa ipinagbabawal na silid sa basement ng bahay ampunan at doon nila natuklasan na puwedeng ilipat ang emosyon sa pamamagitan ng isang salita.

Dahil sa lubos din na kahilingan ni Stephanie na magkaroon ng emosyon, tinatanggap niya lahat ng binibigay siya kanyang kahit puno man ito ng poot, galit, at kalungkutan para lamang siya ay makaramdam. Hanggang sa isang araw, si Daniel Carter, isang transfer student ang nahulog kay Stephanie at doon nag-umpisang magbigay ng kasiyahan sa kanya. Naging masaya ang dalawa hanggang sa isang araw ay naaksidente ang mga magulang ni Daniel. Kinain siya ng kanyang emosyon at hindi na niya alam kung paano aanhon. Muli pa bang magiging masaya ang dalawa kung marami ang hadlang sa kanilang pagmamahalan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Lifeless
Abala si Steph sa pagtatapos ng kanyang assignment sa Mathematics dahil nakalimutan niya itong gawin kagabi. Vacant time nila ngayon pagkatapos ng klase nila sa English kaya may oras pa siya para gawin ito. Lumapit naman sa kanya ang kaklase niyang si Cheska. "Can you please buy some yogurt smoothie, Steph?" utos nito. Napatingala naman si Steph sa kanya. "Sige, tatapusin ko lang 'to, Ches," sagot nito. "Please hurry, thanks!" saad nito sabay bilin ng pera sa desk ni Steph. Hindi na bago ang pangyayaring ito para kay Steph. Araw-araw ay ganyan ang ginagawa ng mga kaklase niya sa kanya. Hindi naman siya nakakaramdam ng kahit anong sakit o galit kaya palagi siyang inuutusan kahit ng mga faculty members ng paaralan nila. Isa siyang iskolar sa Kingsley University. Nasa senior year na niya ngayon at isang taon nalang ay kolehiyo na siya. Dali-dali niyang tinapos ang assignment at agad na tumakbo sa canteen. "Ate Mae, pabili nga po ng isang yogurt smoothie," wika ni Steph sa tindera. Napakunot naman ang noo ng tindera sa kanya sabay turo rito. "Pang-ilang balik mo na ito rito sa canteen Steph ah, ayos ang ba sayo na ginaganyan ka ng mga kaklase mo?" tanong nito. "Ay oo nga pala, nakalimutan ko," dagdag ng tinderang si Mae. Alam na kasi sa buong lugar nila na ipinanganak si Steph na walang emosyon. Kahit na nasusugatan at dumudugo na ang kanyang balat ay parang wala lang ito sa kanya. Kataka-taka rin na mabilis lang gumaling ang mga sugat sa kanyang katawan kaya tinatawag siya ng iba na anak ng demonyo. Kumuha ng nga yogurt smoothie ang tindera galing sa freezer at ibinigay kay Steph. "Salamat po!" pahayag ni Steph sabay labas ng canteen. Para lamang siyang robot na ginagawa kung ano man ang ipinag-uutos sa kanya. Nang makarating siya sa kanilang classroom ay agad siyang lumapit kay Cheska. "Ito na 'yung pinabili mo, Ches," wika ni Steph sabay abot ng yogurt smoothie at sukli. Kinuha naman agad ito ni Cheska at hindi na pinansin si Steph. Agad namang umalis si Steph at bumalik na sa kanyang desk dahil mag-uumpisa narin ang klase. Pagkatapos ng mahabang araw niya sa paaralan ay agad na itong umuwi. Marami pa kasi siyang gagawin sa bahay ampunan dahil tutulong pa sila sa paglilinis ng bahay. Nang makarating siya ay agad siyang sinalubong ng Matrona sa bahay ampunan. "Linisin mo na ang kubeta doon sa second floor pagkatapos ay tulungan mong maghugas ng pinggan si Cristina sa kusina, naiintindihan mo ba ako Stephanie?" wika ng Matronang si Hilda. "Opo," sagot ni Steph at agad ng tumungo sa kanilang kwarto upang magbihis. Pagdating niyo roon ay nadatnan niyang naglalaro ang kanyang mga kasamang mga bata na ulila narin. “Ate Steph!” tawag naman ng mga bata sa kanya sabay yakap. Tinitigan lang sila ni Steph at agad na kumawala. Nilapitan naman siya ng isang babaeng kaedad niya rin na si Chloe. “Steph, ano na naman ba ang inuutos sa iyo ni Matrona?” tanong ni Chloe. “Maglilinis daw ko ng kubeta sa taas at tumulong kay Cristina sa kusina.,” sagot nito habang nagbibihis. “Ate Cristina naman Steph, ito talaga,” saad naman ng kanyang kaibigan. Pagkatapos magbihis ni Stephanie ay agad na siyang tumungo sa kubeta, dala ang isang balde ng tubig na may sabon at basahan. Hindi naman siya natinag sa amoy nga inidoro at dumi nito dahil sanay na naman siyang maglinis dito. Habang naglilinis ay mayroong mga batang paslit na nagtatakbuhan malapit sa lugar kung saan siya naglilinis. Agad namang may nadapa na bata sabay iyak kaya napa-isip si Stephanie. Minsan ay gusto niya ring maranasan kung paano magkaroon ng emosyon. Kung paano maging, masaya, magalit, o malungkot. “Steph, bilisan mo na diyan at marami pang huhugasan sa kusina,” pahayag naman ng kasama niyang si Nicole nang makita siyang naglilinis. “Tapusin ko lang ‘to, susunod ako maya-maya,” sagot ni Steph at nagmadali ng maglinis. Pagkatapos ay tumungo na siya sa kusina at tumulong sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila. Pagkatapos ay bumalik narin siya sa kanilang silid upang gumawa ng kanyang mga assignments. Nilapitan naman siya ni Chloe na abala sa pagsusuklay ng kanyang buhok. “Ang swerte mo naman, Steph,” pahayag nito. “Kahit na hindi ka nakakaramdam ng emosyon ay ikaw parin ang napili na makapag-aral, ang hirap kasi kapag wala kang utak,” saad nito. Napantingin naman sa kanya si Steph. “Gusto mo ikaw nalang ang pumalit sa akin?” tanong nito. “Nako huwag na at mas mabuting pang nandito lang ako sa bahay ampunan,” saad nito. “Tamang bantay lang ako sa mga bata at tamang kain.” Ipinagpatuloy naman ni Stephanie ang paggawa ng kanyang mga assignments at hindi nalang pinansin si Chloe na panay ang daldal sa kanila. Maya-maya pa ay tumunog na ang bell, hudyat na oras na ng pagkain kaya dali-dali silang pumunta sa silid-kainan upang pumila. Palagi namang nahuhuli sa pagkain si Steph dahil sinasapawan siya ng mga tarantadong kasama niya sa bahay ampunan. Wala ring magawa si Chloe para tulungan siya dahil masyadong malalaki ang mga katawan nito. Habang kumakain sila ay mayroon namang lumipad na maliit na bola papunta sa plato ni Stephanie kaya napatayo si Chloe. “Ano ba! Tama niyo na nga ‘yan, hindi ba kayo naaawa sa tao? Wala na ngang emosyon ganyan pa ang gagawin niyo sa kanya, parang kayo pa ang walang mga puso!” bulyaw ni Chloe sa mga kasamahan niya. Natahimik naman ang lahat pati ang mga Matron na nakabantay sa kanila. Nakatingin lang si Stephanie sa ginawa ni Chloe. Kinalabit niya nalang ito at pina-upo dahil wala rin naman itong magawa. Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na sila sa kanilang kwarto upang matulog. Magkatabi naman sa higaan si Steph at Chloe. “Alam mo ba Steph, mayroon akong nakitang libro sa restricted area ng bahay na ‘to noong isang araw, kaso nakalimutan kong sabihin sayo mabuti nga at naalala ko ngayon,” bulong ni Chloe kay Stephanie. Napatingin naman sa kanya si Steph. “Talaga? Anong klaseng libro?” tanong nito. Napa-isip naman si Chloe. “Basta nabasa ko tungkol sa pamimigay daw ng emosyon sa isang tao. Pwede raw itong mangyari kapag may isa kang bagay na pwedeng lagyan ng emosyon mo tapos pwede mo itong ibahagi sa ibang tao,” paliwanag naman ni Chloe kaya naging intresado si Stephanie. Matagal niya narin kasing gusto magkaroon ng emosyon. Kahit siya ay nagtataka kung bakit siya lamang ang bukod tanging tao sa lugar nila na walang emosyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

Abducted By My Twin Alien Mates

read
38.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.1K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
108.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook