Chapter 6: Beginning

3195 Words
Panibagong umaga na naman, Linggo at maaga nagsigising sina Stephanie at Chloe, ganoon din ang iba pang mga tao sa bahay ampunan para maghanda. Dahil linggo, ay may misang magaganap sa Chapel nila. Dali-dali ng nag-ayos sina Stephanie at Chloe, at pagkatapos nilang mag-ayos ay inisa-isa nila ang mga bata. Ganon din si Joshua na nasa kabilang silid ng mga lalaki. Pagkatapos nilang tulungan ang mga bata sa pag-aayos ng kani-kanilang sarili, ay nagtungo agad sina Stephanie at Chloe sa kusina kung saan ay tutulong naman sila sa paghanda ng pagkain sa hapagkainan. Habang naglalakad ang dalawang dalaga, ay bigla nilang napansin si Joshua papunta rin sa kusina. “Joshua!” Pag-tawag ni Chloe sa binata Napalingon naman si Joshua “huy! Kayo pala, papunta narin kayo?” tanong nito “Oo, tara!” tugon naman ni Chloe. Kaya’t sabay sabay ng naglakad ang magkakaibigan sa kusina. Sa dami ng mga bata, ay mabilisan nilang ginagawa ang paghahain. Kasama nadin doon ang mga pagkain na para sa matrona at iba pa. Ng matapos nilang ihain lahat ng pagkain, ay kinuha narin nila ang kani-kanilang pagkain at nagsiupo na. at dahil kasama na nila si Joshua, ay pinaupo na nila Stephanie at Chloe sa kanilang pwesto para sabay-sabay na sila. “so kamusta naman tulog niyong dalawa?” tanong ni Joshua “okay lang, ikaw ba?” tugon naman ni Chloe Napaisip ito sa tanong ni Chloe ng may halong kaba habang nakain, “o-okay lang din naman,” tugon ng binate. Natawa naman si Chloe, dahil sa naisip nito na baka dahil hindi makatulog ay dahil sa nangyari sa kanila dalawa ni Stephanie sa silid. Pangisi ngisi si Chloe ng biglang napansin ni Joshua. “huy! Anong ngini-ngiti mo diyan?” tanong ni Joshua kay Chloe “wala. Bakit ba?” tugon naman ni Chloe Habang naguusap ang dalawa ni Joshua at Chloe ay napansin nito na hindi nagsasalita at malalim ang iniisip ni Stephanie. “huy! Okay kalang? Lalim ng iniiisip mo ah?” saad ni Chloe kay Stephanie “wala lang, iniisip ko lang ang mangyayare kapag natapos na ang kahon na ginagawa natin,” tugon ni Stephanie“ mamaya na natin pag-isipan ang kahon, may oras pa tayo mamaya. Ang mahalaga ngayon ay malapit na natin yun matapos at malapit na ang simula mo,” tugon ni Chloe “sana nga,” saad ni Stephanie   Nasa sulok ang matrona noong naguusap sina Stephanie at Chloe ng biglang napatingin ang matrona kay Stephanie. At habang pinagmamasdan niya ito ay biglang naalala niya lahat kung paano nagsimula  noong dumating si Stephanie sa bahay ampunan at bigla rin niyang naalala ang mahiwagang libro na kay tagal niyang pinagka tago-tago. Umiwas na siya ng tingin sa dalaga, at nagsimula na ulit siyang maglibot. Hindi niya pinakaisip-isip ang libro dahil alam niyang tagong-tago ito at walang sino man ang makakakita nito. Ngunit hindi niya alam, ay hawak na nina Stephanie at Chloe ang libro.   Habang naglalakad sila ng kaniyang kasama na si Cristina, ay kinausap ni Hilda ito “sa iyong pansin, sa tingin mo kamusta si Stephanie?” tanong ng matron kay Cristina. “sa tingin ko naman po ay ayos lang siya, pero napapansin ko sa batang iyon na humahanap siya ng paraan para makaramdam,” tugon ni Cristina. “Sa tingin ko naman ay di siya makakahanap ng paraan dahil ang nagiisang paraan lang ay nasa sa akin nakasalalay.” Payabang na may kahalong pangiinsulto na tumugon. “ano po ang ibig niyong sabihin matrona?” pagtataka ni Cristina sa nasabi ng matrona sa kaniya. “Wala, wala. Wag mo nalamang pansinin ang mga sinabi ko,” pagkakasabi ng matrona. Habang naglilibot ang dalawa ng matrona at kaniyang kasama na si Cristina ay nagtataka at napapaisip siya kung anong ibig sabihin na sinabi ng matron tungkol kay Stephanie. Alam ni Cristina ang libro na pinagkakatago ng matrona pero di nito alam kung para saan ang libro at bakit napakahalaga nito sa matrona. Ng matapos ang kanilang paglilibot ay nagsipasok na sila sa kanilang mga silid at nagpahinga.   Habang natutulog ng mahimibing ang matrona ay nanaginip ito ng matindi sa hindi niya inaasahan. Nagpakita sa panaginip ang mga magulang ni Stephanie. Dito ay kinakausap ng mga magulang ni Stephanie ang matrona. “Iniabot naming si Stephanie sa bahay ampunan para alagaan at magkaroon ng maayos na buhay, pero bakit ganito ang ginagawa niyo sakaniya?!” pagkakasabi ng nanay ni Stephanie kay Hilda. “habang buhay siyang hindi magiging masaya dahil siya’y isang bata na ni minsan hindi makaramdam hindi katulad ng ibang mga bata! Wala ka ng magagawang ibang paraan dahil patay kana!” “Pagsisisihan mo din ang mga sinabi mo! Magsisisi ka Hilda!” Pasigaw na pagkakasabi ng nanay ni Stephanie sa panaginip ni Hilda. Sinasakal ito ng nanay ni Stephanie sa panaginip nito, habang tumatagal ay hindi na normal na panaginip at nagiging isang bangungot na. Hindi na halos makahinga, makagalaw at makaimik si Hilda. Alas kwatro na ng umaga ng biglang nagising si Cristina at napansin na parang may umuungol sa silid ng matrona. At dahil katabing silid lamang ay dali-daling kumilos si Cristina papuntang silid ng Matrona. “Matrona! Gising po!” pagkakasigaw sa matrona habang inaalog ito para magising. Ng biglang napabangon ang matrona at tila ba’y parang pagod na pagod na takot na takot ang kaniyang nararamdaman. Dali daling kumuha ng tubig si Cristina, para mapainom ang matron dahil putlang putla ito. Galit na galit ang nararamdaman ni Hilda ng maalala lahat ng sinabi sakaniyang nanay ni Stephanie. At dahil sa pangyayaring iyon ay nagkaroon din ito ng galit kay Stephanie.   Nasikat na ang araw ng magising sina Stephanie at Chloe. Alas nuebe ang kanila oras ng klase sa paaralan kaya dali daling kumilos ang dalawa. Nag-ayos ng gamit ang dalawa, at inayos rin nila ang kahon na ginawa nila nina Joshua. Para sa kanila, isang special na araw ang mangyayare dahil ito ang unang araw ng pagsasagawa ng kanilang donation box sa kanilang paaralan. Dito makakahingi sila ng tulong sa mga katulad din nilang estudyante. Ng pababa na ng hagdan ang dalawa ni Stephanie at Chloe ay nakaabang na sa baba si Joshua sa kanila. “Magandang umaga sa nag-gagandahan kong mga kaibigan.” Pagbati ng binate sa dalawa habang may kasabay na pagkaway “magandang umaga din sa mambobola naming kaibigan.” Pagbati na may halong pamimikon sa binate. “Ayaw mo ba na maganda ang araw mo? Napaka sungit mo naman,” tugon nito Naglalakad na sila ng mapansin ni Joshua ang matrona na nakasilip sa bintana. “Huy, ang matrona oh,” pabulong na pagkakasabi sa dalawa ni Stephanie at Chloe. “Huy steph, nakatingin sayo oh,” pagkakasabi ni Chloe kay Stephanie. Napatingin naman si Steph at napasabing “bakit parang ang sama ng tingin sa akin ng matrona? May nagawa ba ako?” patanong sa dalawa. “Wala naman ah, pero alam mo sayo nakatingin e, hala ka baka may nagawa ka ah?” tugon ni Chloe habang tuloy sila sa paglalakad. Tahimik lamang na naglalakad si Stephanie at di na tumugon sa nasabi ni Chloe. Habang sila ay naglalakad ay may magarang sasakyan na dumaan sa kanilang dinadaanan, ng biglang humampas ang tubig sa daanan. Ng biglang humarang si Joshua kay Stephanie para di mabasa ito. “Huy! Sama ng ugali ng driver na iyon ah!” inis na pagkakasabi ni Joshua. “okay kalang ba? Dika ba nabasa?” patanong nito. “okay lang ako salamat,” tugon ni Stephanie. At dahil wala siyang pakiramdam ay wala lang sakaniya iyon. Nagtuloy ang paglalakad nila, ngunit hindi maintindihan ni Chloe ang kaniyang naramdaman ng kaniyang masaksihan ang kaganapang iyon. Ng nasa paaralan na sina Stephanie at tumigil saglit sa enrance. “ano? Paano na? mauuna na kami ni Stephanie,” pagkakasabi ni Chloe kay Joshua. Sabay kinuha na ni Stephanie ang donation box kay Joshua. “ akin na, salamat sa pagtulong,” pagkakasabi ni Stephanie. Ngunit tinanggihan ni Joshua ang dalaga, “ ako na, hatid ko na kayong dalawa sa classroom niyo, baka malate pa kayo. Maya-maya pa ang simula ng klase ko,” pagkakasabi ni Joshua sa dalawa nina Stephanie at Chloe. “sure kaba? Okay lang naman kami ni Stephanie at tsaka nakakahiya narin sayo dahil ang dami mo ng natulong sa amin lalo na sa kaibigan ko,” pagkakasabi ni Chloe sa binata. “ano k aba Chloe, okay lang yun! alam mo kahit lagi kitang pinipikon, maayos parin naman trato ko sayo at kay Stephanie. Lalo na’t kakabagong kilala ko palang sakaniya. At tsaka, tayo tayo lang din ang mag..” *riiiing riiiing* Napatigil ang binata sakaniyang sinasabi ng biglang magring ang bell. Dali-dali na silang nagtungo ng classroom. “Ikaw kasi e! dami-dami mo sinasabi! Kahit kelan ka talaga!” pagkakasabi kay Joshua habang nagmamadali silang pumunta ng classroom. “alam niyo kayong dalawa wa-aaag na kayong mag-away, walang mapupuntahan yan,” tugon ni Stephanie. tahimik lang na tumatakbo si Joshua, habang napapatingin siya sa ganda ni Stephanie. “dito na, dito na! salamat!” pagkakasabi ni Chloe sa binate “pasok kana steph si maam!” “salamat Joshua,” pagkakasabi ni Stephanie sa binata Nakangiting pagod si Joshua, ng biglang paglingon niya ay nasa likod na niya ang guro ng dalawang dalaga. “wala kang klase?” napatupi ng bibig ang binata sabay takbo na palayo ng silid nina Stephanie at Chloe. Nagsisimula na ang klase nina Stephanie, at may binigay na pasasagutan ang guro sa mga estudyante nito. Habang nagsasagot na ang mga ito, ay naglilibot ang guro. Ng bigla nitong napansin ang isang box na nasa tabi ni Stephanie. “Ms. Mendez, ano itong box na nasa tabi mo?” patanong ng guro dahil nagtataka ito. Napatingin si Chloe kay Stephanie, at ganon din si Stephanie. Pero hinayaan na ni Chloe na sabihin ng totoo sa guro. “maam, donation box po yan,” tugon naman ng dalaga sa guro. “para saan ang donation box na yan?” tanong ng guro “simula po kasi bata ako, ni isang pakiramdam ay wala akong nararamdaman, lungkot man o saya. Kaya po meron akong donation box dito, ay para humingi ng tulong sa mga kapwa ko estudyante. Kahit lungkot man ang aking matanggap ay okay lang, basta magkaroon ako ng pakiramdam.” Nakatungong pagkakatugon ni Stephanie sa guro. Hindi alam ang isasagot ng guro sakaniya dahil nabuo ang awa sakaniyang dibdib. Naisip ng guro na kung sakaniya iyon nangyari ay mahihirapan din siya.   Malapit ng matapos ang klase, at pinagmamasdan parin ng guro si Stephanie. “ang batang ito ay hindi lang isang bata kundi isang ispesyal na bata.” Pabulong nito sa isipan niya. *riiiing riiiing* tunog ng bell nila sa paaralan, hudyat na tapos na ang kanilang klase. Dali-daling nagsilabasan ang mga studyante habang sina Stephanie naman at Chloe ay nasa silid parin naghahanda para sa kanilang paghingi ng donasyon. “ayaw mo ba kumain Chloe? Baka gutom kana, ako nalang dito,” pagkakasabi ni Stephanie “hindi, hindi na. tutulungan kita,” tugon naman ni Chloe sa dalaga “salamat ah, dami mo ng itinulong.” Pagpapasalamat ni Stephanie. “ano kaba! Wala yun, kelangan natin magtulungan. Lalo na at ganyan pa sitwasyon mo. Kung ako din siguro katulad mo, mahihirapan din ako,” tugon naman ni Chloe. “Knoooock knoooock! Magagandang binibini!” pasigaw na pagbati ni Joshua. “JOSHUUAAAAAA! Nakakagulat ka.” Pasigaw na pagkakasabi ni Chloe. “sorry na, sorry na. eto naman minsan lang eh,” tugon ng binata. “bakit kana naman nandito ha? Wala kabang klase?” tanong ni Chloe sa binata. “eto may dala akong pagkain, baka kasi hindi pa kayo nakain,” tugon nito. “at himala ah, kailan ka pa natutong magdala ng pagkain aber?” pang-iinsulto na pagkakasabi ni Chloe. “simula noong nakilala ko si Stephanie.” Pabulong nito kay Chloe. Biglang napatingin si Chloe kay Stephanie na tila ba ay nahihili sa dalaga. Hindi na nakaimik ito at itinuloy nalang ang pagtulong sa kaibigan. Naglalakad ang guro nina Stephanie at Chloe pabalik sa classroom, ng dahil sa awa sa dalaga ay ginusto ng guro na tumulong sa dalaga. *knock knock* katok sa pintuan ng guro kung saan nandoon sa silid ang dalawa ni Stephanie at Chloe. Napasilip naman si Chloe at nagulat ito. “oh maam, bakit po kayo bumalik?” tanong ni Chloe. “naisipan ko na tumulong sainyo lalo na kay Stephanie at hindi lang ako ang tutulong, may mga kasamahan din ako,” tugon ng guro papasok ng classroom, habang kasunod ang ibang kapwa guro. Nagulat naman ang dalawang dalaga sa silid. “maam, nakakahiya naman po,” pagkakasabi ni Stephanie. “ano kaba ija, wala yun sa amin. Ang mahalaga ay makatulong kami sa iyo,” tugon ng kaniyang guro. Habang maluha-luha naman sa saya si Stephanie sa sinabi ng kaniyang guro. Ng maayos na nina Stephanie ang mga gamit, ay inilabas narin nito ang libro kung saan anandoon ang magic word na kelangan sabihin habang hawak ang isang bagay na kung saan doon mapupunta ang emosyon ng magbibigay kay Stephanie. “maam, lapit ka sa akin,” pagkakasabi ni Stephanie sa kanilang guro. Lumapit naman ang kaniyang guro at tamang sinusundan lamang nito ang mga sinasabi ni Stephanie. Inilabas ng guro ang kaniyang dala sa kaniyang bag na magsisilbing gamit na gagamitin niya mailipat ang emosyon. “eto oh Stephanie, okay na ba itong salamin ko? Eto lang kasi ang meron ako na pwedeng gamitin,” pagkakasabi ng guro sa kaniya. “okay na po yan maam, kahit na ano pong bagay ay pwede gamitin,” tugon naman ni Stephanie. Pinaharap niya sakaniya ang guro at itinapat sakaniya ang libro na kung saan nandoon ang magic word na sasabihin ng kaniyang guro. At ng mabasa ng guro ang magic word, agad na itong pumikit at hinawakan ng mataimtim ang kaniyang salamin. “Nemkivanatos erzelem, Nemkivanatos erzelem,” dalawang beses na pagkakasabi ng guro. Hindi naman nagtagal ay agad namang umepekto ang kanilang ginawa, na tila ba ay nag-iba ang ihip ng hangin. Tinapik ni Stephanie ang kaniyang guro sa balikat, “maam? Kamusta po?” patanong ni Stephanie sa kaniyang guro. At agad namang napamulat ang guro habang nakangiti. “Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman sa ngayon pero para bang gumaan ang aking pakiramdam” pagkakasabi ng guro sa kaniya. Habang sinasabi ng guro ang kaniyang nararamdaman ay ang laking ngiti ang nasa mukha na pinapakita ni Chloe. Dahil masaya sya para sa simulang progreso para kay Stephanie. “ganiyan din po ang naramdaman ng kaibigan naming na si Cheska, okay lang po yan maam. Maraming salamat po. Malaki pong tulong ito para sa akin.” Maiyak-iyak na pagkakasabi ni Stephanie sa kaniyang guro. “walang anuman iyon Stephanie, ang mahalaga ngayon ay ang makatulong kami sa iyo,” masayang pagkakasabi ng guro sa dalaga “kayo mga kapwa ko guro, kayo naman.” Pagyaya nito sa kaniyang kasamahan. Pila-pila ang mga guro at masaya ring handing tumulong kay Stephanie. At dahil para sa dalaga, ay nagimbita din ang mga guro ng ibang bata sa kanilang klase para makatulong sa dalaga. Dahil para sa mga guro, ay walang masama ang tumulong.   Natapos na ang pag-dodonate ng mga guro at tila ba ay kahit kaunti ay may nararamdaman siyang di niya maintindihan o maipaliwanag. “maraming salamat po sainyo.” Pagpapasalamat ni Stephanie sa mga guro. “walang anuman iyon Ms. Mendez. Hayaan mo at isusunod naming sa iyo ang iba naming estudyante sa ibang araw,” tugon ng isang guro na si Mr. Diaz. “nakakahiya napo sir. Malaking tulong napo itong nagawa ninyo sa akin,” tugon ni Stephanie sa guro. “ano kaba ija, hayaan mo kaming tulungan ka,” pagkakasabi ni Ms. Carandang sakaniya habang tinapik ito sa balikat. “hindi ka lang espesyal, napakabuti mong bata.” Pahabol naman nito. Napatingin si Stephanie sa kaniyang kaibigan na si Chloe at nag-ngitian naman ang dalawa. Natapos na ang break time kaya’t nag-ayos na muli ang dalawa ni Stephanie at Chloe para sa susunod na klase. “oh ano na Stephanie? Kamusta naman?” tanong ni Chloe sa dalaga. “Okay lang, hindi pa ako ganoong nakakaramdaman ng sobra pero may kakaiba akong nararamdaman ngayon na parang may panibago akong emosyon na pwede kong maramdaman. Hindi ko maexplain,” tugon ni Stephanie. “hayaan mo, sa una lang siguro yan dahil nakakapagipon ka na ng emosyon. Paano nalang kung madami na naipon mo diba?” pahayag ni Chloe. “siguro nga, alam mo salamat ha. Kung hindi dahil sayo, hindi ko magagawa ‘to,” pahayag ni Stephanie. “ano kaba? Okay lang iyon. Ang mahalaga ngayon, yang sarili mo,” tugon naman ni Chloe. Malapit na magsimula ang sunod na klase, at may ilan narin ang napasok sa classroom nila. Kaya’t minabuti nilang nalinis na nila lahat ng kalat. At habang nakaupo silang dalawa at nag-uusap ay may lumapit sa kanila, si Cheska. “huy! Kayong dalawa. Hahaha.” Pag-gulat sa kanila ni Stephanie at Chloe. “anooooo kaba cheska nakakagulat ka. Magsama kayo ni Joshua,” inis na pagtugon nit okay Cheska. Hindi naman nakaimik si Stephanie, dahil bigla siyang may naramdaman na tila ba ay parang nakaramdam sya ng kaunting kaba sa gulat. Napatingin naman sa kaniya si Chloe at Cheska dahil napansin nila ito, “huy Stephanie? Okay kalang?” patanong ni Cheska. “oo nga Stephanie? Bigla kang tumahimik,” pahabol naman ni Chloe. “o-okay lang ako,” tugon ni Stephanie sa  dalawang dalaga. Ng biglang pumasok na ang kanilang sunod na guro para sa subject na Algebra. “Good afternoon maam,” sabay-sabay na pagbati sa guro.   Naglalakad si Joshua patungo sa gym kung saan siya madalas natambay, at dahil alam niya kung anong oras matatapos ang klase nina Chloe at Stephanie ay doon na lamang niya napagdesisyonang tumambay. Habang naglalakad ito ay may nakasalubong siyang isang lalaki na tila ba para sakaniya ay ni minsan hindi pa niya nakikita. “siguro bago yun?” pabulong sa sarili “yayamanin ka ha,” pahabol naman nito. Napahabol tingin ito sa lalaki dahil namangha ito sa kaniyan suot na parang hindi pangkaraniwan sa lahat. At pagkatapos niyon ay nagderederetso nalamang siya sa paglalakad ng bigla namang pumasok sa isip niya si Stephanie at napangiti. “ang ganda mo kahit kailan, kung may pakiramdam ka sana,” pabulong sa isipan nito. Pagpasok niya ng Gym ay napansin niyang madaming tao at nakita nito ang iba niyang mga kaibigan na naglalaro sa court. “Joshua! Tara?” pagyayaya ni Aaron. “ayoko, may hinihintay lang ako,” tugon naman ni Joshua. “eto naman, minsan lang eh,” tugon naman ni Vince Nagdadalawang isip si Joshua, “sige nanga! Kayo paba?” tugon naman ni Joshua. “yan ang gusto ko sayo!” sigaw naman ni Aaron. Nagbaba ng gamit si Joshua, at nagpalit ng damit at sapatos. At pagktapos naman niyon ay dali-dali na siyang nagpunta sa gitna para maglaro ng Basketball.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD