Chapter 4: The Return

2143 Words
Habang naglalakad sina Chloe at mga kaibigan niya, pinaguusapan nila ang librong kinuha nila sa bag ni Stephanie. “So anong balak mo sa libro Cheska?” tanong ng kaibigan niya. “Kung pumunta kaya tayo ng basement, tapos doon natin basahin ang nasa libro. So ano? Tara?” saad ni Cheska sa mga kaibigan niya. At sumangayon naman ang mga ito. At dahil walang bantay doon sa oras na iyon ay nagtungo na ang mga ito doon. Habang pinagkakaguluhan na ng magkakaibigan ang librong kinuha nila sa bag ni Stephanie, ay abala naman sina Stephanie at Chloe sa paghahanap sa libro. Bawat silid ay binalikan nila ito. “Alam mo Chloe, tara na. Baka hindi talaga para sa akin ang emosyon,” saad ni Stephanie. “Seryoso ka? Pinagkahirapan natin kunin yun tapos hahayaan mo nalang? Pag-asa mo na iyon para magka-emosyon ka, kahit panghabang buhay o saglit lang,” tugon naman nito kay Steph. “E pano kung hindi talaga ako biyaan diba? Kung hindi talaga para sa akin. May magagawa paba tayo? Sa tingin mo saan pa natin yun mahahanap? eh ilang silid na ang binalikan natin,” pagkakasabi naman ni Steph kay Chloe. “Ewan ko sayo Stephanie, ikaw na nga tong tinutulungan ayaw pa.” tugon naman ni Chloe. Hindi na umimik si Stephanie, at tinuloy na nila ang paghahanap sa libro.   Binabasa na nina Cheska ang libro, ng bigla itong may napansin na tungkol sa emosyon. Sa sobrang interesado nila sa libro, hindi na nila naisip na lahat ng tungkol sa libro ay makakatulong kay Stephanie. Nabasa ni Cheska ang isang paraan para maglipat ng emosyon, at dahil nakakatulong din ito sa pagbabawas ng nararamdaman, sakit at pagod ay ginawa nila ang pagkakasunod sunod nito. “Mababawasan ang sakit at pagod?” tuon na pabulong ni Cheska sa kaniyang sarili. Narinig ng isa nyang kaibigan ang pagkakasabi kahit mahina lamang ito. “Ano yun Cheska?” pagkakatanong naman sakaniya. “Wala, wala. Try natin? Gusto niyo ba?” alok ni Cheska sa mga kasama niya. Ngunit sa takot ng kaibigan niya kung anong mangyari, ay ni-isa sa kanila ay walang pumayag kaya’t sarili nalamang niya ang gagawa. “una, kumuha ng kahit anong isang bagay,” Pagkakasabi ni Cheska at kumuha ito ng suklay sa kaniyang bag. “sunod, hawakan ito at banggitin ang salitang “Nemkivanatos erzelem”.” Ng sinabi ito ni Cheska habang ang suklay niya ay nakaramdam ito ng kakaiba. “Ano Cheska? May nangyari ba? Wala naman eh!” saad ng kaniyang kaibigan sakaniya. “Meron, meron ako naramdaman,” tugon ni Cheska. “Ano?” “parang nabawasan yung sakit at pagod na nararamdaman ko, yung lungkot. Hindi ko maipaliwanag.” tugon ni Cheska. “Sus, baka hindi naman. Masaya naman tayo kanina e. haha” pabirong pagkakasabi ng kaniyang kaibigan. “Seryoso kase, ayaw niyo kasi gawin. Kaya di niyo talaga mararamdaman.” tugon naman ni Cheska. “Siya sige sige! Oo na hahaha. Baka mainis ka pa diyan, binibiro kalang namin, so ngayong may naramdaman ka, ano na gagawin mo diyan sa libro?” patanong ng kaibigan kay Cheska. “Wala, baka wala din akong mapala. Ibalik ko nalang kay Stephanie tapos kunwari, napulot natin kung saan. Hahaha” pagkakasabi ni Cheska habang natawa. Tumayo na ang magkakaibigan at sabay sabay na silang umalis ng basement. -- Hapon na at naghahanapan parin ng libro sina Stephanie at Chloe, “Hapon na, tara na kaya? Mukhang hindi na natin matatagpuan yun,” saad ni Stephanie kay Chloe. “Alam mo Stephanie, magpasalamat ka nga at concern ako sayo, inaalala kita dahil kaibigan kita!” tugon naman nito kay Stephanie. “maniwala sayo Chloe,” Biglang dumating sina Cheska sa silid. Habang hawak hawak ang librong hinahanap nina Stephanie at Chloe. Pagtigin nina Stephanie at Chloe, ay gulat na gulat ito sa nakita. “Paano napasayo yan? Sinasabi ko nanga ba e!” pagkakasabing inis ni Chloe kay Cheska. Ng biglang pinigilan ni Stephanie si Chloe dahil muntikan na itong sumugod kay Cheska. “Sayo ba to?” patanong ni Cheska kay Stephanie habang iniharap sakaniya ang libro habang hawak nito. “Oo, saan mo nakita? Paano mo nakuha yan?” patanong ni Stephanie. “Napulot lang namin, oh sayo na.” tugon ni Cheska ng biglang inihagis nito ang libro kay Stephanie. “loko to ah! Wag mong ginaganyan si Stephanie ha!” palabang pagkakasabi ni Chloe kay Cheska Tumalikod ni sina Cheska at inirapan lang nito si Chloe kasabay ng pagalis. “Ang hirap naman kapag walang emosyon yung tao, ni hindi mo malabanan. Hindi kaba napikon o napipikon kahit konting-konti??!” tanong ni Chloe kay Stephanie. “Hindi,” tugon naman ni Stephanie “Ewan ko sayo Stephanie, malalaman mo talaga na galit na galit kana doon kapag nagkaroon ka kahit konting emosyon,” saad ni Chloe. At dahil hawak naman na nila ang Libro, ay nagtungo na ang dalawa na umuwi sa bahay ampunan dahil marami pang gagawin ang dalawa.   Ng makarating ang dalawa nina Stephanie at Chloe sa bahay ampunan, ay nakasalubong nito ang kanilang matrona na si Hilda, napahinto ito at kinausap ang dalawa. “Stephanie, Chloe. Kayong dalawa, pagkapalit ninyo ng damit ay dumeretso kayo sa kusina at maghanda ng pagkain para sa hapunan.” Utos ni Hilda “Opo,” tugon naman ng dalawa. At dali-dali ng nagtungo ang dalawa sa silid nila at nagpalit ng damit. Pagkatapos niyon ay nagtungo na ang dalawa sa kusina at tumulong na sa mga kasama, ng makapaghanda na ay tinawag na ng mga ito ang mga bata. Ng maupo na ang dalawa, ay bigla bigla namang kinausap ni Chloe si Stephanie habang kumakain. “So ano na? ano ng balak mo sa libro? Tititigan mo nalang ba?” saad ni Chloe kay Stephanie “hindi ko pa alam, bahala na,” tugon ni Stephanie “alangan namang itago mo nalang ang libro ng habang buhay. Ano yun? hindi mo gagamitin?” saad ni Chloe “malamang gagamitin, hindi pa lang alam kung paano, paano sisimulan,” tugon ni Stephanie. “tulungan kita, ako bahala sayo,” saad ni Chloe kay Stephanie “malamang tutulungan mo talaga ako kasi ikaw lang may alam noon,” tugon ni Stephanie Habang kumakain sila at naguusap ni Stephanie, ay napatingin si Chloe sa kanang bahagi at napansin niya ang matron nila na si Hilda na nakatingin sa kanila. Kaya’t agad nitong iniwas ang tingin niya roon. Dali-dali naman napakain si Chloe at umimik muli kay Stephanie. “Bilisan mo na kumain Stephanie,” saad ni Chloe kay Stephanie habang dali-daling kumakain. “Bakit? Bakit ba ang bilis mo kumain, gutom na gutom?” tugon ni Stephanie kay Chloe. “basta! “ saad ni Chloe. Hindi pinansin ni Stephanie ang sinabi ni Chloe sakaniya, ngunit si Chloe naman ay mabilis nalang na kumain. Hinayaan nalang niya si Stephanie. Pagkatapos kumain ni Chloe ay agad naman na ito dinala ang kaniyang kinainan sa kusina, at tumulong nalang ito na magligpit. Iniwan nalamang nito si Stephanie na kumakain at hindi na hinintay. Ng matapos na ang gawain ay nagtungo na ang dalawa ni Stephanie at Chloe sa silid at naghanda na sa pagtulog.   Humiga na ang dalawa, at dahil magkatabi lamang naman ang kanilang higaan ay nakakapagusap ito. “pst!” pagtawag ni Chloe kay Stephanie. Napalingon naman si Stephanie dahil narinig niya agad ito. “ano?” tugon ni Stephanie “anong ano? Ano na balak mo? Wala ka bang plano?” tanong ni Chloe kay Stephanie “alam mo matulog ka na, dahil wala pa sa isip ko yan. Bukas nalang natin pagusapan yan,” tugon naman ni Stephanie kay Chloe. “alam mo kung ipinapagpabukas mo yan ng ipinapagpabukas ay walang mangyayari,” saad naman ni Chloe “alam mo kung tanong ka ng tanong ng paulit-ulit, ay wala talaga akong maiiisip na pwedeng gawin o kalian pwede simulant,” tugon naman ni Stephanie. “ewan ko sayo Stephanie, tinutulungan nang ayaw pa,” saad naman ni Chloe “magpa-donate kanalang sa mga kaklase mo,” pahabol ni Chloe “yun nga rin balak ko talaga, kaso paano?” saad ni Stephanie “bukas nanga natin pag-usapan. Tayo na matulog.” Pag-yayaya ni Chloe kay Stephanie. At natulog na ang dalawa matapos ang usapan nila.   Bagong umaga na naman, at nagsigising na ang mga tao sa bahay ampunan. Ganon din ang matron kasama ang kaniyang kanang kamay. Tumungo ito sa silid ng mga bata at ginising para sa kanilang umagahan, inuna nito sina Stephanie at Chloe para tumulong sa kusina. “Gising na kayong dalawa, Stephanie at Chloe,” saad ng kanang kamay ni Hilda na si Cristina. Si Stephanie ay agad namang bumangon ngunit si Chloe ay mahimbing parin ang tulog, kaya’t di na nagdalawang isip si Hilda na siya ang manggising dito. “Chloe! Gising na!” Pasigaw na paggising ni Hilda kay Chloe. Nagulat si Chloe sa pagsigaw at bungad ng pagmulat ng mata nya na nasa harap na niya si Hilda. Kaya’t dali-dali ito na bumangon sa takot. “Opo-o-opo eto nap o, pasensya napo,” takot na pasagot ni Chloe. Bago pumunta sa kusina sina Stephanie at Chloe, ay tinulungan nila muna si Cristina para gisingin ang mga bata sa iba pang silid ng bahay ampunan. “Eto namang si Stephanie, hindi ako ginising. Nakakatakot si ka-Hilda.” Bulong ni Chloe kay Stephanie. “anong oras kana ba kasi natulog? Ngayon kasalanan ko pa. e bigla rin nanggising si ka-Hilda na masungit eh,” tugon naman ni Stephanie kay Chloe. Hindi na pinansin ni Chloe ang sinabi ni Stephanie, ginising nalang nila ang mga bata dali-dali. Ng gising na ang lahat ng mga bata, ay nagtungo na ang dalawa sa kusina. Dali-dali narin silang tumulong na maghain sa hapagkainan ng mga bata. At ng nakakuha narin ng pagkain sina Stephanie at Chloe, ay may napagusapan ang mga ito. “May ganap siguro ngayon? Masyado pang maaga para almusal,” saad ni Chloe kay Stephanie. “Mukha nga, nagiging ganto lamang kaaga ang almusal kapag may bisita na darating,” tugon naman ni Stephanie. “May panibago na namang maaampon sa atin,” saad ni Chloe. Tuwing Sabado sa kanila, ay malimit may nadarating na mag-asawa, na magaampon ng isang bata sa bahay ampunan. Madalas ay ang di magka-anak kaya kinakailangan nila ng anak. Ng matapos kumain ang mga bata ay pinaderetso ang mga ito ni Hilda sa kani-kanilang mga silid para maligo at mag-ayos. At muli na namang inutusan sina Stephanie at Chloe. Bukod sa kanilang dalawa, ay tinawag narin ni Hilda si Joshua para tumulong sa dalawa. At ang kaniyang aayusan naman ay mga batang lalaki. Ng nasa silid na sila, naguusap ang dalawa ni Stephanie at Chloe. “Stephanie, tayo kaya? May tao kayang magkaroon ng interes sa atin?” tanong ni Chloe kay Stephanie. “Hindi natin alam, sa akin hindi ko lalo alam. Sa tingin mo may gugustuhin bang ampunin ako lalo na ngayo’t lumaki akong walang emosyon?” tugon ni Stephanie kay Chloe. “Alam mo, walang imposible. Wala naman kasi yun sa kung anong meron ka, basta’t mabuti kang tao. Gugustuhin ka ng tao,” sagot naman ni Chloe kay Stephanie. Ng biglang dumaan si Joshua sa kanila, habang may mga kasamang bata. Tinawag ni Chloe si Joshua, at pinalapit ito ni Chloe sa kanila. “Pst! Joshua! Lapit ka dito.” Pag-tawag ni Chloe kay Joshua. At lumingon naman si Joshua. Pinauna na ni Joshua ang mga bata sa baba, at agad namang lumapit sa dalawa nina Stephanie at Chloe. “bakit?” tanong ni Joshua, at ngumiti sa dalawa. “may papakilala ako sayo, eto nga pala si Stephanie. Ang tagal na kasi natin ditto, tapos hindi pa kayo close.” Pagpapakilala naman ni Chloe kay Joshua. Tumingin si Stephanie at ni reaksyon ay wala siyang pinakita kahit ngiti man lang dahil sa wala syang emosyon. Iniabot ni Joshua ang kaniyang kamay para makipag-kamay kay Stephanie, inabot rin ni Stephanie ang kaniyang kamay. At dahil alam na naman ni Joshua ang tungkol kay Stephanie, ay naintindihan naman niya. “kelangan ko ng mauna Chloe at Stephanie, baka mahuli pa tayo ni ka Hilda dito na naguusap,” saad ni Joshua sa dalawa. “Sige sa baba nalang!” tugon naman ni Chloe kay Joshua. “Sige,” sagot naman ni Stephanie. Tinuloy na nina Stephanie at Chloe ang ginagawa nila, binihisan na nila ang iba pang mga bata na katatapos palang maligo at inayusan. Kaunting oras nalang, ay nasa baba na ang bisita ng bahay ampuna, inisa isa na nilang pinapila ang mga bata at tinuruan kung pano bumati. Kitang-kita sa ngiti ng  mga bata kung gaano sila kasabik sa darating na mga bisita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD