Chapter 7 : Transferee

3258 Words
Natapos na ang klase nina Stephanie at Chloe, ng habang papalabas sila ng pintuan ay biglang bumungad si Joshua na naghihintay. “Huy Joshua!” Pasigaw na ginulat ni Chloe. Sinamaan naman ng tingin bigla ni Joshua si Chloe dahil pang-gugulat nito. “oh ano? Sama tingin mo diyan? Alam mo na pakiramdam na ginugulat?” pahayag ni Chloe sa binata. “oo na. oo na,” tugon naman ni Joshua. “pasaan ka pa? pauwi na kami ni Stephanie,” pahayag ni Chloe. “sabay kana,” pahabol ni Stephanie kay Joshua. Nabuhayan naman ng dugo si Joshua noong niyaya siya ni Stephanie. “sige sabay na ako sa inyo, wala naman din akong gagawin e,” tugon naman ni Joshua sa dalaga Agad namang naglakad na ang tatlo ng biglang binulungan ni Chloe si Joshua. “ang bilis ha,napakabilis.” Sinamaan ng tingin muli ni Joshua si Chloe at sinenyasan na wag maingay.   Habang naglalakad sa hallway ang tatlo nina Joshua, Chloe at Stephanie ay may napansin silang isang babae na nasa registrar na nakatayo. “huy ang ganda oh,” pahayag ni Chloe sa dalawa. At agad naman napatingin si Joshua ganon din si Stephanie. “siguro bago yan?” pagkakasabi ni Stephanie. “siguro mageenroll? Transferee ganon,” tugon din naman ni Joshua. “ang ganda niya no? mahaba ang buhok, maputi at ang kinis,” pahayag naman ni Chloe. “huy may body guard oh,” pagkakasabi ni Joshua. “for sure mayaman!” pahabol ni Joshua. “Alam nyo kayong dalawa, tumigil na kayo,”  pagkakasabi ni Stephanie ng biglang hinila ang dalawa para maglakad muli. Naglalakad na ang dalawa papalabas ng pintuan ng eskwelahan nila, at habang papalabas ay muling napansin ni Joshua ang lalaking napansin niya noong siya ay patungong gymnasium. Habang pinagmamasdan ni Joshua ang lalaki na papasakay sa sasakyan ay napatingin din naman si Chloe. “siguro bakla ka no? hahahaha.” Pangiinsulto na pagkakasabi kay Joshua habang tinulak ito. “matutunaw yung tintitigan mo,” pahabol naman nito. “Tumigil ka nga diyan! Hindi ako bakla no. hindi ko lang kilala iyon,” tugon naman ni Joshua. “kaklase ko daw yun, sabi ng kaklase ko sa isang minor,” pasingit namang sinabi ni Stephanie. “kaklase mo yun?!” patanong ni Joshua na tila ba nahihili sa binata na pinaguusapan nila. Naglakad unti-unti si Chloe habang hinihila din si Stephanie at iniwan si Joshua. “tara na Stephanie. Una na tayoo,” pahabol na sinabi. Hindi maintindihan ang nararamdaman ni Joshua ng malaman niya iyon. At agad naman hinabol ang dalawa.   Habang naglalakad ay pinagusapan nila ang lalaking papasakay ng sasakyan na maganda, isang Ford Mustang na kulay itim. “sana ako nalang yun,” pagkakasabi ni Joshua. “bakit naman aber?” tanong ni Chloe. “para gwapo syempre, akalain mo yun ganoong edad naka Ford Mustang?” pahayag ni Joshua. “alam niyo kayong dalawa, magsitigil nga kayo. Mukhang maayos naman yung tao, baka nagkataon lang na mayaman talaga ang pamilya nila diba?” tugon naman ni Stephanie. “siguro nga, pero kapag nakilala ko talaga yung lalaki na ‘yon,” pahayag ni Chloe “ay ano? Ano gagawin mo?” tugon ni Joshua ng bigla niyang tinulak ang dalaga. “wala. Tss,” pagkakasabi ni Chloe. Tahimik lang na naglalakad si Stephanie at habang naglalakad ay may napansin siyang isang simbahan na hindi pa niya napupuntahan. “Huy kayong dalawa, tama na ang bangayan. Samahan niyo ako dito,” pahayag ni Stephanie ng biglang hinila ang dalawa papasok sa loob ng simbahan. Sila lamang ang tao doon, at ng makapasok sila ng simbahan ay nagulat ang mga ito sa mga disenyo ng loob ng simbahan. Hindi pangkarinawang disenyo ito. Pumunta sila sa parting unahan ng upuan ng simbahan at doon naupo at habang pinagmamasdan parin nina Joshua at Chloe ang loob ng simbahan ay nauna ng lumuhod si Stephanie at nanalangin. “Panginoon ko, maraming salamat po at dinala niyo ako dito, unang beses ko palang po pumunta dito at dahil unang beses po ay hihiling po ako sainyo n asana magkaroon nako ng emosyon. Alam ko pong hindi niyo agad ito tutuparin, pero maghihintay parin po ako sa biyaya mo Ama ko. Amen.” Ng matapos ng magdasal ang dalaga ay naupo na agad ito, ng bigla niyang napansin ang dalawa niyang kasama na tila’y gandang-ganda sa disenyo ng simbahan. “kayong dalawa? Unang beses niyo palamang ba dito?” patanong na sinabi ni Stephanie. “o-oo,” tugon ni Chloe, “ako din,” pahabol naman ni Joshua. “alam niyo ba? Na kapag unang beses daw kayong pumunta ng simbahan. Kelangan niyo daw mag-wish,” pahayag naman ni Stephanie. “totoo? Sino may sabi sayo?” patanong ni Chloe sa dalaga. “ahm.. wala,” tugon ni Stephanie. “sige mauna nako, dami mo pa sinasabi diyan,” tugon naman ni Joshua. Napaisip si Stephanie sa tanong ni Chloe na kung sino nga ba ang nagsabi sakaniya. Naaalala niya na may nagsabi sa kaniya pero di niya alam kung sino. Dahil para sakaniya imposible na may magsabi sakaniyang matanda dahil di naman niya naabutan ang mga magulang niya. Habang nagdadasal si Joshua, ay napatingin it okay  Chloe at hinila pababa sa luhudan at binulungan “magdasal ka, para biyayaan ka naman ng kabaitan,” pagkakasabi ng binata. At dahil si Joshua na ang nagsabi kay Chloe, ay agad naman itong lumuhod ng maayos at nagdasal. Hindi na bago sa kanila ang magdasal dahil sa bahay ampunan naman sila natigil, at palaging nagdadasal doon araw-araw at tuwing linggo na may banal na misa. ng naupo na si Joshua at Chloe agad namang tinanong ni Stephanie ang dalawa. “ano? Tapos naba kayo? Uwi na tayo?” “tara na, baka may gagawin pa tayo sa bahay ampunan. Baka malagot pa tayo kay matrona,” tugon ni Chloe. “tara na,” pag-yayaya ni Joshua. Habang naglalakad silang tatlo ay may malapit na lugawan silang napansin, at para bang nagugutom na ang tatlo. “ang bangoooo naman non.” Pagpapatakam ni Joshua sa naaamoy nilang lugaw. “manahimik ka nga diyan,” pagkakasabi ni Chloe habang sinamaan siya ng tingin. Hinila ni Joshua ang dalawa ni Stephanie at Chloe, at ng papasok sila sa kainan ay napansin nila ang lalaking kinamamanghaan ni Joshua ng dahil sa porma at sasakyan. Ng napansin ni Joshua na napatingin na din si Stephanie, ay agad nitong hinila ulit papalabas ang dalawa. “oh? Bat ka lumabas? Akala ko ba nagugutom ka?” patanong ni Chloe. “busog pa pala ako, tara na umuwi,” tugon ni Joshua. Bigla namang napansin ni Chloe ang sasakyan ng lalaking pinaguusapan nila kanina sa paaralan. “tara na? madami pa tayong gagawin sa bahay ampunan. Lagot na naman tayo kay matrona,” pahayag ni Joshua. “tara nanga Stephanie,” tugon ni Chloe. Nagtuloy na sa paglalakad pauwi sina Joshua, Stephanie at Chloe. at habang papalapit na sila sa uuwian nila, napansin ni muli ni Chloe ang matrona. “alam mo nakakapansin nako e,” pahayag ni Chloe “ano sinasabi mo dyan Chloe?” pagkakatanong ni Joshua. “nagsasalita ka na namang mag-isa,” pahabol nito “balik ka dito Joshua,” pagakakasabi nito sa binate. Habang si Stephanie naman ay dere-deretso lamang sa paglalakad at hindi nito napansin na ang mga kasamahan niya ay nagsitigil. “Tingnan mo ang matrona nasa bintana,” pahabol na pagkakasabi ni Chloe kay Joshua. Agad namang tiningnan iyon ni Joshua “oo nga no?” tugon nito. “at tingnan mo kung saan at kanino nakatingin,” pagkakasabi ni Chloe. “huy! Kay Stephanie. Ano naman kaya ang problema ng matron sa kaniya, hindi ba’t kanina ding umaga ay nakatingin din siya kay Stephanie?” pagtataka ng binata “Hindi ko nga alam e, kahit ako ay nagtataka,” tugon naman ni Chloe Nakapansin si Stephanie na tahimik at para bang wala na siyang kasama. “oh, nasaan na ang dalawang yun,” pagkakasabi nito. Agad namang tumingin sa kaniyang likod si Stephanie at hinanap ang dalawa, nagtaka naman agad ito kung bakit tumigil ang dalawa sa tabi ng puno kung saan malilom. “Huy kayong dalawa! Bakit niyo ako iniwan?” pagtawag ni Stephanie sa dalawang kasama na sina Chloe at Joshua. At agad namang napalingon ang dalawa kay Stephanie. “kasi si Chlo!” sisigaw sana si Joshua ngunit kinurot ito sa braso niya. “tumahi-tahimik ka Joshua,” pabulong naman nito. “Ara-aay,” pagkakasabi ni Joshua habang ramdam ang sakit. “Wala yun Stephanie. Pagod lang. haha,” tugon ni Chloe kay Stephanie. Agad namang sumunod na sina Chloe at Joshua kay Stephanie habang nananahimik na parang walang napansin sa matrona. Ng nasa loob na ang tatlo sa bahay ampunan, ay agad ng nagtungo sa kaniya-kaniyang silid ang magkakaibigan para magbaba ng gamit at magpalit ng damit. “una na kami ni Chloe, salamat,” pahayag ni Stephanie kay Joshua. “si-sige sige, walang anuman yun. basta kapag may kailangan kayong tulong, tulungan ko kayo,” tugon naman ni Joshua. Habang hindi na nakaimik si Chloe, ngunit sinenyasan parin nito si Joshua na wag maingay at sinamaan ng tingin. “lagot ka sa akin” pahabol na pabulong nit okay Joshua habang nakatalikod na si Stephanie. Habang patungo na si Stephanie at Chloe sa kanilang silid, ay biglang nagtanong si Chloe. “Stephanie, pwede ba magtanong?” “Oo naman, ano yun?” tugon naman ni Stephanie sa kaibigan. “wag kang maingay ah? Ma-may napansin kasi ako,” pahayag ni Chloe “ano yun?” tugon ni Stephanie, “Alam mo kanina, diba tumigil kami ni Joshua sa may puno..” pagkakasabi ni Chloe. “oo, tapos? Diba pagod kayo? Baka sa init rin,” tugon naman ni Stephanie. “Hindi talaga kami pagod noon, napansin kasi namain ang matrona kanina. Diba kaninag umaga pinagmamasdan niya tayo noong nasa binatana siya,” pagkakasabi ni Chloe. “oo, anong meron? Nasa bintana ba ulit ang matrona?” pag-kakatanong ni Stephanie sa kaibigan. “oo e, alam mo kung bakit kami tumigil sa may puno?” pagkakasabi ni Chloe. “hindi, ano ba talaga meron?” tanong muli ni Stephanie at biglang napatigil sa paglalakad. “kasi pinagmasdan naming ni Joshua kung kanino ba talaga nakatingin ang matrona, tapos alam mo kung kanino talaga siya nakatingin?” pagkakasabi ni Chloe. “sa akin? Sa akin ba?” tanong ni Stephanie. “Oo Stephanie, may nagawa k aba kay matrona? Kakaiba ang tingin niya sayo e, alam mo yung parang may ginawa kang mali kahit mukha namang wala,” pagkakasabi ni Chloe sa kaibigan. “wala naman, hindi rin naman kami nagkakausap ng matrona e,” tugon ni Stephanie. “atin lang yun ah? Pero kapag may nasagap akong balita o may nalaman o kahit ano pa. hayaan mo sasabihin ko kaagad sayo. Para di ka na mag-isip,” pagkakasabi ni Chloe. At nagtuloy na sa paglalakad sina Stephanie at Chloe patungo sa silid ng biglang, may nakasalubong sila. Ang matrona. “Magandang hapon po matrona.” Pagbati nina Stephanie at Chloe sa matanda. Bumati si Chloe ng biglang napatungo sa takot at agad namang napansin ni Stephanie iyon at agad niyang kinulbit sa braso si Chloe. “sa inyo din mga ija, pasaan na ang tungo niyong dalawa? Okay kalang ba Chloe? bakit parang takot na takot ka,” pahayag ng matrona kay Chloe dahil sa napansin. “ah hi-hindi hindi po matrona, medyo masakit lang po ang ulo ko kaya po ako napatungo,” tugon naman ni Chloe sa matrona. Nagulat naman si Stephanie sa sinabi ni Chloe at napaisip siya kung masakit nga ba ang ulo ng kaibigan. “ako ay uuna na, magtungo nalamang kayong dalawa sa baba para ihanda ang mga pagkain para sa hapunan,” pagkakasabi ng matrona kayna Stephanie at Chloe. “uminom kana rin ng gamut Chloe, baka kung mapaano ka pa. masa maganda na ang maayos ang pakiramdam,” pahabol nito. “Opo matrona, masusunod po. Una na po kami,” pahayag ni Chloe. Agad naman ng tumalik ang dalawa at naglakad patungo sa kanilang silid. Ngunit di nila alam na ang matrona ay nakatingin parin sa kanilang dalawa. Habang naglalakad ang dalawa ni Stephanie at Chloe patungo sa kanilang silid ay napaisip na naman ito sa sinabi ng nanay ni Stephanie sa panaginip nito. Hinding hindi niya iyon makalimutan. Kaya’t nangingibabaw parin ang galit at inis niya kay Stephanie. “at dahil wala ang iyong magulang sa mundong ito, sayo ko igaganti ang mga sinabi ng magulang mo sa panaginip ko,”  pagkakabulong ng matrona sa kaniyang isip. Ng makalayo na ang dalawa ay agad naman ng tumalikod ang matrona at nagtungo narin agad sa baba upang tingnan ang ibang mga bata. Sina Stephanie naman at Chloe ay dali-dali ng nag-baba ng kani-kanilang mga gamit at nagpalit ng mga damit. Ng dahil sa takot, ay hindi parin nawawala ang kaba ni Chloe sa matrona. “Chloe okay kalang?” pagtatanong ni Stephanie. “Huh? Ahm, o-okay lang,” tugon naman ni Chloe “mukhang hindi e, bakit basang-basa ka ng pawis?” tanong muli ni Stephanie Napaupo naman si Chloe sa tanong ni Stephanie “hindi ko alam, pero alam mo yung takot at kaba ko kakaiba. Pakiramdam ko may tinatago si matrona. Hindi nagana ang kapangyarihan ko, pero bakit ganito parang may pinaparamdam sa akin.” Pahayag ni Chloe. “ma-may kapangyarihan ka?” tanong ni Stephanie. “oo? Siguro. Hindi ko sigurado. Wag na wag mo sasabihin sa iba ha? Sa tuwing may kakaiba sa isang tao, nalalaman ko kung may tinatago siya o wala. Kapag nararamdaman ko yun, kinakabahan ako o natatakot, basta’t tumulo pawis ko. Yun na yun,” pahayag ni Chloe. “kumalma ka, hindi pa nating sigurado. Aalamin pa natin at madami pa tayong gagawin,” tugon naman ni Stephanie. Hingal na hingal si Chloe habang nakaupo ng biglang kumatok sa silid ang kasama palagi ng matrona na si Cristina. “mga ija, mag-punta na raw kayo sa kusina at tumulong sa paghahain para sa hapunan natin,” pahayag nito. “opo susunod na po kami,” tugon ni Chloe. Hindi na nagtagal si Cristina at nauna na, ganoon din ang dalawa ni Stephanie at Chloe. habang naglalakad sila pababa ng hagdan, ay agad naman din nilang nadatnan si Joshua na nag-aabang muli sa baba. “at nandiyan kana naman?” pahayag ni Chloe. “malamang sa malamang po, dito din naman ako nakatira, masama ba?” tugon ni Joshua. “tara na, baka magbangayan pa kayong dalawa diyan. Mahuli pa tayo ng matrona,” pahayag naman ni Stephanie sa dalawang kaibigan. Nagtungo na ang magkakaibigan sa kusina para kunin isa-isa ang mga kagamitan para ilagay sa mga lamesa at ganoon din ang mga pagkain. Hindi na sa kanila mahirap gumawa ng gawain dahil nasanay na sila sa ilang taon nilang pamamalagi roon. “haayy makakakain din,” pahayag ni Joshua. “huy manahimik kanga, makita ka ng matrona diyan. Parang dika nakakakain sa buong maghapon ah?” pagkakasabi ni Chloe sa nasabi ni Joshua. Ng makakuha na ng pagkain ang mag-kakaibigan ay agad na silang naupo sa isa bakanteng lamesa. Unang nakaupo si Stephanie, ngunit napansin nitong tahimik ang dalaga. “bakit ang tahimik ata?” parinig ni Chloe sa kaibigang si Stephanie. “naiiisip ko lang yung naganap kaninang umaga at nung pauwi na tayo. Diba sabi mo napansin niyong nakatingin sa akin ang matrona?” tugon ni Stephanie sa kaibigan. “wag mo na isipin yun, baka naman hindi talaga galit o mainit dugo sayo,” pahayag ni Chloe “pero alam mo masama talaga tingin sayo e,” pahabol naman ni Joshua. Agad kinurot ni Chloe si Joshua sa tagiliran ng katawan niya, “anong sabi ko sayo?” pabulong niya. “alam niyo kayong dalawa, mag-aaway na naman kayo e. sa kaka-away niyo baka kayo ang magkatuluyan,” pagkakasabi ni Stephanie. Agad namang kumilos ang dalawa papalayo sa isa’t-isa na tila bang parang walang nangyari. Sinamaan ng tingin ni Joshua si Chloe at ganoon din si Chloe. matapos ng kaganapan na iyon ay itinuloy na nila ang pagkain ng hapunan. Biglang may tinanong naman si Chloe sa kaibigang si Stephanie “oo nga pala, alam mo na ba ang pangalan nung lalaking mayaman na nakita natin kanina?” “yung kaklase mo?” parinig naman nito kay Joshua. Bigla namang sinamaan ng tingin ng binata ang kaibigan. “Hindi ko pa alam e, bukas ko pa malalaman. Kaklase ko kasi siya sa minor. Mukhang hindi ko naman makakalapit yun, ang taas noon ang baba ko lang,” tugon naman ni Stephanie. “oo nga, hindi natin ka level. Mas pogi ako dun e,” pahayag naman ni Joshua. “ang hangin ah,” tugon naman ni Chloe. Hindi na pinansin ni Stephanie ang dalawa dahil alam na nito na mag-aaway lang sila. Hindi rin nag-tagal ay tinapos narin agad ni Stephanie ang kaniyang pagkain at napansin din iyon nina Joshua at Chloe. “oh? Ang bilis mo naman?” tanong ni Chloe. “may gagawin pa kasi akong assignment,” tugon naman ni Stephanie. “sabay na ako sayo?” pahayag naman ni Joshua. “wag na, tapusin niyo ‘yang pagkain niyo. Wag niyo sayangin. Pag hinanap ako ng matrona, pakisabi nalang madami pa akong gagawing assignment. Major kasi yun. salamat,” tugon naman ni Stephanie Dali-dali naring umalis si Stephanie, nagtungo ito sa silid nila. Ilang minuto noong nandoon na siya sa kanilang silid ay agad naman nitong napagdesisyonan na lumipat ng pwesto. Pumwesto sya sa teris kung saan maaliwalas. Hindi naman problema sa kaniya ang liwanag dahil may ilaw naman na maayos roon. Habang naghahanda na siyang mag-labas ng mga gamit sa lamesa ay di niya alam, nasa kalapit na silid ang matrona at pinagmamasdan siya.   Kinausap ni Cristina ang matrona dahil napansin nitong masama ang tingin nito sa dalaga. “matrona, ayos lang po ba kayo?” patanong ni Cristina Nagulat naman ang matrona sa pag-kakasalita nito ng bigla sa kaniya, “okay lang ako, nakakagulat ka naman.” Tugon nito. “mukhang ang grabe ng titig niyo kay Stephanie, may problema po ba tayo sakaniya?” tanong nito sa matrona. “wala naman, may iniisip lang ako,” tugon nito sa kasama. Hinayaan na lamang nito si Stephanie, at muling inayos ulit ang mga papel ng mga bata. Ang silid at teris ay di kalayuan ang distansya. Hinayaan na lang din ni Cristina ito. Habang nananahimik at tinutulungan ni Cristina ang matrona ay bigla siyang kinausap nito. “Cristina, tanda mo ba iyong pinatago ko sayo noong matagal na panahon na? iyong libro na sabi ko ay ipagkatago mo ng maayos, ‘yung walang makakakita?” tanong ng matrona “opo madam, nandoon parin po sa pagkakaalam ko. Wala naman pong napunta doon na kahit sino kundi ako lamang at kayo po,” tugon nito. “tanda mop aba kung saan mo naitago?” tanong muli ng matrona. “opo madam, kailangan niyo po ba?” tugon muli ni Cristina “Hindi naman, pinapaalala ko lamang sayo. Mahalaga kasi ang bagay na iyon sa akin,” pahayag ng matrona sa kaniya. Hindi na nakasagot si Cristina sa nasabi ng matrona, at dahil nasabi ng matrona na mahalaga sa kaniya ang libro, hindi maiwasan ni Cristina na mapaisip kung bakit mahalaga iyon sa matrona.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD