Chapter 8 : Happiness

3279 Words
Nagising si Stephanie dahil sa tilaok ng mga manok, hindi pa oras para bumangon ngunit bumangon nalamang agad din ito at kumilos kahit hindi pa nang-gigising ang mga nakakatanda. Inayos nito ang kaniyang mga gamit pati narin ang mga ginawa niya noong gabi. Habang siya’y nag-aayos ay naalimpungatan si Chloe. “Gising kana agad? Ang aga pa ah,” pahayag ni Chloe sa kaniya. “Hindi na ako makatulog eh, nagising ba kita? Pasensya na ah,” tugon naman sakaniya ni Stephanie. “Okay lang, tulog lang ulit ako,” pahayag ni Chloe. Hinayaan na ni Stephanie ang kaibigan na ituloy ang kaniyang pagtulog. Ng matapos niya ang pag-aayos ng kaniyang mga gamit ay inihanda narin niya ang kaniyang mga damit na susuutin pagpasok ng paaralan nila ganoon din ang sapatos niya, nilinisan niya ito para mag-mukhang bago. Matapos niyang gawin lahat ng iyon ay napag-desisyonan niyang maligo na, para hindi na siya makipag-unahan sa mga bata at kay Chloe. Habang naliligo si Stephanie ay naalimpungatan muli si Chloe. pag-mulat niya ay wala si Stephanie sa kama niya. Magkatabi lamang ang kama nilang dalawa, kaya alam niya kung wala o nandoon si Stephanie. “Oh, parang kanina nandito lang yun ah? Nasaan na yun. ang aga-aga ba naman,” pahayag ni Chloe sa sarili. At dahil ilang beses na siyang na-aalimpungatan ay bumangon narin ito at inayos na ang kaniyang kama, matapos noon ay inayos narin niya ang kaniyang mga gamit na dadalhin sa paaralan nila, inayos narin niya ang kaniyang mga damit na susuutin. Ng biglang lumabas nan g banyo si Stephanie. “Oh? Bakit gising ka na, maaga pa. dapat natulog ka pa,” pahayag sakaniya ni Stephanie. “Mukha ba akong makakatulog pa sa ganitong sitwasyon? Para akong bata tapos ikaw ang nanay. Nakapag wala sa tabihan magigising. Haha,” tugon naman sakaniya ni Chloe. “ay sia, anak maligo na ikaw,” pahayag ni Stephanie kay Chloe. Nag-deretso na si Chloe sa banyo. At habang nasa banyo ito, ay nag-ayos na ng sarili si Stephanie. Ilang minute ang nakalipas ay napag-desisyonan ni Stephanie na maupo muna sa higaan habang hinihintay si Chloe. Maya-maya ay biglang kumatok na si Cristina ang kasama ng matrona, at nang-gising na ng mga bata para sa almusal. Sakto ang tapos ni Chloe sa panliligo, kaya’t dali-dali narin nag-ayos ito ng kaniyang sarili. Habang nag-aayos ng sarili si Chloe, ay nauna na si Stephanie na tulungan mag-ayos ang mga bata ng isa-isa. At dahil madali lang naman  mag-ayos ng sarili si Chloe, ng matapos ito ay agad naman na niyang tinulungan si Stephanie. “Kaya paba? Sabi ko sayo e, mas maganda kung inaagahan natin ang gising natin,” pahayag ni Stephanie kay Chloe. “Oo nga e, ngayon ko lang naisip,” tugon naman ni Chloe Ng maayos na nila isa-isa ang mga bata ay pinapila na ng mga ito para magtungo nga kainan. Habang patungo sila ng kainan ay napansin nina Stephanie at Chloe si Joshua. Nagulat ang dalawang ito, dahil nakita nilang naka-ayos narin si Joshua. “May luksong dugo ba tayo? Bakit sabay-sabay tayong maaga nag-ayos?” pagtataka ni Chloe sa nangyayari sa kanila “Baka nagkataon lang, ito naman,” tugon naman ni Stephanie. Kumaway si Joshua sa kanila at ngumiti ng napansin sila nito. At ng napaupo na nila ang mga bata sa loob ng kainan, tulong-tulong sila na naglagay ng mga plato, ganoon na din ang mga kakainin nila para sa almusal. At ng matapos ay pumwesto na muli sila sa kanilang lamesa. “Magandang umaga naman sa dalawang binibini,” pagbati ni Joshua sa dalawang dalaga. “Hindi maganda ang umaga ko dahil sayo. Haha,” pabirong pag-kakasabi ni Chloe sa kaibigan. “Bakit ang aga mo din ata?” tanong ni Stephanie kay Joshua. “Hindi ko rin alam, nagising nalang din ako ng maaga kaya napag-isipan kong maligo nalang ng maaga. Unang beses ko nga ito e,” tugon naman ni Joshua. “Alam mo, kakaiba itong araw na ito e. pakiramdam ko may magaganap,” pahayag naman ni Chloe. Agad namang napaisip ang tatlo habang nakain, “Alam mo pakiramdam mo lang yun,” tugon ni Joshua sa sinabi ni Chloe. “Hindi mo masasabi Joshua,” tugon naman ni Stephanie. “Oo nga pala, ang box mo Stephanie? Nasa classroom ba?” tanong ni Chloe kay Stephanie. “Oo Chloe, paki-ingatan nalang ah. Pupunta ako sa classroom natin mamaya. Minor ko lang,” tugon ni Stephanie. “Bakit Stephanie? Saan klase mo?” tanong ni Joshua. “Kaaaay Transfereeee,” parinig ni Chloe kay Joshua. Agad namang nawalan ng gana si Joshua kumain, at sinamaan ng tingin si Chloe. “Oh? Bakit ang sama ng tingin mo diyan? Wala naman akong sinabing mali ah?” pahayag ni Chloe kay Joshua. “Alam niyo kayong dalawa, tuwing maghaharap nalang kayo, palagi nalang kayo nag-away,” Pag-kakasabi ni Stephanie sa dalawa nina Chloe at Joshua. Hindi na nakaimik ang dalawa nina Chloe at Joshua dahil alam na nila ang kasunod na pwedeng sabihin ni Stephanie. Ng matapos sila sa pagkain ay ibinalik na nila ang kanilang pinag-kainan sa kusina at agad ng nagtungo sa kanilang mga silid para kunin ang mga gamit nila sa paaralan.   Ng nasa silid na ang dalawa ni Stephanie at Chloe biglang kinausap ni Chloe si Stephanie. “Pakiramdam ko talaga may magandang mangyayari ngayong araw,” pahayag ni Chloe sa kaibigan. “Ayan kana naman sa pakiramdam, pero sana nga meron,” tugon naman ni Stephanie. Ng makapag-ayos na ng gamit ang dalawa ay umalis narin ito agad, at ng pababa sila ng hagdan palabas ng bahay ampunan ay may napansin si Chloe. “Mukhang wala ata ang Joshua?” pahayag ni Chloe kay Stephanie “Oo nga no? baka hindi sasabay? Pero wala namang nabanggit diba?” tugon nito sa kaibigan. Ngunit ng palabas na sila sa gate, ay nagulat nalang si Chloe ng biglang tumalon at nagpakita sa harap nila si Joshua. “Bulaga! Hinahanap niyo ako no? hahahaha,” pagkakasabi ni Joshua “Isa pang pang-gugulat. Mabuti ‘tong si Stephanie walang emosyon, e ako?!” inis na pagkakasabi kay Joshua. “Yan galit kana naman, aging-aga oh. Mag-aaway na naman kayo,” tugon ni Stephanie sa dalawang kaibigan. “Hindi na, sorry napo,” pag-kakasabi ni Joshua kay Chloe. Kahit nag-sorry na ang binata kay Chloe ay masama parin ang tingin at ang loob nito. Nag-tuloy  na sa paglalakad sina Joshua, Stephanie at Chloe at habang naglalakad ay napansin muli nila ang sasakyan ng lalaking transferee na kaklase ni Stephanie. “Diba yun yung sasakyan ng kaklase mong transferee?” patanong ni Chloe kay Stephanie habang tinuturo ang sasakyan. Napa-isip naman si Joshua na baka taga kanila lamang ang transferee na tinutukoy ni Chloe. “Oo nga, hayaan mo na iyon, tara nalamang maglakad ng makaaga naman tayo kahit papaano sa pagpasok sa school,” tugon ni Stephanie. Habang naglalakad ang magkakaibigan ay hindi parin naimik si Joshua at nakasimangot hindi katulad noon. At napansin naman iyon ni Stephanie. “Joshua? Bakit ang tahimik mo ata?” pag-tatanong ni Stephanie sa kaibigang si Joshua. “Ah, wa-wala wala. May iniisip lang. pero okay lang ako. Ano kaba?” tugon naman nito sa kaibigan. “Asus, hindi ka lang kampante.,” sagot naman ni Chloe. “Na magiging kaklase ni Stephanie yung transferee.,” pahabol na pabulong ni Chloe kay Joshua. “Manahimik kanga! Hindi no. sinasabi mo diyan?!” pahayag ni Joshua. Agad namang nanahimik si Chloe ng bigla siyan nagulat sa sigaw ni Joshua, kaya’t habang sa paglalakad ay hindi niya ito pinapansin. At ng napapalapit na sila sa kanilang paaralan ay bigla naman nilang nakita muli iyong magandang dalaga na nakita nila sa registrar kahapon lamang. “Stephanie? Hindi ba iyon yung babae na maganda na nakita natin kahapon sa lobby?” tanong ni Chloe kay Stephanie “Oo siya nga iyon, bakit?” tugon ni Stephanie. “Wala lang, nakakapag-taka kasi at may dala-dala siyang bag.,” paghayag ni Chloe “Hindi kaya, isa rin siyang transferee?” pasingit na pagsagot ni Joshua. “Oo nga no? hindi nga ba kaya?” sagot naman ni Stephanie. Ngunit hinayaan nalamang iyon ng magkakaibigan, at nagtungo na pa-loob ng paaralan. Papasok palamang sila ng pintuan ng bigla nilang napansin ang magulang ni Cheska. Agad namang nilapita nito ni Chloe. “Good morning tita!” pagbati ni Chloe sa mga magulang ni Cheska. “Nasaan po si Cheska?” pahabol na tanong nito. “Ija, ikaw pala. Si Cheska? Ayun, nasa bahay nag-papahinga. Masama ang pakiramdam ilang araw na,” tugon naman ng ina ni Cheska. “Na-paano po siya? Kamusta na po ang lagay niya?” tanong muli ni Chloe. “Masama parin ang pakiramdam niya, tuloy parin ang pag-kakaroon niya ng lagnat. Baka nga dalhin na naming siya sa ospital,” pahayag ng magulang ng kaibigan. “Hala. Tita paki-update niyo po ako ah? Sorry po kailangan na po naming mauna, may klase pa po kami. Ikamusta niyo nalamang po ako kay Cheska,” malungkot na pagkakasabi ni Chloe sa magulang ni Cheska. “Salamat ija, hayaan mo sasabihin ko kay Cheska. Mag-iingat ka palagi,” tugon naman ng ina ni Cheska. Bumalik na muli si Chloe sa mga kaibigan nito, at ang magulang naman ni Cheska ay patungo sa mga guro ni Cheska upang ipaalam ang nangyari sa anak nito. “So papaano na kayo? Punta na ako sa classroom natin Stephanie ah?” pag-kakasabi ni Chloe kayna Stephanie at Joshua. “Una narin ako, mamaya nalang ulit tayo magkita-kita sa break time. Sasabay kaba sa akin Stephanie, diba malapit lang klase mo sa akin?” pahayag ni Joshua. “Oo, sabay na ako sayo. Una na kami Chloe, mamaya nalang,” pagpapaalam ni Chloe sa kaibigan. Nauna na si Chloe, habang si Joshua at Stephanie naman ay magkasabay na pupunta sa kani-kanilang classroom. Habang naglalakad ang dalawa, ay biglang kinausap ni Joshua si Stephanie. “Anong oras tapos mo mamaya?” tanong nit okay Stephanie. “10 ang tapos namin, pero depende parin kay sir kung anong oras, minsan kasi natatapos kami ng maaga,” tugon naman ni Stephanie. “Ahh, okay. Sige kapag maaga din natapos klase naming, sabay nalang tayo papunta kay Chloe. diyan lang naman sa katabi niyong room ang amin,” pahayag ni Joshua sa kaibigan. “Sige sige, nandoon kasi ang donation box. Doon rin kami nag-aayos. Salamat ah?” pagkakasabi ni Stephanie kay Joshua. “Wala yun ano kaba, magkaibigan naman tayo eh at saka tayo tayo lang din naman ni Chloe ang palaging mag-kakasama at iisa lang din ang inuuwian natin kaya okay lang,” pahayag ni Joshua sa kaibigan. Habang papalapit na sa kani-kanilang classroom ang dalawa ay agad ng nag-paalam sa isa’t-isa ang dalawa ni Stephanie at Joshua. Ng biglang dumaan sa harapan nila ang sinasabing transferee na magiging kaklase ni Stephanie. Habol ang tingin ni Joshua sa lalaki. “Pasok kana Stephanie, andiyan na sir mo,” pahayag ni Joshua sa kaibigan. “Ay oo nga oo nga, pumasok kana rin sa classroom mo. Thankyou!” tugon ni Stephanie sa kaibigan. Papasok na si Stephanie at kumaway na rin it okay Joshua. Habang papasok si Stephanie ay napansin niya sa katabing upuan niya na nandoon ang bago niyang kaklase na lalaki. Halos lahat ng kaklase ng mga ito, ay nagtitinginan sa transferee nilang kaklase dahil sa mistiso niyang itsura at maayos na postura. Napansin rin ni Stephanie ang mga babae niyang kaklase ay kulang nalang lumapit sa transferee na lalaki. “Napapa-ano naman ‘tong mga to? Sana okay lang kayo,” pabulong sa isip niya habang nakatingin sa mga kaklase. Ng papa-upo na siya, ay napansin niyang nakatingin sa kaniya ang transferee. “Good morning miss,” pag-bati ng kaklase niya sa kaniya. “Sayo din,” tugon ni Stephanie ditto. “Ano name mo? Sorry ah wala kasi akong kilala dito, pero kung ayaw mo okay lang,” pahayag naman ng kaniyang kaklase. Bigla namang napatingin si Stephanie sa paligid niya at naririnig kahit papaano ang mga sinasabi sakaniya ng mga kaklase niya. “ang swerte naman niya.” “sana ako nalang katabi niya.” “Stephanie Mendez, ikaw ba?” tugon ni Stephanie sa kaklase. Tinaas ng kaklase niya ang kamay niya “Ako? Ahm. Daniel Carter.” Kinamayan din ni Stephanie ang kaniyang kaklase na si Daniel, ng biglang nag-react ang mga kaklase niya sa nakita nila. “Wooooooow,” sabay sabay ang kaklase nila. “Hayaan mo na sila ah, hindi ko alam bakit sila nag-kakaganiyan e,” pahayag ni Stephanie kay Danilel. “Okay lang yun, sanay na naman din ako e,” tugon ni Daniel kay Stephanie. “May mga kasama ka ba pag-katapos ng klase na’to?” tanong ni Stephanie kay Daniel “Ahm, sa totoo lang wala pa Stephanie,” tugon ni Daniel.   Si Daniel Carter, isang transferee ng Kingsley University. Isang matalino at mabait na anak ng isang mayamang pamilya. Gwapo, itsurang mistiso na halos luhudan ng mga babae. At dahil sa nakasanayan na niya ang nangyayari sa kaniya, wala na lahat ng yun sakaniya na tila ba parang naging normal na. Galing states si Daniel, pero kahit ganon ay hindi siya sinanay ng kaniyang magulang na Ingles lang ang matutunan niyang lengwahe, kundi pati narin ang Tagalog na salita. Kaya ganon nalamang siya magsalita ng tuwid kapag kinakausap siya ng nasa paligid niyang isa ring kapwa Pilipino. Pumasok na ang kanilang guro at ang guro nila ay magtuturo ngayon sa kanilang special subject na minor. Ang mga papasok sa kaniyang klase ay mga nakaiwan ng minor nila kaya’t iilan lang din ang mga kaklase ni Stephanie. “Maganda umaga sa inyo class,” pagbati ng kanilang guro na si Mr. Rodriguez “Magandang umaga din po Mr. Rodriguez,” pagbati ng mga estudyante sa kaniya. “Panibagong araw, panibagong balita at panibagong estudyante ang makikilala niyo ngayong araw. Nakilala niyo na ba siya?” pahayag ng kanilang guro. Walang umimik ni isa sa kanila, “Mukhang wala pa, kaya’t ipapakilala ko na siya sainyo,” pahayag ng guro. “Sir! Si Stephanie po, kilala niya,” biglang pag-sigaw ng isa sa klase nina Stephanie. “Magaling kung ganon Ms. Mendez. Taas nga ang kamay kung sino yung bago,” utos ng guro nila Tinaas ni Daniel ang kaniyang kamay “Ako po sir,” tugon nito. “Oh, ikaw pala. You’re Daniel Carter tama ba?” tanong ng guro kay Daniel. “Yes sir,” tugon naman nito. “Pumunta kanga dito sa unahan, at introduce mo ang sarili mo sakanila.” Utos ng guro sakaniya. Inutusan ni Mr. Rodriguez si Daniel upang ipakilala ang sarili sa kaniyang mga kaklase. Medyo kinakabahan siya sa gagawin niya, ngunit winalang bahala nalang niya ang kaniyang kaba. “Good morning sa inyong lahat, I’m Daniel Carter. I’m a transferee from states. Pero don’t worry, hindi niyo kailangan mag-english para kausapin ako. Kase fluent naman ako mag-tagalog. And Nice to meet you all,” pag-papakilala ni Daniel. Habang nag-papakilala si Daniel, ay napapansin ni Stephanie ang mga itsura ng kaniyang mga kaklase. Nagtataka nalamang ito kung anong meron ba kay Daniel para mabaliw sila ng ganoon. “Grabe naman makatitig kay Daniel,” pabulong nito sa kaniyang sarili. “Anghel ba siya?” pahabol nito. Pabalik na sa kaniyang upuan si Daniel ng bigla namang napangiti it okay Stephanie. “Thank you Mr. Carter, okay class simulan na natin ang klase natin kasi konti lang oras natin ngayon. I have meeting by 9am, kaya maaga kayo ma-didismiss. Kaya gamitin niyo ang oras niyo sa tama okay class?” pahayag ni Mr. Rodriguez. “Yes sir,” sagot ng kaniyang mga estudyante. Nag-didiscuss ang kanilang guro kaya’t nakikinig mabuti si Stephanie, ngunit nabigla naman ito sa kaniyang napansin. Lumingon ng tingin ang isang babae sa kanilang kaklase, at halos matunaw si Daniel sa titig nito. Napatingin din si Daniel sa ginagawa ng isang babae, at nginitian nalamang ito ng papilit at sinenyasahan ng bati din. At sobrang natuwa ang kaniyang kaklase. Pagkatapos niyon ay tiningnan naman ni Stephanie si Daniel at tinitigan. “Wala namang dumi sa mukha to ah?” pabulong na pagkakasabi ni Stephanie. “Huy bakit ganiyan ka makatingin?” pabulong na tanong ni Daniel kay Stephanie. “Wala naman, grabe kasi makatingin sayo yung babae. Tiningnan ko naman mukha mo, wala namang dumi,” sagot ni Stephanie. Natawa naman ng patago si Daniel sa kaniyang sinagot. “Bakit ka tumatawa? May nasabi ba akong mali?” tanong ni Stephanie “Wala naman, tama naman sinabi mo,” tugon ni Daniel. “Cute mo lang..,” pahabol na pabulong. “Ano sabi mo? Diko narinig.,” tanong ni Stephanie. “Nothing, nothing.,” tugon naman ni Daniel Biglang napansin ni Mr. Rodriquez na nag-uusap ang dalawa ni Stephanie at Daniel sa likuran. “Mr. Carter and Ms. Mendez? Ano pinag-uusapan niyo diyan sa likuran?” tanong ng guro sa kanila. Nabigla naman si Daniel, “Ahm, nothing sir. May tinanong lang po kay Stephanie,” tugon naman ni Daniel. “Okay Mr, Carter,” pahayag naman ng guro sakaniya. Habang nag-kaklase ay hindi nalamang pinapansin ni Stephanie ang mga babae sa paligid niya dahil panay ang pagtingin nila kay Daniel. At ganoon din si Daniel, hindi narin niya muna pinapansin. “Okay class, sorry pero I need to go. I have meeting and yung oras niyo gamitin niyo sa tama okay? See you next week class,” pahayag ng kanilang guro sa kanila. “Thank you sir,” tugon naman ng lahat sakaniya. Habang nag-aayos si Stephanie ng gamit, ay halos lahat ng babae ay lumapit kay Daniel at sabay-sabay na nag-tatanong. At dahil medyo naiipit siya sa dami ng nagtatanong ay dinala na niya ang kaniyang gamit at lumabas na ng classroom. “Huy Stephanie!” pag-bati sa kaniya ni Joshua na naghihintay sa labas ng classroom nila. “Huy ikaw pala. Tapos narin klase mo?” tanong ni Stephanie kay Joshua. “Oo, may meeting daw teacher ko e, bukas nalang daw kami ulit magmeet sa klase,” tugon naman ni Joshua “Amin din, may meeting din daw,” saad naman ni Stephanie. Bigla namang napatingin sa loob ng classroom nina Stephanie si Joshua at nagtaka. “Stephanie? Anong meron doon sa loob bakit parang nagkakagulo?” pagtataka ni Joshua kaya’t napatanong kay Stephanie. “Ahh yon, wala yun. pinag-kakaguluhan ng mga babae yung bago naming kaklase,” tugon ni Stephanie sa tanong ni Joshua. “Mukhang gwapo yun ah? Pinagkakaguluhan ng mga babae,” pahayag naman ni Joshua “Siguro nga, akalain mo habang nagka-klase, karamihan sa babae nakatingin sa kaniya na halos matunaw na yung tao,” pahayag ni Stephanie “Grabe naman yun, so ano tara na? puntahan na natin si Chloe, baka tapos na rin yun,” pag-aaya ni Joshua “Tara na, ng makapagsimula nadin. Baka may maganda biyaya,” pahayag naman ni Stephanie. Nag-lakad na ang dalawa patungo sa kung nasaan ang classroom ni Chloe. Habang si Daniel naman ay pinagkakaguluhan parin ng kaniyang kaklase, sa sobrang inis at gulo nagulat siya na pagtingin niya wala na si Stephanie. “Nasaan na yun?!” patanong niya sa kaniyang sarili. Dali-dali naman siyang lumabas ng classroom at nag-bakasakaling nasa labas pa si Stephanie ngunit wala siyang nakitang Stephanie sa hallway. Kaya’t napagdesisyunan niyang umalis na doon para makawala sa mga kaklase niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD