Chapter 10 : Closeness

3258 Words
Pag-labas na pag-labas ni Daniel sa gym ay sinigurado muna nito ang paligid kung may nakasunod ba sa likod niya, at ng napansin niyang wala ay nakahinga ito ng maluwag. Ngunit nabigla siya ng may kumulbit sa kaniyang balikat at napalingon ito. “Hi Daniel!” pag-bati sa kaniya ni Sydney habang nakangiti. Ng makita ni Daniel na si Sydeney ang nasa harap niya ay nagtuloy na ito maglakad at hindi na pinansin na para bang wala itong nakitang tao. Ngunit patuloy parin ang pag-sunod at pangungulit sakaniya ni Sydney. “Daniel, bakit mo ba ako iniiwasan? gusto ko lang naman makipag-kaibigan ah,” tanong ni Sydney. At biglang napatigil si Daniel sa paglalakad at lumingon kay Sydney. “Please, please stop this non sense! Ni hindi nga kita kilala sa states pa lang,” tugon ni Daniel sa dalaga. “kaya nga makikipag-kilala ako say--..” tugon ni Sydney “for what?!” pasigaw na pag-kakasabi ni Daniel. Hindi na nakaimik si Sydney ng biglang sumigaw si Daniel at agad narin tumuloy sa paglalakad ang binata.   Pagkatapos ng laro sa gym ay nagtungo agad si Joshua kayna Chloe at Stephanie, at sabay-sabay na lumabas ng gym. Ngunit napansin ni Chloe na nakasimangot ang kaibigan nilang si Joshua. “Oh? Bakit ganiyan ang mukha mo? Di maipinta,” pahayag ni Chloe “Oo nga, taka naman kami sayo sumali-sali ka pa doon tapos ganiyan mukha mo,” saad naman ni Stephanie. “Wala,” tugon ni Joshua. “Okay lang yun, ano kaba. Hindi naman yun yung huli mong laro, may kasunod pa yan. Mag-sabi ka kasi kung maglalaro ka hindi yung basta-basta kang nawawala sa tabi namin ni Chloe,”  pahayag ni Stephanie sa binata. Ng nasabi iyon ni Stephanie ay agad namang nabuhayan ng dugo si Joshua at napangiti ito. Nag-tungo ang mag-kakaibigan sa silid kung saaan nandoon ang donation box, at dahil nag-anunsyo ang paaralan na walang klase dahil sa paghahanda para sa intramurals ay nagdesisyon na umuwi nalamang ang tatlo sa bahay ampunan. “Madami-dami rin kayong natanggap na donasyon no?” tanong ni Joshua “Oo, kaya kailangan mo kaming tulungan,” pahayag naman ni Chloe. Ng malapit na sila sa silid, ay napansin ni Joshua si Daniel na nasa malayo na naglalakad. At agad namang hinila ni Joshua ang dalawa ni Chloe at Stephanie papasok sa silid kung saan nandoon ang donation box. “Huy! Bakit ka naman nanghila?” pagtataka ni Chloe sa kaibigan “Wala wala! Wag kana mag-tanong. May nakita lang ako,” tugon ni Joshua sa kaibigan. “Lahat to dadalhin natin?” pahabol naman na pagkakasabi ni Joshua “Ayun nasa gilid. Maghati-hati nalamang tayo, para madali nating bit-bitin. Nakakahiya din sayo,” tugon ni Stephanie. Nag-aayos ang magkakaibigan ng makaramdam si Stephanie ng kakaiba noong nahawaka niya ang isang bagay, na tila ba ang lakas sa pakiramdam. Agad itong napabitaw at napansin iyon ni Chloe. “Stephanie? Okay kalang?” pagkakatanong ni Chloe sa kaibigan “O- oo , oo. Okay lang ako,” hindi siguradong pag-kakasagot ni Stephanie. “Ramdam kong hindi, wag ka magsinungaling sa akin. Ano nga?” “Ka-kasii.. ala hayaan mo nalang..,” tugon ni Stephanie. “Nagtatago ka na sa akin ha. Pero mag-sabi ka sa akin kapag may problem aka ha o kung ano nangyayare,” pahayag ni Chloe sa kaibigan na may pag-alala. Tumango naman si Stephanie at tinuloy ang ginagawa na pag-aayos. Naghati-hati ang magkakaibigan sa kanilang dadalhin at ng matapos ay sabay-sabay ng lumabas ng silid. Habang nag-lalakad ang magkakaibigan ay nasa hallway ang magkakaibigan nina Sydney. Ng biglang tinakid ni Sydney si Stephanie at nadapa ito. Agad namang tinulak ni Chloe si Sydney “Ano ba problema mo!? Nananahimik ang tao!” galit na galit na pagkakasabi ni Chloe “What’s your problem ba? Ikaw ba ang natakid? Galit na galit ka?” tugon ni Sydney “Pag ikaw talaga..” pagkakasabi ni Chloe “Ano? Anong gagawin mo ha?” paangas na pagkakasabi ni Sydney papalapit kay Chloe Agad naman tumayo si Stephanie at hinila na papalayo si Chloe, ngunit naiwan doon si Joshua. “Wag mong kalabanin ang hindi mo kilala..” pahayag ni Joshua kay Sydney. Tinawanan nalang nina Sydney ang binate, at inirapan si Joshua. Habang naglalakad ay hila-hila parin ni Stephanie si Chloe, at agad na inalis ni Chloe ang pag-kakahawak ni Stephanie “Bakit hindi ka lumaban? Hahayaan mo nalang yung ganong trato sayo?” tanong ni Chloe “Ayoko ng gulo,” tugon ni Stephanie. Tatakbo naman si Joshua sa dalawang kaibigan na nag-aalala. “Okay kalang ba Stephanie? Ikaw Chloe?” tanong ni Joshua habang nag-aalala. “Okay lang, hindi ko sila kilala pero kapag nakilala ko talaga yun,” pahayag ni Chloe “Sinasabi ko nanga ba’t may kakaibang pakay yun dito. Baguhan pa lang siya, kala mo kung sino,” pahayag ni Joshua Habang nag-lalakad, ay na-kabangga ni Stephanie si Cheska. “Ay sorry, ikaw pala Stephanie. Pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Cheska Nag-punta si Stephanie at Cheska sa may hagdanan, kung saan hindi sila makikita nina Chloe. “Bilhan mo nga ako nitong gamit ko sa book store, total wala ka namang ginagawa diba?” utos ni Cheska kay Stephanie. “Pauw—,” hindi pa nakakasagot si Stephanie ay pinigilan na nito ni Cheska. “Mamaya ka na umuwi, bilhan mo muna ako nito. Wala ding pero pero,” pahayag ni Cheska. At agad namang sinunod ni Stephanie si Cheska. Naghiwalay sila, at napansin ni Chloe si Stephanie at Chloe na sabay lumabas sa may hagdan. “Stephanie! Pasaan ka?” pag-kakatanong ni Chloe habang papalapit kay Stephanie “Wala, pupunta lang ako sa bookstore, may kailangan lang akong bilhin?” tugon ni Stephanie. “Bibilhin, e diba wala naman tayong gagawin ngayon? At saka bakit sabay ata kayo lumabas ni Cheska? Close din ba kayo?” pagtataka ni Chloe Hindi na umimik si Stephanie at tumuloy na ito sa paglalakad patungo sa bookstore, simula palamang ay hindi na pinaalam ni Stephanie kay Chloe ay ginagawa ni Cheska sa kaniya dahil kaibigan ni Chloe si Cheska. Ng nasa bookstore na at nabili na si Stephanie, ay nagtaka si Joshua. “Bakit ang dami naman ata niyan? May project kabang gagawin? Akala ko wala?” tanong ni Joshua sa kaibigan. Agad namang napatingin si Chloe sa hawak ni Stephanie na listahan. “Ang dami naman niyan, parang hindi sayo yan,” pagkakasabi ni Chloe Ng magbabayad na si Stephanie, ay kinausap ito ng tao sa cashier. “Pabili na naman sayo to ni Cheska no? bakit hinahayaan mo ganyanin ka ng mga tao?” tanong ng nagtitinda. “Ano po yun? ano po yung sinasabi niyo kay Stephanie?” gulat na pagkakatanong ni Chloe sa tindera. “Eto kasing si—,” sinensyasan ni Stephanie ang tindera kaya’t napatigil. “Eto po ang bayad,” pagkakasabi ni Stephanie ng maiabot ang bayad, at agad ng umalis. Umalis na agad si Stephanie at agad din namang sinundan ito ni Chloe. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” tanong ni chloe habang sinusundan si Stephanie. Ngunit hindi parin nalingon si Stephanie. “Hindi ka parin ba lilingon? Hindi mo ako kakausapin?” tanong muli ni Chloe Biglang napatigil si Stephanie, “Ang alin ba Chloe? Ang nangyayari sa akin? Ang ginagawa nila sa akin? Yun ba?” tugon ni Stephanie “Oo, lahat ng yun. Stephanie kaibigan mo ako at hindi ko hahayaan na ginaganyan ka nila. Dahil kahit kailan hindi ka iba sa aming lahat,” pahayag ni Chloe Habang nakatingin sa isa’t-isa ag dalawa ni Chloe at Stephanie, ay nagulat si Chloe sa luhang pumatak sa mata ni Stephanie. At biglang napalapit ito, “Stephanie, lumuluha ka-a,” gulat na pahayag ng kaibigan. Agad namang hinawakan ni Stephanie ang kaniyang mukha, at tiningnan niya kung may luha. Hindi maipinta ang mukha nito sa nasaksihan niya. “May nararamdaman ka na Stephanie?” tanong ni Chloe sa kaibigan. “Wala, hindi ko alaaam,” tugon ni Stephanie sa kaibigan. Biglang niyakap ni Chloe ang kaibigan nitong si Stephanie. “Okay lang yan, simula ngayon, magsabi ka sa akin ng totoo. Siguro sign ‘yang luha mo, na ito na ang simula. Tiwala lang okay?” Tumango namang tahimik si Stephanie ng masabi ni Chloe ang lahat ng yun. at matapos noon, ay umalis na sila at binalikan si Joshua sa hallway na naghihintay sa kanila. Tahimik ang dalawa ni Stephanie at Chloe ng makalabas ng Book Store,at nagtataka si Joshua kung bakit tumagal ito. “bakit ang tagal niyo ata? May nangyare ba?” pagtatakang tanong ni Joshua sa mga kaibigan. “Wala, mahaba lang ang pila kaya kami nagtagal,” tugon naman ni Chloe. “Pasaan na tayo?” tanong ni Joshua “Sa 2nd floor, may dadalhin lang ako sa kaibigan ko,” tugon ni Chloe, ng biglang napatingin si Stephanie sa kaniyang sinabi. Nag-lalakad patungo ang tatlo sa 2nd floor kung saan nandoon si Cheska habang bit-bit ni Chloe ang mga pinamili ni Stephanie para kay doon. Ng malapit na sila sa classroom kung saan nandoon si Cheska ay pinigilan bigla ni Stephanie si Chloe. “Ako na Chloe..,” pahayag nito sa kaibigan. “Ako na Stephanie, ako bahala sayo,” tugon ni Chloe. Umalis na si Chloe at naiwan si Stephanie kay Joshua. Kumatok si Chloe sa pintuan ng classroom kung nasaan si Chloe at sumilip sa pintuan. “Excuse sayo Cheska,” Agad namang napatingin si Cheska ng marinig ang kaniyang pangalan, at agad ring tumayo at lumapit ito kay Chloe. “Bakit?” tanong ni Cheska kay Chloe “Oh, gamit mo!” Inabot na pahagis kay Cheska “Ano problema mo?! Inaano ba kita?” galit na patanong ni Cheska “Ugali mo ayusin mo, chix ka ba para utusan ang ibang tao? Ganda mo kaharap, demonyo naman kung nakatalikod. Kaibigan ko pa talaga no?” sagot ni Chloe kay Cheska “ E ano naman sayo? Uto-uto ka kase,” pahayag ni Cheska “Kawawa nanay mo sayo, anak niya ugaling sinaniban ng di maintindihan na elemento,” pahayag muli ni Cheska Hindi na nakaimik si Cheska kay Chloe ngunit tuloy parin si Chloe, “Kung magmamataas ka, siguraduhin mong di ka naming maaabot. Salamat nalang sayo,” pahayag muli nito At umalis narin agad si Chloe, at pagkalabas niya ay nakaabang na sina Stephanie at Joshua sa pinto. “Chloe, okay kalang ba?” tanong agad ni Joshua sa kaibigan. Ngunit dere-deretso lamang ang lakad ni Chloe at hindi na pinansin ang dalawang kaibigan, ngunit hindi parin nila tinitigilan si Chloe sa pagtatanong. At biglang hinila ni Stephanie ang braso ni Chloe. “Huy, tumigil kanga. Ayusin mo sarili mo, galit na galit ka,” pahayag ni Stephanie kay Chloe. “Oo nga, umayos kanga. Hindi ka magiging okay nyan kung hindi mo sinasabi sa amin yang nararamdaman mo o iniisip mo,” pahayag din ni Joshua. “Hindi ko kasi maintindihan si Cheska bakit kailang ganon siya, may pinagsamahan kami, oo. Pero yung pagtarto niya sa kaibigan ko rin, ayaw ko ng ganon,” tugon ni Chloe sa mga kaibigan. “Alam mo Chloe, okay na. hayaan mo nalang sila o kung sino pang pwedeng mang-api sa akin. Ang mahalaga wala akong tinatapakang ibang tao. Kaya umayos kana okay?” pahayag ni Stephanie sa kaibigan. “Ngiti na, hindi ka naman ganiyan e,” pahayag ni Joshua habang nag-aalala sa kaibigan. “Pasensya na kayo,” pahayag ni Chloe. Ng matapos iyon ay naging okay na si Chloe, at sabay-sabay na silang nag-lakad palabas ng paaralan nila. Ng biglang sumulpot na naman sa paningin ni si Sydney, ang bagong transferee na bagong nang-bubully kay Stephanie. “Hi miss, balita ko nagpapa-donate ka daw?” pahayag ni Sydney kay Stephanie “Oo, bakit?” tugon naman ni Stephanie. “Alam niyo kayo! Lalo na ikaw, kung wala kang maganda sasabihin, umalis kana sa harapan naming. Wala kaming oras sainyo lalo na sayo!” galit na pag-kakasabi ni Sydney. “Wala lang, wag kang feeling na mag-dodonate kami sayo loser,” pahayag ni Sydney kay Stephanie sabay tinuro si Chloe. “At ikaw kung sino ka man o kung san ka man nag-mula, hindi ikaw ang kinakausap ko kaya wag kang feeling close loser the second,” pahabol nito na pang-iinsulto kay Chloe. Tinaas ni Chloe ang kaniyang kamay para sampalin si Sydney, ngunit pinigilan ito ni Joshua. “Tama na, wag mo na patulan,” pahayag ni Joshua. “Oo nga, wag kana pumatol. At saka, sasampalin mo ‘ko? Wag na, magkaka-germs ako. Thank you na lang,” pasingit ni Sydney. “Alam mo ikaw, kung sino ka man na babago lang dito sa school. Tumigil ka na, ikaw ang wag feeling close okay? Di ba ikaw ang nauna?” pahayag ni Joshua kay Sydney. “Tara na Steph at Chloe, hayaan niyo na yan.” Pag-aaya nito sa dalawa. Umalis na sa harapan ni Sydney ang tatlong magkakaibigan ng masagot ni Joshua si Sydney. At dahil marami na ring nakikinuod at nakikichismis sa kanila, ay para kay Joshua lalong lalaki lamang ang gulo. Ng makalabas na ang tatlo sa paaralan, at palabas na sila ng gate ay biglang napasayaw si Joshua. “Ice, ice, baby! Yeah!” Pagkanta ni Joshua na tuwang-tuwa at tila ba parang walang nangyari. “Napapaano ka? Saya mo ah?” pag-tataka ni Chloe. “Syempre naman, first time ko kaya yun. yung makipag-sagutan sa di ko naman kilala. Imagine mo, palaban to,” tugon ni Joshua habang pinag-mamayabang ang ginawa niya kaharap si Sydney. “Loko loko. Hahahahaha,” tugon ni Chloe habang sila’y nagtatawanan. Habang naglalakad sila pauwi sa bahay ampunan ay biglang lumabas sa kainan si Daniel. At pag-labas na pag-labas ni Daniel ay nagulat muli si Joshua sa nakita at agad naman pinag-madali sa paglalakad ang dalawang kasama na si Chloe at Stephanie. Ngunit napansin ni Stephanie si Daniel at ganon din si Daniel. “Hi classmate!” pag-bati ni Daniel habang nakangiti kay Stephanie. Napatigil din si Stephanie at bumati rin ito. “Hello,” pag-bati nito pabalik. Nagulat si Joshua ng napansin niyang wala si Stephanie sa tabi niya at ng lumingon ito doon na lamang nag-simula ang pagka-inis niya at agad itong lumapit kay Stephanie at Chloe. habang nag-uusap si Stephanie at Daniel ay halos matunaw na si Daniel sa sobrang pag-titig kay Daniel. Agad itinaas ni Joshua ang kaniyang kamay , “Hi bro, Joshua nga pala,” “I’m Daniel, di ba ikaw yung kalaro ko kanina sa game?” tugon ni Daniel. At agad naman sumingit si Chloe at itinaas naman din nito ang kaniyang kamay “I’m Chlo-oe,” pag-papakilala ni Chloe kay Daniel. “Hi sayo,” pag-bati nito pabalik. Iimik sana muli si Joshua ngunit biglang umimik si Stephanie. “Mga kaibigan ko nga pala,” pahayag ni Stephanie kay Daniel. “Ahhh, ka-kaibigan,” tugon ni Daniel. Biglang siniko ni Chloe si Joshua. “Ahm, taga-saan ka ba Da-daniel? Para kasing taga dito kalang din,” Pahayag ni Chloe. “Ahh oo! Doon lang ako makalagpas ng Bahay ampunan ata yun, ‘yang malaking bahay diyan. Kayo ba?” tugon ni Daniel kay Chloe. “Ka-kamiii? Ah dyan sa may..,” iimik sana si Chloe ngunit biglang hinila ito ni Joshua. “Tara na, una na kami bro,” pag-kakasabi ni Joshua. “Una na kami Daniel, ingat,” pag-papaalam ni Stephanie. “Ingat din kayo,” tugon ni Daniel. -- Pabalik si Daniel sa paaralan kung nasaan ang kaniyang sasakyan, hindi na kasi niya ito dinala sa kainan at naglakad nalamang siya. Masayang naglalakad ang binata at di niya maipaliwanag iyon. Si Daniel ay isang mabait na bata at pili sa mga taong gusto niya makasama kahit saan. Kaya’t siguro’y ganon na lamang ang naramdaman niya dahil may bago siyang nakilala na mukhang totoong kaibigan. Pagsakay na pagsakay ni Daniel ay biglang tumawag sakaniya ang kaniyang nanay, *kriiing kriiing* tunog ng kaniyang cellphone. At sinagot naman niya ito agad, “Hello mom?” “Anak? Nasaan ka?” tanong ng kaniyang nanay habang umiiyak. “Are you crying? Ano na naman ginawa sayo ni Dad?!” tugon ni Danile sa kaniyang nanay “Please come home anak, plea-,” naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang bumagsak ang cellphone ng malakas at namatay ng tuluyan. “Mom!? Mom?!” sigaw ni Daniel Agad namang nagmamadali si Daniel na mag-ayos ng sasakyan at agad-agad umalis sa parking lot ng school nila habang alalang-alala siya. Lumaking maayos si Daniel dahil ng kaniyang ina, maayos ang pag-papalaki at ganoon din ang pagpaparamdam ng pagmamahal kaya’t ganoon na lamang ang sakit pagdating sa kaniya kapag naririnig niyang umiiyak ang kaniyang ina. Sa sobrang bilis ng takbo ng sasakyan na minamaneho niya ay mabilis siyang nakarating sa kanila, dali-dali siyang bumaba ng sasakyan at ang nakasalubong niya ay katulong nila. “Nang si mom? Nasaan si mom!?” pasigaw na tanong ni Daniel sa kanilang katulong na sobrang galit nag alit. “Na- nasa taas po sir,” kinakabahang pag-sagot ng katulong nila. Dali-dali namang tumakbo si Daniel sa taas kung saan nandoon ang kwarto ng kanilang magulang. At ng binubuksan nito ang pintuan nila ay naka lock ito at nilaksan nito ang katok sa pinto. “Mom!?!? Buksan mo pinto ma!” pasigaw ni Daniel Ngunit hindi parin binubuksan ng nanay niya ang pintuan ng kwarto nila. “Ya! Yaya!” pagtawag nito sa yaya nila “Ser? Se-ser ano po yun??” tanong habang natatakot sa boss niya. “Pakikuha nga ng susi please! Agad ngayon na!” utos ni Daniel sa kanilang yaya Agad namang umalis ang yaya niya at dali-daling kinuha ang susi ng kwarto ng nanay ng boss niya. “Mom please, buksan mo na ang pinto” kinakatok parin ni Daniel ang pintuan ng nanay niya. At dumating na rin ang yaya na inutusan niyang kumuha ng susi. “Se-ser eto po,” takot na pag-kakasabi. Agad kinuha ni Daniel ang susi sa yaya niya, at agad rin namang pinasok sa door knob at dali-daling binuksan. Hindi mapakali ang binata sa pag-aalala sa kaniyang ina. Ng nabuksan niya ang pinto ng kwarto ng magulang niya ay nagulat siya sa kaniyang nakita. Nakita niyang may sugat sa bibig ang kaniyang ina. “Mom!? Sino gumawa nito sayo!?? Si dad ba?!” tanong nito. Naiyak ang kaniyang ina at hindi makasagot sa takot nab aka kung ano ang magawa ng anak niyang si Daniel. “Ma?! Sino gumawa sayo!?” tanong muli ni Daniel sa kaniyang ina. Tango ang isinagot nito ng kaniyang ina. Agad naman tumayo si Daniel ngunit hinawakan ng nanay niya ito sa kaniyang kamay. “’Nak wag na. hanggat nandito ka sa tabi ng mama, okay lang ako,” Pahayag ng nanay ni Daniel At tumulo naman ang luha ni Daniel ng marinig ang sinabi ng kaniyang ina habang naiyak, at lumingon ito sa kaniyang ina. “I’m sorry ma, hindi ko kayo napagtatanggol.” Pahayag ni Daniel sa kaniyang ina habang naiyak. Hinawakan ng ina niya ang kaniyang mukha at pinunasan ang natulong luha sa kaniyang mukha, “Anak ko, wag na umiyak. Strong si mama, kapag strong ka din okay ba yun?” pagkakasabi ng kaniyang ina at biglang niyakap ito ng mahigpit. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD