Malapit na sa classroom ni Chloe sina Stephanie at Joshua, habang naglalakad ay biglang nagsalita si Joshua
“Ayos ba yung bago niyong kaklase?” pagtatanong ni Joshua sa kaibigan.
“Oo naman, mukha naman siyang maayos. Pero hindi ko masyadong nakausap,” tugon ni Stephanie kay Joshua
“Nakausap mo? Yung bago mong kaklase?” tanong muli ni Joshua sa kaibigan
“Oo, nakausap ko. Mukhang ako nga ang unang tao na nakakausap doon e,” tugon ni Stephanie kay Joshua.
“Paano? Ang bilis niyo namang nag-usap,” tanong ni Joshua
“Alam mo, tama na kakatanong. Hindi nga napasok sa isip ko yung bago kong kaklase, bakla ka ba?” pahayag ni Stephanie
“Anong ibig mong sabihin kung bakla ako?” tanong ni Joshua
“Kung bakla ka, mukha kasing may gusto ka dun sa bago kong kaklase. Puro ka tanong tungkol dun, kaya natanong ko kung bakla ka. Okay lang naman kung bakla ka, tanggap ka parin naming ni Chloe,” pahayag ni Stephanie sa kaibiga
Agad namang nagulat si Joshua sa nasabi ni Stephanie, at napasagot pabigla-bigla. “Ako? bakla? Hindi no! mukha ba akong bakla?”
“Hindi naman, pero sa salita mo malapit na,” tugon ni Stephanie
“Umayos kanga, hindi ako bakla no! baka masabi mo pa yan kay Chloe ah?” pahayag ni Joshua
“Ngayon si Chloe naman? Lalaki ka ba o bakla? Magsabi kana kaya. Kakaiba ka naman e,” pagtatanong muli ni Stephanie
“Hindi – ngaaa – akooooo bakla okay? Lalaki ako,” pagkakasabi ni Joshua kay Stephanie.
Sa haba ng pag-uusap ng dalawa nina Stephanie at Joshua, ay napansin ni Stephanie na tapos na ang klase nina Chloe. habang nag-lalabasan ang mga kaklase ni Chloe, ay napansin nina Stephanie at Joshua na hindi pa nalabas si Chloe.
“Nasaan na si Chloe?” pagtataka ni Stephanie
Ng maubos na ang estudyante sa loob ng classroom ay agad ng sumilip si Joshua sa loob, at nakita niyang naka-ubob ang kaibigan sa lamesa niya at agad na nitong nilapitan.
“Huy Chloe, napapaano ka?” tanong ni Joshua.
“Chloe sagot ka, may nangyare ba sayo?” tanong naman din ni Stephanie sa pagtataka.
Napa-tunghay naman si Chloe at sinagot ang dalawang kaibigan. “Hindi ko pa na-perfect ang quiz naming, may mali na isaaaa,” sumagot habang umiiyak.
“Kala ko naman kung ano! Isa lang yan, ako nga nagiging 0, tapos ikaw isa lang iniiyakan mo?” pahayag naman ni Joshua sa kaibigang naiyak.
“Okay lang yan Chloe, may next time pa naman e. tumahan kana,” pahayag ng kaibigang si Stephanie.
Agad naring napunas ng luha si Chloe at nag-ayos ng sarili.
“Ramdaaaam ko na eeee. Ang daya-daya ng nasa unahan ko kanina, cheater,” pahayag ni Chloe
“Taka naman ako sayo at hindi mo sinabi sa teacher mo!” pahayag ni Joshua sa kaibigan.
Hindi na muling umimik si Chloe kay Joshua at alam nito na pagagalitan lamang siya. Kinuha naman ni Stephanie ang donation box sa likod ng lames kung saan nila itinago.
“Kompleto naman ito no? tiningnan mo ba to kanina Chloe?” tanong ni Stephanie sa kaibigan.
“Oo, kompleto yan. Tiningnan ko kanina bago kami mag-simulang mag-klase. Oo nga pala, kmausta yung bago mong kaklase?” tanong ni Chloe kay Stephanie.
“Alam mo binging-bingi na ako sa kakatanong niyo tungkol sa bago kong kaklase,” tugon ni Stephanie.
“bakit? Sino paba nag-tanong sayo bukod sa akin?” tanong ni Chloe
“Eh sino pa ba nakakasama ko bukod sayo?” pahayag ni Stephanie
“Ahhh, si Joshuang masungit? Wag kana mag-taka kung bakit tanong ng tanong yan sayo,” pahayag ni Chloe ng bigla naman siyang kinurot ni Joshua sa braso.
“Araaaaaay!” pasigaw ni Chloe sa kaibigan at bigla niyang hinampas.
“Oh, mag-aaway na naman kayo. Alam niyo tuwing mag-kikita nalang kayo, nag-aaway kayo parang aso’t pusa,” pahayag ni Stephanie sa dalawang kaibigan.
“Back to my question,” biglang inakbayan ni Chloe si Stephanie. “so anong pangalan ni transferee?” tanong muli ni Chloe
Habang sinamaan naman ng tingin ni Joshua si Chloe at ngumiti si Chloe ng para bang nang-iinsulto.
“Daniel, Daniel Carter ang pangalan niya,” tugon ni Stephanie sa tanong ni Chloe
“Wow, ang ganda ng pangalan. Mukhang mayaman,” pahayag naman ni Chloe, “Saan siya galing? Bakit daw lumipat dito?” pahabol na tanong nito
“Hindi ba sa ibang-bansa ang states? Doon daw siya galing. Hindi naman niya sinabi kung anong rason bakit siya lumipat dito,” tugon ni Stephanie.
“Mayaman nga yan, states pala e. America yun,” pahayag muli ni Chloe
“Nako, mayabang yan. Sinasabi ko sainyong dalawa,” biglang sumingit naman si Joshua.
“Manahimik kanalang, masyado ka naman sa pang-lalait,” saad ni Chloe kay Joshua.
“Bakit? Paano kung oo?” sagot naman ni Joshua sa nasabi ni Chloe.
“Alam mo, hindi naman natin kilala yung tao. Paano kung hindi, paano kung oo? Hindi niyo naman mababago ang tao kung ano talaga siya. At tsaka hindi tayo tinuruan sa bahay ampunan na manglait ng kapwa tao ah,” pahayag ni Stephanie sa mga kaibigan.
Agad namang sinensyasan ni Chloe si Joshua at hindi nasila parehong nakaimik sa nasabi ng kaibigan nilang si Stephanie. Habang nag-aayos sila ng gamit, ay biglang may kumatok sa pinto.
“Magandang umaga po, kayo po ba si Stephanie Mendez?” tanong ng isang estudyante
“Oo, bakit? Ano kailangan niyo?” tanong ni Stephanie.
“Sabi po kasi sa amin ni Ms. Carandang mag-tungo daw po kami dito, para magdonate?” tugon ng isang estduyante.
Nagkatinginan si Chloe at Stephanie .
“Sige sige, pasok kayo. Wag kayo mahiya sa amin,” pahayag ni Stephanie sa mga mas bata sa kanila na nasa labas.
Inisa-isa na ni Stephanie at Chloe ang mga bata. Nakahanda narin sa mga bata ang kanilang mga gamit na gagamitin. Ng biglang napaimik ang isang bata
“Ate ang ganda niyo po, pwede na po kayo mag-artista,” pahayag ng isang bata na nasa harap ni Stephanie.
“Huy, joke ba yan, pero salamat ah?” tugon naman ni Stephanie
Napangiti naman si Joshua at Chloe sa nasabi ng bata kay Stephanie at biglang nag-salita si Chloe.
“Oo ‘toy! Diyan nga ako nagmana e, kaya ganito din ako.,” pagsingit ni Chloe sa usapan.
“Kaganda? Yan ang joke no?” pahayag ni Joshua.
At agad namang nagtawanan ang mga nakapilang bata.
“Gusto mo ng sapak?” pagyayabang ni Chloe
“Tingnan mo tumawa ang mga bata, ibig sabihin non totoo yun. Hahahahaha,” pabiro ni Joshua.
“Nakakatuwa naman po kayo, magkakaibigan po ba kayo?” tanong ng isang bata.
“Oo, lumaki kami sa iisang bahay ampunan. Kaya ganito nalamang kami kalapit sa isa’t-isa,” tugon naman ni Stephanie.
May isang batang biglang itinaas ang kaniyang kamay, at agad namang napatingin si Stephanie at Chloe.
“Ako ate, galing din ako sa ampunan,” pahayag ng isang bata na nag-ngangalang Adrian.
“Seryoso? Kamusta kana naman ngayon? Mababait ba sayo mga magulang mo ngayon?” patanong ni Chloe sa bata.
“Opo naman po, hindi naman po sila masama sa akin, tinuring po nila akong tunay na anak kahit di nila ako kadugo,” tugon ng bata.
“Ang swerte mo naman, sana kami din. Magkaroon ng magulang,” pasingit ni Joshua sa usapan nila.
Lumapit si Adrian kay Joshua at inakbayan. “Okay lang yun kuya, hindi ko nga akalain noon na may aampon sa akin. Kahit ganito ako na may kapansanan,” pahayag ng bata sa kaniya.
“Napakadrama naman ng isa diyan, ikaw ba yan?” pagpaparinig bigla ni Chloe sa kaibigang si Joshua.
At bigla namang nag-tawanan ang mga bata ng biglang sumimangot at sinamaan ng tingin ni Joshua si Chloe.
“Oh-oh mag-aaway na naman ‘tong dalawang to,” pahayag naman bigla ni Stephanie sa nangyayari sa dalawang kaibigan.
Nag-lalakad sa hallway si Daniel at sa ilang minuto na ang dumaan ay hinahanap parin niya ang kaklase niyang si Stephanie. Napadaan ito sa classroom sa kung saan nandoon si Stephanie, at napasilip naman ito.
“Bakit kaya ang daming tao dito?” pagtataka nito habang nakasilip sa silid.
Balak sana nitong pumasok, ngunit bigla siyang nakita ng kaniyang kaklase na babae at papalapit sakaniya. “Here we go again Daniel,” pahayag nito sa sarili at kumaripas na siya ng takbo papalayo.
Hindi niya napansin si Stephanie sa classroom ng kaniyang sinilip ng dahil sa dami ng tao doon.
Habang tumatakbo si Daniel at nakatakas siya sa mga nahabol dito ay aksidente niyang nabangga ang isang babae sa hallway ng 1st floor.
“Araaaay! Mag-ingat ka nga! Tumingin ka sa dinadaanan mo!” pasigaw ng isang babae.
“Sorry sorry, hindi ko sinasadya,” tugon naman ni Daniel.
Biglang nagulat si Daniel ng makita niya ang mukha nito. Si Sydney Jackson
“Daniel? Daniel Carter right?” tanong nito Sydney habang nakangiti ito sa kaniya.
Ngunit hindi na nito pinansin ni Daniel at nilagpasan nalamang na parang wala siyang nakitang Sydney Jackson na nasa harap niya.
“Hayy Daniel, soul mate ba ‘to?” pagkakasabi ni Sydney sa isip niya habang nakatingin kay Daniel ng ito’y papalayo sakaniya.
Si Sydney Jackson ang dahilan kung bakit mas pinili nalang din ni Daniel na mag-aral sa pilipinas kaysa sa ibang bansa. Hindi gusto ni Daniel na mapasama ang kaniyang pangalan sa istorya na kahit kailan ay hindi naman naging totoo.
Habang naglalakad si Daniel, ay naalala nito ang mga ginawang kalokohan ni Sydney noong panahon na nasa ibang bansa pa lamang ito. At dahil sa lalim ng iniisip nito, agad namang may umakbay sakaniya.
“Huy insan!” masayang pag-bati ng pinsan niyang si Raver. “kailan kapa dito? Dito kaba napasok!?” sunod-sunod na pagtanong.
“Huy! Ang bigat mo ha. Oo dito na ako, ang lala doon sa ibang bansa e. kaso malala parin pala dito,” tugon ni Daniel.
“Bakit? Kase sunod ng sunod padin sayo si Ms. Sydney Jackson?” saad ni Raver.
“Oh? Paano mo nalaman?” tanong ni Daniel.
“Ako paba? E halos lahat ata nasasagap ko. Insan, pro ata to. Pero grabe yung ginawa non ah?” pahayag ni Raver.
“Malala pa sa mas malala. Anyways bro, pasaan ka?” patanong naman ni Daniel.
“Kahit saan lang, sama ka? Wala ka pa naman atang klase diba?” pahayag ni Raver.
“Wala pa insa-,” tugon ni Daniel at agad-agad siyang hinila kahit hindi pa tapos ang sagot.
Sobrang malapit sa isa’t-isa ang magpinsan na si Daniel at Raver. Maliliit palang sila ay sila na palagi ang mag-kasama at magkalaro nito. Ngunit pag-patak nila ng 7 years old ay hindi na muling nagkita dahil i-sinama na si Daniel pa States. Ngunit kahit magkalayo ang mag-pinsan na ito ay may minsan na nag-uusap parin ang mga ito.
Hila-hila ni Raver si Daniel patungo sa gymnasium, walang idea si Daniel sa balak ni Raver na maglalaro sila ng Basketball.
“Pasaan tayo bro?” pagtatakang tanong ni Daniel sa pinsan niya
“Alam mo insan, first time natin ‘tong gagawin,” tugon ni Raver
“Hoy! What do you mean?” tugon ni Daniel ng biglang kinabahan.
“Hoy kadin! Wag kangang patay malisya diyan. Di tayo talo no,” tugon ni Raver
Nakarating na sila ng court at madaming naglalaro ng basketball. Kabilang na roon ang mga barkada ni Raver na ilan sa mga varcity ng school.
“Ngayon alam mo na ang gagawin natin?” pahayag ni Raver sa pinsan nito
“Hoy bro, I don’t have any extra clothes para maglaro ng basketball. Wala akong pampalit,” tugon ni Daniel kay Raver.
“Bro mukha ba akong walang extra na damit kung paglalaruin kita ngayon? Syempre meron. Andoon sa locker ko kaya don’t worry. I got you,” pahayag ni Raver
Hinila ni Raver si Daniel sa baba ng court at pinakilala sa mga kaibigan ang pinsan niyang si Daniel.
“Bro! Sali kayo,” pag-yayaya ng isa sa mga kaibigan ni Raver.
“Oo! sali kaming dalawa. By the way, this is Daniel, pinsan ko. At Daniel mga kaibigan ko,” pagpapakilala ni Raver.
“Hi sainyo,” pagbati ni Daniel.
“Siya yung kinekwento ko sainyo guys na pinsan ko from states. And he’s new here,” pahayag ni Raver.
“Owwww. Wag kang mahiya sa amin Daniel, kami bahala sayo,” pahayag ng isa sa mga kaibigan ni Raver na si Harold.
“Thanks bro, so ano tara laro,” pag-yaya ni Daniel.
Agad nag-baba ng gamit ang magpinsan na sina Daniel at Raver at tumakbo sa gitna ng court. Sinimulan na nila ang laro ng biglang may ilang pumasok sa gym na mga babae, at yun ay ang mga babae na humahabol kay Daniel.
“Dami babae ah, nagtitinginan sayo Daniel,” pahayag ni Carlo
“Hayaan niyo na, let’s go let’s go!” tugon ni Daniel
Hindi na lamang pinansin ni Daniel ang mga nakaupo sa bleachers kahit nag-iiritan na ang mga ito.
Natapos na ang pagdodonate ng mga estudyante na nakapila sa classroom nila para tulungan si Stephanie. Hindi akalain nito na madaming tutulong sakaniya, at nagpapasalamat ito sa kaniyang guro at sa iba pang guro na tumulong sakaniya.
Habang nag-aayos sila ng gamit bago iwan muli sa classroom ay nag-aya si Joshua na bumili ng pagkain sa Canteen at doon sa gymnasium tumambay.
“Tara bumili ng pagkain sa canteen, mahaba pa naman vacant natin,” pag-aaya ni Joshua sa dalawang kaibigan
“Tara tara, gutom narin ako. Ikaw ba Stephanie?” pahayag ni Chloe
“Sige, sama ako. Ma-iba naman, try ko pagkain sa canteen,” tugon ni Stephanie.
Sabay-sabay na silang lumabas ng classroom at ng nasa canteen na sila ay hindi na ganoon kahaba ang pila ng kanilang nadatnan, kaya’t mabilis lang sila nakabili ng pagkain.
“Tara na sa gym, doon tayo kumain, para may napapanuod tayo habang nakain,” pagyayaya ni Chloe sa dalawang kaibigan.
Sumangayon naman ang dalawa, at nagtungo agad ang magkakaibigan.
Habang papalapit sila sa gym ay napansin nilang madaming tao.
“Bakit kaya madaming tao? Wala namang ganap diba?” tanong ni Chloe kay Joshua
“Hindi ko rin alam, wala naman akong nabalitaan na kahit ano kahit palagi akong nandyan,” tugon ni Joshua kay Chloe.
Ng makapasok sila, ay may nakita rin agad silang upuan. At inihanda narin nila agad ang pagkain nila na kakainin.
Nanunuod si Chloe ng bigla siyang may napansin.
“Huy, di ba yun yung Daniel na kaklase mo Stephanie?” tanong ni Chloe sa kaibigan.
“Saan diyan?” tanong ni Stephanie
“Yun! yung naka color white, ang galing pala niya mag-basketball,” tugon ni Chloe
Nawala sa mood ang kaibigan nilang si Joshua ng malaman na nandoon ang kinaiinisan niyang lalaki na kaklase ni Stephanie. Tumayo’t umalis si Joshua at nag-iisip ng paraan para makapag-pakitang gilas sa mga kaibigan lalo na kay Stephanie.
“Joshuaaa galaw-galaw,” pabulong sa sarili.
Biglang nag-kagulo sa court dahil may aksidenteng naganap, injured ang isa sa mga naglalaro at kalaban iyon nina Daniel.
Ng napatingin si Joshua sa court ay nakaisip siya ng paraan para makagalaw. Dali-dali siyang bumaba at pumunta malapit sa upuan ng mga players.
“Ang dami namang mga babae dito,” pabulong ni Chloe.
“Hindi na ako magtataka, nandyan si Daniel. Malamang,” tugon naman ni Stephanie.
Napalingon si Chloe at napansing wala ang kaibigan na si Joshua,
“Hala? Nasan si Joshua? Diba sabay-sabay tayong pumunta dito at umupo?” pahayag ni Chloe
“Ewan ko, nandiyan lang yan sa tabi mo kanina e,” tugon ni Stephanie.
Hinahanap ng mga ito si Joshua, ng biglang napatingin si Chloe sa court at napansin si Joshua sa upuan ng mga players.
“Stephanie! Si Joshua oh!” gulat ni Chloe at tinuro si Joshua.
“Huy bakit yun nandon?” pagtatakang pagkakasabi ni Stephanie. “ano naisipan non? Hindi naman siya nagsabi sa atin na maglalaro siya diba?” pahabol nito
“At take note, wala talagang laro yan. Hahaha,” tugon ni Chloe. “bida-bida na naman Joshua..,” pabulong nito sa kaniyang isip.
At dahil may isang naaksidente sa laro sa isang team ay saktong napagdesisyonan na magsali ng isang tao para matuloy ang laro. Ng marinig at mapansin ni Joshua na naghahanap na ng isang tao, ay agad naman itong tumaas ng kamay.
“Ako! Pwede ako bro,” sagot ni Joshua sa kakilala niya.
Hindi na nag-dalawang isip ang mga naglalaro, kaya’y agad ng naipasok si Joshua. Dali-dali namang nagpalit na ng sapatos si Joshua at short panglaro at agad pumasok sa court. Habang nasa loob ng court ay kinausap ni Daniel ang pinsan niya.
“Insan, sino siya?” patanong ni Daniel kay Raver.
“Joshua daw bro, hindi ko siya kilala pero madalas nakakalaro naming siya dito. Kakilala ng kaibigan ko,” tugon ni Raver.
Ng nag-simula ang laro ay naging mainit ang labanan ng dalawang team dahil parehas nakitaan na may dalawang magaling at iyon ay sina Daniel at Joshua. Mas lalong dumami ang nakikinood sa loob ng gymnasium at lalo na ang mga estudyanteng babae.
Habang na kay Daniel ang bola at itinatakbo niya ito, ay agad na lumapit si Joshua at hinaharangan ito. Ngunit may napansin si Daniel, dahil hindi normal ang kinikilos nito. Ng ipinasa niya ang bola, agad na tumawag ng foul ito. At naging mainit ang ulo ni Joshua.
“Bro, ayos. Masyado mong sineseryoso,” pahayag ni Daniel kay Joshua.
Itinulak ni Joshua “Ayos naman ako ah, ikaw ang umayos,” pahayag naman ni Joshua.
Nagulat ang mga manonood sa naganap kay Joshua at Daniel. At agad din iyong napansin ni Stephanie at Chloe at agad na napatayo ang dalawang ito.
“Steph si Joshua, parang galit oh,” pahayag ni Chloe sa kaibigang si Stephanie.
“Ano problema non? Hindi naman liga to na may papremyo para magalit ah,” tugon ni Stephanie habang nagtataka sa ugali ng kaibigan.
Ng nakatayo ang dalawa ni Stephanie at Chloe, at tumatakbo naman si Daniel papunta sa kabilang court ay napansin nito ang kaklase na si Stephanie. “Nandiyan ka lang pala,” pabulong nito sa kaniyang isip.
Napansin naman ni Joshua si Daniel na nakatingin sa malayo, at tiningnan nito kung saan ito nakatingin at lalong nang-init ang ulo nito ng mapansin niyang kay Stephanie nakatingin ang binata. “Gg ka sa akin,”
Madaming guro narin ang nakinuod sa basketball game ng mga estudyante, hanggang 3rd quarter lang ang laro at naglalaban ang score sa 47-49 out of 50 at lamang ang team nina Daniel.
Isang score nalang at mananalo na sina Daniel, ilang beses napunta ang bola kay Joshua ngunit hindi nito naipapasok ang bola. Sa hindi inaasahan, ay nakuha ni Daniel ang bola at sa hindi inaasahan ay team nila ang nag-wagi.
Ang mga sigaw at tili ng babae ang nangingibabaw sa loob ng gymnasium, lalo na’t at ang team nina Daniel ang nanalo. Hindi pa ganoon napasok sa loob ng klase si Daniel, ay kilalang-kilala na agad ito ng mga estudyante.
Habang nag-papahinga na sa upuan ang mga nag-laro, ay hindi nagtagal doon si Joshua at umalis na rin. Tumayo narin agad si Daniel na tila ba nag-mamadali at nagtaka din agad dito ang kaniyang pinsan na si Raver.
“Insan pasaan ka?! Nagmamadali ah,” tanong ni Raver kay Daniel.
“May sunod pa akong klase, may hahabulin,” pahayag ni Daniel.
“Na? tao? sino?” takang pagtatanong ni Raver.
“Time bro, not a person,” tugon ni Daniel. At agad ng umalis ito.