Nakarating na ang magkakaibigan sa bahay ampunan, at pag-karating nila ay napansin nilang nakapila ang mga bata sa labas. Nag-taka ang mga ito dahil hindi ganoong nangyayari palagi ang pag-dalaw at araw ng aampunin.
“Sino naman kaya ang sunod na maswerte sa mga batang yun ‘no?” pahayag ni Chloe na tila may kasamang pag-kahili sa mga bata.
“Sana yung batang lalaki na tahimik, kilala niyo ba yun?” tugon ni Joshua.
“Hindi e, ikaw ba?” tanong ni Stephanie kay Joshua.
“Oo, ang lungkot nga ng istorya non e. akalain mo, iniwan daw siya diyan sa labas ng hindi nakikilalang magulang. As in yung tipong basta nalang iniwan. Hindi man lang sinabi ang dahlan at ito pa ang malala, hindi na siya sanggol noon,” pahayag ni Joshua.
“Eh di namumukhaan niya parin magulang niya?” tanong ni Chloe
“Hindi na daw, pero yung boses oo,” tugon ni Joshua.
“Kawawa naman yung bata, parang ako lang. pero sanggol pa ako, iniwan lang din ako ng magulang ko,” pahayag ni Stephanie.
“Pero okay lang yun no, hindi naman na natin sila masisisi kasi nang-yari na,” pahayag ni Chloe at biglang umakbay sa dalawang kaibigan. “at tsaka okay naman na tayo,” ngiting pagkakasabi muli ni Chloe.
“So ano na? punta na ako sa kwarto namin. Magpapalit na rin, baka may kailangang utusin sa akin doon,” pag-papaalam ni Joshua sa dalawa nina Stephanie at Chloe.
“Salamat,” pagpapasalamat ni Stephanie.
“Una narin kami. Salamat,” pahayag naman ni Chloe.
Ng makaalis si Joshua ay tumaas narin sina Chloe at Stephanie papunta sa kanilang silid para magpalit ng kanilang mga damit. At habang papalapit sila sa kanilang silid ay napansin nilang parang may naiyak sa paligid at tila ba naririnig nila ang boses ng matron.
At ng makarating sila sa kanilang silid ay may isang batang babae na nagpupumiglas dahil ayaw niyang sumama sa aampon sa kaniya at dahil ayaw makinig nito makinig sa matron ay medyo nainit na ang dugo ng matrona.
Nilapitan naman agad ni Stephanie ang batang babae na si Angel at kinausap muna ang matrona “Matrona okay lang po ba kung kausapin ko muna si Angel?” tanong ni Stephanie sa matrona.
At agad namang tumayo at lumabas muna sa silid ang matrona at sinarhan nito ang pintuan. At lumapit muli si Stephanie kay angel. “Angel? Tahan na, ano ba problema?” tanong ni Stephanie sa batang si Angel.
“A-ayaw ko pong sumama ate Stephanie,” tugon ni Angel.
“Oh? Bakit naman? Hindi ba matagal mo na gusto magkaroong ng pamilya, yung tatanggapin ka na parang totoong anak?” pahayag ni Stephanie.
Napatingin si Angel sa kaniya, “Mukha pong nakakatakot mukha nila a-ate,” pag-kakasabi ni Angel habang naiyak.
“Tumingin ka nga sa akin,” pagkakasabi ni Stephanie at hinawakan ang mukha nito habang pinupunasan ang mga luhang napatak mula sa kaniyang mata.
“Hindi naman sila nakakatakot, kung nakakatakot sila hindi sila mag-aampon. Tatandaan mo yan okay? Kaya sila mag-aampon dahil gusto ka nilang maging anak. At kapag sumama ka sakanila, mapapamahal ka sakanila at mamahalin ka din nila,” pahayag ni Stephanie.
“T-talaga po ate? Paano po yung mga kalaro ko, e di hindi ko napo makikita?” malungkot na pagkakasabi ni Angel.
“Pwede kapa namang pumunta dito at dalawin ang mga kalaro mo, ang mga kaibigan yun. at kapag malaki kana, pupuntahan moko palagi ah? tayo kana diyan, aayusan kita, wag kana umiyak,” pahayag ni Stephanie.
At tumayo naman dahan-dahan si Angel, “Hawak ka sa kamay ko, ako ang mag-hahatid sayo sa labas. Sa bago mong mga magulang,” pag-kakasabi muli ni Stephanie.
Naglalakad na sila palabas ng silid at naghihintay na sa baba ang mga bagong magulang ni Angel. “Handa ka na ba? Wag kang matakot sa kanila. Aalagaan ka nila ng parang tunay na anak,”
Malapit na sila sa hagdan at dahan-dahan bumaba dahil natatakot parin si Angel. At ng makababa ay nag-tago si Angel sa likod ni Stephanie at nasilip-silip sa mag-asawang aampon sakaniya.
“Hi angel!” pag-bati ni Mrs. Cruz habang nakangiti kay Angel.
“Angel, hi daw oh,” pahayag ni Stephanie kay Angel.
“He-hello po,” tugon ni Angel kay Mrs. Cruz.
“Tara? Uuwi na tayo, tapos mamamasyal tayo sa park,” pahayag naman ni Mr. Cruz habang nakangiti rink ay Angel.
Napaisip si Angel dahil parang pamilyar sakaniya ang park. “Pa-park? Yun po ba yung madaming ta-tao tapos may nag-titindang i-ice-cream? Pasyalan?” tanong ni Angel.
“Oo yun nga, gusto mo ba pumunta don?” tanong ni Mrs. Cruz.
“O-opoo!” excited na pag-kakasagot ni Angel, at agad narin siyang sumama kayna Mr. at Mrs. Cruz.
“Thank you po sainyo Mr. Cruz, mabait po yang si Angel, wala pong problema sakaniya,” pahayag ng Matrona.
“Ba-bye po,” pag-kaway ni Angel sa matrona, Stephanie, Chloe at iba pang mga madre.
“Ba-bye Angel!” pag-papaalam ni Stephanie sa batang si Angel.
Ng naglalakad na sina Angel, ay agad naman itong napalingon sa kaniyang Ate na si Stephanie at bumitaw sa kaniyang bagong mga magulang. Tumakbo ito patungo kay Stephanie “Salamat po ate Stephanie. Babalik ako pangako ko yan,” pagkakasabi ni Angel kay Stephanie.
“Mag-iingat ka palagi ah? Sige na punta kana sa kanila, hinihintay kana nila,” pagkakasabi ni Stephanie kay Angel.
Bumalik na si Angel sa kaniyang magulang at humawak muli sa kamay nito. Hanggang sa pag-sakay sa sasakyan ay nakatingin parin si Angel sa kaniyang ate na si Stephanie.
“Salamat Stephanie at napasama mo si Angel,” pagkakasabi ng matrona sakaniya.
“Wala po yun, napalapit narin po kasi sa akin si Angel,” tugon naman ni Stephanie.
Umalis na ang matrona at bumalik na muli sa kanilang opisina para ayusin ang iba pang papeles ng mga bata. Agad namang lumapit si Chloe sa kaniyang kaibigan na si Stephanie,
“Galing mo don ah," pahayag ni Chloe sabay biglang inakbayan ito.
“Ano kaba, kailangan natin tulungan yung bata. Ilang taon palang yun no. dapat ganon din gawin mo,” Tugon ni Stephanie sa kaibigan,
“Good job ka don, kaya tara na. gutom na ako di pa tayo nagpapalit ng damit,” pahayag ni Chloe kay Stephanie
“Tara, madami parin akong gagawin,” tugon naman ni Stephanie
At pagkatapos noon, ay nagtungo na agad sila sa silid para magpalit na ng kanilang mga damit. Habang nag-aayos sila ng kanilang gamit sa school, ay may kumatok sa pintuan nila.
“Sino sila? Pasoook po,” pahayag ni Chloe
Sumilip si Joshua sa pintuan nila, “Kayong dalawa huy, tara kain?” pag-aaya nito.
“Saglit lang patapos na ‘to,” tugon ni Stephanie. “Waiiiit!” pagmamadali din naman ni Chloe,
Dali-daling tumakbo palabas ang dalawa ni Stephanie at Chloe, “Ano kakainin natin?” tanong ni Chloe. “Bastaa,” tugon naman ni Joshua.
Dinala ni Joshua ang dalawa sa teris kung saan malimit iyon tinatambayan ng mga bata dahil doon maahangin.
“Bakit naman tayo dito?” tanong ni Stephanie
Pumunta sa gilid si Joshua at kinuha ang isang box ng pizza. “Wow namaaan, saan galing yan?” tanong muli ni Chloe.
“Sa tropa ko galing yan, naisipan nila akong dalhan. Nagulat nalang din ako noong nakita ko sila doon sa gate,” tugon ni Joshua.
“Eh bakit kami kailangan makikain?” tanong ni Stephanie.
“Syempre naman, share your blessings kamo. Alangan namang kumain ako mag-isa no?” tugon ni Joshua. “Kain na tayo?” pag-aaya ni Joshua.
Binuksan ni Joshua ang kahon at kumuha sila ng tigi-gisang slice ng pizza at kumain. “Huuuy! Ang saraaap,” pahayag ni Chloe
“Mukhang ngayon ka palang nakakain ng Pizza ah?” pabiro ni Joshua
Napatahimik bigla si Chloe na parang nawala ang pagiging excited. “Sa totoo lang, ngayon pa nga lang,” tugon ni Chloe na tila ba parang walang gana.
“Pa-pasensya na Chloe,” pahayag ni Joshua
“Ano ka baaa! Okay lang yun no. atleast ngayon nakakain na ako,” tugon ni Chloe
“Gusto niyo kumuha ako ng tubig? Baka maluugan kayo,” pahayag ni Stephanie sa dalawa.
“Wag na, ako na Stephanie. Nakakahiya sayo,” saad naman ni Joshua habang pinipigilan si Stephanie
“Ako na, ikaw na nagpakain kaya dapat kami na rin ang kukuha ng tubig,” pahayag ni Stephanie.
“Ano ka ba, wala yun. pero ikaw bahala, salamat,” tugon ni Joshua kay Stephanie.
At agad namang umalis na si Stephanie patungo sa kainan ng Bahay ampunan, kung saan nandoon ang tubig. Habang wala si Stephanie ay nag-usap muna si Joshua at Chloe.
“Ano iniisip mo?” tanong ni Chloe kay Joshua,
“W-wala, mag bagay-bagay lang,” tugon naman ni Joshua
“Nagugustuhan mo si Stephanie no?” tanong ni Chloe kay Joshua.
“Wala ah, nakakatuwa lang siya,” pagkakasabi ni Joshua habang nakangiti ito.
“Nakakatuwa pero ngiting-ngiti? Hahaha,” tugon ni Chloe pabiro
Hindi na umimik si Joshua sa sinabi ni Chloe, at hindi naman maintindihan ni Chloe ang kaniyang nararamdaman.
Dumating na si Stephanie na may dalang tatlong bote ng tubig. “Oh tubig, baka nauuhaw na kayo. Tigigisa tayo,” pagkakasabi ni Stephanie habang inaabot kayna Chloe at Joshua ang tubig nila.
Umupo na si Stephanie “Alam niyo ang hirap talaga ng ganito, wala akong maramdaman. Matagal pa kaya sa tingin niyo? Nakakainip pero gusto ko mag-hintay. Ayoko mawalan ng pag-asa,” pahayag ni Stephanie.
“Mag-hintay ka lang, malay mo biglang dumating ang di mo inaasahan,” tugon ni Chloe
“Minsan ba napanaginipan mo mama mo? O kahit sino sa pamilya mo?” Tanong ni Joshua kay Stephanie.
“Oo, natandaan ko may minsan nasa panaginip ko siya tapos sabi niya sa akin marami pa raw akong mararanasan o matatanggap. Hindi man daw ngayon, baka sa pagdating ng panahon. Hindi ko makita mukha niya doon, pero nagpakilala siyang siya ang mama ko,” Pagkakasabi ni Stephanie kay Joshua.
“Kinilabutan ako dun ah!” pahayag ni Joshua.
“Pakiramdam ko totoong mangyayare yan,” Tugon naman ni Chloe
“Seryoso Chloe?” tanong ni Stephanie.
“Oo nga, kailangan mo lang mag-hintay at mawalan ng pag-asa. Lalo na’t mahal na mahal ka naman ata ng magulang mo talaga,” pahayag ni Chloe
Habang nag-uusap-usap sila sa teris, ay biglang may tumigil na sasakyan sa gate ng bahay ampunan at napansin iyon ni Joshua.
“Hindi ba parang si Daniel yun?” pabulong nito.
Ng biglang narinig ni Chloe ang binulong ni Joshua. “Ano ulit sinabi mo?” tanong nito
“Ah w-wala wala,” sagot naman ni Joshua
Napatingin sa labas ng bintana si Chloe at nakita niya si Daniel. “Si Daniel yun ah? Bakit kaya nandoon yun?” pagtataka ni Chloe
At napatingin bigla si Stephanie sa bintana. “Oo nga no?”
“Puntahan ko kaya,” tumayo agad at tumakbo palabas si Chloe
“Huy! W-wag na,” pahayag ni Joshua habang pinipigilan si Chloe
Ngunit hindi na napigilan ni Joshua si Chloe dahil sa sobrang bilis nito kumilos. Nakasilip ang dalawa ni Joshua at Stephanie sa bintana, ng makita nila si Chloe na sobrang bilis ng pagpunta kay Daniel.
Ng nasa gate na si Chloe, kinausap nito si Daniel. “Huy! Daniel. Ganda pala ng sasakyan mo no?” Pagbati ni Chloe sa binata.
“Huy ikaw pala, Chloe right?” tanong ni Daniel
“Oo Chloe, yung kaibigan ng kaklase mong si Stephanie,” tugon nito kay Daniel.
“Oo, I remember. Bakit ka nandiyan?” tanong ni Daniel kay Chloe
“Ah, dito kami nakatira,” tugon ni Chloe
“Sinong kami? Sa bahay ampunan?” tanong muli ni Daniel.
“Oo, kami nina Stephanie at Joshua. Dito kami naninirahan,” pagkakasabi ni Chloe
“What do you mean? Yung para bang aampunin din ganon?” pagtatanong ni Daniel na nagtataka.
“Oo, actually naghihintay parin sa biyaya ni Lord. Haha,” tugon naman ni Chloe. “Ikaw bakit ka nandiyan Daniel?”
“Nasiraan ako, pero okay lang patapos na naman eh,” pahayag ni Joshua.
“Ahhh” tugon ni Chloe. “May gagawin ba kayo ngayon? Gusto niyo ba gumala or kahit sa ibang araw? Pasensya na, gusto ko kasi gumala pero wala akong mga kaibigan pa sa ngayon eh,” pahayag ni Daniel kay Chloe.
Nagulat naman si Chloe sa pag-aaya ni Daniel sa kanila, “S-seryoso ka ba diyan?” tanong muli ni Chloe
“Oo ano kaba, don’t worry dahil ako ang nag-aya. Libre ko na lahat,” tugon naman ni Daniel.
“Pwede naman siguro, bukas nalang. Busy na kasi kami ngayon lalo na’t nakauwi na kami galing school, alam nan g matrona na tapos na klase natin,” pahayag ni Chloe.
“O-okay, noted bukas. See you! Siguro tapos nato, uwi na ulit ako. Bye,” pag-papaalam ni Daniel
“B-bye , ingat!” pag-papaalam ni Chloe sa binata.
Ng makaalis na si Daniel gamit ang sasakyan ng Mustang ay tatakbo naman pabalik sa teris si Chloe, at excited itong sabihin kayna Joshua at Stephanie ang pag-iimbita ni Daniel sa kanila.
“Huuuuuyyy guuuuys!” excited na napasigaw si Chloe habang tumatakbo papalapit sa teris kung saan nandoon sina Joshua at Stephanie.
“Oh? Bakit? Napaano ka?” seryosong tanong ni Joshua.
“Ay sorry sorry, excited lang. kase ganito..,” pahayag ni Chloe
“Ano?” tanong muli ni Joshua samantalang si Stephanie ay nakatingin lamang kay Chloe
“Si Daniel! Niyayaya tayong lumabas bukas! Dapat ngayon kaso sabi ko, busy pa tayo,” pahayag ni Chloe
“Ha? Tapos pumayag ka naman?” tanong ni Joshua habang naiinis kay Daniel.
“Oo naman, bakit naman natin tatanggihan? At tsaka wala pa siyang kaibigan no,” tugon ni Chloe kay Joshua
“Ahm. Pwede naman, wala din naman tayong ginagawa palagi after class,” pag-singit naman ni Stephanie.
“Asa siyang maging kaibigan ko siya no,” pahayag ni Joshua
“Napaka Kj mo naman. Wala nangang kaibigan yung tao napaka sama ng ugali mo,” pagkakasabi ni Chloe
“Oo nga, at tsaka hindi naman mukhang masamang tao si Daniel,” tugon ni Stephanie.
“Nakakainis kaya, natalo yung team naming kanina tapo-s,” pahayag ni Joshua
“Tapos ano?” tanong ni Stephanie
“Wala,” tugon naman ni Joshua habang naiinis ng sobra
“Jusko Joshua! Laro lang yun, hindi mo naman ikamamatay yun kapag natalo ka. Minsan may mga nanalo, minsan may natatalo. At minsan kung ano talaga, yun na. matuto kang tanggapin. Depende nalang kung may ibang rason,” pahayag ni Chloe
At hindi na nakapag-salita si Joshua, napatahimik nalamang ito at itinuloy na lamang ang pag-kain ng pizza. At ng natapos na ang kanilang pagmimiryenda ay sabay-sabay na silang pumunta sa kani-kanilang silid para tulungan mag-linis ng kani-kanilang mga katawan ang mga bata at mag-suot ng maayos na damit.
Ngunit ng mag-paalam si Joshua ay wala parin sa kaniyang mood ito.
“Maya nalang ulit sa hapunan tayo mag-sabay-sabay,” pag-papaalam ni Joshua kayna Stephanie at Chloe.
“Sige Joshua,” tugon naman ni Stephanie.
At humiwalay na kaagad si Joshua kayna Stephanie at Chloe. Habang nag-lalakad ang dalawang dalaga ay kinausap muli ni Stephanie si Chloe.
“napapaano ba yun?” saad ni Stephanie.
“ewan ko don, parang wala namang nagawa si Daniel para mainis siya.” Tugon naman ni Chloe.
“lagi nalang siya naiinis, hindi naman siya ganoon dati nung una ko siyang nakilala.” Pahayag muli ni Stephanie.
“nag-tataka rin ako e” tugon muli ni Chloe.
At hindi na muli nag-salit si Stephanie, nag-tungo na lamang sila sa silid at nadatnan naman din agad nila doon na kompleto na ang mga bata.
“Ate Stephanie!.” Pagtawag ng isang batang babae na si Fiola at biglang yumakap sa kaniya ito.
“Oh Fiola? Para saan naman ang yakap na yun?” tanong ni Stephanie sa bata
“Wala lang ate. Namiss lang po kita agad,” tugon ng bata.
“naks naman, ako hindi mo ba namiss?” pasingit ni Chloe sa usapan ng dalawa
“Hindi po. Hahahahaha,” tugon naman ng bata
“Aba talaga ha, pag nahuli kita lagot ka sa akin,” pahayag ni Chloe at agad na hinabol ang batang si Fiola.
Nagtakbuhan si Chloe at Fiola sa buong silid. Halos lahat ng mga bata na kasama nila sa silid ay tinuring na nila na kapatid, kaya’t malapit ang mga ito sa kanilang ate na sina Stephanie at Chloe. Ngunit mag-kaiba ang tingin nila kay Stephanie at Chloe, para sa kanila si Stephanie ay isang seryosong ate na nakilala nila, at dahil alam nilang wala etong emosyon na kahit anong nararamdaman ay nakasanayan na nilang seryoso ang mukha nito. At ang tingin naman nila kay Chloe ay isang ate na ubod ng kulit na sa kahit anong kakulitan din ng mga bata ay ganoon din ang pinapakita nito. Kaya ganoon nalamang kung makipaglaro si Chloe sa mga bata.
Ng maayos na nila ang mga bata na kasama nila sa silid, ay handa na sila para sa hapunan. Pinapila nina Stephanie at Chloe ang mga bata ng maayos.
“Gutom na ba kayo?” tanong ni Stephanie sa mga bata.
“Opo Ate!” tugon ng mga bata na excited ng kumain ng hapunan.
“Bago tayo pumunta doon, kailangan maayos ang pila natin okay ba yun?” pahayag ni Stephanie
“Kung ayaw niyong mapagalitan kayo ng matron sige kayo,” pasingit naman ni Chloe habang ibinulong ito.
Agad namang pumila ng maayos ang mga bata ng marinig nila ang sinabi ni Chloe na para sa kanila ay nakakatakot. Ang mga bata ay takot na takot sa matrona na si Hilda dahil sa mukha nitong na tila ba parang katulad ng isang witch sa cartoon na nakikita ng mga bata sa libro.
“Sira ka talaga Chloe, kapag narinig tayo ng matrona. Hindi ko kasalanan yan ha,” pabulong ni Stephanie kay Chloe sa likod niya.
“Hahaha hindi na, joke lang yun,” tugon naman ni Chloe
Matapos noon, ay sabay sabay ng lumabas ng silid ang mga bata habang nauuna sa unahan nila sina Stephanie at Chloe. habang nag-lalakad ay nadaanan nila ang matrona at napansin ng matrona na parang takot ang tingin ng mga bata sakaniya. Habang si Chloe naman ay natatawa.
“Magandang gabi po,” pagbati ni Stephanie
“ma-magandang gabi po,” pagbati rin ni Chloe
“Sainyo ding lahat, magtungo na kayo sa kainan,” pahayag ng matrona sa kanila
“Opo matrona,” tugon naman ni Stephanie
Seryosong lumagpas na si Hilda at ganon din sina Stephanie at Chloe kasama ang mga bata. Ngunit ng pababa na sila ng hagdan ay natawa si Chloe, at napagaya naman ang mga bata sakaniya.
Lumingon si Chloe sa mga bata sa likod, “Kita ko ang mga mukha nyo noong kaharap natin ang matrona. Hahahaha,” pahayag ni Chloe sa mga bata.
“E kasi po nakakatakot,” tugon ng isang bata
Lumingon muli si Chloe paharap, at kinulbit ni Stephanie ito. “Umayos ka, pag ako nadamay,” pahayag nito
Hindi na nakaimik si Chloe at tumigil na rin sa pag-tawa. Nag-tuloy na patungo sa kainan ang mga ito, at napansin din ng mga ito sina Joshua.
“Joshua!” pasigaw ni Chloe at kumaway sa binata
Napatingin naman si Stephanie at kumaway din si Joshua sa mga ito ngunit seryoso ang mukha. Natakot naman si Chloe sa pinakita nitong itsura, Dahil hindi siya sanay na ganoon ang nakikita niyang mukha sa kaibigan niya..