Chapter 12: Dream

1690 Words
Patungo na sina Stephanie at Chloe sa kainan kasama ang mga bata na nakapila ganon din si Joshua na kasama naman ang mga batang lalaki. Ng nasa loob na sila, ay pinaupo na nila ang mga bata at ng matapos iyon ay nagtungo na agad sila sa kusina. Habang papunta sina Stephanie at Chloe sa lamesa kung saan nandoon si Joshua ay napansin ng dalawang ito na napakatahimik ng binate na kumakain. Papaupo si Chloe “Huy! Tahimik naman neto,” pahayag nito Napatingin naman si Joshua kay chloe ng sinabi iyon. “Oo nga may problema ba?” tanong naman ni Stephanie. Hindi umimik si Joshua ngunit umiling ito bilang tugon. “Ano ba kasi nangyayare sayo? gagala na tayo bukas, nagkakaganyan ka pa,” pahayag naman ni Chloe. “Wala nga, okay lang ako ano ba.,” tugon naman ni Joshua, “Ayuuun, sumagot rin. Maniwala sayong wala. Wag nga ako Joshua,” pahayag ni Chloe Hindi na muling umimik si Joshua at nag-patuloy na lamang ito na kumain ng tahimik. Hindi narin kinulit ni Chloe ang kaibigan dahil mukhang seryoso talaga ang kaibigan. Ng matapos ng kumain ang mag-kakaibigan, ay naunang tumayo si Joshua at di nag-tagal ay tumayo narin si Chloe ngunit si Stephanie naman ay nag-iimis pa dahil kakatapos niya lamang. Habang patungo si Joshua sa kusina habang dala-dala ang pinag-kainan ay hinabol ito ni Chloe. “Huy, Joshua. Ano ba ang problema? Eto naman,” saad ni Chloe sa kaibigang si Joshua. Napalingon naman ang binata, “Wala Chloe, ayos lang ako. Wag na mangulit, gusto mo bang magalit ako?” tugon naman ni Joshua. “H-hindi, pero kas-i,” saad muli ni Chloe “Chloe, isa pa,” tugon ni Joshua “H-hindi nanga, pero sasama ka bukas ah?” Pag-aaya ni Chloe “Oo naman, sasama ako. Sabi mo eh! Hahahaha,” tugon nito sa kaibigan. Biglang dumating na sa kusina si Stephanie, at napansin naman agad nito na mukhang okay na ang kaibigan niyang si Joshua. “Mukhang okay na ang Joshua ah?” saad ni Stephanie sa mga kaibigan. “Oo naman, kayo lang naman ‘tong makulit at tanong ng tanong kung okay lang ako kahit okay naman talaga ako,” tugon ni Joshua kay Stephanie. “Asuss, hindi ka naman talaga okay kanina. Sabi-sabi mo lang yan.” Pag-singit naman ni Chloe sa binate. Bigla naman sinipa ni Joshua si Chloe, “isa pa! maiinis na talaga ako sayo,” pahayag ni Joshua. “Hindi nanga eh! Ito naman binibiro lang naman,” tugon naman ni Chloe. “Tama na, tama na. Itong dalawang ‘to, mag-aaway na naman. Nako,” saad ni Stephanie. Bigla namang nag-katinginan ang dalawa ni Joshua at Chloe at nag-ngitian sa isa’t-isa. “Alam niyo tara na magligpit, baka makita pa tayo nina matrona na nag-uusap-usap dito baka kung ano pa isipin,” saad ni Joshua sa mga kasama niya. “Oo nga, tara na. baka kung ano pa isipin nun, lagot na naman tayo,” tugon ni Chloe. Nag-ligpit na agad ang mag-kakaibigan, at ng natapos na agad si Joshua ay agad na siyang pumunta sa mga batang lalaki kung saan iyon ang kaniyang mga binabantayan at inaalagaan. “So paano? Una na ako ah? Baka hinahanap na ako ng mga bata,” pahayag ni Joshua nayna Stephanie at Chloe. “Sige sige, bukas nalang ulit. Wag kana mainis diyan!” tugon naman ni Chloe “Sige, sabay-sabay nalang ulit tayo pumasok bukas,” saad din naman ni Stephanie. Ng makapag-paalam na at umalis si Joshua ay tinapos na nila Stephanie at Chloe ang kanilang nililigpitan at agad naring tumungo aa kanilang kasamang mga bata. Habang nag-lalakad na sila patungo sa silid, ay nakasalubong muli nina Stephanie at Chloe ang matrona na si Hilda. Tumigil saglit sina Stephanie at Chloe ganon din ang mga bata para bumati. “Magandang gabi po, matrona.” Pag-bati nila ng sabay-sabay. “Sainyo din,” tugon naman ni Hilda. Ng makaalis na ang mga bata kasama sina Chloe ay biglang tinawag ng matrona si Stephanie, at pinalapit ito sa kaniya’t kinausap. “Stephanie?” pag-tawag ng matrona habang nakatalikod pa siya, “po?” tugon ni Stephanie at lumingon muli sa matrona. “kamusta ka naman?” tanong ni Hilda sa kaniya. “Ayos lang naman po matrona, bakit niyo po naitanong?” tugon ni Stephanie. “Wala lang naman, ang pag-aaral mo ba? Ayos lang?” tanong muli sakaniya ni Hilda. “Ayos lang din po, ganon din po ang grades ko,” tugon muli ng dalaga. “Ahh, sige pagbutihin mo lang. mauna kana at mag-pahinga,” saad ni Hilda sa dalaga. “Sige po matrona, mauna na po ako,” pag-papaalam ni Stephanie. Ng makaalis na si Stephanie ay napaisip ito sa mga tanong ng matrona, dahil ni minsan ay hindi niya iyon naranasan doon. At habang nag-lalakad na papalayo si Stephanie ay bumalik narin ang matrona sa kaniyang silid. Habang nag-lalakad ito pabalik, ay iniisip niya ang dalaga “mukhang hindi parin naman siya nakakaramdam, dapat talaga ay hindi na siya makaramdam dahil kapag nalaman at nahuli niya ang lahat, ay masisira na lahat ng plano ko.” Pabulong sa kaniyang sarili. Ng nakarating na si Stephanie sa kanilang silid ay hindi niya alam na abang na abang na sa kaniya si Chloe habang binibihisan nito ang mga bata. “Huy Stephanie! Lapit ka ditooo!” Pag-tawag ni Chloe sa kaibigang si Stephanie. At agad namang lumapit si Stephanie sa kaniya, “Oh? Bakit?” tanong naman ni Stephanie. “Wala lang, bakit ka tinawag ng matrona? Hindi ba galit sayo?” tanong ni Chloe “H-hindi naman, kakaiba nga siya eh, hindi naman siya ganoon dati,” tugon ni Stephanie. “Bakit? Ano ba ginawa niya? Ano sinabi niya sayo?” tanong ni Chloe “Tinanong niya kung kamusta daw ako, kung kamusta daw pag-aaral ko, Di ba? kakaiba,” tugon ni Stephanie sa kaibigan. “Alam mo, pakiramdam ko nang-huhuli yan e, pero eto tatandaan mo Stephanie, bilang kaibigan mo at nakakaramdam ng ganitong kakaibang pakiramdam, wag na wag mo sasabihin na nasa sayo ang libro, okay ba yun?” saad ni Chloe “Oo, hindi ko sasabihin, hanggat wala akong nalalaman na iba pa,” tugon ni Stephanie. Napatigil ang usapan ng dalawang mag-kaibigan ng biglang lumapit ang isa sa mga bata sa kanila. “A-ate Stephanie, pwede po mag-pasuklay?” tanong ng isang bata sa kaniya. “Oo naman, ikaw pa ba?” tugon naman ni Stephanie “S-salamat po a-ate,” tugon ng bata. Inayusan na ng dalawa ni Stephanie at Chloe ang mga bata, para makapagpahinga na. Ng matapos ayusan ng mga ito ang mga bata, ay isa-isa naring pinahiga. At ng matapos iyon, ay nahiga narin ang dalawang mag-kaibigan. Ngunit habang nakahiga si Stephanie, ay malalim ang iniisip nito. “Hanggang kailan ba ako magkaka-ganito? Aasa paba ako na maayos ko sarili ko? Mag-kakaroon pa ba ng emosyon bukod sa lungkot? Bakit pakiramdam ko ang sakit?” pabulong nito sa kaniyang isipan. Sa kakaisip niya ng kailangan niyang gawin at mga gagawin pa ay agad naman nakatulog na ito, sa sobrang himbing ng tulog nito ay may napanaginipan agad ito. Isang babae ang nasa panaginip nito at tila ba ay katabi niya sa isang upuan at sila ay nag-uusap. “Stephanie?” tugon ng babae “Po?” tanong naman ni Stephanie “Kamusta ka ngayon? Nakikita kong malungkot ka, ano bumabagabag sa isip mo?” tanong sakaniya ng babae sa kaniyang panaginip. Biglang napatungo si Stephanie sa tanong ng babae, “Hindi ko po alam kung bakit ako, hindi ko po alam bakit ako pa? kung para sa akin ba ito?” tugon ni Stephanie habang tumutulo luha nito. Agad namang inakbayan ng babae si Stephanie, “Tahan na, nandito ako. Ako ang gagabay sayo sa lahat ng pag-subok na dadaan sayo,” tugon ng babae sa kaniya. “P-pero paano po?” tugon ni Stephanie. “Lagi kitang dadalawin, pangako,” tugon ng babae sakaniya. “H-hindi ko po kayo kilala,” saad ni Stephanie sa babae “Sa ngayon, hindi na muna mahalaga yun. ang mahalaga ngayon, ang bumalik ang emosyon mo, hindi ba iyon ang gusto mo?” pahayag naman ng babae sakaniya “O-opo, sa lahat ng hiling ko yun po yung pinaka pinagdarasal ko araw-araw,” tugon ni Stephanie. “Hayaan mo, ako ang bahala sayo, gagabayan kita hanggat sa maari, hindi ko hahayaang mag-kaganyan ka, masakit para sa akin,” pahayag ng babae sakaniya, “Bakit po masakit? Hindi po ba kayo masaya?” tugon ni Stephanie, “Masaya syempre, pero hindi ko maiwasang masaktan kapag nakikita kitang ganyan, mahal kita sobra anak ko,” tugon ng babae sa kaniya. “A-ana--?” biglang tugon ni Stephanie sa babae, ngunit pag-tunghay niya ay biglang liwanag lang ang kaniyang nakita. Biglang nagising si Stephanie at pag-mulat niya ay umaga niya. Ginigising na pala siya ni Chloe “Huy! Gising na! umaga na, nananaginip ka pa ata,” pahayag ni Chloe sa kaniya, “Pasensya na, napasarap ng tulog,” tugon ni Stephanie sa kaniya. “Alam mo, nag-sasalita ka ng tulog kanina,” saad ni Chloe sa kaibigan, “Eh? Ano sabi ko? Hindi ko matandaan ang panaginip ko e,” pahayag ni Stephanie, “Ewan, mangiyak-ngiyak ka nga e,” tugon ni Chloe “Ang natatandaan ko lang, liwanag tas yun lang, wala ng iba,” pahayag ni Stephanie “Yaan mo na, bumangon ka diyan, baka ma-late tayo sa school, baka nag-hihintay narin si Joshua,” pahayag ni Chloe “Oo, eto na. Hintayin niyo na lang ako sa baba, tingnan mo kung nandoon na si Joshua,” pahayag ni Stephanie sa kaibigan. “Sige, dun kana lang naming hintayin ah? Bilisan mo,” saad ni Chloe, “Oo” Lumabas na si Chloe ng kanilang silid at tumungo na sa baba upang abangan si Joshua, habang si Stephanie naman ay nag-aayos ng kaniya susuutin habang iniisip niya kung ano ba ang kaniyang napanaginipan at tila ba’y hindi niya talaga maalala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD