Chapter 13 : Consequence

1666 Words
Nakalabas na ng silid si Stephanie at tumungo kung nasaan ang dalawa ni Chloe at Joshua, ngunit habang naglalakad ito tila ba siya’y natutulala sa kaniyang pilit na iniisip. Pababa na ng hagdan si Stephanie ngunit ito’y tulala parin ng biglang napansin ito ng kaniyang kaibigan na si Chloe “Stephanie? Okay ka lang ba? antok ka pa?” tanong ni Chloe sa kaibigan. Dere-deretso lamang ang pag-lalakad ni Stephanie at hindi niya napansin ang kaniyang kaibigan na si Chloe na nagsalita, kaya’t hinila sa braso ni Chloe si Stephanie. “Huy! Hindi ka na namansin,” pahayag ni Chloe sa kaibigan “P-pasensya na, h-hindi kita narinig,” tugon ni Stephanie. “Ano ba kasing iniisip mo? Napakalalim ng iniisip mo mamaya nabangga kana ng kung sino diyan hindi mo pa alam,” saad muli ni Chloe. “Ano ba kasing problema Steph?” tanong naman ni Joshua na tila nag-tataka rin “Alam mo Stephanie, kahit itago mo pa sa akin at itanggi mo na wala kang iniisip, ramdam ko na meron. Baka nakakalimutan mo,” saad ni Chloe. “Ka-kasi may napanaginipan akong, hindi ko mapaliwanag. Hindi ko rin maalala lahat, pero ang natatandaan ko lang may kausap ako sa panaginip ko,” tugon ni Stephanie sa mga kaibigan. “Babae ba yan? Lalake? Ano?” tanong muli ng kaibigang si Chloe. “Bakla, tomboy, butiki, babo..” Biglang napatigil si Joshua dahil sinamaan ito ng tingin ni Chloe. “J-joke lang eto naman,” sunod na pahayag ni Joshua. “So ano Stephanie?” tanong muli ni Chloe “Wala talaga e, pero sobrang kakaiba talaga siya e. kaya nga nung sinabi mo na habang tulog ako, mangiyak-ngiyak na ako, hindi ko alam yun,” pahayag ni Stephanie kay Chloe “Oo nga no? hayaan mo, maaalala mo ulit yun ng hindi mo inaasahan,” pahayag naman muli ni Chloe. Nag-tungo na sa paglalakad ang mag-kakaibigan ng biglang nakasalubong ni Daniel ang mga ito habang siya’y nag-mamaneho ng kaniyang sasakyan. At bigla naman itong tumigil sa tapat nila. “Huy! Good Morning,” pag-bati ng binata sa tatlo, Bigla namang napatingin ang tatlo, at ng makita ni Joshua ang mukha ng binata ay umiwas na rin agad ito ng tingin. “Sayo din Daniel,” tugon ni Stephanie. “Pasaan ka? Aga mo ah,” tugon naman din ni Chloe kay Daniel “Ito, papasok na, kayo ba?” tanong naman pabalik ni Daniel sa magkakaibigan. “Papasok narin!” tugon ni Chloe Habang nag-uusap usap ang tatlo, ay biglang bumuhos ang ulan at sa hindi inaasahang pag-kakataon ay mga wala silang dalang payong. “Sabay na kayo sa akin, nalakas ang ulan.” Pag-iimbita ni Daniel sa magkakaibigan. “Ayos lang ba?” tanong ni Stephanie, “Yuuuun! Dali dali!” Pahayag ni Chloe “Oo naman, bakit hindi” tugon ni Daniel. Habang si Joshua naman, ay tahimik parin ngunit wala siyang magawa sa plano nila dahil alam din niyang nalakas na ang ulan. Sumakay na sina Joshua, Stephanie at Chloe sa sasakyan ni Daniel. “Haaaay, malungkot na naman ang panahon,” pahayag ni Chloe “Oo nga, pero maaayos din naman kapag umuulan. Hindi maaraw,” tugon ni Daniel “Pero mas  maganda parin kapag hindi naulan para hindi kami nakiki-.” Biglang tigil ni Joshua sa pagsagot ng bigla itong kinurot ni Chloe. “Ano yun Joshua?” tanong ni Daniel. “W-wala yun Daniel, lutang lang ito,” tugon ni Chloe “Di ba mag-kaklase tayo sa unang subject ngayon?” tanong ni Stephanie kay Daniel. “Oo nga pala! Sorry nakalimutan ko, oo kaklase nga pala kita. Sakto sabay na tayong pumunta sa room,” tugon ni Daniel kay Stephanie Biglang uminit ang ulo ni Joshua ng marinig iyon, dahil nasanay siyang hinahatid nito ang dalagang si Stephanie sa kanilang silid bago pumunta sa kaniyang classroom. “Malapit na tayo, alam niyo kung sabay-sabay din naman ang oras natin, pwede naman kayong sumabay sa akin palagi,” pahayag ni Daniel. “Seryoso?” tanong ni Chloe “Oo naman,” tugon ni Daniel. Ng nasa school na sila, ay isa-isang nagbabaan ang magkakaibigan sa sasakyan ni Daniel, at habang nag-bababaan ang mga ito ay maraming mga babae ang nakatingin sa kanila. At napansin naman agad iyon ni Chloe. “Stephanie, ang daming tao. Bakit?” tanong ni Chloe sa kaibigang si Stephanie. “Ganyang-ganyan kapag nasa classroom kami, pinagtitinginan ng mga babae si Daniel na halos matunaw na yung tao,” tugon ni Stephanie. Habang nagaayos si Daniel, at hinihintay ito ng tatlo ay napansin ni Joshua ang mga tao sa paligid, nagtataka ito kung bakit parang wala lang sa kaniya ang lahat ng nangyayari. “Tol, normal ba yan?” tanong ni Joshua kay Daniel. “Alin ang normal?” tugon ni Daniel “Halos lahat ng babae dito sa paligid natin, nakatingin sayo,” pahayag ni Joshua kay Daniel. “Ahh, yan? Hindi ko na lang pinapansin,” tugon ni Daniel. Umalis na sa parking lot sina Daniel, Joshua, Stephanie at Chloe at nagtungo na sa lobby. Habang naglalakad ang mga ito, ay napansin ang mga ito ni Sydney at tila ba ang sama ng tingin kayna Stephanie at Chloe. “What the - -,” biglang pag-kakasabi ni Sydney “Bakit girl?” tanong ng isa sa mga kasama. “Look whose with Daniel,” tugon ni Sydney Napansin ni Chloe ang mukha ni Sydney, ngunit ininsulto nalamang ito ng kakaibang ngiti. At ng nasa lobby na sila, kinausap ni Daniel ang mga kasama niya. “Sorry ah? Hindi ko naman ginusto ‘to,” pahayag ni Daniel “Okay lang yun Daniel, ang mahalaga kung sino ka ngayon, yun ka,” tugon naman agad ni Stephanie. “Una na kami Chloe Joshua, kita na lang tayo mamaya ah? Ilang minuto nalang eh, baka dumating si Sir,” saad muli ni Stephanie sa mga kaibigan. “Sige na, una na rin kami. Kita-kits!” pag-papaalam ni Chloe Ngunit si Joshua ay hindi na nag-paalam at agad naring umalis. Habang naglalakad ang dalawa ni Stephanie at Daniel patungo sa kanilang klase ay kinausap ni Stephanie si Daniel. “Siguro nahihirapan ka no?” tanong ni Stephanie sa binata “Nahihirapan saan? Sa ganito? Na pinagtitinginan?” tanong ni Daniel “Oo, mukhang hindi ka kasi okay, hindi katulad ng ibang lalaki, na nag-mamayabang pa,” pahayag ni Stephanie “Ahh, Oo. Actually, hindi ako ganito, yung kumakausap ng ibang tao. Lumaki akong suplado before, hindi namamansin, seryoso. Pero naisip ko bigla ang Mom ko, alam ko kasing ayaw niya akong maging ganoon,” tugon ni Daniel “Buti ka pa no? may magulang,” pahayag ni Stephanie “May magulang nga, tanong mo muna kung ayos ba,” saad naman ni Daniel At pumasok na ang dalawa ni Stephanie at Daniel sa klase nila. Habang si Joshua naman, nag-iisip parin habang nag-lalakad. “Huy! Napaka-seryoso, ano iniisip mo?” tanong ni Chloe sa kaibigang si Joshua “Wala, wag kang mangulit. Subukan mo,” tugon ni Joshua “Sus! Alam ko na yan, si Stephanie no?” tanong ni Chloe Hindi umimik si Joshua sa tanong ni Chloe, kaya’t nagtanong muli ito. “Anooo ngaa? Hindi kita tatantanan,” pahayag ni Chloe “Alam mo, wala naman talaga eh, nasanay lang siguro ako na ako ang kasama niya papunta sa klase niya,” pahayag ni Joshua, “Ahhhh, hindi halata,” tugon ni Chloe.   Nasa silid ang matrona na si Hilda at ito ay nakaupo lamang sa kaniyang upuan, wala siyang maisip na gawin kaya’t kinuha nito ang kaniyang isang kahoy na nakapatong sa lamesa. “Hashna!” sigaw ng matrona Isang salita at paraan para lumapit sa kaniya ang kaniyang mahiwagang kahoy, kung saan halos nagagawa nito lahat. Biglang nagulat naman ang kaniyang kanang kamay ng bigla itong pumasok sa silid ng matrona, “Ma-matrona?” gulat na pag-kakasabi ni Cristina “Anong ginagawa mo diyan!? Di ba nasa baba ka dapat?” gulat ding patanong ni Hilda sa kaniya. “Totoo po ba yung nakikita ko?” tanong ni Cristina Biglang bumagsak ang kahoy na tinawag ng matrona, at agad naman itong pumunta sa pinto kung saan naiwang bukas ni Cristina ang pinto. “Wag na wag kang maingay sa nakita mo!” pahayag ng matrona sa kaniya “O-opo, pero paano po kayo nag-,” tanong ni Cristina “Wag mo na alamin! Ang ganyang bagay ay dapat sa akin lamang, ni walang sino ang dapat makagawa, kaya kailangan nating mag-ingat, ikaw lamang ang nakaka-alam ng nakita mo, kaya’t dapat walang ibang makakaalam nito,” tugon ni Hilda “O-opo, pasensya na po,” tugon ni Cristina Pinaglinis ng matrona si Cristina ng kaniyang silid, ngunit balisa parin ito sa kaniyang nakita. “Paano nang-yari? Paano siya nagk-karoon ng kapangyarihan? Hindi ko akalain,” pabulong na pag-kakasabi sa kaniyang sarili. At bigla naman itong nagulat sa pag-tawag sa kaniya ng matrona, “Cristina!” “O-opo, ito na po matrona,” tugon nito. Nabuo ang takot ni Cristina na baka sa isang pag-kakamali nitoo ay maparusahan ito ng kaniyang matrona, kaya’t hindi parin mawala sa kaniyang isip lahat ng kaniyang nakita. Ng lumapit siya kay Hilda, ay agad namang may itinanong sakaniya, “Sigurado ka bang walang nakakapasok sa silid kung saan nandoon ang mahalagang libro?” tanong ni Hilda sakaniya “W-wala po matrona, tayo lang po ang nakakapasok doon,” tugon naman ni Cristina “Siguraduhin mo, dahil alam na alam mo na ang mang-yayare sayo kapag nawala ang pinakamahalagang libro doon, sinasabi ko sayo,” saad ni Hilda sa kaniya “O-opo matrona, sisiguraduhin ko pong walang mawawala,” tugon naman ni Cristina Napaisip siya sa librong sinasabi ng matrona sa kaniya, nagtataka siya kung ano nga bang lamang ng librong iyon, at tila ba’y napakahalaga niyon sa kaniya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD