Nakarating nasa bahay ampunan ang mag-kakaibigan nina Stephanie habang si Joshua ay mahimbing parin ang tulog sa likuran ng sasakyan ni Daniel, kaya’t ginising na ito ni Chloe.
“Joshua! Huy! Gising na!” Pag-gising ni Chloe kay Joshua,
“Hmm? Antok pa ako eh,” tugon naman ni Joshua habang siya’y pikit parin.
“Iwan kanalang naming kay Daniel, diyan kanalang matulog hanggang bukas,” pahayag ni Chloe
Agad-agad namang bumangon si Joshua, “Ayoko nga! Eto nanga!” pag-sigaw ni Joshua
At nag-tawanan si Chloe at Daniel, ng maka-baba na silang tatlo ay nakaabang ang matrona na si Hilda sa bintana sa taas ng bahay ampunan. At napansin naman iyon ni Chloe,
“Stephanie, si matrona nasa bintana naka-tingin na sa atin, kakatakot,” pahayag ni Chloe, at nagsabay-sabay ang tingin ng tatlo sa taas ng bahay ampunan,
Inihatid ni Daniel ang tatlong magkakaibigan sa gate, kung saan sa taas ay kitang-kita ang matrona.
“Ahm, Good evening po sainyo.” Bati ni Daniel sa matrona,
“Sa iyo din Ijo, salamat sa pag-hatid sa kanila,” tugon naman ng matrona,
Ng nakapag-bukas na ng gate si Stephanie, ay nag-paalam na ang mga it okay Daniel.
“Salamat Daniel, ingat ka,” pag-papaalam ni Stephanie,
“Ingat!” pahayag naman ni Chloe ngunit si Joshua ay tumango nalamang kay Daniel.
“Thank you sa inyo,” pag-papasalamat ni Daniel, at agad na din namang umalis si Daniel at tumungo muli sa kaniyang sasakyan at nag-maneho na muli.
Habang papasok sa loob sina Stephanie, Chloe at Joshua ay nakaabang ang matrona sa may hagdanan, na tila’y masama ang tingin sa kanila kasama ang kanang kamay niyang si Cristina.
“Bakit ginabi kayo? Saan kayo galing? Hind ba’t kailangan ay alasais ay nandidito na kayo?” tanong ng matrona sa kanila,
“Pasensya na po matrona, hindi na po mauulit,” tugon naman ni Stephanie
“At sino ang lalaking iyon na nag-hatid sa inyo?” tanong muli ng matrona
“Si Daniel po, bagong kaibigan po naming na taga diyan lamang sa subdivision, galing po siy-,” pahayag ni Chloe na biglang pinigilan ituloy ni Joshua,
“Sa susunod na umuwi kayo ng ganitong oras ay hihiggpitan ko na kayo sa susunod, sana’y wag na itong maulit,” pahayag ng matrona sa mag-kakaibigan
“Opo,” sagot ng magkakaibigan,
“Mag-sipasok na kayo sa loob, at tumulong kayo sa kusina pag-kakain. Iyon ang dapat niyong gawin ngayong gabi, wag niyo ng alalahanin ang mga bata dahil may ibinigay muna akong bata na bantayan sila, naiintindiha niyo ba?” pahayag ng matrona sa kanila
“Opo,” tugon muli ng magkakaibigan
“Sige na, kumilos na kayo,” saad ng matrona.
At nag-situngo na ang tatlo nina Stephanie sa kani-kanilang kwarto para mag-palit ng kani-kanilang damit. Habang nag-lalakad si Stephanie at Chloe patungo sa kanilang silid ay nag-usap muli ang dalawa.
“Pasensya na ah? Nadamay pa kayo,” pahayag ni Stephanie sa kaibigang si Chloe
“Ano ka ba, ayos lang yun noh. Sinamahan lang naman natin si Daniel para mag-libot at para makita niya ang itsura ng pilipinas, Hahaha!” tugon ni Chloe sa kaibigan
“Pilipinas agad? Laguna lang yun ano kaba,” saad naman muli ni Stephanie
“Eto naman binibiro lang,” tugon muli ni Chloe
At ng nasa kwarto na sila ay dali-dali ng nag-linis ng katawan at nag-ayos ang dalawa. At ng matapos na ay nag-tungo na sila kusina at biglang nakita din naman nila si Joshua na patungo na rin doon.
“Joshua!” Pag-tawag ni Chloe sa kaibigan
“Ano? Alis pa kayo ah, namura tuloy tayo,” pahayag ni Joshua sa dalawa nina Stephanie at Chloe
“Pasensya na ah,” tugon ni Stephanie
“O-okay lang, nangyari na eh. Wag na sanang maulit, baka mapagalitan lalo tayo ng matrona. Alam niyo naman diba?” saad naman ni Joshua
“Oho master,” pabiro ni Chloe
At agad namang nag-tungo ang tatlo sa kusina. Habang ini-isa isa ni Stephanie ang mga pinagkainan ng mga bata at inilalagay sa lababo ay may nakapansin sa kaniyan bata na malapit sa kaniya.
“A-ate Stephanie? Bakit ka po nandito?” tanong ng batang si Shiela sa kaniya
“Oh Shiela, bakit ka nandito? Hindi ba dapat nandoon ka sa kainan kasama ang ibang mga bata? Nandito ako kasi tinutulingan naming sila ate,” tugon naman ni Stephanie kay Shiela
“P-pero po diba dapat nandoon kayo kasama namin?” tanong muli ng batang si Shiela ng bigla namang nalungkot
“Kasi Shiela-,” tugon ni Stephanie ng biglang pinigilan ni Chloe
“Kasi Shiela pagod na sina ate kaya kailangan naming tulungan, pag-laki niyo kagaya naming ni Ate Stephanie, tutulong din kayo okay po?” tugon ni Chloe kay Shiela
“Kaya wag ng malungkot ha? Ngiti ka na, tsaka bumalik kana doon baka hinahanap ka doon ng mga kalaro mo po,” tugon muli ni Stephanie kay Shiela
“Sige po ate, kain po ulit tayo ng sabay-sabay ah?” pahayag ng batang si Shiela
“Oo naman, ngiti na,” tugon naman ni Chloe
At nag-paalam na ang batang si Shiela sa mga ate niya na nasa kusina pati na rin sa iba pang nag-liligpit. At habang gumagawa na muli sina Stephanie, ay kinausap sila ng nag-liligpit doon sa kusina,
“Nakakatuwa naman kayo,” pahayag ni Ate Mirna
“Maganda po kasi kung ganoon ang kanilang natututunan,” tugon ni Chloe
“Oo nga, iyong mga bata sa labas hindi ganiyan. Sa tagal kong nagtrabaho dito, ngayon lang ako nakakita ng ganiyang nag-aalaga at inaalagaan na nag-uusap tungkol sa ganon,” tugon muli ni Ate Mirna
“Oo nga po e,” saad naman ni Stephanie
“Pag-tapos niyo diyan, magtungo na kayo sa labas. Kami na ang bahala dito at kumain na din kayo, alam ko hindi pa kayo nakain,” pahayag muli ni Mirna sa kanila
“Salamat po ate ah?” tugon naman ni Chloe
At ng natapos na ang kanilang ginagawa ay nag-tungo na sila sa kainan, wala ng mga bata kahit mga madre kaya’t maluwag silang nakakain habang may pinag-uusapan
“Stephanie? Ano nararamdaman mo ngayon? nakakaramdam ka na ba?” tanong ni Chloe sa kaibigan
“Oo, pero lungkot lang. Hindi ko pa nararamdaman yung saya na sinasabi niyo,” tugon naman ni Stephanie,
“Naku! Stephanie, alam ko na kasunod niyan. Saya na, at sino naman kaya ang mag-dodonate noon sayo no? ang bait noon sigurado!” saad naman ni Joshua
“Oo nga, kailan kaya no? hindi na ako makapag-hintay. Kaso Stephanie, may sasabihin ako ah? Pero wag ka mag-iisip kapag sinabi ko to sa iyo,” pahayag ni Chloe
“Ano yun Chloe? may nakita ka ba sa akin o nararamdaman?” tanong ni Stephanie kay Chloe
“Kasi, pakiramdam ko hindi lang yan ang dadating sayo eh. Hindi lang emosyon ang magkakameron ka,” tugon ni Chloe
“Huy grabe ka naman, ano naman ang gusto mo pang dumating kay Stephanie? Problema?” saad naman ni Joshua
“Hindi naman, pero malakas ang kutob ko eh,” tugon naman ni Chloe sa kaibigan
“Alam niyo kayong dalawa, nakakapansin na ako sa inyo ah? May kapangyarihan ba kayo?” tanong muli ni Joshua sa dalawa nina Stephanie.
“W-wala ah,” tugon ni Stephanie
“Kung meron man, bakit ako wala? Ni nararamdaman, ni nakikita wala, sana ako din,” saad naman ni Joshua
“Oo nga no? kawawa ka naman,” tugon ni Chloe sa kaibigan
“Kapag ako nag-karoon din, ikaw ang uunahin ko!” Pabiro ni Joshua kay Chloe,
“Hay nako, tumigil nga kayo. Baka mag-away na naman kayong dalawa,” pahayag ni Stephanie sa dalawa nina Chloe at Joshua
“Naku! Hindi na no,” tugon ni Joshua at agad naman nitong inakbayan si Chloe, “Lab na lab ko kaya ‘to,” tugon muli ni Joshua habang nang-gigigil kay Chloe
“Tigil-tigilan mo nga ako Joshua!” sigaw ni Chloe at sabay na itunulak ito papalayo
Ng natapos na nila ang pag-kain nila ay nagtungo na muli ang magkakaibigan sa kusina upang dalhin ang kani-kanilang pinagkainan.
“Ate mirna! Salamat po ah?” pahayag ni Chloe
“Ano ka ba ija, wala yun,” tugon ni Mirna sa magkakaibigan
“Salamat po,” pahayag muli ng tatlo,
“Ate mirna, una na po kami,” pahayag ni Stephanie
“Sige, matulog ng maaga,” tugon muli ni Mirna
At lumabas na ang tatlo nina Stephanie, Chloe at Joshua. Ng nasa tapat na sila ng hagdan ay nag-paalam na sila sa isa’t-isa.
“Huy! Kayong dalawa, bukas nalang ah?” pahayag ni Joshua sa dalawa nina Stephanie at Chloe
“Oo, dito ulit sa hagdan para walang maiwan,” tugon naman ni Chloe
“Sige sige, Good night! Salamat sa inyo,” pahayag muli ni Joshua
“Sayo din,” tugon naman ni Stephanie
Ng naghiwalay na ang tatlo at patungo na ang dalawa ni Chloe at Stephanie sa kanilang silid ay napatigil ito ng makita nila ang matrona na nasa sa harapan nila,
“Mag-situlog na kayong dalawa,” pahayag ng matrona sa kanila
“O-opo matrona, papunta na po kami sa silid,” tugon ni Stephanie kay Hilda
“Wag na wag niyo na uulitin ang ginawa niyo kanina, dahil mauulit ulit ‘yang pinagawa ko sainyo ngayon,” pahayag muli ng matrona,
“Opo,” tugon ng dalawa nina Chloe at Stephanie
Lumagpas na kanila ang matrona at ng makalagpas ay habol ang tingin nilo doon. Napatingin naman din muli si Cristina ang kanang kamay ng matrona sa dalawa ni Stephanie at Chloe. at tinaasan ng kilay. Ng napansin ng dalawa iyon, ay nagulat ito at napalingon pabalik at nagtungo na muli sa silid sa takot.
“Bakit tumaas kilay ni Ate Cristina?” tanong ni Chloe kay Stephanie
“H-hindi ko din alam, nag-taka ka rin ba?” tugon ni Stephanie
“Oo, hindi naman niya ginagawa yun sa atin dati e,” saad naman ni Chloe
At ng makapasok sila sa silid ay nakita nila ang mga bata na natutulog na kaya’t nahiga narin ang dalawa at nagsimula ng magpahinga.