Chapter 16 : Life

1675 Words
Alas-kwatro na ng hapon ngunit pauwi palang sina Stephanie, Chloe at Joshua kasama si Daniel galing pasyalan at napansin iyon ng matrona na si Hilda. “Cristina?” Pag-tawag ni Hilda sa kasama, “Po matrona?” tugon naman ni Cristina “Nakita mo na ba ang tatlo nina Chloe, Steph at Joshua? Hapon na at hindi ko parin napapansin dito,” tanong ng matrona “Hindi ko pa din po napapansin,” tugon muli ni Cristina, “Sige, pagkatapos mo diyan sa ginagawa mo ay samahan mo ako sa baba para tingnan ang mga bata,” pahayag ni Hilda “Sige po, masusunod po matrona,” tugon naman ni Cristina Habang papauwi sina Stephanie ay pinipilit nitong isipin kung ano ang napanaginipan niya nung gabi at sino ang nasa kaniyang panaginip. Sa pag-pilit niya na makaalala ay naalala nito ang ilang sinabi sa kaniya doon at agad itong nag –taka kung bakit ganoon na lamang kagaan sa pakiramdam “Kung sino ka man po, hindi ko man kayo maalala salamat po sa pag-gabay” pabulong nito sa kaniyang isip habang nakatingin ito sa bintana, Agad naman itong napansin ni Daniel, “Stephanie? Okay ka lang, ang lalim ng iniisip mo ah?” tanong ng kaibigan, ngunit hindi ito napakinggan ni Stephanie. “Ms. Mendez, huy! Okay ka lang ba?” pag-ulit ni Daniel kay Stephanie, “Ahm, w-wala. O-okay lang ako,” tugon ni Stephanie, “Wala, pero napakalalim ng iniisip,” saad naman ni Daniel. “Wala nga, pinipilit ko lang isipin ang napanaginipan ko kagabi, kakaiba kasi,” tugon ni Stephanie “Ahm, baka may nakaalala lang sayo?” pahayag naman ni Daniel “E-ewan, hindi ko alam,” tugon muli ni Stephanie, “Parang ako lang noong isang araw, naalala ko pero hindi ko makilala yung mukha?yung tipong parang hindi ko pa siya nakikilala in person, gets mo ba?” saad ni Daniel, “Mas kakaiba pala sayo e, ano naman ba sabi sayo?” tanong naman ni Stephanie, “May makikilala daw akong isang tao, na ingatan ko, Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. It’s kinda weird for me, literal na weird. Hahaha, I don’t even know kung sinong tao sinasabi niya, pero I know for sure na makikilala palang,” tugon naman ni Daniel “Ewan ko ba sa tadhana, masyado pamisteryoso no?” pahayag naman ni Stephanie, at muling tumingin sa labas ng bintana. “Gusto mo bang buksan muna natin ang bintana? Total hapon na, papalamig na ang simoy ng hangin,” tanong ni Daniel sa kaibigan, “O-okay lang naman, pero wag na, ang sarap ng tulo g ng dalawa sa likod oh, baka magising pa,” tugon naman ni Stephanie “Ay oo nga no, I’m sorry,” saad naman ni Daniel, “So ano nga pala kwento mo?” tanong bigla ni Stephanie “What do you mean kwento ko? Like anong meron sa akin, something like that?” tugon ni Daniel na tila ba siya’y nabigla sa tanong ng kaibigan, “Oo, hindi ka pa naman naming kilala ng ganon kalalim, eh di ikwento mo na lang sa akin para di ka rin antukin sa byahe,” pahayag ni Stephanie, “Ahm, actually I’m not like this before, sobrang seryoso ko sa buhay na para bang makikilala mo ako na isang misteryosong tao,” saad ni Daniel “Ano ka ba dati?” tanong ni Stephanie “ano ako dati? Isang tahimik lang na tao, nagiging basagulero ako before na sobrang galit na galit sa mga taong mahilig mang-bully lalo na kung babae ang binu-bully. Hanggang sa ang ending may sugat narin ako sa mukha, pero wala na akong pakielam sa sakit na yun,” tugon naman ni Daniel kay Stephanie, “Superman naman pala ang Daniel,” pahayag naman ni Stephanie “Hindi naman ganon, Ayoko sa lahat sinasaktan ang babae. Just like my father, he beats my mom kapag gusto niya. Kaso wala akong magawa, until now I’m so mad at him. Pinapahirapan niya mom ko with no reason at all. Kapag stress siya sa business namin or some other stuff ang pag-iintan niya was my mom, His wife na walang ginawa kung hindi ang mahalin at alagaan siya,” tugon ni Daniel, “Ang tindi naman pala ng tatay mo,” saad naman ni Stephanie, “Sobra, kaya ngayon pa lang ang dami ko ng plans sa buhay. First priority ko ay trabaho sa company ng Dad ko kasi for sure naman doon ang bagsak ko and second mom ko. Solo lang kasi akong anak kaya mahirap din para sakin, sobrang malapit ako sa mom ko,” tugon muli ni Daniel, “Eh bakit ngayon, kami ang kasama mo? Wala ka bang kaibigan na iba bukod sa amin? Or kamag-anak sa school?” tanong muli ni Stephanie, “Meron akong pinsan, pero busy siya. Yun lang, actually hindi din ako ganito before, yung makikipag-friends. Hindi ko lang alam, bakit nung pag-patak ko dito sa Pilipinas, nag-iba ang ihip ng hangin. Wag lang talaga doon sa Sydney na iyon,” saad naman ni Daniel. “Kakaiba rin talaga ang ugali ng Sydney na yun no?” pahayag naman ni Stephanie “Oo, as in sobra. Kahit naman nung nasa States pa kami, hindi ko talaga siya kilala. Nalaman ko lang name niya simula nung may kumakalat sa school naming, yes same school din kami before, and I don’t even know kung bakit siya nandito din nung pumunta din ako dito sa Pilipinas. Sa dinami-raming school dito, kaparehas pa ng school ko,” saad muli ni Daniel “Stalker naman pala ang Sydney,” pahayag naman ni Stephanie “Sinabi mo pa, kahit sa States may binubully siya ng wala namang ginagawa sa kaniya yung tao, pero merong nakapag-sabi sa akin before na yung tatay daw niya nag-tatrabaho sa company ng dad ko kaya din siguro kilala niya ako,” tugon ni Daniel “Sobrang patay na patay sayo yung Sydney na yun no? lahat gagawin niya para mapansin mo lang siya, sa sobrang papansin niya hindi niya alam mali na ginagawa niya. Maganda nga siya, wala naman sa loob ang ganda,” saad naman ni Stephanie, “Isa pa yung rason kung bakit hindi ako nakikipag-kaibigan sa kaniya, I hate bullies, kayang-kaya ko siyang siraan sa mga ginagawa niya, yung pinaka-malalang ginawa niya before is pinagkalat niya na may relasyon kami kahit wala, sobrang kapal ng face, hahaha!” tugon ni Daniel “Pero bakit parang wala lang sa magulang niya?” tanong ni Stephanie “Ang tanong, kung alam ba ng magulang niya. Paano kung hindi diba? Nag-check ako ng info’s tungkol sa tatay niya, hindi naman ganoon kataas ang posisyon. Kayang-kaya ko ipaalis ang tatay niya sa company ng dad ko, pero noong nakita ko ang background, naawa ako,” pahayag ni Daniel “Bakit? B-bakit ka naawa? Di ba mayaman sila?” tanong ni Stephanie, “Akala mo lang yun. Yan ang nagagawa ng sosyal magsuot ng damit, madaming pera. Hingi siguro siya ng hindi sa magulang niya hindi niya alam, grabe yung pinagda-daanan ng tatay niya mapag-aral lang siya sa magandang paaralan, kaya nga hindi ko nalang sinasabi na ganoon ang anak niya,” pahayag ni Daniel “Eh loko pala yung Sydney nay un, mahirap lang naman pala dami niyang kalokohang ginagawa,” tugon ni Chloe at bigla namang nagulat si Daniel “Nakakagulat ka naman Chloe, bigla-bigla ka nalang naimik,” pahayag naman ni Daniel “Hahaha, ayaw mo non? Gising kaluluwa mo,” tugon naman ni Chloe, “Tingnan mo katabi mo, ang sarap ng tulog,” pahayag ni Stephanie Agad namang napatingin si Chloe kay Joshua, at tinitigan niya ito. “Parang hindi naman siya napagod mag-gala, ayaw pa daw pero napagod,” pag-kakasabi ni Chloe At agad namang nagising si Joshua at nabigla noong pag-mulat ng kaniyang mata, nakalapit ang mukha ni Chloe sa kaniya dahil pinag-mamasdan siya nito “Huy! Chloe! manghahalik ka ba!?” pa-sigaw ni Joshua kay Chloe “Hoy kadin! Wag ka ngang assuming, hindi kita type no!” tugon naman ni Chloe At natawa naman si Daniel sa nangyari sa dalawa, “Hahahaha, kayong dalawa bagay kayo ah?” pabiro ni Daniel sa dalawa, “Dito? Sa lalaking ‘to? Wag nalang, pass!” tugon naman ni Chloe, “Mas pass din ako sayo! Di kita type no!” tugon din naman ni Joshua, “Tama na yan, mag-aaway na naman kayo niyan, wala pa tayo sa bahay ampunan,” singit naman ni Stephanie sa pag-aaway ng dalawa, “Oo nga pala Stephanie, matanong ko lang, kailan pa kayo sa bahay ampunan?” tanong ni Daniel kay Stephanie, “bata pa kami, baka nga sanggol palang ako e,” tugon naman ni Stephanie sa kaibigan, “Ang tagal niyo na pala dun,” saad ni Daniel “Oo,” tugon ni Stephanie “Eh, nasaan daw ba magulang mo? Wala bang sinasabi sayo doon?” tanong muli ni Daniel, “Hindi ko din alam, sabi wala na daw patay na, sabi ng iba iniwan lang daw ako sa pinto ng bahay ampunan,” tugon ni Stephanie, “Hayaan mo, mahaba pa naman ang panahon. Dadating din yung oras na may mag-aampon din sa inyo,” saad ni Daniel sa mga kaibigan, “Sana nga, tagal ko na nag-iintay eh,” pahayag naman ni Chloe “Ilang taon pa lang tayo no, hanga nga ako sa inyo e, nakakapag-aral ka dahil sa scholar. Kinakaya niyo ang buhay,” saad ni Daniel, “Oo, kahit papaano kinakaya, kailangan para makapag-trabaho at mag-karoon kahit sarili ng buhay kapag natapos sa pag-aaral, magtatrabaho, bibili ng bahay at lupa. Ganoon ba,” tugon naman ni Stephanie “Hahaha kahit mag-samasama na tayo sa iisang bahay, pamilya na naman tayong tatlo nina Joshua, isali na din natin si Daniel. Oh! Apat! Hahahaha!” saad naman ni Chloe, Habang si Joshua ay natulog muli nung nagising,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD