Panibagong umaga na naman at nagising na si Stephanie, nag-handa na siya ng kaniyang susuutin sa pagpasok at bago ito maligo ay napansin niyang sobrang himbing pa ng tulog ni Chloe, kaya’t ginising narin niya ito para walang mahuli sa kanilang pag-pasok
“Chloe, Chloe. gising na, umaga na, mauuna na akong maligo, kumilos ka na diyan,” Pag-gising ni Stephanie sa kaibigang si Chloe.
“hmm, oo,” maikling tugon ni Chloe
“Hay nako, bumangon ka na ah. Kailangan pag-tapos ko, nag-aabang ka na diyan,” pahayag muli ni Stephanie
Ngunit hindi na nakaimik muli si Chloe at bumalik parin ito sa kaniyang tulog. Hinayaan na lamang ni Stephanie ang kaniyang kaibigan na matulog muli,
Ng natapos ng maligo si Stephanie, ay napansin niya agad na nakahiga pa rin si Chloe sa kaniyang hinihigaan. Kaya’t dali-dali naman nito ginising muli ang kaibigan.
“Huy, Chloe gising naaaa. Umaga na oh, maliwanag na. Iiwanan ka naming ni Joshua, sige ka,” pahayag ni Stephanie sa kaniyang kaibigan na si Chloe.
Nagulat naman agad si Chloe sa nabanggit ni Stephanie, kaya’t dali-dali itong bumangon at kumuha ng kaniyang damit na susuutin pati narin ang kaniyang tuwalya. Agad-agad siyang tumakbo sa kanilang banyo.
Limang minuto palang ang lumipas ay agad namang natapos si Chloe sa kaniyang pag-ligo, pag-labas nito ay naka-ayos na si Stephanie. Kaya’t dali-dali na itong nagsuklay ganon din ang pag-aayos ng kaniyang sapatos.
“Makiki-abot Stephanie ng bag, Salamat!” pahayag ni Chloe
At kinuha ni Stephanie ang bag ni Chloe pati narin iba niyang gamit na dadalhin niya sa kanilang paaralan, para hindi na ito mag-intindi.
“Ano? Tapos ka na ba? baka nasa baba na si Joshua, mahiya ka naman,” pahayag ni Stephanie kay Chloe
“Tapos na, oh diba ang bilis ko, Tara na?” tugon ni Chloe habang nakangisi kay Stephanie
“Ewan ko sayo,” saad naman muli ni Stephanie
At ng tapos na si Chloe ay nag-tungo na ang dalawa patungo sa hagdan kung saan doon palagi nag-hihintay ang kaibigan nilang si Joshua. Habang nag-lalakad sina Chloe at Stephanie sa hallway ng bahay ampunan ay nakita nila si Cristina na nag-lalakad rin patungo sa silid ng matrona, at nagakalubong nila ito. At biglang may binigkas na salit si Cristina na ikinagulat ng dalawa.
“Mag-ingat kayo palagi,” Babala ni Cristina sa dalawa ni Chloe at Stephanie,
Hindi na lumingon muli ang dalawa para tanungin si Cristina sa narinig nila, nag-tuloy sa pag-lalakad ang dalawa. Hindi nila alam ay lumingon sa kanila si Cristina. At habang papalapit na silang dalawa sa hagdan ay napansin na nila agad si Joshua.
“Magandang umaga Joshua!” pag-gulat ni Chloe kay Joshua
“Chloe! agang-aga lagi ka nang-gugulat,” inis na pag-kakasabi ni Joshua kay Chloe
“Umagang-umaga mukhang mag-aaway na naman kayo ah? Pingutin ko kaya kayong dalawa?” saad ni Stephanie sa dalawang kaibigan.
Habang papalabas sina Stephanie, Chloe at Joshua sa gate, ay biglang tumigil sa harap nila si Daniel. “Good morning guys, sakay kayo,” pahayag ni Daniel sa kanila na ikinagulat ng dalawa ni Joshua at Chloe.
“Aga mo bro ah? Hindi ka naman updated sa schedule naming tatlo no?” saad ni Joshua
“Hahaha, ano kaba. Hindi naman masyado, sumakay na kayo, tingnan mo ‘tong si Chloe, aging-aga tutulo na laway oh,” tugon ni Daniel
“Daniel!!!!” sigaw ni Chloe
“Good morning sayo,” pag-bati ni Stephanie at ngumiti naman si Daniel sa kaibigan
At isa-isa ng sumakay sa sasakyan ni Daniel ang tatlo nina Stephanie, at ng makaalis na sila ay hindi nila alam ay nasa likuran nila si Sydney na ihahatid din ng kanilang driver.
“Diyan ka lang pala nakatira Stephanie Mendez,” pabulong ni Sydney sa kaniyang isip.
“Kuya? Let’s go,” Utos ni Sydney sa kaniyang driver na nag-mamaneho ng kanilang sasakyan.
Habang nag-mamaneho si Daniel ay kinamusta niya ang tatlo, “Kamusta kayo? Ahm, napagalitan ba kayo sa inyo?” tanong ito.
“Ahm, slight?” tugon ni Chloe
“Oo, kasalanan mo kas-,” naptulog na pag-tugon ni Joshua ng biglang pinigilan ni Stephanie
“S-sorry ah? Pasensya na ulit,” pahayag naman ni Daniel.
“Okay lang yun, ano ka ba, tsaka simula ngayon kaibigan ka na din namin no,” tugon ni Stephanie kay Daniel
“Kai-!!!!?” gulat ni Joshua
“A-ano angal ka?” saad naman ni Chloe.
Ng dahil sa sinabi ni Stephanie ay masaya ang mukha ni Daniel habang nagmamaneho patungo sa paaralan at ng nasa gate na sila ng kanilang paaralan ay nagtungo ang mga ito sa parking lot. Ng nag-paparada si Daniel ay hindi alam ng mga ito, ay nasa likod lamang nila ang sasakyan ni Sydney at nauna ng nakababa sa kanila.
“Ano nandito na tayo, let’s go?” pag-aaya ni Daniel
“Tara tara,” tugon ni Joshua
Ng nakababa na ang apat sa sasakyan, ay nag-tungo na agad ang mga ito sa lobby kung saan doon palagi sila naghi-hiwa-hiwalay. Ng biglang may humili sa buhok ni Stephanie, “Stephanie na nakatira sa isang bahay ampunan, kasama ang dalawang nilalang. Hahaha” pahayag ni Sydney
“Ew?” saad naman ni Sofia na kasama ni Sydney
Agad naman hinawakan ni Daniel ang braso ni Sydney at inalis ang kamay sa pag-kakahawak nito sa buhok ni Stephanie. “Ano bang problema mo na naman?!!” sigaw na pag-katanong ni Daniel kay Sydney.
“Ano problema ko? That girl at ang kaniyang mga alipores, na nakatira sa bahay ampunan,” tugon ni Sydney
“OH? Eh ano naman sayo kung nakatira sila sa bahay ampunan?!?” tanong muli ni Daniel
“W-wala, hindi ka ba naaani sa kanila? Are you blind?” tugon ni muli ni Sydney
“Hindi. I’m not blind, mas naaani pa ako sayo kung sino ka mang stalker ka na nilalang and please! Stay away from my friends or else, buhay mo. No, buhay niyo! ng pamilya mo ang masisira,” pahayag ni Daniel kay Sydney habang dinuduro siya.
Hindi na nakaimik si Sydney sa nasabi ni Daniel dahil alam niya kung gaano kalaking epekto iyong ginagawa niya kapag nalaman iyon ng kaniyang magulang lalo na’t alam niya rin na posibleng madamay ang trabaho ng kaniyang tatay sa kompanya ng pamilyang Carter.
“Are you okay? Stephanie?” tanong agad ni Daniel sa kaibigan,
“O-o okay lang,” tugon ni Stephanie
“Pag umisa pa talaga yung babae na iyon, masasampal ko na talaga siya,” pag-mamayabang ni Chloe sa mga kaibigan,
“Hahaha, weh? Eh ni hindi mo nga nasampal ngayon eh,” tugon ni Joshua kay Chloe
At nagtawanan ang magkakaibigan bukod kay Stephanie na walang emposyon kundi ang lungkot lang. at agad ng nagtungo muli sa lobby ang mag-kakaibigan.
“So ano? Uuna na kami ah?” pahayag ni Stephanie
“See again later guys,” pahayag din naman ni Daniel
“Babye, tara na Joshua,” saad din naman ni Chloe
Habang nag-lalakad sina Joshua at Chloe pataas sa 2nd floor ay nakita nito ang matrona na nasa baba ng lobby at kadadating lamang.
“Chloe! may napansin ka ba?” gulat na pag-tanong nit okay Chloe
“W-wala, ano ba nakita mo? Para kang nakakita ng multo,” tugon ni Chloe sa kaibigan si Joshua.
“Si matrona! Nasa baba, tingnan ulit natin, sigurado akong nakita ko!” pahayag muli ni Joshua
“Seryoso ka ba?! ano namang gagawin niyang diyan? Tara nga,” saad naman ni Chloe sa kaibigan
At ng pababa muli ang dalawa sa lobby ay nahuli na sila dahil nakapasok na sa isang kwarto ang kanilang matrona, at ng wala namang napapansin si Chloe kinausap muli nito ang kaibigan, “Wala naman eh, niloloko mo ako Joshua eh!”
“Sigurado akong nandiyan lang yun! hindi ako mag-kakamali,” tugon ni Joshua
“Alam mo, namamalikmata ka lang, hindi naman yun napunta dito sa school eh,” pahayag muli ni Chloe sa kaibigan.
“Hay, sige nanga. Tara na sa taas, baka nga namalikmata lang ako,” tugon ni Joshua.
At hindi nagtagal ay nagtungo na ang dalawa ni Joshua at Chloe patungo sa kani-kanilang classroom sa 2nd floor. Habang sina Stephanie naman at Daniel ay nakapasok na sa kanilang classroom ngunit ng makapasok sila ay wala pa ang kanilang guro.
“Stephanie? Kwentuhan mo nga ako ng tungkol sayo, wala pa naman si sir. Hindi ko kasi maintindihan,” pahayag ni Daniel sa kaibigang si Stephanie.
“Anong tungkol sa akin? Basta wala akong maramdaman na kahit ano mang emosyon. Yun na yun,” tugon ni Stephanie
“Damot mo naman,” pahayag muli ni Daniel
Ngunit habang kinakausap ito ni Daniel, ay napansin niya ang mga nasa paligid nilang kaklase na pinag-mamasdan silang dalawa.
“Daniel, lumayo ka nga ng kaunti. Okay lang ba?” pahayag ni Stephanie
“Bakit?” takang pagtatanong ni Daniel
“Ang dami kasing nakatingin sa atin, baka kung anong isipin nila,” pabulong na pag-kakasabi ni Stephanie sa kaibigan.
“Ano ka ba, gusto mo bumati pa ako sa kanila?” tanong ni Daniel kay Stephanie
“Oo, bumati ka sakanila. Baka nahihili sa atin,” pahayag ni Stephanie
At bumati naman agad si Daniel sa mga kaklase niyang nasa paligid nila, “Hi sainyo, Good morning” pag-bati ng binata sa kaklase
Halos hindi alam ng mga babae sa kanilang classroom ang kanilang nararamdaman dahil binate sila ng isang sikat sa kanilang paaralan,
“luh? Tingnan mo mga mukha nila, artista kaba?” tanong ni Stephanie sa kaibigan si Daniel
“H-hindi no! pogi lang siguro talaga ako,” tugon ni Daniel sa kabigan.
Hindi na umimik si Stephanie sa biro ni Daniel, at hindi nag-tagal ay dumating na ang kanilang guro, “Good morning class, I’m sorry I’m late. May dinala pa ako sa office namin. So yun, ilabas niyo ang inyong text book,” utos ng guro sa kaniyang klase.