Pag-labas ni Cristina sa loob ng silid kung saan doon natigil ang matrona na si Hilda, ay dali-dali itong tumungo sa kaniyang silid. Hindi parin siya makapaniwala na ganoon ang nakita niya at tila ba ay natatakot parin siya sa posibleng gawin sa kaniya ng matrona kapag naka-gawa ito ng mali sakaniya.
“Patagal ako ng patagal dito sa bahay ampunan, nakikilala ko unti-unti ang matrona. Naturingan pa siyang isang madre ngunit ganoon ang kaniyang nagagawa. Ano ba talaga siya?” pabulong ni Cristina sa kaniyang isipan.
Natapos na ang klase ni Daniel at Stephanie, at ng sila’y papalabas na ng kanilang classroom ay nasa Hall way sina Sydney ngunit hindi iyon napansin nina Daniel at Stephanie. At sa hindi inaasahan ay biglang tinakid muli ni Sydney si Stephanie at bigla itong nadapa.
Agad namang itinayo ni Daniel si Stephanie at sinigawan nito si Sydney,
“Ano ba? ano ba problema mo?!” Sigaw ni Daniel kay Sydney
“Why? Ano mo ba siya Daniel Carter?” saad naman ni Sydney
“Ano ba kita para malaman mo?” sagot naman muli ni Daniel, at agad naring umalis. Sobrang na-insulto si Sydney ng masagot ni Daniel ang kaniyang nasabi.
Habang nag-lalakad ang dalawa nina Daniel at Stephanie, ay napansin ni Daniel na parang bilay mag-lakad si Stephanie.
“Are you okay Steph? Parang hirap ka mag-lakad, want some help?” pag-alala ni Daniel sa kaibigan.
“W-wag na, okay lang ako ano ba. Sanay narin naman ako sa ganito,” tugon ni Stephanie
“I’m sorry, kung nangyari yun,” tugon ni Daniel
“Ano ka ba, okay lang. Tsaka bakit kaba nag-sosorry?” pahayag ni Stephanie sa binata.
“Look-,” saad ni Daniel ngunit napatigil ito ng dumating sina Joshua at Chloe,
“Stephanie!? Okay ka lang? ano nangyari sayo?” biglang tanong ni Joshua, at agad naman nitong tinulak si Daniel na tila ba’y nag-hahamon.
“Anong ginawa mo ha!? Wag mo kaming idamay sa gulo mo!” sigaw ni Joshua kay Daniel.
“W-wala akong--,” sagot ni Daniel at biglang sumingit si Stephanie,
“Walang ginawa yung tao Joshua, wag kang gumawa ng iskandalo dito okay?” pag-singit ni Stephanie
Hila-hila naman ni Chloe si Joshua, at bigla itong pumiglas noong si Stephanie na ang umimik.
“Sorry, akala ko kas--,” pahayag ni Joshua,
“Ayan, puro akala. Nananahimik kasi ang tao,” sagot naman ni Chloe.
“Pasensya na Daniel,” pahayag naman ni Stephanie kay Daniel,
“O-okay lang,” tugon naman ni Daniel,
At dahil madami ng tao ang nakapansin sa eksenang naganap sa kanila, ay agad na silang umalis at nag-tungo sa classroom kung saan doon tumatanggap ng donasyon si Stephanie kasama sina Chloe.
“Pasaan tayo?” pagtatanong ni Daniel sa mga kasama,
“Sa classroom,” tugon naman ni Chloe
Ng nasa classroom na sila, ay nagbaba na ng bag sina Chloe at Joshua at pinaupo na muna nina Stephanie si Daniel. Agad na ring kinuha ni Chloe ang Donation Box kung saan nandoon lahat ang mga gamit na na-donate na ng ibang estudyante sa paaralan at mga guro.
Ngunit nag-tataka parin si Daniel, sa ganap ng tatlong kasama niya.
“Anong gagawin niyo? Bakit may box?” tanong ni Daniel,
Ngunit walang ni-isa sa kanila ang sumagot sa tanong nito.
Hanaggang sa may taong kumatok sa pinto at nagtanong, “Dito po ba nag-dodonate?” tanong ng isang bata
“Oo, dito nga, halikayo pasok,” tugon naman ni Chloe
Habang nag-sasagawa nan g pag-dodonate ay pinag-mamasdan ni Daniel ang mga ginagawa ng mga estudyante at binibigay nitong mga bagay.
At dahil interesado si Daniel na malaman kung ano ang kaganapan sa loob ng classroom kung nasaan sila, ay agad itong lumapit kayna Chloe at Stephanie. Naririnig niya ang kakaibang salita, kaya’t nagtanong na muli it okay Chloe,
“Hindi ko maintindihan, ano yun?” tanong ni Daniel
Napa-tawa naman si Chloe sa reaction ni Daniel.
“Hay nako Daniel, hayaan mo na muna sila. Baka maistorbo si Stephanie at ma-walang bisa ang kamapangyarihan, lalong sasama ang kalalabasan,” tugon naman ni Joshua kay Daniel.
Ng sinagot ni Joshua si Daniel, ay naisipan na lamang ni Daniel na maupo muli at hintayin nalamang matapos sina Stephanie at Chloe.
Habang paunti ng paunti ang estudyante sa loob ng classroom na nag-dodonate ay atat na malaman ni Daniel kung anon gang nagaganap sa loob.
“Ano bro? kaya pa? sama ka pa eh,” pahayag ni Joshua kay Daniel na may kahalong pang-iinsulto.
At narinig naman ni Chloe ang sinabi ng kaibigang si Joshua at agad itong sinamaan ng tingin, umiwas naman din agad ng tingin si Joshua kay Chloe.
At ng tapos na ang ganap sa classroom ay tulong-tulong ng nag-aayos sina Stephanie, Chloe at Joshua sa harapan kung saan nandoon ang mga box, at muli na nilang itinago ito sa likod kung saan pwedeng itago ang mga kahon.
“Okay kapaba Daniel?” tanong ni Chloe sa binata.
“O-oo naman, hanggang ngayon napapaisip parin ako kung ano yung ginawa niyo recently,” pahayag ni Daniel
“Alam mo kasi, may mga bagay na hindi mo maiintindihan, pero maiintindihan mo naman kung maniniwala ka sa amin,” sagot ni Chloe,
“So, how? Ano ang ginagawa niyo kanina?” tanong muli ni Daniel,
“Nakita mo ba ang box kung san nilalagay ang gamit?” tanong ni Joshua kay Daniel,
“Oo,” tugon naman ni Daniel,
“Ano nakasulat?” tanong muli ni Joshua,
“Donation box,” tugon naman ni Daniel.
“Edi yun, nasagot mo na ang tinatanong mo kanina,” pahayag ni Joshua na may kahalong pang-iinsulto.
“Sira kaba?! Wag mo nalang pansinin ‘yang si Joshua, minsan kung ano nalang talaga ang nalabas sa bibig niyan eh,” Pahayag ni Daniel,
“Ganito kasi yan Daniel, wala kasi akong maramdaman ni isang emosyon, katulad ng nararamdaman niyo, na nararamdaman ng isang tao,” tugon ni Stephanie,
“What do you mean?” tanong muli ni Daniel,
“Para mag-karoon ako ng emosyon, kailangan kong makakuha sa iba’t-ibang tao ng kanilang nararamdaman gamit ang isang magic word, at para mangyari yun ay hahawakan muna nila ang isang bagay tapos ilalagay sa box. Kahit anong emosyon, kagaya ng lungkot, galit o saya, basta’t makaramdam ako, masaya na ako,” tugon ni Stephanie,
“I get it, kung nag-try ako kanina, ganon din ba? magagawa ko din ba if ever?” tanong ni Daniel,
“Oo naman! Bakit hindi?” tugon naman ni Chloe na sumingit sa pag-uusap ng dalawa.
“Anyways, tapos na ang class natin. Tara gumala? Diba usapan na yesterday?” pag-yayaya ni Daniel sa mga kasama,
“Tara! Saan ba?” sagot naman agad ni Chloe,
“Hindi ako sasama, kayo nalang,” pahayag ni Joshua,
“Eto naman, napaka-KJ. Minsan nanga lang tayo makakagala, ayaw mo pa?” saad ni Chloe sa kaibigang si Joshua.
“Tara, sama ako. Kahit ngayon lang, siguro pag-bigyan natin si Daniel,” tugon naman ni Stephanie,
“Yes! So tara?” pahayag naman ni Daniel,
“Sige, sasama na ako, nag-bago pala isip ko,” pahayag naman ni Joshua sa mga kasama.
“Sasama pala kasi kasama si Stephanie, wala kang kawala boy,” pabulong ni Chloe kay Joshua.
Agad namang sinamaan ng tingin ito ni Joshua at sabay-sabay ng naglakad sa parking lot kung saan nandoon ang sasakyan ni Daniel.
Habang nag-lalakad, ay nakahabol ang galit na tingin nina Sydney sa malayo sa mag-kakaibigan nina Stephanie.
“May oras rin kayo sa akin,” pahayag ni Sydney
“What if sundan natin Sydney? You want?” tanong ng isa sa mga kasama niya,
“Yes I want, gusto kong ipakita ang totoong saya sa kanila,” tugon ni Sydney
“Let’s go girls!” pahayag ng isa sa kanila
Agad namang pumunta ang magkakaibigan nina Sydney sa sasakyan ng isa niyang kaibigan na si Gabriella.
“So guys? What if Enchanted Kingdom tayo? Nag-search kasi ako last night and nag-trace na din ako ng location kung saan siya, If okay lang sa inyo,” tanong ni Daniel habang nakaupo na sila sa loob ng sasakyan.
“Saan ba yun? mukhang masaya doon ah? Hindi ko kasi alam yun eh,” tugon ni Chloe,
“It’ll be fun, I promise. Secret muna sa ngayon kung ano yun,” tugon ni Daniel,
“fun fun mo ‘to, tingnan lang natin kung maging fun pa yang sinasabi mo,” pabulong ni Joshua, at narinig naman ni Chloe kaya’t kinurot nito ang kaibigan.
“Aray! Ano ba!?” pa-sigaw ni Joshua kay Chloe,
Hindi na umimik si Chloe, at sinamaan nalamang nito ng tingin ang binata.
“Mag-aaway na naman kayo, hindi lang tayo ang magkakasama ha, apat na tayo,” pahayag naman ni Stephanie sa dalawa nina Joshua at Chloe.
Nag-simula ng mag-maneho si Daniel, at umalis na sila ng school. Habang sina Sydney naman ay nakaabang sa gate, at ng makalabas na ang sasakyan nina Daniel ay sinundan narin agad ng mga ito.
Habang nag-mamaneho si Gabriella ay hindi maiwasan ni Sydney na umimik tungkol kay Stephanie, “Mang-aagaw talaga ‘yang Stephanie nay an, Do you all know her?”
“Ahm, medyo? Manhid yan, Hahahaha!” tugon naman ni Sofia, at biglang nag-tawanan ang lahat, habang si Sydney ay napapa-isip kung anong ibig sabihin ng sinabi ni Sofia,
“Girl, what do you mean manhid?” tanong ni Sydney,
“Hindi mo ba alam? Na ‘yang Stephanie na yan is walang nararamdaman since birth?” pahayag naman ni Gabriella,
“As in wala?” tanong muli ni Sydney habang hindi parin niya inaakala ang sinabi ng kaibigan,
“Oo, kahit takidin mo pa sya ng ilang beses at madapa siya ng paulit-ulit,” tugon naman ni Sofia.