Kabanata 3

1231 Words
Kaagad kung dinala si Nanay sa ospital na pinakamalapit sa lugar namin, pero dead on arrival na ito nang makarating kami rito. Labis ang pagtatangis ko ng sandaling 'yon. Hindi ko lubos akalain na iiwan kami ni Nanay ng ganun kabilis. Hindi ko akalain na sa edad kong bente dos ay makakaranas ako ng ganito. Ako ang nag-aasikaso ng mismong burol ng sarili kung Nanay. Hirap na nga ang buhay na meron kaming magkakapatid, mas mahihirapan pa yata akong buhayin sila sa pagkawala nito. Sa unang burol ni Nanay, dagsa ang mga taong gustong makiramay sa'amin. Tatlong araw lang kaming pinayagan ng mga barangay, dahil pandemic hindi pwedeng tumagal. Sa mga gabing nagbabantay ako rito, halos manlumo ako, marahil hindi ko alam kung saan ko nga ba kukunin ang lahat ng gastusin.Ilang gabi rin akong tulala at wala sa sarili. Dalawang gabi na rin akong puyat at nag-iisip. Nang ikatlong gabi ng burol nito, nabalitaan yata ni Mamu sa mga ilang konektado sa'amin ang pangyayari. Kaya nung gabing rin na 'yon, kaagad siyang pumunta para damayan ako. Kasama niya rin ang assistant niyang si Zebby. Pagka kita ko sa'kaniya napayakap ako bigla. Pakiramdam ko hindi ako nag-iisa ng gabing 'yon. "Mamu," napahagulgol ako ng iyak habang yakap yakap niya ako. "Sssssh!ssssh! Tahan na! Sige na, hwag ka ng umiyak ako ng bahala sa lahat. Tutulungan kita sa abot ng makakaya ko." sambit nito habang hinahagod ang likuran ko. Napanatag ako sa gabing 'yon at nakatulog ng matiwasay. Kinabukasan ang araw ng libing ni Nanay. Habang binibihisan ko ang bunso naming kapatid na si Monina, walang tigil ang patak mg luha ko. Ngayon pa lang hindi ko alam saan nga ba ako magsisimula, paano ko sila pag-aaralin pa. "Ate, naiyak ka?" tanong nito. "Ah! Hindi, napuwing lang ang ate." sagot ko sabay punas ng mga luha ko na pumatak. "Hwag kang iiyak ate. Nasa heaven na si Nanay, hindi niya tayo pababayaan." sagot ng pitong taong gulang kung kapatid. Napayakap na lang ako kay Monina, habang pinipigilan ang pag-iyak ko. "Ate! Mara! Tapos na po ba kayo, nandyan na ang funeraria. Ilalabas na raw po si Nanay." singit ni Monica ang pangalawang nakababata kung kapatid. "Sige na Monica, susunod na kami ni Monina." sagot ko. Lumabas na ito ng kwarto at matapos kung ayusan si Monina, lumabas na rin kami. Pinasakay ni Mamu sa kotse niya ang dalawa kung nakakabatang kapatid at ako naman ay sumakay sa karo ni Nanay. Ilang minuto lang ang byahe nakarating kami ng East Cemetery, isa itong exclusive Cemetery. Hindi ko inaasahan na rito pinili ni Mamu ilagak ang labi ni Nanay. Maging ang ilang kapit-bahay naming Maritess ay nagulat. Nagkaroon muna ng misa at isa-isa kaming pinahawak ng bendita para bago ilagak ang kabaong ni Nanay sa lupa. Hanggang sa matabunan ng lupa ito. Nagpaiwan muna ako sandali rito at nagsi alisan na ang mga nakilibing. Hindi pa rin talaga kasi nagsi-sink-in sa'akin ang lahat. "Nanay! Bakit mo kami linisan ng ganito kaaga?" mga tanong na naglalaro sa isipan ko. Waaaah! Malakas na sigaw ko, para makarating sa kalangitan. Hindi ko kailanman sinisi ang nasa itaas sa pagkawala nito. Ayon sa doctor matagal ng may taning ang buhay ng Nanay ko, pero ni isang daing wala akong narinig rito. Kung maaga ko lang sana nalaman na may cancer ito, sana, sana ginawa ko ang lahat lahat mabuhay lamang siya. Pero wala akong magagawa kung hanggang doon na lang talaga ang hiram na buhay na ipinagkaloob sa'kaniya. Binalikan ako ni Zebby, ipinapatawag na raw ako ni Mamu. Nag huling sulyap muna ako kay Nanay bago ko tuluyang linisan ang lugar na 'yon. "Paalam Nanay, mahal na mahal po kita. Hwag muna iisipin ang dalawa kung kapatid. Hindi ko sila pababayaan kailanman." usal ko sa puntod nito. Sumakay na ako ng Van, na kung saan nag hihintay na sa'akin sila Monica at Monina. "Tara na," narinig kong utos ni Mamu sa driver nito. Sa buong byahe hindi ako kumakausap ng kahit sino sakanila. Tulala lang ako at nakatingin sa kawalan. Hanggang sa naradaman kung niyakap ako nila Monina at Monica kaya napaluha ako habang nakatingin sa mga tanawin. Pinunasan ko muna ang luha na pumatak sa'aking mga mata gamit ang tissue na pasimplemg inabot ni Mamu sa'akin. Alam niyang naiyak ako ng sandaling 'yon. I uttered, Thank you. Sa bahay muna kami tumuloy para magpahinga at ayusin ang mga gamit ni Nanay na naiwan. May nakita kasi akong maliit na box mga papel, sa kalumaan hindi na halos mabasa ang nakasulat. Hindi ko siya pinasama sa kabaong nito, dahil malakas ang pakiramdam ko na kakailanganin ko ang box na 'to. Kinabukasan. Maaga pa lang dumating na si Zebby at ang driver ni Mamu. Pinapasunod na raw kami. Nagtataka ako, dahil wala naman kaming usapan na ililipat niya kami ng tirahan. Pero dahil, kilala ko naman si Zebby, sumama na rin kami rito. Dinala niya kami sa malinis, mabango at maayos na apartment. Sinabi raw ni Mamu rito, na simula sa araw na 'yon. Dito na kami titira, kaya tuwang tuwa ang mga nakakababata kung kapatid. "Thank you, Zebby!" wika ko bago siya umalis. "Hwag ka sa'akin mag thank you, Mara napag utusan lang ako. "Nino?" tanong ko.. "Basta. Soon you'll know.." huling wika nito bago kami iwan. Ewan ko ba bakit bigla akong kinabahan sa huling sinabi niya. Bakit secret kung si Mamu ang nag-utos nito. Pero, dahil masaya ang mga kapatid ko pinagsawalang bahala ko na lang ang mga agam-agam ko ng mga oras na 'yon. Nakipag kulitan ako sa dalawa at ipimangako ko sa'kanilang dalawa na hinding hindi ko sila iiwan at pababayaan. Ngunit, yon ang akala ko.. Dahil sa pag lipat pala namin mag sisimula ang kalbaryo ng buhay ko.. Two weeks later. Nagulat na lang ako nang pumasok ang mga armadong lalaki sa apartment namin. Gusto kung mag sisigaw at manlaban, pero paano babae ako at mahina. Samantalang sila ay ubod ng lakas at armado pa. Kinuha ako ng limang armadong lalaki at hiniwalay sa dalawa kung kapatid. Marahas nila akong pinasok sa loob ng Van. "Ateeeeee!" malakas na sigaw nila Monina at Monica na narinig ko bago tuyang umalis ang Van. Habang nasa loob ako ng Van walang tigil ang pag-iyak ko at pagdarasal na sana ligtas ang mga kapatid ko. Na sana may tumulong sa'kanila. Dinala ako sa isang masukol na lugar at hindi ko kabisado. Hanggang sa lumabas ang isang lalaki na tinatawag nilang Boss. "A-anong kailagan mo sa'akin?" tanong ko sa pagalit na boses. "Mga inutil. Sino tong babae na 'to?" tanong ng lalaking nakasuot ng kalahating maskara.. "Boss! Hindi ba siya ang hinahanap mo?" pakamot na sambit nito. "Tan*a! Bob* .. Alam mo ang ayaw ko sa lahat ay walang silbi." saad nito. Sabay baril sa ulo ng isa sa mga lalaking dumukot sa'akin.. Halos panlamigan ako ng buong katawan sa nasaksihan ko. Lumapit ito sa kinaroronan ko. "Wala kang nakita!" wika nito habang nakatutok ang baril sa ulo ko.. "O-oo!" nauutal at nanginginig kung sagot. "Pakawalan na yan at itapon nyo kung saan. Hanapin nyo ang anak ni--- Hindi ko na narinig ang huling sinabi nito, dahil tinangay na ako palabas ng mga tauhan niya. Tinulak nila ako palabas sa magubat na lugar. Sabay tinapunan ng upos na sigarilyo, bago pasibatin ang kulay itom na Van na walang plaka... Nagpapasalamat ako sa itaas na hindi niya ako pinabayaan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD