Habang nanunuod ako ng balita ng araw na 'yon. Tamang tama na pinaparangalan ang isa sa bagong bago na magaling na NBI agent ngayon.
"What's his name?" tanong ko sa secretary ko. Habang tina-tap ko ang mamahaling lamesa na nagmula pa sa U.S.A
"Ace Villadolid, boss!" mabilis na sagot ng secretary nito.
"All right. Find my vacant schedule this week. I wanted to meet him personally. I think his the one." sagot nito sabay higop ng kinuha niyang tasa na may lamang coffee mula sa lamesa.
"Noted boss." muling sagot nito sabay labas ng pintuan.
Naiwan naman akong nag-iisip.. Medyo tumatanda na rin ako at hindi ko pa rin nahahanap ang tagapagmana ko. Nasaan ka na kaya hija. Katerine! habang hawak ko ang alive living doll na paborito nito na ipinabili pa talaga sa Australia.
Alam ko sa puso ko na buhay pa kayong mag-ina ko..
---
Matapos akong parangalan nang iba't-ibang awards. May isang tao ang hindi ko inaasahan na pupunta sa headquarters. Pinatawag ako kaagad ni Chief sa labas. Naabutan ko ang isang lalaki na naka upo, sinipat ko ito mula ulo hanggang paa, baka sakaling makilala ko siya, ngunit ni isang ala-ala mula rito ay wala akong maalala as in wala talaga. Sino kaya siya? Mga tanong na bumabagabag sa'aking isipan nang mga sandaling yon. Nag tama ang mga mata namin ng nag-angat ito ng tingin. Maingat akong lumapit rito, bukod sa hindi ko siya kilala. Anong malay ko kung kalaban nga ito at nagpapanggap lamang.
"Villadolid?" maagap na tanong nito.
"Yes! Ako nga. Sino ka ba?" tanong ko at any time pwede na akong bumunot ng baril, kung sakaling may gagawin itong hindi maganda.
"Sumama ka sa'akin at may gustong makilala ka," tahasang saad nito.
"Bakit ako sasama sa'yo? Sino ka ba talaga?" tanong kung muli at nanantya pa kung kailangan ko na bang mag pa putok ng isang bala.
"Okay! Listen carefully. I'm Mr. Anderson, assistant of Mr. Richard Williams. He wanted to meet you a soon as possible." wika nito. Kasabay nang pag taas nito ng Identication Card niya na nagpapatunay na siya nga si Mr. Anderson.
Nang marinig ko ang apilyido na Williams, parang pamilyar sa'akin ito. Hindi ko nga lang talaga matandaan kung saan nga ba?..
Habang nag-iisip ako ng malalim, bigla akong nakaramdam ng tapik mula sa likuran ko. Nang lingunin ko ito, si Chief Voltron pala. Kaagad akong sumaludo rito, tanda ng paggalang ko sa'kaniya.
"Sumama ka na," bulong nito. Na ikina gulat ko.
Nagkatinginan kaming dalawa, bago ako napilitang sumama sa Mr. Anderson na 'yon. Handa naman ako kung sakaling may gagawin itong hindi maganda.
Nakalabas na kami ng headquarters nang may pumarang magarang sasakyan sa harapan namin. At pinagbuksan kami nito.
"Come in!" wika ng matandang nasa loob ng magarang sasakyan. Hindi ko ito masyadong naaninag, dahil medyo dim light ang gamit na ilaw nito sa loob.
Pumasok ako ng walang alinlangan.
"Kumusta Villadolid?" bungad na bati ng matanda.
"Mabuti naman sir." sagot ko..
"Good!" saad nito.
Natahimik na ako buong byahe at nakikiramdam kung may mangyayaring hindi maganda. Ilang minuto lang ang tantya ko ng makarating kami ng Palasyo nito. Bumukas ang pintuan ng sasakyan at bumaba na kami.
"Welcome to my Palace," nakangiting bati ng matanda.
Anong trip ng matandang 'to. Sa loob loob ko.
Sunod sunuran lang ako sa pag pasok nila sa loob. Mukha naman mababait ang mga 'to at hindi masamang tao.
"You may sit down now." wika nito. Naupo naman ako kaagad.
Look! Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. I want you to be hired as my PSG, at hahanapin mo ang nawawala kung mag-ina..
Ilang minuto akong napanga-nga. Gets ko naman ang sinabi niya at narinig ko ng maliwanag.
"Teka! Mr. Williams, may mga clue ba para mahanap ko sila." tanong ko. Dahil medyo mahirap ang trabahong ibinibigay niya sa'akin.
"Yes! Anderson gave you all the details. But I just want to hear from you. Are you willing to accept my offer or not?" tanong nito. Habang nakatingin sa'akin at halatang pinag-aaralan niya ang mga bawat kilos ko.
"Let me think sir Williams. I have a lot of work to do in NBI." mabilis na sagot ko.
"Don't worry, we will discuss about it with Chief Voltron. But now I need your answer, right away." tanong nitong muli.
"Yes! I'll accepted your offer." biglang sagot ko..
"Good! Welcome to my family." wika nito sabay tapik ng likod ko. Tumayo na ito at pinasunod ako sa'kaniya.
1 Month Later..
Naging smooth naman ang trabaho ko sa matanda. Pero may isa akong gustong alamin sa pagkatao nito, at malapit ko ng malaman 'yon. Sa ngayon inaayos ko ng maayos ang trabaho ko, nalulungkot lang ako ng mag desisyon nang ganon si Chief Voltron, sabagay anong ini-expect ko anak niya nga pala ang pulpol na Zach na 'yon. Halatang pinaiiwas niya muna ako lalo na sa nangyaring kaguluhan namin ng minsang nagkaharap kami. Concern raw siya sa katungkulan ko, hindi ko alam kung paniniwalaan ko mga sinasabi niya. Pero isa lang ang nasa isip ko, kagagawan lahat 'to ng Zach yon, para may pagkakataon na siyang bumida. Likas na sa ugali nito ang magpapansin na animo'y paslit. Alam rin kasi nitong hanggat nasa NBI ako, hindi niya ako mauungusan, dahil hindi rin ako papayag. Never!!!
Habang nag hihintay ako sa labas. Biglang may mga nagpaulan ng bala.
"Dapa!" sigaw ko. Para marinig ni Mr. Williams na kasalukuyang nakikipag negotiate sa ka-business partner nito. Medyo malayo lang ako sa'kanila, pero 24 hours ang mata kong nakatutok sa'kanila..
Dumukot ako ng dalawang baril at nag simula ng makipag barilan. Sinenyasan ko si Anderson na papasukin sa loob si Mr. Williams at Mr. Doughlas. Habang nakikipag barilan ako sa mga ulupong na tauhan ni Mr. Walterz.
"Villadolid?" gulat na tanong ng mga ito.
"Yes! It's me. Nagulat kayo no?" pang aasar ko habang pinapaulanan ko pa rin sila ng bala.
"F*ck you! Villadolid, hindi mo kami mapapatay." sigaw nito habang gumaganti ito ng baril sa kinatataguan ko.
"Dami mong satsat. Bakla ka ba?" pang aasar kung muli, sabay silip at baril sa mga 'to..
Atrassss! sigaw nito sa mga kasamahan niyang bakla.. Tawang tawa naman ako habang hinihipan ang baril ko, bago ko isuksok sa lalagyan. Mabilis kung pinuntahan ang matanda at kinamusta kung ayos lang sila. Mabuti naman na okay lang sila at kaagad na rin kaming umalis sa lugar na 'yon. Napag pasiyahan nilang i-reschedule na lang ang kanilang business proposal sa bawat isa..
"Tara na," utos nito... Sabay paandar ng mabilis ng driver nito papalayo sa lugar.
"Ano na! Wala pala kayo! Mga pulpol!"I shouted sabay hipan ng baril ko.
Maya maya lang nakarinig na ako ng palakpak.