Bang! Bang! Bang!!
Tunog na nagmumula sa pistol na hawak ko. May operasyon na naman naka atas sa'akin kasama ang mga team ko. Isa itong mabigat na sindikato ng droga at mailap na hulihin ang kasalukuyang sinasalakay ang kuta nito. He is no other than that, Mr. Black Walterz.. Isa siyang bagong dealer na naman na galing ibang planeta. Naghahasik ng kadiliman dito sa bansa.
Pag pasok pa lang namin sa malaking gate, ang mga hay*p na tauhan nito ay pinaulanan kaagad kami ng bala.
"Team," backward!
Kaagad nanan sumunod ang mga ito maliban sa ga**ng si Zach.
"Ano papakamatay ka?" sigaw ko. Pero tila yata bingi ito. Kaya nang nakita ko sa peripheral vision ko ang paglabas ng isa sa tauhan ni Mr. Walterz, sinama ko sa pag dapa ito na ikina galit pa niya.
"Tarant*do ka, Villadolid." asik nito.
Imbes na sagutin ito sa ngayon. Mabilis ko siyang hinatak ng makita ang dalawa pang tauhan na may dalang armalite. Nagpagulong gulong ako kasama siya, hanggang sa makarating kami sa dulo.
"Bull sh*t ka talaga Villadolid. What's wrong with you," sigaw nito. Kaya biglang nagpanting ang tainga ko at naitutok ko rito ang baril na hawak ko.
"Isa pang salita, sasabog ang bungo mo. Ang ingay mo, bakla ka ba. Hindi oras ng pagtatanong ngayon, pasalamat ka tinulungan kita kundi patay ka na kanina pa, dahil dyan sa kadaldalan mo." singhal ko rito.
Malakas na sunod sunod ulit na baril ang narinig ko mula sa pinag tataguan namin. Sumilip ako ng bahagya at nakita ko ang tatlo pang tauhan kaya nagpakawala na rin ako ng bala ng sunod sunod.
Narinig ko nag mumura ang kalaban.
"Ga** ka! Villadolid." sigaw ng isa sa tauhan nito na kilala ako. Sino bang hindi makaka kilala sa'akin. Ilang malalaking drug lord at dealer na ang nasakote ko. Wala yata nakakaligtas sa kamandag ko bilang NBI agent.
"Hay*p ka, ang dami mo pang satsat. Bading ka ba!" natatawang pang-aasar ko pa rito habang nakatago ako sa dingding. Isang sunod-sunod na putok ng baril ang pinakawalan ko. "Bulls eye! At ilang sandali lang tatlong tauhan nito ang bumulagta...
Dahan dahan akong gumapang para hindi ako makita ng iba pang tauhan nito.
Nang mapapasok ko na sana nang tuluyan ang hide-out nito, saka naman umeksena ang epal sa buhay ko na feeling magaling. Imbes na mahuhuli ko ang leader ng mga ito, bigla na lang nakatakas dahil sa kapulpulan na ginawa ni Zach. Hindi ko alam kung anong trip ng ga** na 'to, lagi siyang istorbo sa mga operasyon ko. Nagtataka rin ako kung bakit, lagi siyang sinasama sa mg operasyon ko.
"Anong problema mo?" pagkukompronta ko sa'kaniya.
"Wala!" chill at relax na sagot lang nito.
Aba! talagang loko loko talaga 'tong hinay*pak na 'to. Bakit pa kasi sinama 'to sa operasyon mukhang wala namang alam sa pakikipag laban. Uminit lang ang ulo ko sa ginawa nitong pang sasabotahe. Alam ko naman gawain na niya 'to, para masira niya ang repustasyon ko sa NBI. Pwes hindi 'yon mangyayari, puputi muna ang uwak bago niya ako maungusan pa.
"Let's go team," malakas na sigaw ng boses ko sa mga tauhan ko.
Kanya kanya na silang pasok sa sasakyan at matulin na pina andar ni Mike ito. Hanggang sa makarating kami ng headquarters.
Mainit ang ulo na sinalubong kaming lahat ni Chief executive Albany. Hindi niya nagustuhan ang operasyon namin ngayon, malaki ang tiwala niya sa'akin na masasakote namin si Mr. Walterz..
Pinulong niya kami sa loob ng headquarters.
"Deputy, Villadolid. Anong nangyari sa operasyon nyo, bakit nakatakas si Mr. Walterz?" tanong ni Chief Voltron..
Magsasalita pa sana ako ng biglang may sumingit sa usapan.
"Ano pa nga ba, pulpol," bulong ni Zach. Na ikina tayo ko sa upuan. Dahil sa inis ko bigla ko na lang 'tong pinag sasapak.
"Kung 'di ka paki alamero nasakote namin 'yon." sigaw ko. Wala akong paki kung maraming tao ang naroroon. Pikon na talaga ako sa Zach na yan palibhasa may koneksyon sa NBI. Matagal ko na rin pinagpapasensyahan ang b-weset na yan, pero sinasagad niya talaga ang pasensya ko.
"Umayos kayong dalawa. Hwag nyong daanin sa init ng ulo ang mga bagay bagay. Nakakahiya sa mga bata niyo, anong gusto niyong ipakita sa'kanila mga kaguluhan. Walang unity, paano kayo susundin ng mga yan kung nakikita nilang kayo mismo ay hindi nagkakasundo.
"And you Director Zach, we need to talk later." mariing wika ni Chief sa galit na boses..
"B-but D-dad. I mean Chief-- Hindi niya naituloy ang sasabihin, dahil sinamaan siya ng tingin ng ama niya. Yan lang naman ang lamang nito sa'akin siya ay may magulang pa, samantalang ako ay wala na akong nakagisnang pamilya simula pagkabata. Ayon sa mga lolo at lola ko, pinatay ang ama ko ng isang Mafia Lord. At walang iba kundi si Mr. Walterz, kaya mainit ang dugo ko sa taong 'yon. Gusto kung ako mismo ang papatay sa hay*p na lalaking 'yon.. Pagbabayaran niya bawat araw na pangungulila ko sa mga magulang ko, sisiguraduhin kung ako ang magpapasabog ng utak niya..
Natapos ang meeting ng ideklara ni Chief na; "Meeting is adjourned.. Lahat kami lumabas, maliban kay lobo.. I call him, as lobo kasi puro hangin lang naman ang laman ng ulo niya. Anak siya ni Chief kaya malakas ang loob niya na mang gulo sa mga operasyon namin. Pabida kasi ito palagi. Ayoko sanang sapakin siya kanina kaso naubos na ang pisi ko rito. Imbes na mag sorry, napaka yabang pa kaya nakaka pang init ng dugo. Pagod rin ako at inis kaya naghalo-halo na sa isip ko.
Sumagap muna ako ng sariwang hangin bago ako naglakad papasok sa sasakyan ko. May gusto akong puntahan kapag ganitong magulo ang isip ko. Pinaandar ko nang matulin ang sasakyan papalayo ng headquarters.
Nakarating ako sa WestMont Cemetery kung saan nakalagak ang mga labi ng magulang ko. Pinag sama na lang sila sa isangibingan dahil ayon sa kwento ng Lolo at Lola ko nung nabubuhay pa ang mga ito. Magkayakap na nakitang naliligo sa sariling dugo ang magulang ko at dahil nanigas na at nagkadikit na ang kanilang katawan kaya hindi na pinag hiwalay pa.
"Mom and Dad, I know you'll be proud of me. Isa na akong sikat na NBI agent ngayon. At ipinapangako ko sa'inyo, hindi man naibigay ng batas ang hustisyang nararapat sa pagkamatay ninyo. Ako na mismo ang sisingil ng buhay at hahatol sa hay*p na Walterz na 'yon...
I was seven years-old, when my Mom & Dad both died in-front of me. Naging ulila ako nang dahil sa nangyari. Kitang kita ko kung paano nag makaawa ang magulang ko sa hay*p na lalaking yon. Pero, wala man lan siyang awa. He never give them a chance to live..
Dahil muli ko na naman naalala ang sakit ng nakaraan ko. Napasigaw ako ng malakas sa galit na nararamadaman ko at biglang kumulog at kumidlat ng malakas kasabay ng pag buhos ng ulan. Wari'y pati ang kalangitan ay nagdadalamhati sa mapait kung kahapon. Basang basa man ako ng ulan, pero hindi ko na 'yon alintana..