Kabanata 1
Once upon a time my life living was a fairytale and apparently ended for that day. The worst day of my life..
Nagising na lang kaming lahat ng pamilya ko sa sunod-sunod ng putok ng baril.
"Mom, dad." bulong ko, dahil sa takot na baka marinig ako ng nanloob sa'amin. Nanatili akong nag tatago sa loob ng cabinet, medyo mainit pero alam kung safe ako rito.
Sunod sunod ang putok ng baril ang naririnig ko hanggang marinig ko ang boses ni Mommy. She's yelling and daddy is saying please to the bad guys. I hate those man. I want to help them, but I can't do that.. Nag dasal na lang ako para sa kaligtasan nila sana lang buhay pa ang mga magulang ko..
Maya maya nakita ko mula sa maliit na siwang ng cabinet ang pag bukas ng pintuan at isang babae ang pumasok mula roon. Nagmamadali itong pumunta sa kinaroroonan ko, mahigpit kung hinawakan ang lock ng cabinet para hindi siya makapasok hanggang sa pinilit niya itong buksan. Takot na takot ako at napasigaw...
"Waaaah!" sigaw ko. Napabalikwas ako ng bangon, dahil binabangugot na naman ako. Nagtataka lang ako kung bakit paulit-ulit ko na lang napapanaginipan ang batang babae na 'yon. Hindi ko naman siya kilala.
Bumangon na ako at nag-ayos ng aking sarili. Kailangan ko pa kasing tulungan ang nanay ko sa paglalabada at pamamalantsa. Kahit ayaw niya, dahil makinis raw ang kutis ko at sayang kung masira lamang ito. Minsan nga nagtataka ako at napapatanong na lang kung ampon nga ba ako, dahil kakaiba ang mukha ko sa mga kapatid ko, maging ang kulay namin ay iba rin. Sila ay kayumanggi na kulay ni Nanay, samantalang ako maputi at kutis porselana sabi ng lahat. Kutis maharlika pa nga. Lahat sila tinatawanan ko na lang, dahil alam ko sa puso ko pamilya ko sila. Ang tatay naman namin ay hindi ko na rin nakagisnan, dahil ayon kay Nanay bata pa lang raw ako sumakabilang bahay na ito. Samakatuwid may iba na itong pamilya at pinabayaan kami, kaya mula pagka bata ako na ang naraket para makatulong kay Nanay para sa gastusin sa bahay.
Nagpa-part time model rin ako kung may on call si mamu. Ang hindi ko lang ang kaya ang mag waitress at mag table, dahil ayaw ni Nanay. Malaki laki sana ang offer, pero mahal at nirerespeto ko ang Nanay ko. Ayokong sumama ang loob nito at kaya ko pa naman ang gastusin sa bahay sa pagpa-part time model ko. Madalas rin kasi akong bigyan ng raket ni mamu, sabi nga nila favorite na alaga ako nito. Well, hindi ko naman kasalanan na maganda ako at gusto akong endorser ng mga beauty product.
"Nay! Nag lalabada ka na naman dyan." saway ko rito, dahil ang aga-aga at inuubo pa ito.
"Nay, ako na dyan." saad ko sabay kuha ng damit na kinukusot niya naupo ako at sinimulan ko ng mag-laba. Napa ismid ako ng makita ang mga brief at panty sa batya, kadiri talaga 'tong matandang hukluban na 'to. Palibhasa byuda na, umaalembong pa dahil hangga't may asim pa raw ang lola mo aariba daw siya. Minsan inis ako sa ugali ng matandang 'yon, pag selosan ba ako. Anong paki alam ko sa jowa niya, naghahatid lang naman ako ng labada.
"Anak, magagasgasan ang kutis mo." agaw muli ni Nanay sa'akin ng brush.
"Hayaan mo na po yan Nay, ang mahalaga makatulong ako sayo. At ikaw hwag ka ng pasaway pa. Mag-pahinga na po muna kayo." sambit ko.
"Hala! Sige, ikaw bahala anak, uhu! uhu!" wika ni Nanay na inuubo ubo na naman.
Umakyat na ito sa taas. At ako naman ay patuloy sa pag kusot ng mga damit ng byudang matanda na nagmama-asim pa. Natatawa na nga lang ako kapag hinahatid ko ang mga labada niya, kung mag-ayos mukhang ililibing nang buhay.
Ilang oras rin bago ko natapos ang lahat, medyo mahapdi lang ang mga kamay ko na nag-sugat sanhi ng matapang na tinipid na detergent.
Nag sisimula na akong mag-sampay ng biglang uulan pa yata.. Asar!!!
Malakas ang naging buhos ng ulan, gawa ng may bagyo raw na papasok sa Pilipinas. Wala pa rito ang bagyo, pero halos magigiba na yata ang bahay nila sa lakas ng buhos ng ulan. Gawa sa kahoy na tinagpi-tagpi ang aming tahanan. Kaya pangarap ko kay Nanay at sa mga kapatid ko na itira sila sa magandang bahay. Kaya todo kayod rin ako para sa'kanilang lahat.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at naaubutan ko ang dalawang kapatid ko na nanginginig sa takot. Lalo na ng kumidlat ng malakas at biglang nag brown-out.
"Ate, nasaan ka po?" natatakot na tanong ni Monica.
"Nandito ang ate, saglit lang ha. Kukuha lang ako ng gasera. Hwag iiyak, behave lang ikaw." pagpapaala-ala ko rito.
Dahan dahan akong naglakad patungong kusina, dahil sa maliit lang naman ang aming tahanan. Kaagad kong nakita ang aking hinahanap. Mabilis ko itong sinindihan at dinala sa mga kapatid ko.
"Monina nandito na ang ate. Nasaan kayo?" sigaw ko. Sa sobrang dilim kasi hindi ko sila nakikita.
"Nandito kami ate," sigaw ni Monica. Kaagad kung sinundan ang boses nito, dahil alam kung takot na takot na rin sila ng mga sandaling 'yon.
Kaagad kong nilapag ang gasera at niyakap ang mga kapatid ko.
Ilang oras pa ang tinagal ng brown-out kaya nilaro ko muna ang dalawa kung nakababatang kapatid na babae. At dahil brown-out, tinuro ko sa mga ito kung paano gumawa ng kuneho, aso, ahas at iba pa, gamit lamang ang kamay at anino nito. Napapangiti sila at napapalakpak pa, kahit papaano nawawala ang atensyon nila sa malakas na bagyong Romeo.
Mga ilang oras na rin ang nakakalipas biglang bumukas ang ilaw. Tuwang tuwa ang dalawa kung kapatid, dahil makakapag laro na raw sila ng maayos.
Bago pa ako makalimot, ihahatid ko pala ang gamot ni Nanay. Kinuha ko ang gamot nito sa ibabaw ng cabinet at sinabay ko na rin ang baso na may lamang tubig. Habang naglalakad ako patungo sa kwarto nito, ang lakas ng bawat pag t***k ng dibdib ko na hindi ko mawari. Nang nasa tapat na ako ng kurtina na siyang nagsisilbing tabing sa kwarto ni Nanay, hinawi ko ito at pumasok na ako sa loob.
"Nanay, heto na po ang gamot nyo." wika ko, sabay lapag nito sa lamesa niya.
Napatingin ako sa itsura nito mukhang nahihimbing ang Nanay sa pag tulog. Hindi ko na siya iistorbuhin pa, lumapit ako at humawak sa kamay nito. Bigla akong nag taka at nanlamig ang mga tuhod ko at buong katawan ko. Nang mahawakan kong malamig ang kamay nito.
"Nanay? Nanay? Gising, gumising ka po." tawag ko sa pangalan nito. Ngunit hindi man lang ito kumikilos. Muli ko siyang niyugyog at nanlaki ang mga mata ko na may nagkalat ng mga dugo sa gilid ng higaan nito.
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko ng araw na 'yon. Hindiiiiiiiiiiiiiii!!!!!