❀⊱Avvi's POV⊰❀
Pag-gising ko ay nagtungo agad ako ng banyo. Nagulat pa ako ng pagharap ko sa salamin ay namamaga na ang aking mga mata dahil sa sobrang pag-iyak, kaya agad akong naghilamos ng malamig na tubig. Hindi ako makapaniwala na magdamag akong umiyak dahil sa nangyari kagabi. Ang lalaking 'yon, puro na lang yata pasakit ang ibibigay sa akin. Hindi ko na yata tutuparin ang anim na buwan na ipinangako ko sa aking sarili. Hindi ko na yata kakayanin na makasama pa siya sa loob ng anim na buwan, kaya hangga't hindi pa ako lunod na lunod sa pagmamahal sa kanya, hangga't kaya ko pang umiwas upang hindi gumuho ang mundo ko ay gagawin ko na. Tama na 'yung lagi niyang ipinamumukha sa akin na si Ate Natalie ang mahal niya. Ayokong magpakatanga sa isang lalaki na sa tuwing hahalikan ako, ibang babae ang iniisip at isinisigaw ng kanyang puso.
"Kasalanan mo ito Lucio, dahil sayo para akong zombie ngayon. I hate you talaga!" Inis na ani ni ko habang pinipindot-pindot ko pa ang talukap ng mga mata ko, pagkatapos ay padabog akong lumabas ng banyo at naghanda ng damit na isusuot ko.
Pagkatapos kong maligo ay napatingin ako sa pintuan ng aking silid. Iniisip ko kung dapat ba akong lumabas ng kwarto ko. Paano kung hindi pa nakaka-alis si Lucio para pumasok sa kanyang opisina?
Ayoko munang lumabas. Mas mabuti ng maghintay na lang muna ako dito kahit isang oras lang para makasiguro ako na walang Lucio sa labas.
Hindi na lamang ako lalabas ng silid ko, hindi pa naman ako gutom na gutom. Mamaya na lang siguro ako kakain kapag sigurado na akong wala na ang impaktong asawa ko sa papel na walang ginawa kung hindi ang saktan ako. Kaya sa halip na lumabas ako ng aking silid ay naupo ako sa kama. Nakita ko ang aking telepono kaya kinuha ko agad ito. Tatawagan ko na lang si Ynah para may makausap ako, pero ring lamang ito ng ring at hindi naman niya sinasagot. Sinunod ko si Trisha, pero katulad ni Ynah ay hindi nya rin ito sinasagot kaya kay Adi ako tumawag. Hindi ko alam kung gising na ba si buntis, pero sana ay gising na. Pero kahit yata sino ang tawagan ko sa mga kaibigan ko ay mukhang busy silang lahat.
Inis akong tumayo at sumilip sa napakalaking bintana na yari sa glass. Tinted naman ito kaya hindi ako nakikita dito sa loob. Humugot ako ng malalim na paghinga at hinila ko ang kurtina upang matakpan ang glass window. Muli akong bumalik sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama, tinignan ko kung anong oras na, mag-aalas nueve na pala. Baka wala na si Lucio. Ganitong oras kasi ay nasa opisina na siya.
Tumayo akong muli at patingkayad kong tinungo ang pintuan. Inilapat ko ang tainga ko sa pinto pero wala naman akong naririnig na ingay. Ibig sabihin ay umalis na ang asawa ko sa papel kaya simple akong ngumiti. Inalis ko ang pagkaka-lock deadbolt upang bumukas ito, at pagkatapos ay pinihit ko naman ang seradura, at bahagya kong binuksan ang pinto. Isang maliit na awang lang para kung sakali man ay hindi niya ako makikita at madali ko lang ito maisasara. Pero wala ng tao kaya ibinukas ko ito ng malaki. Pero laking gulat ko ng biglang isang kamay ang humawak sa aking braso kaya sa gulat ko ay napasigaw pa ako. Paglingon ko sa taong sumunggab sa akin ay ang asawa ko sa papel na mukhang puyat na puyat. Ibig bang sabihin nito ay kanina pa niya inaabangan na bumukas ang pintuan ko? Natulog ba ang lalaking ito? Bakit niya ginagawa ito? Nasaan na 'yung sinasabi niya na dapat ay wala kaming pakialam sa bawat isa?
"Bitawan mo nga ako, Lucio! Ano ba ang problema mo? Bitawan mo ako at babalik ako sa aking silid. Ayokong makita ang pagmumukha mo." Galit kong wika sa kanya at itinulak ko pa siya. Babalik sana ako sa silid ko pero iniharang niyang bigla ang katawan niya kaya tumakbo na lang ako patungong kusina. Bwisit talaga itong lalaking ito, may saltik yata ito sa utak.
"Ano ba ang kailangan mo? Bakit ba pineperwisyo mo ako? Uuwi muna ako kay ate, duon na lang muna ako, at wala akong pakialam kung hindi ka man pumayag, basta uuwi ako sa bahay namin." Inis kong sabi. Hindi naman siya kumikibo, naglalakad lang siya papalapit sa akin na hindi inaalis ang mga mata sa aking mukha. Mabilis na kumakabog ang dibdib ko, at kahit na anong paghinga ko ng malalim upang mabawasan ang pagtibok ng malakas ng puso ko ay tila ba mas lalo pa itong bumibilis.
"D'yan ka lang, huwag kang lalapit at sisipain ko 'yang itlog mo!" Malakas kong sabi. Pero ngumisi lang ito at patuloy lamang sa paglalakad palapit sa akin. Mas lalo tuloy tumitibok ng mabilis ang puso ko, 'yung halos pagtibok na lang ng puso ko ang naririnig ko. Ganoon kabilis at ganoon kalakas.
"We need to talk, Avvi. Makinig ka sa akin dahil mahalaga ang pag-uusapan natin." Ani niya.
"Ayokong makipag-usap sayo Lucio kaya huwag mo akong lalapitan. Kung gusto mo, puntahan mo si Ate Natalie, kayong dalawa ang mag-usap, at kapag naayos na ninyo ang problema ninyong dalawa, magpakasal na lang kayo. Ibibigay ko ang kalayaan mo, hindi ako magpapakatanga sa isang katulad mo."
"Tumahimik ka Avvi, hindi mo alam kung ano 'yang mga sinasabi mo. Kailangan nating mag-usap para malinaw sa ating dalawa kung ano ang relasyon natin. May gusto akong sabihin sayo, gusto kong makinig kang mabuti. Gusto kong bigyan ng isang pagkakataon ang marriage natin." Nagulat ako sa sinabi niya, pero nagmatigas ako. Hindi ko kasi alam kung sinasabi lang ba niya 'yan dahil nabitin siya kagabi. Tama, sigurado ako na iyon ang dahilan at hindi ko 'yon ibibigay sa kanya.
"Ayoko nga eh! Ang kulit mo Lucio! Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo." Sigaw ko sabay tulak ko sa silya kaya muntikan siyang madapa ng humarang ito sa harapan niya. Iyon ang kinuha kong pagkakataon upang makatakbo ako pabalik ng aking silid. Pero nahablot pa rin niya ako sa aking braso. Pagkatapos ay bigla niya akong niyakap mula sa likuran ko na ikinagulat ko naman. Isiniksik niya ang ulo niya sa may leeg ko, mas lalong kumakabog ng mabilis ang puso ko. Ano ba ang nangyayari sa lalaking ito?
"I know that I hurt your feelings last night, and I apologize for that. Mula ng ikinasal tayo, you have known the depth of my love for Natalie, and hindi ako sigurado sa aking sarili if I can stop loving her. Our marriage has been a huge mistake because I have never loved you at alam mo 'yan, but I am willing to give myself a chance in the hope that I may develop feelings for you. But, if I am unsuccessful na mahalin ka at si Natalie pa rin ang isinisigaw ng puso ko, maghihiwalay tayo at wala ka ng magagawa pa duon kung hindi ang tanggapin ito." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko siya matignan dahil nasa likuran ko pa rin siya, nakayakap sa akin at nakapatong ang kanyang baba sa balikat ko. Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa balat ko, mabango at talagang nakaka-akit, kaya ipinikit ko muna saglit ang mga mata ko.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Sa totoo lang ay nakakabigla ang sinabi niya. Hindi ko alam kung paano ako tutugon, napipi na yata ako.
"Are you willing to consider this opportunity? Maybe in six months, love could flourish between us. We can try to save our marriage, but if neither of us develops any feelings for the other, we will terminate our marriage." Mas lalo yatang bumilis ang pagtibok ng puso ko at dahil yakap pa rin niya ako, alam ko na naririnig niya at nararamdaman niya ang pagtibok ng puso ko.
Hindi pa rin ako kumikibo, hindi ko talaga alam kung ano ba ang isasagot ko sa kanya. Sa totoo lang ay gusto ko ang sinasabi niya dahil katulad niya, anim na buwan din ang ibinigay ko sa aking sarili.
"Do you love me, Avvi?" Tanong niya sa akin. Hindi ako makasagot, pero alam ko na ang hindi ko pagsagot ay enough na para makuha niya ang tamang kasagutan na gusto niyang marinig na hindi naman lumabas sa bibig ko.
"If your love is true, then help me fall in love with you. I'm giving myself six months to learn how to love you. At kapag hindi tayo nagtagumpay na magawa kong mahalin ka, saka tayo mag-usap tungkol sa divorce. Iyon naman ang gusto mo, hindi ba? Subukan natin Avvi, baka sakali na hindi pala si Natalie ang tunay na isinisigaw ng puso ko. Walang masama kung susubukan natin. Bigyan natin ang sarili natin ng chance upang mahalin ang isa't isa, at kung mabibigo man tayo, at least sumubok tayo." Para akong hihimatayin sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Nararamdaman ko na rin ang pagtibok ng kanyang puso, at katulad ko, para din itong sasabog sa bilis nito.
"Please," bulong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko pero nagawa kong tumango sa kanya. Siguro nga ay tama siya, walang masama kung bibigyan namin ang sarili namin na subukang mahalin ang isa't isa.
"Let's start today. I can't promise not to hurt your feelings, but I do promise to do everything I can to fall for you." Dagdag pa nyang ani. Hindi man ako nagsasalita, pero nagdiriwang ang puso ko. Sana ay ito na nga ang simula ng ng pagbabago ng lahat. Kung binibigyan nya rin ang sarili niya ng six months, hindi ko 'yon sasayangin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mahalin n'ya ako. I will tame the assassin's heart to make him fall in love with me.
"Uhm, nagugutom ka na ba?" Tanong ko. Wala kasi akong maisip na sasabihin sa kanya. Pero ngayon ko sisimulan na paibigin ang asawa ko upang makuha ko ang kanyang puso. Patutunayan ko sa kanya na kaya niyang alisin sa puso niya si Ate Natalie at sa huli ay ako na ang mag-mamay-ari ng kanyang puso.
Biglang humigpit ang yakap ni Lucio mula sa likuran ko at isang halik sa aking leeg ang ginawa niya kaya parang may bilyon-bilyong bultahe ng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. Mas lalo tuloy bumilis ang pintig ng aking puso. 'Yung feeling na hindi na ako makahinga, ganuon ang nararamdaman ko ngayon.
"Hindi pa ako kumakain, hindi pa rin ako natutulog, hinintay kasi kita para magkausap tayo. Gusto mo ba ako na lang ang mag-luto?"
"B-bakit hindi ka natulog?" Pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko. Ganito ba talaga ka-sweet ang isang Lucio Agaton?
"Kasi nga nasaktan kita kagabi, hindi ko sinasadya Avvi. Hindi naman lingid sayo kung ano ang nararamdaman ko para kay Natalie. Help me fall in love with you Avvi, gusto kong bigyan ng chance ang pagiging mag-asawa natin." Jusko hihimatayin na yata ako. Kalma lang kiffy, jusko kalma lang!
"Uhm, na-nagugutom na ako." Tanging sagot ko. Nakakainis naman ang sarili ko, bakit iyon ang sagot ko? Pero narinig ko syang tumawa at muling humalik sa leeg ko, pagkatapos ay bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at iniharap ako sa kanya.
"What do you want to eat? Me?"
Pagkasabi niya ay tumawa siya ng malakas at bigla akong hinalikan sa aking labi. Para akong naitulos sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung gaganti ba ako o itutulak ko sya. Pero bago pa man ako makakilos ay binitawan niya agad ang labi ko, binuhat niya ako ng pa-bridal style at iniupo ako sa silya na nakatapat sa dining table.
"Dito ka lang, ipagluluto kita ng masarap na agahan."
Napahawak akong bigla sa aking dibdib, pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa malakas at mabilis na pagtibok nito. Napatingin ako kay Lucio ng isinuot niya ang kulay itim na apron. Isang sulyap ang ibinigay niya sa akin at isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Napaka-kisig niya, grabe ang gwapo ng asawa ko!
"Wait ka lang diyan, Mrs. Agaton."
Pagkasabi niya ay muntikan pa yata akong malaglag sa silyang inuupuan ko. Jusko ka Lucio, ako ba ang gagawa ng paraan para main-love ka sa akin, o ikaw ang gumagawa ng paraan para mas lalo akong ma-in love sayo? Jusko, Mrs. Agaton daw!
Muli kong sinulyapan si Lucio, bahagya itong naka-squat sa harapan ng refrigerator at naghahanap ng kung ano ang pwede niyang lutuin. Ang mabilis na pagtibok ng puso ko ang halos magpawala ng ulirat ko.
Gagawin ko ang lahat upang mapa-ibig ko ang isang mabagsik na assassin.