bc

Taming The Assassin's Heart

book_age18+
7.8K
FOLLOW
111.1K
READ
second chance
badboy
mafia
like
intro-logo
Blurb

"Pakasalan mo ang kapatid ko, Lucio."

"What?! Are you insane? I will not marry your sister, for Pete's sake! Why on earth would you think that I'd marry her? Just because of what? Because you think I took her virginity? That was entirely her doing. How did I even end up in her bedroom in the first place? Unless... she must have brought me into her room while I was completely drunk. No, I refuse to marry her!"

Isang gabing pagkakamali ang nagawa ni Avvi, isang gabing pagsisisihan niya dahil naikasal siya sa lalaking wala ni katiting na pagmamahal para sa kanya.

Lucio Agaton, isang magaling na assassin ng Venum organization na may lihim na pagmamahal kay Natalie.

Isang lihim naman ang mabubunyag mula sa pagkatao ni Avvi ang ikagugulat ng kanyang asawa na si Lucio, si Lucio na laging ipinamumukha kay Avvi na kasal lamang sila sa papel.

Isang bagay na matutuklasan na magiging dahilan ng pagkakasira ng dalawang mag-kaybigan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 -Patola daw- ?
❀⊱Avvi's POV⊰❀ Matagal na akong may lihim na pagtingin kay Lucio aka Luciana, ang baklang kaibigan ng ate ko. Magkapatid nga kami ni Ate Marcia, dahil iisa ang lalaking nagugustuhan namin at ang masaklap ay isa pa itong binabae. Gwapo at machong binabae si Lucio, hindi ko siya lubusan na kilala, pero ang masasabi ko lang ay isa siyang hot na baklita. Makalaglag panty kapag hindi mo iisipin na isa itong bakla. Hindi naman siya katulad ng ibang binabae na mahilig mag make up, o kaya ay nagbibihis babae. Kung hindi ko alam na baklita ang Lucio na 'yon ay iisipin ko nga na tunay itong lalaki. Kaya siguro ako na-in love sa kanya dahil sa taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. Pilit kong itinatago kay ate ang tunay kong damdamin para kay Lucio, ayoko kasi siyang masaktan kahit alam ko naman na pareho kaming walang mapapala dahil nga binabae ang napupusuan naming magkapatid. Pero syempre, hindi naman kasi natuturuan ang puso ng isang tao. Kung ano ang niloloob nito, 'yon ang susundin dahil ito ang ipinagsisigawan ng aking puso. "Avvi, ano ba ang ginagawa mo diyan sa labas ha? Bakit ayaw mong pumasok dito? Sino ba ang hinihintay mo diyan sa labas at kanina ka pa dyan? Pumasok ka na nga lang dito." Bigla akong napalingon sa pintuan ng marinig ko ang boses ng ate ko. Napanguso ako, kasi naman ay narinig ko kanina sa pag-uusap nila ng kanyang kaibigan na si Ate Natalie ay darating ngayon dito si Luciana. Hihintayin ko siya dito, mag-iinuman sila nila ate kaya dito lang ako at sasamahan ko sila. "Wait lang ate, bibili lang ako sa tindahan," sagot ko. Nilingon ko pa siya at tinanong ko kung may gusto siyang ipabili sa akin, pero sabi niya ay wala naman daw kaya naglakad na ako palabas ng gate. Palingon-lingon pa ako dahil baka makita ko si Luciana, pero wala naman kaya nagtuloy na ako sa tindahan. "Bumili ka pala ng chips, paparating na dito si Lucio dahil mag-iinuman kami nila Ate Natalie mo. Huwag mo rin munang ikandado ang gate para hindi na siya kumatok pa," ani ni ate kaya simple akong ngumiti at tumango lamang ako sa kanya. "Oh my god, darating nga si Lucio at magkikita kaming muli," bulong ko sa aking sarili ng marinig ko ang sinabi sa akin ni ate. Pilit ko mang itago ang ngiti ko ay hindi ko naman magawa. Kinikilig ako kahit alam ko namang imposible dahil isa itong bakla. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sa dinami-rami ng mga lalaki sa mundo ay sa isang bakla pa talaga ako nagkagusto. Ano bang meron ang Lucio na 'yon at nakuha niyang patibukin ang puso ko? Nakakaloka naman! Pareho kaming tanga ni ate na nagmamahal ng isang bading. "Ate Aiza, pabili naman ng potato chips, kahit anong klase, basta potato chips ay okay lang. Pagbilhan din po ako ng tatlong beer light, iinom ako sa silid ko dahil hindi ako makatulog," wika ko kay Ate Aiza. "Aba nandito ka na pala, kailan ka pa dumating? Tagal nyo ring nawala dito, at dalagang-dalaga ka na, magandang dalaga." Napangiti naman ako kay Ate Aiza, masyado siyang nagsasabi ng totoo. Pero tama naman ang sinabi niya, more than six years din kaming nawala at mag-sixteen years old pa lang ako ng lumipat kami ng Baguio at duon na nanirahan. "Bumisita lang po ako dito, pero nagbabalak na rin naman akong dito na mamalagi sa Manila, tapos na naman ako sa pag-aaral ko ng college. Isa pa ay boring sa Baguio dahil nandito na sa Manila ang lahat ng mga kaibigan ko. Sana pumayag si ate, pero wala naman siyang magagawa kung dito na talaga ako maninirahan. Bahay naman nila nanay ang tinutuluyan namin," sagot ko at ngumiti lang siya sa akin sabay abot ng mga binili ko. Pagkabayad ko ay nagmamadali na akong bumalik sa bahay namin pero nabangga ako ng isang lalaki kaya nabitawan ko ang mga binili ko, nabasag ang tatlong beer ko. Galit na galit ako at sinigawan ko ang lalaking nakabangga sa akin. Pero natigilan ako dahil bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay nakilala ko agad ang lalaki ng mag-angat ako ng mukha. "Avvi? Anong ginagawa mo dito sa Manila?" gulat na tanong ni Lucio sa akin. Hindi naman agad ako nakapag salita dahil titig na titig ako sa kanyang mukha. Oh my god, ang gwapo niya talaga! Ang puso ko, jusko parang tatalon na dahil sa lakas ng pagtibok nito! "Ang paa mo, may sugat ka sa paa," ani niya kaya mabilis niya akong binuhat ng pa-bridal style. Oh my! Ang puso ko talaga ay parang sasabog dahil sa malakas at mabilis na pagtibok nito. Bakit naman ganito Lord? Bakit naman ang tigas ng dibdib niya at ang bango-bango niya? Bakit naman amoy lalaking-lalaki ang taong ito at hindi amoy bakla? Ano ba! Bakit ang sarap ng amoy ni Lucio, para tuloy akong naglalaway at gustong tikman ang alindog ng baklang ito. Hindi ko tuloy namalayan na sinisinghot ko na pala ang kanyang kilikili. Natigilan lang ako dahil narinig ko ang boses ni Lucio. "Avvi, anong ginagawa mo sa kilikili ko?" ani ni Lucio kaya biglang namula ang mukha ko. Hindi ko rin namalayan na nasa harapan na kami ni ate at ni Ate Natalie. Tinaasan ako ng kilay ni ate, pero nag-iyak-iyakan akong bigla kaya naman napalitan ng pag-aalala ang kanyang mukha. "Ate, tignan mo ang ginawa sa akin ni Luciana, dahil sa kanya nagdudugo ang paa ko. Kasi ate, nabitawan ko 'yung beer na binili ko para sa akin dahil binangga niya ako," umiiyak kong ani habang nakapikit ako ng bahagya. Tapos ay simple kong idinilat ang isang mata ko ng kapiraso lang upang tignan ang reaksyon nila. "Hoy Luciana! Ano ba ang ginawa mo sa paa ng kapatid ko? Alam mo ba na hindi ko 'yan pinapadapuan sa lamok, tapos bubog ng bote ang ipinadapo mo sa maganda at makinis niyang kutis?" inis na ani ni ate kaya mas lalo akong nag-iyak-iyakan. Nakikita ko naman sa mukha ni Lucio na natataranta ito at hindi alam kung paano magsasalita. Kasi naman ay dire-diretso na ang talak ni ate. "Binangga niya ako ate. Kung saan-saan kasi siya nakatingin. Baka may dumaang gwapo kaya ayun at nabangga niya ako," umiiyak kong sabi upang makalimutan nila ang pag-amoy na ginawa ko sa kilikili ni Lucio. Bakit ba kasi inamoy ko ang kilikili niya? Nakakaloka naman ang nangyari. Nakakahiya tuloy sa kanila. "Teka lang muna mga besh! Hindi ko naman 'yan sinasadya noh! Kasi naman naglalakad 'yang kapatid mo na parang natutulala. Huminto na nga ako ng makita ko siya noh, kaso dahil ang layo ng nararating ng kanyang isipan, ayun at nabangga pa niya ako kaya bumagsak ang mga hawak niya. So Kasalanan ko 'yon? Haleeer!" sagot ni Lucio. Pagkatapos kong marinig ang kulot niyang boses ay para na naman akong sinampal ng katotohanan na hindi nga kami pwede dahil pusong babae si Lucio. Jusko naman! Ang saklap naman ng kapalaran ko pagdating sa pag-ibig. Bakit kasi sa kanya pa ako na-in love? "Saka anong gwapo ba 'yang pinagsasasabi mo diyan? Wala ngang gwapo dito sa paligid ninyo, mga Haggardo Versoza ang mga kalalakihan ninyo dito noh! Parang hindi nadadantayan ng tubig ang mga balat, nakakaloka!" malanding ani muli ni Luciana. Lalo tuloy akong umatungal ng iyak kasi nga wala na talaga akong pag-asa sa isang baklitang ito. Isa na lang talaga ang paraan, pero paano? Jusko mapapatay ako ni ate kapag nilandi ko ang isang ito. "Ibaba mo na ang kapatid ko Luciana, kanina ko pa sinasabi sayo na ibaba mo siya dito sa sofa, pero bakit ba ayaw mo siyang bitawan?" ani ng ate ko kaya duon ko lang din napagtanto na karga pa rin pala ako ni Luciana. Oo nga naman, okay na ako, nandito na kami sa loob ng bahay pero karga pa rin niya. Takot ba siya na mademanda ko siya dahil nasugatan niya ako? "Naku hindi kita narinig. Kasi naman ako ang sinisisi ng kapatid mo noh! Pati mga Haggardo Versoza ninyo sa lugar na ito eh gusto pa yatang ipalaplap sa akin. Eww! Kadiri!" ani niya sa baklitang boses kaya napasibangot ako dahil wala talaga akong pag-asa. Bakla talaga siya. Kahit yata maghubad ako sa harapan niya, walang tatayo at mandidiri lang talaga ito sa akin. Nakakaloka na talaga itong puso ko, ang dami namang lalaki, bakit sa isang pusong babae pa? "Ibaba mo na nga kasi si Avvi, gagamutin ko ang sugat niya," ani muli ni ate kaya napatingin ako kay Lucio. Hindi kumikilos si Lucio, at ewan ko kung bakit ang bilis ng pagtibok ng puso niya? Kinakabahan siguro dahil alam niya na sisingilin ko siya sa mga nabasag na bote ng beer. Dapat lang niyang bayaran dahil siya naman ang bumangga sa akin. "Lucio, ibaba mo na si Avvi para malinis na namin ang sugat niya," ani ni Ate Natalie. "Heto na nga," ani ni Lucio, pero sa halip na ibaba niya ako sa sofa ay naupo siya sa sofa na nakahiga ako sa kandungan niya. Mas lalo tuloy bumibilis ang pagtibok ng puso ko kasi naman, O M G! Bakit parang may malaking nakaumbok? Nakupo, patola ang isang ito at hindi basta talong lang. "Lucio bakit ka umupo? Ang sabi ko ibaba mo ang kapatid ko diyan sa sofa para malinis namin ang sugat niya, saka maliit lang naman ang sugat niya kaya hindi mo naman siya kailangang pangkuhin," wika ni ate. "Hala, nalilito na ako! Bakit nga ba ako umupo? Ang bigat pa naman ng babaeng ito noh!" ani niya sa malanding boses. Mabilis naman siyang tumayo at maingat niya akong ibinaba sa sofa. "Kasi naman kayo, talak kayo ng talak sa akin kaya nalilito na ako," inis niyang sabi kaya itinuro ko sila ate. Kasi sila lang naman ang tumatalak at hindi ako. Na-enjoy ko nga na nasa kandungan niya ako kasi naramdaman kong malaki. Hala naman, bakit maya't maya tuloy ay napapatingin ako sa ano niya, jusko nagiging makasalanan na ako! "Avvi ano ba ang tinitignan mo?" ani ni ate ng mapansin niya ang mga mata ko na panay ang tingin ko kung saan, pero ang totoo ay napapatingin talaga ako sa ano ni Lucio. Alam ko rin na nakita nila kung saan ako nakatingin kaya mabilis akong nag-isip ng pwede kong idahilan. Nakita ko ang ilang patak ng dugo sa hapit na pantalong puti na suot ni Lucio, sa may gawing hita kaya agad ko itong itinuro. "Hindi ba at dugo 'yan?" ani ko. Napatingin naman sila sa hita ni Lucio, at maging si baklita ay tinignan din niya ang pantalon niya na may bahid ng dugo. Siguro ng binuhat niya ako kanina ay sumayad ang paa ko sa pantalon niya kaya nagkaroon ito ng mantsa ng dugo. "Naku pasensya ka na Lucio, mukhang mamahalin pa naman 'yang pantalon mo pero nagka-mantsa na dahil sa kapatid ko," ani ni ate kaya sumibangot ako. Ako pa talaga ang sinisi niya eh ako na nga ang nasaktan. "Okay lang, bigay 'yan ng boyfriend kong si Josh, pwede naman niyang palitan 'yan," ani niya kaya bigla akong napa-atungal ng iyak kaya lahat sila ay napalingon sa akin. "Anong nangyari sayo?" tanong ni ate na mabilis akong nilalapitan. Kita sa mukha niya ang pag-aalala. "Kumikirot ate, ang sakit-sakit," wika ko kaya natawa siya at kinuha ang lalagyan ng gamot upang gamutin na ang sugat ko. "Ang liit-liit lang naman nito pero kung makangawa ka, akala mo naman ay mapuputulan ka na ng paa," ani niya, pero ngumuso lang ako. Pwede ko bang sabihin sa kanya na hindi naman 'yan ang iniiyakan ko eh! Nakakainis naman kasi, narinig ko na naman ang pangalan ng nobyo niya. Sino ba kasi 'yang Josh na 'yan at bubuhusan ko talaga siya ng kumukulong langis para mawala na siya sa buhay ko. Hindi lang si ate ang kaagaw ko, pati ang Josh na 'yon. Sabi ni ate ay gwapo, bakit ba ang karamihan ng gwapo ngayon ay gwapo din ang hanap? Nakakainis naman kasi talaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook