❀⊱Avvi's POV⊰❀ Sa totoo lang, hindi ko alam na sweet pala si Lucio, mas lalo akong nahuhulog sa kanya habang lumilipas ang mga linggo. Nakakaramdam tuloy ako ng takot na baka kapag dumating ang araw na makaharap niya kaming dalawa ni Ate Natalie ay ito ang piliin niya at hindi ako. Madalas kasi ay nahuhuli ko siya na nakatitig sa phone niya at malungkot ang kanyang mga mata kahit na ngumingiti ang labi niya, sigurado ako na ang larawan na naman ni Ate Natalie ang tinititigan niya. Natatakot akong masaktan pero kailangan kong lumaban upang makuha ko ang puso niya. Hindi ako magseselos, kailangan kong tiisin ang lahat hangga't kaya ko. Sa ngayon ay napakaganda ng pakitungo sa akin ni Lucio. Alam ko na darating ang araw na ako na ang laman ng puso niya. Naniniwala ako na masu-sungkit ko rin