❀⊱Avvi's POV⊰❀
Nakarinig ako ng kaluskos sa labas ng silid ko kaya napabangon ako at idinikit ko ang tainga ko sa pintuan. Wala naman akong naririnig na kahit na ano kaya bumalik ako sa aking kama. Nahiga ako at ipinikit ko ang aking mga mata.
Ilang saglit ay narinig ko ang pagtunog ng aking telepono kaya napatingin ako dito at agad ko itong sinagot ng makita ko na si Adi ang tumatawag sa akin.
"Kamusta ka na? Magkakasama kami kanina nila Trisha kanina pero wala ka. Sabi ng ate mo ay inutusan ka niya, nagpunta kasi kami sa inyo. Kanina ka pa namin tinatawagan pero hindi mo kami sinasagot," wika niya.
"Dead Batt na phone ko kanina kaya talagang hindi ninyo ako matatawagan. Saan naman kayo nagpunta?" sagot ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni buntis kaya natawa na rin ako.
"Dito lang kami, pinuntahan ka namin sa inyo pero ate mo lang at si Ate Natalie ang nanduon, may iniutos daw kasi sila sayo kaya wala ka. Saan ka ba kasi nagpunta at hindi ka man lang tumawag sa amin," ani pa ni Adi.
"Namalengke. Ang dami kong pinamili, saka mainit sa palengke at hindi naman kayo sanay sa ganuong uri ng pamamalengke kaya hindi ko na kayo tinawagan," sagot ko.
Muli akong nakarinig ng ingay sa labas kaya napakunot noo na ako. Ang alam ko ay mag-isa lang ako dito at wala naman si Lucio dahil nag-iwan siya ng sticky note na nakadikit sa fridge at sinabi niyang out of country siya. Hindi ko alam kung saan at wala naman akong interes na malaman. Kinabahan tuloy ako, baka may nakapasok ng magnanakaw dito sa loob ng unit.
"Matulog ka na buntis, bukas na lang tayo mag-uusap ha, bawal sayo ang mapuyat," ani ko. Pumayag naman siya dahil inaantok na rin naman daw siya. Malalim na rin kasi ang gabi kaya kailangan na talaga niyang magpahinga. Pagkatapos naming mag-usap ay mabilis kong binitawan ang phone ko at naghanap ako ng pwede kong gamitin na pamalo.
Isang bote ng alak ang dinampot ko. Puno ito ng laman at may kabigatan ng bahagya. Maingat akong naglakad sa pintuan upang silipin kung sino ang nasa loob ng unit. Kumakabog ang dibdib ko, iniisip ko kung sino ang pwedeng pumasok dito sa loob ng ganitong oras. Sabi naman niya ay walang nakaka-alam na mag-asawa kami at condo building niya ito.
Humugot ako ng malalim na paghinga at pinihit ko ang seradura ng pintuan. Madilim sa buong paligid kaya patingkayad akong naglakad upang hindi ako makagawa ng kahit na anong ingay.
Malapit na ako sa living room ng mula sa likuran ko ay may yumakap sa akin sabay takip ng bibig ko kaya nagwawala ako. Pero dahil mas malakas ang taong yumapos sa akin ay hindi ako makawala. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil tinatakpan ng malapad niyang kamay ang bibig ko.
"Hmmmmp!" Impit kong sigaw pero wala akong magawa dahil malakas ang taong nasa likuran ko. Takot na takot ako kaya agad na tumulo ang mga luha ko. Idinikit ako sa dinding na nakaharap ang katawan at mukha ko sa dingding habang dinidilaan ng lalaki ang leeg ko. Amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya pero nagpipilit pa rin akong kumawala. Isinisigaw ng isipan ko ki Lucio kung nasaan na siya. Humihingi ng tulong ang isipan ko habang nararamdaman ko ang halik ng lalaking ito sa balikat ko.
"Avvi," bulong niya kaya nagulat ako ng makilala ko ang boses ni Lucio. Mas lalong bumilis ang t***k ng aking puso, lalo na ng ipinihit niya ang katawan ko paharap sa kanya at inalis ang kamay niya sa bibig ko. Walang sabi-sabi ay siniil niya ako ng halik kaya napapikit ako ng aking mga mata.
Gumagapang ang kamay niya sa dibdib ko habang ang dila niya ay humahagod na sa leeg ko. Iminulat ko ang mga mata ko, at dahil madilim ay hindi ko maaninag ang kanyang mukha, pero alam ko na lasing si Lucio, nararamdaman ko 'yon sa bawat halik na ginagawa niya sa akin.
Mabilis niyang nahubad ang pang-itaas kong pantulog, at sinapo ng labi niya ang namimintog na korona ng aking dibdib. Napapikit ako at kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang hindi ako makagawa ng kahit na mumunting ungol, ngunit taksil ang aking sarili dahil isang ungol ang umalagpas sa aking bibig ng halinhinan niyang isinubo ang korona ng aking dibdib.
Naramdaman ko ang pag-angat ko sa ere, ang paghapit ng matipunong braso niya sa aking baywang ng binuhat niya ako ng nakaharap ako sa kanya. Hindi niya inaalis ang bibig niya sa aking dibdib kaya napayakap na ako sa kanyang batok.
Naramdaman ko na nagsimula na siyang maglakad, bawat hakbang niya ay may kasiguruhan, alam na alam niya kung saan niya ako dadalhin. Nang makarating kami sa kanyang silid ay inihiga niya ako sa kama. Pumatong agad siya sa akin kaya damang-dama ko ang galit na galit niyang alaga na parang nagwawala sa loob ng suot niyang pantalon.
Humagod ang dila niya sa dibdib ko pababa sa aking puson at nilaro ng dila niya ang pusod ko. Pagkatapos ay muling hinagod ng dila niya ang katawan ko paitaas hanggang sa muling maglapat ang aming mga labi.
Ipinikit kong muli ang mga mata ko. Ayokong dumilat, ayokong makita niya na nagugustuhan ko ang ginagawa niya sa katawan ko, ayokong makita niya kung gaano ako nahuhumaling sa kanya. Gusto ko lang ay nakapikit ako. Baka sa pamamagitan nito ay masungkit ko ang puso ng isang Lucio Agaton.
"Ang bango mo, nakakabaliw ka," bulong niya kaya napayakap ako sa kanya ng muli niya akong siilin ng naglalagablab na halik. Ramdam na ramdam ko ang matinding pagnanasa na bumabalot sa buo niyang pagkatao. Maging ako ay nadadarang sa mga ginagawa niya sa akin, at dahil sa pagmamahal ko sa kanya at ipinagkakanulo na ako ng aking sariling damdamin.
"Ohhhh Lucio, bulong ko ng maramdaman kong muli ang mainit niyang bibig sa korona ng aking dibdib, ang bawat halik niya ay mas lalong nagbibigay init sa buo kong katawan.
Muling naglapat ang aming mga labi. Lasang-lasa ko ang alak sa kanyang bibig na tila ba nagiging dahilan kung bakit para akong nalalasing sa makamundong pagnanasa.
"Luciooo..." ani ko ng gumapang ang kamay niya at nakarating sa pagitan ng aking mga hita. Madiin kong ipinikit ang aking mga mata ng maramdaman ko na pumaloob ang kamay niya sa undies ko at mabilis na humimas sa aking hiyas. Gusto kong umungol ng malakas, ngunit ipinikit ko lamang ang mga mata ko at kinagat ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ko ang aking sarili.
Alam kong lasing na lasing si Lucio, pero hindi ko kayang pigilan ang kakaibang sensasyon na ipinaparanas niya ngayon sa akin.
"Natalie, mahal kita, mahal na mahal kita..."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang sinabi ni Lucio. Agad na nagtuluan ang aking mga luha at malakas ko siyang itinulak. Madilim man ang paligid, pero naaaninag ko ang kanyang mukha, ang pagkagulat niya dahil sa pangalang isinisigaw niya. Ang sakit, para akong mamatay na ang lalaking minamahal ko, pilit akong sinasaktan. Pilit niyang ginuguho ang mundo ko.
"Ah... A... I'm sorry," bulong niya. Pero muli kong itinulak ng malakas ang katawan niyang nakapatong sa aking ibabaw habang sige lamang na dumadaloy ang aking mga luha.
"Bitawan mo ako, Lucio!" malakas kong ani ng niyakap niya ako.
"I'm so sorry Avvi," muli niyang bulong sa akin. Pero pilit ko siyang itinutulak palayo sa katawan ko. Ayoko ng ganito, sobra na niya akong nasasaktan.
"I hate you."
"I'm so sorry, please forgive me," bulong niya pero hindi ko na siya pinapakinggan pa. Akala ko ay ito na ang simula na baka pwede ngang mahulog ang loob niya sa akin, pero si Natalie pa rin ang isinisigaw ng kanyang puso.
"Please, let me explain Avvi," wika niya pero umiling lang ako at isang mas malakas na tulak ang ginawa ko sa kanya. Pero hindi ko siya natinag kaya niyakap niya ako ng mahigpit. Humagulgol na ako dahil hindi ko na kinaya pa ang sakit na dala nito sa aking dibdib. Ganito pala ang magmahal sa isang tao na iba ang nilalaman ng puso. Masyadong masakit, parang hindi ko na kaya.
"Please, gusto ko ng matulog," wika ko kaya naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakayakap niya sa akin. Kinuha ko na ang pagkakataong 'yon. Nagmamadali na akong tumakbo palabas ng kanyang silid at hindi ko na siya nilingon pa. Tumakbo lang ako na takip ng mga kamay ko ang kahubdan ko.
"Fuuuuuck!" malakas na sigaw ni Lucio. Kaya mas lalo akong nagmadali na makalabas ng kanyang silid.
Pagkarating ko ng aking silid ay kinandado ko agad ang aking pintuan, at dahan-dahan akong napapaupo sa sahig habang yakap ko ang aking sarili. Iyak lamang ako ng iyak. Gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko sa pamamagitan ng aking mga luha. Para akong sasabog sa sobrang galit na nararamdaman ko. Akala ko ay okay na, akala ko ay ito na ang simula ng pagbabago, pero mas masakit ang katotohanang sumasampal sa aking pagmumukha na si Ate Natalie pa rin ang tanging nilalaman ng kanyang puso.
"Avvi, mag-usap tayo, buksan mo ang pintuan," ani niya habang sige lamang siya sa kanyang pagkatok. Pinihit ko ang deadbolt upang hindi siya makapasok dito sa loob kahit na may susi pa siya.
"Please Avvi, kailangan nating mag-usap," wika niya habang kumakatok lamang siya sa pintuan ko.
"Leave me alone! Ayokong kausapin ang isang katulad mo. Duon ka na lang kay Natalie mo!" malakas kong sigaw at nagtungo na ako sa loob ng banyo upang hindi ko na marinig pa ang pakiusap ni Lucio.
Iyak ako ng iyak, pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako ng aking asawa. Pero wala akong magawa dahil sa simula't simula pa lang, alam ko na ang pagiging mag-asawa namin ay tanging sa papel lamang.
Pinihit ko ang knob ng shower at itinapat ko ang katawan ko sa bumubuhos na tubig. Nakatayo lamang ako, kasabay ng pagbuhos ng tubig sa aking katawan ay ang pagbuhos din ng aking mga luha.
"I hate you Lucio, ipinapangako ko sayo, paiibigin kita, at kapag lunod na lunod ka na sa pagmamahal mo sa akin, ako naman ang magpaparanas sayo ng sakit na ipinaparanas mo sa akin ngayon. I hate you so much."
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako. Nahiga ako sa kama at muli na namang dumaloy ang aking mga luha. Ayoko ng umiyak, pero wala akong magawa dahil tinatalo ng puso ko ang aking isipan.
Humugot ako ng malalim na paghinga. Bumangon ako at nagtungo ako sa pintuan. Pinakinggan ko kung ano ang nangyayari sa labas, pero wala na akong naririnig. Muli akong bumalik sa aking kama. Pagkahiga ko ay ipinikit ko ang aking mga mata at muli na naman akong umiyak. Parang alingawngaw na bumabaliw sa aking isipan ang mga katagang binitawan ni Lucio kanina.
Bakit si Ate Natalie pa rin Lucio? Asawa mo na ako, mahirap ba akong mahalin? Hindi ba ako karapat-dapat na mahalin? Bakit naman ganuon kasakit ang kailangan niyang iparanas sa akin?
Kinuha ko ang telepono ko. Pinindot ko ang 'private file' at pagkatapos kong itipa ang pincode ko ay pinagmasdan ko ang mga nakaw na larawan ni Lucio.
Mahal na mahal kita Lucio, nuon pa mang una kitang makita ay mahal na mahal na kita. Sana ay hindi mo na lang ako pinakasalan kung sasaktan mo lang din ako ng ganito. May pagkakataon kang tumanggi, may karapatan kang tumanggi pero hindi mo ginawa. Sana ay hindi ko nararanasan ito ngayon. Ibinalik ko ang phone ko sa end table, at ipipikit ko na lang sana ang aking mga mata ng marinig ko ang pagpihit ng seradura ng aking silid, pero hindi ko na ito pinansin pa. Alam ko naman na hindi na siya makakapasok pa dito dahil habang wala siya at nasa ibang bansa ay nagpakabit ako ng deadbolt.
"Avvi, buksan mo ang pinto, kailangan nating mag-usap," ani niya ng malakas.
"Matulog ka na Lucio, saka na lang tayo mag-usap kapag hindi ka na lasing." Malakas kong sagot habang humihikbi ako. Gusto ko na lang matulog at kalimutan ang sakit na nangyari kanina.