Chapter 7 -I am married-

2372 Words
◄Lucio's POV► "Kuya nandito sila Kuya Calix at Kuya Josh. May lakad daw kayo ngayong gabi. Ang gwapo talaga ni Kuya Josh, nakakakilig," "Keziah! Sinabi ng tumigil ka ng kakapantasya mo sa kaibigan ko dahil pamilyado na si Josh," inis kong sabi sa kapatid ko na tila ba kinikilig pa. "Hmph! Why are you so suplado ba lately, ha? It's just a crush lang naman, and besides I know naman na married na si Kuya Josh, ang suplado mo talaga kuya. Nandito pa naman ang mga friends ko tapos inaaway mo ako," wika niya kaya napapailing ako na napatingin sa dalawa niyang kaibigan na kumakain. Si Rasselle Regala at si Alona Rivera. Kilala ko si Alona, kilalang-kilala ko dahil assassin ito ni Red. Pero dahil bata pa lang sila ay magkaibigan na sila ng aking kapatid ay wala naman akong tutol, basta huwag lang niyang hihikayatin ang kapatid ko na maging isang katulad namin. Si Rasselle naman ay kilala ko rin mula ng mga maliliit pa lang kami. Makukulit ang dalawang kaibigan ng kapatid ko, parang si Avvi lang. Huh! Hindi ko makalimutan na balak niya akong takasan. Saan ka naman nakakita na tumatakbo ng naka-paa? Kaya ayun ang takbo niya ay parang kumekendeng na bibe kaya ang bilis ko lang siyang inabutan. Teka nga, bakit ko ba naiisip ang babaeng 'yon samantalang sinira niya ang buhay ko? Dahil sa kanya ay mahihirapan na akong makalapit kay Natalie. "Bakit ka nakangiti? Siguro may nililigawan na si kuya kaya ngiting-ngiti." Bigla akong napalingon sa aking kapatid at kumunot ang noo ko. Ano ba ang pinagsa-sasabi ng aking kapatid? Bakit naman ako ngingiti? Kay Avvi, ngingiti ako? Sakit ng ulo ang ibinibigay sa akin ng babaeng 'yon. "Lucio anak, nandito ka na pala. Kailan mo ba tutuparin ang pangarap namin na mag-uuwi ka na dito ng asawa? Anak matagal na kaming humihingi ng apo mula sayo. May girlfriend ka na ba o kaya ay nililigawan?" Bigla naman akong napalingon sa aking ama. "Hey, Dad. Wala akong iuuwing asawa dito dahil wala pa sa plano ko ang pagpapakasal, unless na lang na ang babaeng gusto ko ay ako ang pipiliin." "Are you saying na may nililigawan ka na hijo?" natutuwang ani naman ng aking ina. Bigla tuloy pumasok sa isipan ko si Natalie at napapangiti na ako. "Oh my god honey, tignan mo ang ngiti ng anak natin, in love ang Lucio natin." Natawa naman ako sa aking ina at niyakap ko lang ito at hinalikan sa kanyang noo. Yes, in-love naman talaga ako kay Natalie kahit nuong una ko pa lang siyang makita. "Hi mom, I miss you. Kayo talaga ni Dad, kinulit pa rin ako tungkol diyan," bulong ko sa kanya habang yakap ko pa rin ang aking ina. Nginusuan naman ako ng kapatid ko ng mapatingin ako sa kanya, sabay labas ng dila niya at binelatan ako kaya napapailing na lamang ako. "Nasa living room ang dalawa mong kaibigan anak, si Josh at si Calix, nakita ko kanina, hindi ko lang alam kung nanduon pa sila kasi pinuntahan sila ng kapatid mo kanina," ani ng aking ama kaya nagmamadali na akong nagtungo sa living room, pero wala sila dito kaya tinignan ko kung nasa mini bar sila, ngunit wala din kaya nagtanong na ako sa aming kasambahay. "Naku senyorito nanduon po sila sa garden, hindi po ba sinabi sa inyo ni Senyorita Keziah? Ipinasabi po kasi ng mga kaibigan ninyo sa kapatid nyo na duon sila sa garden maghihintay." Natawa na lang ako. Ano ba ang maaasahan ko sa aking kapatid? Basta nakita niya si Josh ay para 'yong bulate na kinikilig. Kahit alam niya na may asawa na ang kaibigan ko ay kinikilig pa rin ito. Napapailing na lang ako at nagmamadali na lang akong nagtungo ng garden upang puntahan ang dalawa kong kaibigan. "Tagal mo naman? Kanina pa kami nandito, nainip na kami sayo, aalis na nga sana kami," ani ni Calix at sinuntok pa ako sa malaki kong braso. "Anong oras ba ang lakad natin? Akala ko ba ay mamayang gabi pa 'yon, bakit ang aga naman yata ninyo dito?" "Mamaya pa nga tayo pupunta ng bar, mga bandang alas otso ng gabi. Nandito kami dahil gusto ka sana naming kausapin ni Josh. Halos dalawang linggo na kasi namin napupuna na mukhang umiiwas ka yata sa amin kaya dito ka namin pinuntahan sa inyo. Hindi ka kasi namin mahagilap sa condo unit mo. Bakit parang hindi ka na yata umuuwi sa condo mo? May ibang condo ka ba na inuuwian? Pasensya na bro, alam kong may sumpaan tayong tatlo na walang gagamit ng tracker natin upang hanapin ang isa't isa, pero minsan napapaisip akong buksan upang malaman lang kung nasaan ka kasi umiiwas ka sa amin. Kung hindi ka pa namin nakausap kagabi, hindi pa ulit tayo magkakasama ng ganito," ani ni Calix. "Pasensya na kayo bro, minsan lang ay gusto kong magkaroon ng me time, you know what I mean," sagot ko kaya natawa lang sila ng mahina. "May itinatago ka bang babae sa amin kaya ka laging umiiwas? Umamin ka nga sa amin Lucio. Magkakaibigan tayo dito, dapat ay walang lihiman," wika ni Josh. Bata pa lang kaming tatlo ay magkakaibigan na kami, kasama sila Marcus. Kaming tatlo ay sabay-sabay na pumasok sa organisasyon ni Marcus nuon dahil pinag-isipan namin itong mabuti. Si Calix ang pinaka best friend ko dahil magkaibigang matalik ang mga magulang namin. Naging close lang kami kay Josh nuong mga bata pa kami hanggang sa lumaki kami na naging magkakaibigan kaming tatlo. Sa aming grupo ng Venum at kaming tatlo ang magkakasangga sa hirap man o ginhawa. Pangako namin 'yan sa isa't isa nuon pa man. "Wala akong itinatagong babae. Kung ano-ano ang iniisip ninyo. Parang hindi naman ninyo alam kung sino talaga ang gusto ko," wika ko. "Alam na alam namin kung sino ang mahal mo, pero alam mo rin na hindi pwede dahil kasal pa rin sila ng Aaron Scott na 'yon. Hindi itinuloy ng lalaking 'yon ang divorce nila. Alam din natin na mahal pa rin ni Natalie ang kanyang asawa na akala niya ay ex-husband niya. May anak pa sila bro, maraming babae kaya ihanap mo ang puso mo ng babaeng nararapat para sayo. Baka nasa paligid lang at naghihintay na mapansin mo," ani ni Calix. Siya kasi ang nag-imbestiga kung ano ang estado ng relasyon ni Natalie at ni Aaron. Natahimik lang ako. Sa tingin ko ay hindi ko na kayang palitan pa si Natalie sa puso ko. Masyadong malalim ang pagmamahal ko para sa kanya. Ngayon ay mas lalo akong nawalan ng pag-asa na mapa-ibig ko si Natalie dahil kay Avvi. Dahil sa plano niya kaya naikasal ako sa kanya. Kung hindi lang nakiusap si Natalie, hinding-hindi ko pakakasalan si Avvi. Muling pumasok sa isipan ko ang pagtakbo niya sa basement ng sinubukan niya akong takasan. Naalala ko kung paano kumendeng ang pwet niya habang tumatakbo. Maganda si Avvi, balingkinitan ang katawan, at napaka-sęxy din niya. Siguro kung hindi ganuon ang nangyari sa amin ay baka may chance pa, pero inakit niya ako ng gabing 'yon kaya kami humantong sa kasalan na siya lang ang masaya. Kung hindi niya ako hinalikan, hindi ako madadarang, hindi magliliyab ang makamundong pagnanasa ko na maangkin ang katawan niya. Iyon ang nangyari at iyon ang pinagkakaila niya sa akin. Akala yata niya ay hindi ko naaalala ang gabing 'yon, ang gabing hinuhubaran niya ako kaya mas lalong nag-init ang buong katawan ko, kaya hinangad ko na maangkin ang katawan niya. Tapos sasabihin niya sa akin na hindi niya ako sinimulan? Nasa labas pa lang kami ng silid niya ay hinalikan na niya ako. Lasing ako at hindi ko kayang kontrolin ang katawan ko, ang katinuan ng isip ko kaya ko sya nagawang angkinin. Pero kung hindi niya ako sinimulan, hindi mangyayari 'yon. Hindi ko sana siya asawa ngayon. "Natahimik ka na? Sabi ko na nga ba at may gumugulo sayo, bro," ani ni Calix kaya napatingin ako sa kanya. Pagak akong tumawa kaya inakbayan ako ng dalawa. Gusto kong magalit, gusto kong manuntok upang mailabas ko ang galit ko, pero hindi ko magawa dahil kahit na ano pa ang gawin ko, wala na akong magagawa dahil kasal na kami ni Avvi. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Nagsindi ako ng sigarilyo at naglakad-lakad ako sa malawak na garden na tila ba kay lalim ng iniisip ko. Nararamdaman ko na nakasunod lang sa akin ang dalawa kong kaibigan. Hindi naman ako lumilingon sa kanila, sige lang ako naglalakad at humihitit sa sigarilyo ko, pagkatapos ay huminto ako sa paglalakad saka pa lang ako humarap sa kanila. "I'm married," wika ko. Nanlaki ang mga mata ng dalawa kong kaibigan. Hindi sila makapaniwala sa narinig nila o baka iniisip nila na nagbibiro lang ako lalo pa at wala naman akong suot na singsing, at wala pa rin akong ipinapakilala sa kanila na kasintahan ko. "You are joking, right?" ani ni Josh sabay tawa nito ng malakas. Maging si Calix ay tumatawa at kinuha pa ang sigarilyo na nakaipit sa daliri ko at hinitit niya ito. "Oh man! Tell me you are joking," ani ni Calix ng makita niya na natahimik ako at seryoso ang mukha ko, kaya maging si Josh ay napatigil sa pagtawa. "You are not joking?" gulat na ani ni Calix at nabitawan pa nito ang may sinding sigarilyo ko. Napahilot ako sa sintido ko at tinalikuran ko silang bigla saka ako naglakad palayo sa kanila, pero hinabol nila ako at pinigilan sa balikat ko. "Darn it, Lucio! Magsabi ka nga sa amin ng totoo. How on earth did you get married without telling us? Magsabi ka sa amin bro, pinikot ka ba? Tinutukan ka ba kaya hindi mo nagawang tumanggi?" may galit na ani ni Calix. "Magsabi ka kasi sa amin. Magkakaibigan tayo dito kaya dapat ay walang lihiman. Sino ang asawa mo at paano 'yun nangyari? Wala naman kaming alam na ibang babae na pinagpapantasyahan mo kung hindi si Natalie lang. Isinama mo nga ako dati sa Baguio, hindi ba? Kasi ipinakilala mo akong nobyo mo kay Natalie upang hindi ka lang niya mabuko na isa kang tunay na lalaki, dahil ayaw mo siyang magalit sayo. Ganuon mo sya kamahal kaya imposible na may ibang babae diyan sa puso mo," ani ni Josh sa akin. "May nangyari kasi sa amin ng gabing 'yon kaya pinilit nila akong pakasalan si Avvi," sagot ko kaya pareho silang natigilan dahil sa sinabi ko. Alam ko na kilalang-kilala nila si Avvi, lalo pa at nagkakataon na sa akin nila ipinapareha si Avvi kapag may kasiyahan ang grupo namin. "What the fuuuck! Are you talking about Adriana's friend?" ani ni Calix kaya humugot ako ng malalim na paghinga. "What the hell, bro! Ano ba talaga ang nangyari at humantong kayo sa kasalan? Bakit ka pumayag kung alam mo naman sa sarili mo na hindi mo mahal ang kaibigan ng asawa ni Sebastian. Malaking gulo 'yan bro dahil kaibigan 'yan ni Adriana, Trisha, Jhovel na kapatid ni Orion at ni Ynah. Isipin mo 'yan," ani ni Josh. "And? Should I be afraid? Wala akong pakialam kahit na sino pa ang kaibigan ni Avvi. Wala akong kasalanan sa nangyari ng gabing 'yon, I was completely drunk, pero hindi ko makakalimutan na siya ang nag-initiate kung bakit ako nawala sa katinuan. Kung hindi niya ako hinalikan, kung hindi niya tinangka na may mangyari sa amin ng gabing 'yon ay hindi naman ako mapupunta sa sitwasyong ito. Siya ang may kasalanan ng lahat." May galit kong ani. Narinig ko ang halos sabay nilang paghugot ng malalim na paghinga. "Sino-sino ang nakakaalam na ikinasal ka kay Avvi?" tanong ni Calix. "Ate lang niya at si Natalie. Kung hindi lang ako kinausap ni Natalie ay hindi ko pakakasalan si Avvi. Sa papel lang kami kasal, at mananatiling sa papel lamang kami kasal ng aking asawa. Bali-baligtarin ko man ang mundo, si Natalie lang ang nilalaman ng aking puso." "Shiiiit!" "Dąmn it, bro!" Hindi naman ako kumibo. Alam ko na nagulat sila sa sinabi ko. Pero katulad nga ng sinabi nila sa akin kanina, dapat ay wala kaming lihiman dahil kaming tatlo ang matalik na magkakaibigan mula pa ng bata kami. "So, wala kang plano na sabihin ang lahat ng ito kay Marcus?" tanong ni Calix. "Labas na ang personal kong buhay at problema sa pagiging assassin ko sa organisasyon. Hindi na nila kailangan pang malaman ang tungkol dito. I was giving myself six months upang subukang mapalapit sa akin si Avvi, susubukan ko na baka tumibok ang puso ko sa kanya, pero kapag hindi ko ito magagawa ay makikipag divorce ako sa kanya. Six months lang, at kapag hindi ko nagawang mahalin si Avvi sa loob ng anim na buwan ay kusa akong makikipag hiwalay sa kanya, at ilalatag ko sa harapan niya ang divorce paper namin sa ayaw at sa gusto niya." Natahimik naman sila, pero marahas silang nagbuga ng hangin. Pagkatapos ay tinapik nila ako sa aking balikat kaya napangiti lang ako ng simple sa kanila. Ngiting walang emosyon dahil hindi ko naman alam kung paano ba ngumiti kung ang babaeng pinag-uusapan namin ay hindi ko naman mahal. "Okay bro, makaka-asa ka na wala kaming pagsasabihan ng tungkol sa inyo ng Avvi na 'yon, ng asawa mo, pero sana subukan mo ang lahat ng makakaya mo para mapaibig ka sa kanya. Kilala kita Lucio, matigas ang puso mo, at baka sinadya ito ng tadhana upang malaman mo na hindi si Natalie ang nakalaan sayo. Timbangin mo ang damdamin mo bro, huwag mong sasaktan ang asawa mo, baka kapag napatunayan mo sa sarili mo na mahal mo na pala si Avvi ay siya naman ang mawala sayo. Tandaan mo, nandito lang kami ni Josh, ang laban ng isa ay laban nating tatlo kahit na sino pa ang makabangga natin." Humugot ako ng malalim na paghinga at muli akong nagsindi ng sigarilyo. Hindi mawala sa isipan ko ang huling binitawang salita ni Calix. Matagal ko ng alam na may pagmamahal sa akin si Avvi. Nuon pa man ay madalas ko na siyang mahuli na tinititigan ako, at kapag nahuhuli ko siya ay bigla niya akong tinatalikuran. Sa totoo lang, hindi ko alam kung kaya ko nga ba siyang mahalin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD