Chapter 6 -Takbo Avvi-

2377 Words
❀⊱Avvi's POV⊰❀ "Bakit ba kasi kailangan mo pa akong iuwi, Lucio? Okay naman ako kila Ate Marcia. Kung gusto mong makita si Ate Natalie, puntahan mo na lang siya duon pero sana itapat mo naman na wala ako. Hindi ko kailangan makita kung paano mo susuyuin ang kaibigan ng ate ko. Okay lang din sa akin kahit na sino pang babae ang kalantariin mo. Please lang ibaba mo ako ng sasakyan at babalik ako kay ate. Ayoko sa condo mo, ayokong makasama ka sa iisang bubong." Hindi niya ako pinansin. Wala siyang pakialam sa sinasabi ko at hindi rin niya ako ibinaba ng kanyang sasakyan. Nakarating kami ng kanyang condominium building at pagka-hinto ng sasakyan sa basement parking lot ay agad akong bumaba bitbit ang maliit kong bag, pero hindi ako dumiretso sa elevator, mabilis lang akong tumakbo palayo upang takasan si Lucio at umuwi ako sa amin. "Goddammit! Avvi, come back here!" Malakas niyang sigaw kaya lumingon ako sa kanya. Nang makita ko na hinahabol na niya ako ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Jusko bakit ang hahaba ng binti niya? Ang isang hakbang niya ay tatlong hakbang ko na yata, grabe kailangan ko pang tumakbo ng mas mabilis. Nararamdaman ko ng papalapit na siya sa akin kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko upang hindi niya ako maabutan. Pero laking gulat ko ng bigla na lang niya akong niyakap mula sa likuran ko, pagkatapos ay binitbit na naman niya ako sa kanyang balikat na parang isang sakong bigas. "Lucio, uuwi ako sa amin. Ibaba mo ako! Buwitre kang impakto ka! Ayoko dito, gusto ko ng bumalik kay ate." Malakas kong sigaw pero sa halip na sundin niya ako ay bigla niya akong pinalo sa puwitan ko ng malakas. "Masyado kang pasaway Avvi, nakakasakit ka ng ulo," ani niya sa akin at muli akong pinalo sa puwitan ko. "Bwisit ka!" malakas kong sigaw sa kanya. Gusto kong bumalik sa bahay namin, ayokong makasama ang impaktong ito sa iisang lugar. Masyado na akong nasasaktan sa mga ginagawa niya sa akin. "Masyadong matigas ang ulo mo. Huwag mong hayaan na mapikon ako sayo at ikulong kita sa condo. Isang-isa na lang Avvi, dahil sa susunod, hinding-hindi ka na makakalabas pa ng condo." Hindi ako kumibo, syempre kinabahan ako dahil paano ko ito maipapaliwanag sa mga kaibigan ko kapag hinanap nila ako. "Matakot ka sa akin Avvi dahil hindi ako nagbibiro. Kapag sinabi ko sayo na iuuwi kita, iyon ang masusunod, at kapag sinubukan mo ulit na takasan ako, ikukulong na kita sa silid mo para hindi ka na makalabas pa ng condo ko, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko sayo?" Malakas niyang ani. Huminto siya sa harapan ng elevator at pinindot niya ito. Hindi pa rin ako nagsasalita, naiinis ako sa kanya dahil siya ang sumisira sa sinasabi niyang walang pakialamanan. Pagkarating namin sa loob ng condo unit niya ay ibinaba na rin niya ako kaya mabilis akong tumakbo sa loob ng aking silid. Ikinandado ko agad ang pintuan upang hindi siya makapasok dito sa loob. Hindi na mauulit ang nangyari kanina sa bahay nila ate. Hindi na ako magpapadala sa halik ng buwitre na 'yon. Pero aaminin ko na kinakabahan ako, paano kung totohanin niya ang banta niya sa akin na ikukulong niya ako dito? Hindi pwede, kaya dapat huwag ako magtitigas ng ulo, ayokong makulong mag-isa dito sa condo niya. Nakakaramdam ako ng gutom pero hindi ako lalabas ng silid ko. Mamaya na lang, isa pa ay kailangan ko na rin maligo, masyado na akong naiinitan, gusto kong maginhawahan ang katawan ko. Gusto ko rin mawala ang inis ko sa lalaking 'yon. Nagtungo ako ng banyo, pero bumalik ako sa silid upang katangan ng silya ang doorknob ng pintuan ng aking silid, gusto kong makasiguro na hindi makapasok dito sa loob si Lucio habang naliligo ako sa banyo. Baka manyakin akong muli at magpa-manyak naman ako. Jusko ang rupok ko pagdating sa kanya. Ganuon ko yata talaga siya kamahal. Pagkatapos kong maligo ay nahiga na ako sa aking kama, pero nagugutom talaga ako dahil hindi pa naman ako naghahapunan. Napurnada nga ang pagluluto ko dahil dumating ang buwitreng impakto. Bumangon na lang ako, nakiramdam ako sa paligid at itinapat ko ang tainga ko sa pintuan. Wala naman akong naririnig kaya lumabas ako ng aking silid at sumilip sa kaliwa at sa kanang bahagi, pero wala namang tao. Humugot ako ng malalim na paghinga at napatingala ako, may naamoy kasi akong pagkain, siguro ay nagluluto sa kabilang condo unit, tapos may bukas kaming bintana kaya naaamoy ko ang pagkain. Ipinikit ko ng mga mata ko, at pagkatapos ay muli kong iminulat ang aking mga mata at patingkayad akong nagtungo ng kusina—pero natigilan akong bigla ng makita ko si Lucio na walang pang itaas, ngunit nakasuot ito ng kulay itim na apron. Hindi ako nakakilos habang pinagmamasdan ko siya na nagluluto. Sobrang ganda ng kanyang pangangatawan, napaka-kisig niyang tignan habang nagluluto siya ng kung ano mang mabangong pagkain na nasa magandang kawali na kulay gold. Amoy na amoy din sa buong unit ang mabangong pagkain na niluluto nito. Kung ano man ang pagkaing niluluto niya, ngayon pa lang ay naglalaway na ako. Humakbang ako paatras upang bumalik sa aking silid, pero bigla siyang napalingon sa akin ng makagawa ako ng maliit na ingay. "Gutom ka na ba? Matatapos na ang niluluto ko kaya maupo ka na," wika niya kaya tumaas ang kilay ko. Hindi ako kumibo, pero nagugutom talaga ako. "Maupo ka na sinabi diyan. Malapit na itong matapos, sabay tayong kakain," ani niya. Pero hindi pa rin ako kumikilos. Ni hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko sa kanya. Napatingin siyang muli sa akin, hindi ako nagsasalita at ibinaling ko lang ang tingin ko sa ibang direksyon. Naramdaman ko ang bulto na nakatayo sa harapan ko kaya bigla akong napaharap dito at nagulat ako na seryosong nakatitig sa akin si Lucio, ang lalaking asawa ko lang daw sa papel. Walang kaabog-abog ay bigla niya akong binuhat ng pa-bridal style, at naglakad siya patungong dining table. Hinila ng isang paa niya ang silya, at ng maayos na ito ay maingat niya akong ibinaba. "Kapag sinabi ko na sasabayan mo akong kumain, ibig sabihin ay iyon ang masusunod," wika niya at muling bumalik sa kalan. Pinatay niya ang kalan at kumuha ng dalawang plato at mga kubyertos at inilatag ito sa table. "Water or orange juice?" tanong niya, pero hindi ako nagsasalita kaya tumalikod lang siya at may kung anong ginawa ulit sa kusina. Pagbalik niya ay ipinatong niya sa table ang isang baso ng tubig at isang baso ng orange juice, pagkatapos ay iniusad niya itong pareho sa tabi ng plato ko. Kumuha siya ng table napkin, ipinatong naman niya ito sa aking kandungan kaya napapataas ang kilay ko kung bakit niya ito ginagawa. Bumalik siya ng kusina na dala ang plato naming dalawa, nagtaka naman ako pero hindi ko siya tinanong. Sinundan ko lang siya ng tingin habang may ginagawa siya sa kusina. Nakatalikod siya kaya hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Pagbalik niya ay nagulat ako ng makita ko kung ano ang laman ng dalawang plato. Mas lalo yata akong nagutom ng makita ko kung ano ang hapunan namin. "Italian pasta, topped with beef braciole rolls. My specialty. I don't usually cook that kasi matrabaho. Wala pa rin akong ipinagluluto niyan na kahit na sinong babae, well of course, except sa aking ina. Paborito niya 'yan kapag iyan ang niluluto ko para sa kanya," ani niya kahit wala naman akong tinatanong sa kanya. "Salamat," mahina kong ani, pero sa totoo lang ay napakabango nito, gusto ko tuloy punasan ang gilid ng labi ko kasi feeling ko ay naglalaway ako sa pagkaing nakahain sa aking harapan. "Ang bango, hindi ba?" ani niya at pagkatapos ay nagpunta ulit siya ng kusina, at pagbalik niya ay may dala naman itong bowl na may kutsara, at pagkatapos ay nilagyan niya ng kung anong sauce ang ibabaw ng pagkain ko, then kinuha niya ang isang cheese grater na may handle at dahan-dahan niya itong inikot sa ibabaw ng plato ko kaya unti-unting nahuhulog ang bawat cheese na nakakayod. Jusko po, bakit ganito siya sa akin ngayon. Ang puso ko, pakiramdam ko ay naririnig niya ang mabilis na pagtibok nito. Hindi tuloy ako makahinga, pakiramdam ko ay unti-unting naninikip ang dibdib ko. Napatingin ako sa kanyang Adam's apple kaya napalunok ako ng bahagya. Bumaba ang tingin ko sa matipuno niyang dibdib na natatakpan lamang ng kakapiranggot na apron, kaya napakagat ako sa ibabang labi ko at yumuko na lang ako. Jusko nagkakasala ang isipan ko habang napapatingin ako sa kanyang dibdib na matipuno kaya mas mainam pa na yumuko na lang ako. "Ikaw pa lang ang ipinagluluto ko niyan, sana magustuhan mo," bulong niya kaya amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya habang nakadukwang pa rin siya sa aking plato at naglalagay ng cheese. Ano ba itong nangyayari sa akin? Nakakapanghina ng kalamnan ang isang ito, amoy pa lang ng hininga niya ay busog na yata ako. "S-salamat," bulong ko. Oh my God, why am I stuttering? Nakakahiya, baka akala affected ako sa ginagawa niya. "Enjoy your meal, my wife," ani niya kaya biglang nagtaas ang mukha ko at pinakatitigan ko si Lucio. Gusto kong maiyak sa sinabi niya pero alam ko naman kung ano ba talaga ang totoo. Alam na alam ko na si Natalie pa rin ang kanyang mahal. Alam ko 'yon dahil kanina, nakita ko kung paano niya titigan si Ate Natalie. May pagmamahal, mga titig niya na kaylanman ay hindi niya magagawa sa akin. Bahagya lang akong ngumiti sa kanya, at ng maupo na siya sa silya niya ay nagsimula na kaming kumain. Aaminin ko, sobrang sarap ng pagkakaluto niya. Para akong nasa isang mamahaling restaurant, pero hindi pa rin nila kayang tapatan ang lasa ng pagkaing inihanda ni Lucio para sa akin. Gusto ko talagang maiyak, pero ayokong magpakita ng kahinaan sa kanya. Ayokong maging dahilan ito upang mahulog lalo ang loob ko sa kanya pero sa huli, si Ate Natalie pa rin. "Six months, Avvi," mahina kong ani na hindi ko na namalayan na nabigkas ko. Bigla siyang napahinto sa pagsubo at napatingin sa akin. "Six months? Anong meron sa six months?" ani niya na kunot ang noo at salubong ang dalawang makakapal na kilay. Kinabahan naman akong bigla. Wala sa loob ko na na nakapag salita ako. Akala ko ay isipan ko ang nagsasabi nito, hindi ko alam na ako na pala mismo ang nagsasalita at sa harapan pa mismo niya. "Ah wala 'yon. Naalala ko lang ang sinabi ng kaibigan ko na six months daw siyang nag-training. Oo 'yon nga ang nasa isip ko, pasensya na," wika ko. Hindi siya kumikibo, nakatitig lamang siya sa akin, pagkatapos ay tinusok niya ang meat sa plate ko at itinapat sa bibig ko. Nagulat ako at hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Ayokong ibuka ang bibig ko, marunong naman akong kumain mag-isa. "Tikman mo lang, sabihin mo sa akin kung ano lasa ng niluto ko. Ikaw pa lang ang ipinagluluto ko, isa man sa mga nakikilala kong babae ay hindi ko ito ginagawa," ani niya. Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ko na lang ang pagkaing isinubo niya sa akin, pero nagulat ako ng bigla niyang dilaan ang tinidor, at pagkatapos ay ipinasok sa kanyang bibig habang hindi inaalis ang titig sa akin. Habang nakatingin siya sa akin ay hindi ko alam kung ano ang nasa isipan niya. Nakakatunaw ang mga mata niyang titig na titig sa mga mata ko. "Uhm, bakit mo ako pinagluto nito? Baka naman gusto mo lang kumain nito kaya ka nagluto, tapos ako pa ang gagamitin mong dahilan para kunwari may care ka sa akin," wika ko. Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina, tawa na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. "You are my wife. Kahit papel lang ito, pero hindi natin mababago ang katotohanan na legal pa rin tayong mag-asawa, hindi ba Avvi?" ani niya. Hindi ako kumibo, napatitig lamang ako sa kanya. "I cooked for you not because I was hungry, but because I wanted to serve you a good dinner. As your husband, I want to ensure that I am taking good care of you. Masama ba 'yon?" ani niya, pero hindi ako kumikibo. Pilit kong binabasa ko ang mga mata niya pero ang hirap basahin, ni hindi nga siya makangiti sa akin habang nagsasalita. "Huwag mong bigyan ng maling impression ang pag-luto ko ng dinner. Ginagawa ko lang ang role ko bilang asawa mo," dagdag pa niyang ani. Hindi na ako nagsalita pa. Gusto kong ngumiti, pero alam ko naman na balewala sa kanya kung ikatuwa ko ito o hindi. "Thank you," sagot ko at humarap na ako sa aking pagkain, pero nagulat ako ng bigla niyang hinawi ang buhok na tumatabing sa mukha ko. "You looked so gorgeous, Avvi." Bulong niya at idinaiti niya ang daliri niya sa pisngi ko. Tila libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan ng hagurin niya ng kanyang daliri ang pisngi ko. Natawa siya ng mahina ng bigla kong inilayo ang mukha ko upang matanggal ang kamay niya sa mukha ko. Pagkatapos ay ipinagpatuloy na niya ang kanyang pagkain, at kung minsan ay nararamdaman ko ang mga titig niya sa akin. 'Jusko Lucio, huwag mo akong paglaruan, hindi ko kakayanin.' Bulong ko sa aking sarili habang mabilis kong tinatapos ang pagkain ko upang makabalik na ako sa aking silid. "Water or Juice," ani niya kaya napaangat ako ng mukha. Napatingin ako sa juice at kinuha naman niya ito at itinapat sa labi ko. Umiling ako, kaya kong uminom mag-isa kaya kinuha ko na lamang ito sa kanyang kamay. "Magpahinga ka na pagkatapos mong kumain. May work ako bukas, maaga akong aalis. Ipagluluto na lang kita ng agahan at iiwanan ko sa table." Wika niya at tumayo na ito. Mabilis na kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam ang isasagot ko, pero nararamdaman ko na nakatayo lamang siya sa gilid ko at hindi pa umaalis. "Iwanan mo na lang ang lahat ng 'yan, ako na ang bahalang maglinis." Hindi ko na nagawang sumagot pa ng marinig ko ang mga yabag niya na papalayo na sa kinauupuan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD