Chapter 5 -Obligasyon-

2248 Words
❀⊱Avvi's POV⊰❀ Hindi na kami natuloy sa lakad namin ng mga kaibigan ko, tinawagan kasi si Jhovel at si Ynah dahil may ipapagawa daw yata sa kanila ang kanilang pinuno o ang kuya ni Jhovel na gwapo. Si Trisha naman ay tinawagan din kaya mas nauna pang umalis kaysa duon sa tatlo dahil inihatid na nila Jhovel pauwi si Adi. Ngayon yata gaganapin ang last training ni Trisha bilang assassin kaya ayun at tuwang-tuwa ng makatanggap ito ng tawag mula sa kanyang boss. Napatingin ako sa wall clock. Mag-aalas tres na pala ng hapon kaya kailangan ko ng maglinis ng bahay. Mukhang masyadong busy sila ate kaya hindi nila agad nalilinis ang bahay. Hindi katulad dati na lagi akong nandirito kaya parati kong nalilinis at naaayos ang buong kabahayan. Marami na rin silang labahin kaya uunahin ko ng labhan ang kanilang mga damit para naman pag-uwi nila ay maayos na ang lahat. "Naku ate, bakit ang daming kalat sa silid mo? Kung nandito sila nanay, siguradong kurot sa singit ang aabutin mo. Nakakaloka, ang dumi ng kwarto mo, daming maruruming damit." Wala lang! Nagsasalita lang akong mag-isa habang nililinis ko ang kwarto ng ate ko. 'Yung silid naman ni Ate Natalie ay siguradong malinis, kasi malinis 'yon sa gamit niya, saka ayokong galawin 'yon, ayokong makialam sa mga gamit niya. Dito na lang kay ate, at least kapatid ko si Ate Marcia. Siguro lang talaga ay masyado silang busy ngayon sa trabaho nila, kaya ang loob ng bahay ay hindi man lamang nilang magawang malinisan. Buti na lang at nandirito ako ngayon kaya siguradong pag-uwi ni ate mamaya ay matutuwa 'yon. Pagkatapos kong linisin ang silid ni ate ay sinunod ko naman ang kusina, pagkapatapos ay ang salas. Ang huli ay ang banyo namin kaya ngayon heto at pagod na pagod ako kaya napahiga na lang ako sa sofa. Papaidlip na sana ako ng makarinig ako ng ilang katok. Napatingin ako sa wall clock at mag-aalas singko na pala ng hapon. Maglalaba pa ako kaya agad akong bumangon at nakalimutan ko ng may kumakatok sa pintuan. Dumiretso na ako sa may likuran ng bahay at inayos ko ang mga labahin ko. Nilagyan ko na rin ng tubig ang washing machine at nilagyan ng sabon. Niluglugan ko muna ang mga damit nila ate at saka ko ito inilagay sa washing machine. Pero laking gulat ko ng biglang may nagsalita sa likuran ko. "Kanina pa ako kumakatok sa harapan pero hindi mo ako pinagbubuksan ng pintuan." Pagharap ko ay nagulat ako ng makita ko si Lucio na nakatayo sa harapan ko kaya bigla akong napa-atras ng ilang hakbang, pero natapakan ko ang tabo kaya nauyot ako at naramdaman ko ang pagbagsak ko. Ipinikit ko agad ang mga mata ko at hinintay ang pagbagsak ko sa sahig, pero hindi nangyari dahil isang malaking kamay ang sumalo sa baywang ko. Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakatitig na sa mukha ko si Lucio at ang katawan namin ay magkadikit. Agad ko siyang itinulak ng bahagya upang mabitawan niya ako, at saka ako pumasok sa loob ng bahay. "Ano ba ang ginagawa mo dito, asawa ko sa papel?" tanong ko habang kinuha ko naman ang kaldero upang makapag saing na ako. Gusto ko, pagdating ng ate ko at ng kaibigan niya ay nakaluto na ako at kakain na lamang sila upang makapag-pahinga na sila. Pagod kasi ang mga 'yon sa trabaho. At mas makabubuti kung pag-uwi nila ay wala na silang aasikasuhin pa. After kong magluto ng sinaing ay ulam naman ang iluluto ko, may mga karne naman sa loob ng refrigerator. "Tama na 'yan Avvi, umuwi na tayo," ani ng asawa ko sa papel. Natawa naman ako, ano 'to? Bakit pinapauwi niya ako samantalang wala naman siyang pakialam sa akin. "Nag-aalala ka ba sa akin?" tanong ko. Gusto kong marinig kung kahit papaano ay may care siya sa akin. "Wala. Ayoko lang isipin ng ate mo at ni—basta, umuwi na tayo dahil ayokong isipin ng ate mo na pinapabayaan kita," wika niya na dumudurog ngayon sa puso ko. Pilit kong pinipigilan ang maiyak, pero taksil ang damdamin ko kaya isa-isang naglaglagan ang butil ng mga luha ko. Buti na lamang at nakatalikod ako sa kanya kaya hindi niya nakikita ang pag-iyak ko. Agad ko rin naman itong pinunasan at pagkatapos ay humugot ako ng malalim na paghinga. "Umalis ka na Lucio, hindi ako uuwi at dito ako matutulog. Huwag kang mag-alala dahil sasabihin ko kay Ate Natalie na inaalagaan mo ako, para naman may ten points ka na agad sa babaeng itinitibok ng puso mo. Sige na Lucio, makakaalis ka na. Kapag hindi ka pa umalis, ako ang lalayas sa bahay na 'to," wika ko habang nagdurugo ang puso ko. Akala ko ay may pakialam siya sa akin, pero ang lahat pala ng ginagawa niya ay para kay Ate Natalie. Para sa kaibigan ng kapatid ko. Sobrang sakit, ako ang asawa pero iba ang isinisigaw ng kanyang puso. "Hindi ako aalis dito ng hindi kita kasama. Ayokong isipin ni Nata..." Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya sa akin dahil pag-harap ko ay isang malakas na sampal sa pagmumukha niya ang ipinadapo ko sa kanya. "How dare you na ipamukha mo sa akin ang pagmamahal mo kay Natalie. Umalis ka na Lucio, hindi kita kailangan dito sa pamamahay ng ate ko. At least dito, nararamdaman ko ang mga taong nagmamahal sa akin. Ayokong tumira sa condo mo, dahil nasusuklam ako sayo. Lumayas ka Lucio, hindi kita kailangan sa buhay ko. Kung gusto mo, suyuin mo na lang ng suyuin si Natalie dahil wala na akong pakialam pa kung ano ang tunay mong damdamin para sa kanya. Kung inaakala mo na magagawa mong saktan ng ganuon ang damdamin ko ay nagkakamali ka. I hate you Lucio at sana ay hindi na lang tayo naikasal. Kapag nakakuha ako ng pagkakataon, kusa akong maglalaho sa buhay mo," may galit kong ani. Nakatitig lamang ako sa kanya. Nakikita ko na nagngangalit ang panga niya dahil sa ginawa kong pagsampal sa pagmumukha niya. Sobrang sakit na marinig mula sa kanya na puro na lang si Ate Natalie ang nasa utak niya. "Next time na sasampalin mo ako, humanda ka sa akin Avvi dahil ipapatikim ko sayo ang kaparusahang nararapat sayo," galit niyang ani kaya umigkas muli ang kamay ko at malakas na sampal ang tumama sa mukha niya. Pagkatapos ay agad niya akong dinakma ng marahas at inilapit sa kanyang katawan. Idinikit niya ang likod ko sa dingding at marahas niya akong siniil ng halik, hanggang sa unti-unti itong gumagaan, lumalalim at hindi ko alam kung bakit iba ang ipinapadama ng halik niya sa akin. Ayokong isipin na may pagmamahal ang halik na ito. Alam kong ginagawa niya ito upang mapaglaruan niya ako sa kanyang palad. Malakas na tulak ang ginawa ko sa kanya kaya bahagya siyang natinag sa kinatatayuan niya. Ngunit muli niyang sinakop ang aking labi at siniil niya akong halik. Pilit kong itinitikom ang bibig ko ng maramdaman ko ang dila niya na nagnanais na pumasok sa aking bibig. Ngunit isang kagat sa ibabang labi ko ang kanyang ginawa kaya napa-awang ang bibig ko. Sinakop ng dila niya ang loob ng bibig ko. May kung anong kuryente sa buo kong katawan ang naghuhumiyaw habang ipinaparanas niya sa akin ang kakaibang halik na ipinapalasap niya sa akin. Gusto kong umungol ngunit pinaglalabanan ko ang sarili kong damdamin. Gumapang ang kamay niya, at humaplos sa aking dibdib kaya naipikit ko ng madiin ang aking mga mata, lalo na ng bumaba ang kanyang labi sa leeg ko at sinisipsip niya ang balat ko patungo sa aking panga. Isang mabining ungol ang umalagpas sa aking bibig ng maramdaman ko ang pagkiskis niya ng kanyang harapan sa aking harapan. Para akong mababaliw sa ipinaparanas niya sa akin. Ito ba ang parusang tinutukoy niya? Gumapang ang kamay niya, pumaloob ito sa suot kong blouse at saka niya ipinasok ang malaki niyang kamay sa loob ng aking bra. Maingat niyang hinimas ang dibdib ko kaya napapa-ungol ako ng hindi ko sinasadya hanggang ang kanyang mukha ay unti-unting bumababa habang itinataas niya ang laylayan ng suot kong blouse. Humantad sa kanya ang dibdib ko na may takip ng suot kong bra. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil ayokong makita ang mukha niya. Ayokong mabasa niya ang mga mata ko at ipagkanulo nito ang tunay kong damdamin. Naramdaman kong itinaas niya ang suot kong bra kaya malaya niyang nahahawakan ang dalawang malulusog kong dibdib, at pagkatapos ay naramdaman ko ang mainit niyang bibig at lalo na ang kanyang dila na nilalaro ang mumunting pasas ko. Napapa-ungol ako sa kanyang ginagawa hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya na pumaloob sa aking suot na short at pilit na sinasalat ang aking itinatagong hiyas. Muli na naman akong napaungol, lalo na ng bigla niya akong binuhat ng paharap sa kanya na hindi humihiwalay ang likod ko sa dingding. Ibinuka niya ang aking mga hita ko at iniyakap sa baywang niya sabay bahagyang kiskis ng naghuhumindig niyang alaga sa tapat ng aking hiyas. "Para akong mababaliw sa kakaibang sensasyon na ipinapadama niya sa akin. Ibang-iba ito sa unang gabi na may nangyari sa amin. Bawat kilos niya ay tila ba sinisigurado niya na magugustuhan ko ito kaya wala akong lakas ng loob upang patigilin kung ano man ang ginagawa niya sa akin. "Avvi, I want you. Asawa naman kita, hindi ba? Obligasyon natin ito sa isa't isa," bulong niya kaya muli kong ipinikit ang mga mata ko. Obligasyon lang ba talaga? Pero wala akong lakas upang tutulan ang nais niya kaya iniyapos ko ang aking mga kamay sa kanyang batok habang nagpapakasawa ang dila at ang kanyang labi sa aking dibdib. Natigilan siya sa kanyang ginagawa ng makarinig kami ng ingay mula sa labas kaya agad niya akong binitawan at inayos niya ang kanyang sarili. Ako naman ay mabilis kong inayos ang damit at bra ko at humarap ako sa kaldero. Umupo si Lucio sa silya na nakaharap sa lamesa at nagsalin ng tubig sa baso at uminom. Naririnig ko ang bawat pag-lagok niya ng tubig na tila ba uhaw na uhaw ito. Bumukas ang pintuan ng aming bahay. Naririnig ko si ate at ang kanyang kaibigan na si Ate Natalie na nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Nang makita nila kami ay bigla silang natigilan kaya ngumiti lamang ako ng pilit habang si Lucio ay titig na titig kay Ate Natalie. Para na namang dinudurog ang puso ko dahil sa nakikita ko. Ang mga titig ni Lucio kay Ate Natalie na may halong pagmamahal na hindi niya magawa sa akin, dahil para sa kanya ay may obligasyon lamang ako sa kanya at 'yun ay ang katawan ko. Pero ang puso niya ay iba ang may hawak nito. Iba ang may nag-mamay-ari nito. Kaya mabilis akong nagtungo ng banyo upang duon ko ibuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ng aking puso. "Lucio, bakit ikaw pa ang minamahal ng puso ko? Kung sana ay kaya kong turuan ang puso ko, matagal ko na itong ginawa. Mahal na mahal kita ngunit kaylanman ay hindi ko mahahawakan ang iyong puso dahil iisang babae lamang ang laman nito, at 'yun ay ang kaibigan ng aking kapatid. "Anong ginagawa mo dito, Lucio?" Narinig kong tanong ni ate sa aking asawa sa papel. Hinihintay ko ang sagot niya, gusto kong marinig kung ano ang sasabihin niya sa ate ko. Pero nanatili siyang tahimik at siguro ay nakatitig lamang kay Ate Natalie. "Lucio, tinatanong kita," ani muli ni ate. "Napadaan lang ako dito. Kamusta ka na Natalie?" sagot ni Lucio na mas lalong nagpapadurog ng pagkatao ko. "Hindi ba dapat ay ang asawa mo ang kinakamusta mo? Maayos naman kami dito, pero sa asawa mo ibuhos ang panahon mo Lucio. may asawa ka na, at dapat siya ang pagbuhusan mo ng oras mo," wika ni Ate Natalie. "Kaya nga ako nandito kasi susunduin ko na si Avvi, duon na lang kami sa bahay kakain," malamig na sagot ni Lucio, at kahit na nandirito ako sa loob ng banyo ay tumatagos sa kaibuturan ko ang panlalamig ng sagot ni Lucio. Humugot ako ng malalim na paghinga, naghilamos ako at pagka-tuyo ko ng aking mukha ay lumabas ako ng banyo. "Dito ako matutulog kay ate. Namiss ko si ate kaya dito lang muna ako. Umuwi ka na Lucio, buo na ang pasya ko na dito muna ako ng ilang araw." "No. Halika na at uuwi na tayo, ako ang asawa mo kaya sasama ka sa akin at duon ka matutulog," wika niya pero tumanggi ako. Tumingin siya sa ate ko na tila ba may gustong sabihin pero wala namang sinasabi. Pagkatapos ay bigla niya akong binuhat na parang isang sakong bigas at nagpaalam kay ate. "Uuwi na kami, pakidala ng gamit niya sa aking sasakyan," wika nito habang ako naman ay galit na galit sa kanya. "Ibaba mo ako Lucio! Ayokong sumama sayo," malakas kong ani pero hindi niya ako ibinababa at naglakad na siya palabas ng bahay. "Sige na Avvi, sumama ka na sa asawa mo." Ani ni ate at iniabot pa niya ang bag ko kay Lucio. Gusto kong magalit pero wala na akong nagawa pa ng isinakay na ako ng asawa ko sa papel sa kanyang sasakyan. "I hate you Lucio!" sigaw ko sa kanya ng umupo na siya sa driver's seat. "Hindi iyan ang narinig ko kanina sayo Avvi habang muntikan ng may mangyari sa atin." Hindi na ako kumibo pa. Hindi ako makikipag-talo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD