Sa araw araw niya sa pagiging kargador sa loob ng palengke ay lalo pang lumaki ang kaniyang katawan. At lalo ring nadagdagan ang mga babaeng garapalang magpakita ng pagkagusto sa kaniya. At kulang na lang ay tumihaya sa kaniyang harapan, mabuti kung hindi mga amoy isda ay parang pareho na ng amoy bilasang mga paninda. Gustong matawa ni Cain sa mga walang kwentang bagay na napasok sa isipan.
“Pare, tinatawag ka ng anak ni boss, ingat ang at baka magka-asawa ka kaagad ay mawalan ako ng ka buddy.”
“Gago! Alam mong wala sa plano ko yang paglagay sa magulong buhay, at huwag kang mag alala, hindi ang klase ng babaeng iyon ang pipikot sa akin.”
“Bakit mo kinana kung wala sa plano mo ang bagay na yan?”
“Natural! Pagkain na ang lumalapit ay alangan naman na hindi ko kainin?”
“Worried lang ako Pare, alam mo naman na maraming alipores ang babaeng yan!”
“Alam ko, saan pala naroon ang babaeng yon?”
“Puntahan mo raw doon sa tindahan niya ng mga damit.”
Hindi na niya sinagot pa ang kaibigan at mabilis na tinalunton ang makitid na eskinita papasok sa damitan. At ito na naman ang mga tindera at mga bakla tilian habang dumadaan siya. Hindi na lang niya binibigyan ng pansin at tuloy tuloy na naglakad. Muntik na niyang maitulak ang babaeng biglang yumapos sa kaniyang katawan. Mabuti at namukhaan niya ito, talagang mukhang uhaw na naman ang babaeng ito. Ngunit wala ng pangalawa, isang beses lang siyang tumikim ng putahe at wala ng pangalawa pa.
“Tinatawag mo raw ako? Anong iuutos mo?”
“Halika Darling, doon tayo sa loob at may ipa gagawa ako sayo.”
Tahimik siyang sumunod dito subalit pag kasara ng maliit na pintuan ay agad na nililingkis na siya nito.
“Dahlia, hindi ako nagpunta dito para riyan kaya sabihin mo na agad kung anong ipapagawa mo.” Mahinahon niyang sabi sa dismayadong babae.
“Bakit ka ba nagmamadali Darling?”
“Marami akong ginagawa kaya bilisan muna, ano ba ang ipa gagawa mo?”
Subalit sa halip na sagutin siya nito ay biglang naghubad sa harapan niya, kaya mabilis na tinalikuran ito at umalis. Alam niyang hindi nito magagawang makasunod agad dahil walang damit na suot at gustong matawa habang naglalakad pabalik sa loob ng palengke. Subalit pagliko niya sa medyo makitid na daan ay may tatlong lalaki na nakaharang doon at sa palagay niya ay walang plano na tumabi ang mga ito. Kaya nag ready siya dahil alam na niya ang mga ganitong senaryo.
“Bata! Masyado kang maangas! Kaya bawasan natin yan at hindi maganda sa paningin namin.”
Hindi siya sumagot at hinayaan na lumapit ang mga ito, dahil hindi siya mauunang mag move may cctv sa may gilid ng mataas na pader.
“Ano? Tatakbo ka? Duwag ka pala eh!”
Sa halip ay ngiting aso ang ibinigay niya dito na lalo pang nagalit at sinugod na siya. Puro iwas lang ang ginawa niya dahil hangga't maaari ay ayaw niyang makasakit. Kaya lang biglang bumunot ng baril ang isang kasama at doon na siya naalarma. Hindi na niya hihintayin na pumutok pa iyon. Sa mabilis na galaw ay dalawang beses na tumalon sa eri at pinakawalan ang malakas na sipa, suntok sabay tumbling at nasipa ang hawak na baril. Hindi na niya binigyan pa ng pagkakataon na makatayo pa ang mga ito. Saka lang niya tinigilan ng lugmok na sa gilid ng mataas na pader. Bago niya tinalikuran ay nag iwan siya ng salita sa mga ito at saka tuluyang umalis.
“Anong nangyari sayo Pare? Bakit may galos ka dyan sa braso mo?”
“Wala ito, medyo nagpapawis lang dyan sa mga kanto tara na at mag alas singko na!”
“Sino ang kalaban mo Pare? Mag ingat ka dahil maraming naiinggit sayo dito. Ilang beses ko ng naririnig na may nagpaplano sa buhay mo.”
“Hayaan mo ang mga yan, ang kamatayan ng tao ay hindi kayang pigilan. Pag oras ko na ay wala na tayong magagawa pa, kaya halika na!”
Minsan ay nagsasawa na siya sa klase ng buhay na meron siya, ngunit kailangan niyang mabuhay. Kaya kahit ang pagiging kargador sa palengke ay pinasok niya, ang katwiran ay kahit anong trabaho basta marangal. Malayo pa lang sila ay natanaw na niya ang dalagang makulit na kapatid ng kaibigan niya. Mabait naman talaga ito dangan lang at hindi ang mga ganitong tipo ang magugustuhan niya. At totoong kapatid lang ang turing niya dito kaya nga kahit halos ialay na nito ang katawan sa kaniya ay hindi niya ito pinatulan. Isa pa ay may respeto siya sa kapatid nito na kaibigan niya, dahil kahit saan sila magpunta ay hindi siya kailanman tinalikuran o iniwan nito.
“My loves, anong yang galos mo?”
“Wala! Ang laki talaga ng mata mo at pati yan ay nakita mo pa? Umuwi ka na at naaalibadbaran ako pag naririto ka sa may pintuan ng bahay ko!”
Ngunit sa halip na sundin siya nito ay sumunod pa sa kaniya sa loob ng bahay. Hindi na lang niya ito pinansin at nagtuloy lang siya sa banyo upang maligo. Pakanta-kanta pa siya habang naliligo nang biglang may bumato sa pintuan. Alam niyang ang dalaga iyon dahil sa boses niya na saksakan ng sintunado. Sa halip na magalit ay humalakhak pa siya ng malakas at hinila ang nakasabit na towel sabay tapis at lumabas na.
“Narito ka pa rin? Alam mo kahit maglaway ka riyan sa kakatitig sa katawan ko ay hindi mo ito matitikman kaya go! Doon ka na sa inyo, Pantasya! At pakisabi sa Kuya mo na pumarito dahil iinom kami!”
“Sali rin ako?”
“Baka gusto mong itali kita riyan sa upuan! Kababae mong tao at pati pag-inom ay gusto mong matutunan?”
Nakasimangot itong tumalikod sa kaniya at umuwi sa kanila.
Napailing na lang siya at hindi rin naman nagtagal at dumating ang kaibigan na may dalang pulutan.
“Bakit nakasimangot ang isang iyon? Sinermunan mo na naman?”
“Aba! Gusto daw uminom kaya pinagalitan ko. Kaya ikaw bantayan mo ang kapatid mo at baka mamaya ay kung sino sinong nakakasalamuha niya.”
“Ikaw lang naman ang kinukulit niya. Hindi iyan nagpupunta kung saan-saan Pare.”
“Good! Dahil alam mong parang kapatid ko na rin siya. Baka makapatay ako kapag may gumawa ng hindi maganda kay Pantasya!”
“Pantasya? Sino iyon?”
“Gago! Sino pa ba? ‘Di iyong kapatid mo na mahilig mag pantasya sa akin!” Saka tumawa siya ng malakas.
“Puro ka kalokohan, Pare! Halika na, simulan na natin ito upang maaga tayong makatulog.”
KInabukasan ay hindi maganda ang nadatnan nila sa loob ng palengke, mga nagkalat ang halos lahat ng paninda roon. Ang iba ay umiiyak habang pinupulot ang pwede pang ibenta at ang iba naman ay galit na galit.
“Anong nangyari dito? At sinong may kagagawan ng mga ito?”
“Sino pa ba! Ang mga taong hindi makuntento sa ibinigay sa kanila dahil maliit daw, ayon at nagagawa pa ang magalit. Hindi pa nakuntento na kutongan kaming lahat rito, at ito pinag tatapon pa ang mga paninda namin!” Mangiyak ngiyak na sumbong ng may edad na babae. Hindi tuloy maiwasang sumagi sa isipan ang mahal na Ina, at nakaramdam siya ng galit sa mga lalaking hindi magsipag trabaho.
“Anong araw ho ba ang nagpupunta rito ang mga lalaking iyon?”
“Tuwing ikalawang araw iho,”
Tinulungan ni Cain ang ginang na ayusin ang mga paninda nito at saka inabutan ng pera.
“Naku! Huwag na iho at baka kailangan mo rin iya…”
“Hindi ko pa ho kailangan ng pera kaya tanggapin nyo na ito, at huwag na kayong malungkot dahil mula sa araw na ito ay mawawala na ang kutongan.”
“Naku! Iho dito na ako tumanda at lalo pang lumala ang mga yan, pati na ang mga nakawan.”
“Basta pumanatag kayo at pangako po na mawawala na ang mga yan dito sa atin.”
“Sana nga iho, sana magdilang anghel ka.”
Awang awa siya sa mga tao habang isa-isang minamasdan ang mga ito. Kaya habang nagbubuhat ng mga pangarga ay gumagana ang isipan sa binubuo na plano. Pangako niya sa sarili na bago siya mawala sa palengke ay maging tahimik ang lugar at mawawala ang masamang tao doon.
Isang umaga kakarating lang niya at planong mag almusal muna ng lugaw ng biglang magkaingay ang mga tao. Namataan niya ang grupo na parating at may mga tubo itong dala at sinimulan ng pag sisirain ang mga nadadaanan na paninda. Hindi na siya nakapag pigil at sa isang iglap ay lumipad ang sipa niya at lugmok ang lalaking may hawak na tubo. Mabilis niyang dinampot ang tubo at tahimik ang paligid sa bilis ng pangyayari. Sa isang iglap ay nasa sahig ang mga kalalakihan at namimilipit sa sakit.
“Sino ang nag utos sa inyong hingan ninyo ng pera ang mga tao rito? Malaki ang katawan ninyo ay hindi kayo magsipag trabaho!” Malakas niyang sigaw at ng walang sagot ay nilapitan ang isang lalaki na may kalakihan ang katawan at pinalo ng malakas sa hita.
“Nagtatanong ako! Sino ang nag utos sa inyo?” Iisahan pa sana niya ng palo ang lalaki ng sumagot ito.
“Si Hepe!”
“Sabihin mo diyan sa corrupt mong amo na magmula sa araw na ito ay wala ng nagbibigay ng pera dito! At sabihin mo pa na kung gusto niya ay siya mismo ang pumunta dito! Alis!”
Wala na ang mga lalaki ay wala pa ring kumilos sa mga tao at nakatingin lang sa kaniya ang halos lahat ng mga naroon. Napapa iling na tumalikod na lang siya ngunit biglang nagsigawan ang mga ito na ikinalingon niya. Ang iba ay naiiyak habang masaya na nagpapasalamat sa kaniya. Ang iba naman ay may takot at pag aalaala ang mga mata para sa kaniya. Inikot niya ang paningin sa karamihan at natuon ang mata niya sa mga lalaking may malaking katawan. Pinag-aralan niya ang mga ito at agad na kinausap, kailangan magplano sila dahil sigurado na re resbakan sila ng mga iyon lalo pa at ang Hepe pala ang nag uutos. Maaga siyang bumalik ng bahay at nagtungo sa tambayan, kailangan niya ang kaniyang mga tropa. Pansamantala lang naman habang tinuturuan niya ng martial arts ang mga bagong recruit niya. Para kahit mawala na siya sa palengke ay mapanatili ang kaayusan doon.
“Kailan kami tatambay doon bossing pogi?”
“Walang pupunta sa inyo doon, hintayin lang ninyo ang tawag ko pag kailangan ng back up.”
“Copy bossing pogi.”
Kinabukasan ay maaga siyang ginising ng isang teen ager dahil may naghahanap daw sa kaniya na di kotse at mayaman. Kaya naman nasuot lang siya ng white t-shirt at nagtungo sa labasan. Naabutan niya doon ang kaibigan na parang may gustong umbagin kaya bumilis ang mga hakbang niya.
“Kuyang! Ano na naman yan? Masyado pang maaga para makipag away!”
“Pare, tinatanong ko pa lang, saka hindi naman mukhang away ang rich boy na ito. Ikaw ang hinahanap Pare at..” Nahinto sa pagsasalita ng makita na yumakap ang lalaki sa kaniyang kaibigan na pinaka boss nila.
"Tika! Bitaw! Bakit ka nang yayakap? Bakla ka ba?
"Kuya, mo ako brother."
"Impossible ang sinasabi mo! Wala akong kapatid!"
"Kung gusto mo ng DNA test ay payag ako para paniwalaan mo ang sinasabi ko."
"Pare, sa tingin ko ay nagsasabi siya ng totoo dahil malaki ang similarity ninyong dalawa. Kaya mas mabuti na mag usap muna kayo ."
Wala ng nasabi pa si Cain, ng itulak siya nang kaibigan kaya napilitang sumakay ng kotse nito.
Marami pa siyang nalaman sa kapatid niya at masaya siyang nakilala ang kaniyang Kuya Xion. Ganito pala ang ang pakiramdam na may kapamilya siyang bago. Kahit ngayon lang sila nagkita ay naramdaman niyang mahal siya nito. Sana ganon rin kabait ang iba pang mga kapatid nila.
Makalipas ang tatlong buwan ay ito na nga ang resbak ni Hepe. At parang lulusob sa giyera sa dami ng alipores na kasama. Kaya agad niyang tinawagan ang tropa sa tambayan at naka handa na rin sila ng mga kasamahan sa loob ng palengke. Mabuti na lang at nagpalamig pa yata itong si Hepe dahil naturuan pa niya ang mga kasama kung paano makipaglaban. Habang palapit ang grupo ay mabilis na gumagana ang isipan niya sa posibilidad na mangyayari. Kailangan pa niya ng kaunting oras dahil papunta pa lang ang mga tropa niya.
"Hepe! Napasyal yata kayo? Mamimili ba kayo ng sariwang isda?" Pang iinis niya sa mga ito.
"Ikaw ba ang nanakit sa mga tauhan ko?"
"Saan mo naman nalaman ang balitang iyan Hepe? Sa pagkakaalam ko ay ang mga bata mo ang pagpunta dito at sinira pa ang mga paninda at nanghihingi ng lagay?"
"Teka! Parang kilala kita bata! Ikaw ang barumbadong labas pasok sa kulungan! Tama! Ikaw nga iyon! Kaya ang dapat mong gawin ngayon ay sumama sa amin at sa presinto ka magpaliwanag! Hala! Dalhin ang mayabang na ito!"
"Ops! Maglatag kanmuna ng warrant of arrest Hepe bago mo utosan iyang mga tauhan mo na dalhin ako!"
>>>