Chapter- 2

2397 Words
Kinabukasan ay nakaupo siya sa gilid ng rehas ng may mga lalaking dumating, pasimple niyang sinilip ang mga ito at narinig niya na lalaya na daw ang nakasagutan niya kahapon sa kabilang selda. “Talagang pinairal mo na naman ang maikli mo na pasensya brother, huh!” “Parang hindi ka Kuya, hanggang kailan pala ako dito?” “Huwag kang mag alala at lalabas ka na ngayon.” Umayos ng upo si Cain, ng maramdaman ang isang lalaki na malapit sa kaniyang kinasasandalan. Kita niya ang tagiliran nito at mahahalata rito na hindi ito ordinary, sa tinding, pananamit at pagsasalita ay may mataas na pinag aralan. Nakaramdam siya ng awa sa sarili, siguro kung nakatira siya sa tunay na Ama, ay baka nakapag-aral siya na kagaya ng mga ito. “Hey! Halika labas dyan! Hindi ba at kahapon ka pa naghahanap ng away? Ako? Bibigyan mo ng leksyon? Lumabas ka riyan at ng basagin ko ang balls mong tangna muka!” “Brother! Ano ba tama na nga! Gusto mo bang bumalik loob?” “Hindi, Kuya, ang yabang lang ng gagong yan! Kahapon kung makapag hamon ay kala mo kaya niya ang lahat ng tao rito!” Gustong gusto ng humarap ni Cain kaya lang hindi pa siya handang harapin ang mga ito, Alam niyang mga pinsan niya ang tatlong lalaki, dahil minsan na niyang nakita sa social media ang mga ito. Nanatili siyang nakatalikod saka sinagot ang naghahamon sa kaniya. “Saka na tayo mag bugbugan pag nakalaya na ako, wag kang mag alala at hahanapin kita basta may pagkakataon ako.” “F*ck you! Labas…!” “Halika na nga brother! Pasensya na medyo badtrip lang itong bunso namin.” Hinging paumanhin ng isa. Hindi na siya sumagot at nag thumbs up na lang siya para umalis na ang mga ito. Gusto niyang mapa iling dahil kahit hindi na sila magpa DNA test ay siguradong isang dugo ang nananalaytay sa kanilang katawan. Sa ugali pa lang ay pareho na pati na sa angas at yabang ay talagang Montemayor, nga. Makalipas ang isang linggo, sa wakas ay pinalabas rin siya dahil wala namang sapat na ebidensya at hindi na rin nagpakita pa ang mga lalaking nagpa kulong sa kaniya. Umuwi siya ng bahay at isang himala na walang makulit na naghihintay sa kaniya, siguro ay nagsawa na ang dalaga niyang kapitbahay. Pero ang Kuya, nito na kaibigan niya ay naroon at talagang hinihintay siya nito. “What's up?” “Aba! Kailan ka pa natutong mag english?” Pambubuska ni Cain dito. “Diyan lang sa kanto,” sabay tawa pa nito. Siya naman ay tumuloy na sa loob ng bahay, kasunod niya ang kaibigan. Sana naman ay hindi problema ang dala nito at gusto muna niyang magpahinga sa gulo. Bubuka na sana ang bibig nito para magsalita ng unahan niya ito agad kaya tumahimik na lang. “Stop! Wala akong panahon makinig kung problema ang sasabihin mo Kuyang!” “Hindi naman ito problema, Pare.” “Ano pala? Bilis sabihin muna agad at gusto kong bumawi ng tulog!” “Isasama sana kita mag apply sa trabaho…” “Trabaho? walang tatanggap sa atin dahil wala naman tayong diploma!” “Hindi naman daw kailangan ng diploma, Pare.” “Oh! Saan pala at ano ang magiging trabaho natin?” “Sa club, Pare, bouncer ako at ikaw ay waiter, dahil gwapo ka kaya doon ang pwesto mo.” Malakas siyang natawa sa kaibigan, “sige kailan tayo pupunta doon?” “Mamayang gabi na Pare, kaya magpa pogi ka at ako naman ay ganon din.” “Ano raw? Eh, ‘di wow ikaw na ang pogi!” Sabay tawa niya ng malakas at itinulak na niya ito palabas ng bahay. “Maya na tayo magkita at matutulog muna ako, bye!” Sasagot pa sana ang kaibigan ng malakas niyang isara ang pintuan at nilock iyon mahirap na kung salisihan siya ni kulit kapitbahay. Palagi pa naman siyang hinaharash nito, kung di siya yayakapin ay hahalikan pa. Kinagabihan ay magkasama silang nagtungo sa club at gusto niyang umatras ng makitang masama ang titig sa kaniya ng isang bakla. “Tangina!” Hindi pa man lang makapag simula ay may ganito na agad. Baka hindi siya makapag pigil ay masuntok niya ito sa mukha. “Bakit ka nagmumura Pare? Please lang, huwag ka munang gagawa ng gulo dito dahil trabaho ang hanap natin.” “Okay, sabi mo eh!” Diretso ang tingin niya habang papasok sila sa loob ng club at halos lahat ng nakasalubong ay napapalingon sa kanila. Isang may edad na babae ang kaharap nila sa loob ng maliit na opisina nito. Sa tingin niya ay may lahing intsik ito dahil sa ayos at pagsasalita nito. Habang nagpapaliwanag ito ay tahimik lang siya dahil hindi naman siya interesado sa mga pinagsasabi nito. Kung hindi pa siya kinalabit ng kaibigan ay ‘di pa namalayang tanggap na pala sila. “Kailan raw tayo magsisimula Kuyang?” “Bukas ng gabi at dapat presintable ka dahil maraming mayaman raw na customer doon.” “Naku! Ano ba ang dapat kung isuot ay wala naman akong ibang damit kung ‘di mga t-shirt at maong pants lang!” “Kailangan daw ay slacks na black at white polo shirt ang suot mo Pare, at ako naman ay kahit ano lang dahil nasa gilid gilid lang naman ako. Pag may manggugulo lang saka ako papasok sa loob.” Nang sumunod na gabi ay bihis na si Cain at ang kaibigang si Kuyang ay gano’n din. Isang set lang ang uniform na kaniyang binili dahil wala siyang pera, isang linggo ba naman siya sa kulungan kaya zero balance. Pagdating nila sa club ay may mga tao na kaya hinila agad siya ng kaibigan dahil kailangan pa nila ng evaluation. Sunod lang siya ng sunod sa kaibigan at sa lalaking kung ano-ano ang pinagsasabi. Siya ay palinga linga sa paligid, sa palagay niya ay hindi siya tatagal sa ganitong trabaho. Bandang midnight ay may nag order ng isang bote ng alak at agad na inihanda niya iyon saka dinala sa table. Ngunit hindi pa man lang siya nakatalikod ay may naramdaman siyang humahaplos sa kaniyang hita. Ang akala niya ay babae iyon ngunit ng matitigan ay isa palang bakla, gusto na niya itong sapakin kaya lang ay naisip niya ang kaibigan. Kaya binabalewala na lang iyon at mabilis na lumayo. Hanggang abutan sila ng 3AM, at sa wakas ay makakauwi na sila. “Pare,kumusta ang trabaho mo? Wala bang magandang chicks sa loob?” “Wala! Puro bakla! Pasalamat ka at pinahaba ko ang aking pasensya, kung ‘di ay wala na tayong trabaho ngayon. “Ha? Bakit naman, ano ba ang nangyari?” “Aba! Ay! Hinaplos ba naman ang aking hita at akala ko ay babae kaya hahayaan ko na sana ngunit nang masinagan ng ilaw ay isa palang, Darna!” Malakas ang tawa ng kaibigan at gusto na niya itong umbagin dahil wala namang nakakatawa. Naiinis nga siya hanggang ngayon, next time na gawin pa sa kaniya iyon ng bakla ay susuntukin agad niya sa mukha. Kahit kailan ay hindi makalusot sa kaniya ang mga bakla, talagang may kalalagyan ang mga ito. Babasagin niya ang balls baka sakaling magpaka lalaki ang mga tangna na yon. Magmula ng mangyari sa kaniya ang unang gabi sa trabaho ay nagpasalamat siya dahil hindi na muling naulit iyon. Kaya naging maayos na ang pagtatrabaho niya bilang waiter, maraming nagpapalipad hangin sa kaniya ngunit dedma siya. Wala kahit isa ang papasa sa kaniya kahit maging palipasan pa, kung hindi matrona, bakla at may mga babae nga ay hindi naman maganda ang mga mukha. Unti-unting nakasanayan niya ang trabaho sa club, dahil marami din ang nagbibigay ng tip kaya kahit papaano ay kuntento na siya. Binubuska nga siya ng kaibigan dahil himala daw na hanggang ngayon ay nagtatrabaho parin sila sa club, siguro daw ay nakaka himas na siya ng chicks. Natatawa na lang siya dito, subalit ang hindi niya alam ay huling gabi na pala niya doon. Bandang 1AM, ay nagkagulo sa loob dahil sa sinapak niya ang isang bakla na gusto siyang hipuan. At sa sobrang inis ay inisahan pa niya ng suntok sa tagiliran ang halos mawalan ng malay na bakla. As usual dinampot siya ng mga pulis at diretso sa jail, habang nakahiga ay hindi maiwasang maalala ang nangyari din sa kaniya noong nasa factory siya. “Monteverde! Kailan ka ba papasok ng walang bangas ang mukha mo?” “Sorry po Ma’am, medyo napagtripan lang ako kagabi sa may labasan.” “Araw-araw na may nagti-trip sayo? O baka naman dahil likas kang barumbado kaya ganyan laging away?” Hindi na lang siya sumagot dahil baka mawalan siya ng respeto dito. Kinabuksan ay tinawagan siya ng kaibigan ang anak ng may-ari ng Factory at sinabihan siya na nasa itaas na raw ang mga reklamo. Hindi raw siya pumapasok ng matino, hindi rin daw siya seryoso sa trabaho at palagi raw away ang alam niyang gawin sa araw-araw. “Monteverde! You are fired!” Bumalik siya sa realidad ng may tumawag sa kaniya. “Cain Monteverde! May dalaw ka!” “S-sige salamat.” Saka tumayo at inayos ang suot kahit marumi na iyon, dahil mula pa kahapon ay iyon ang kaniyang suot. Ang kaibigan niyang si Kuyang ang naroon at may dalang pagkain. “Ayos ka lang ba dito, Pare?” “Ayos lang ako dito, kaya ayusin mo yang mukha mo! Hindi pa ako mamatay sa ganito lang!” “Ito pala ang damit Pare, para makapag bihis ka at kaninang umaga pala ay may naghahanap sayo, hindi ko naman masabi na narito ka sa kulungan. "Sino raw? At anong kailangan sa akin ng mga 'yon?" "Hindi sinabi at ikaw daw ang kailangan nilang makausap.” "Pag hinanap uli ako ng mga 'yon ay sabihin mo ang totoo para hindi bumalik pa!" Ilang araw na siya sa loob ng jail ng dumating ang kaniyang kaibigan, makakalaya na raw siya dahil naka utang pala ito ng pang piyansa niya. Ngunit sa halip na magpasalamat siya dito ay pinagalitan pa niya. “Sinong nag utos sa yo umutang ka ng gano’n kalaking pera?” “Pare, mamaya na tayo mag usap ang mahalaga ay makalabas kana rito! Tingnan mo nga ang sarili mo?” “Anong mayroon sa sarili ko ngayon na wala noon?” Pang aasar niyang sagot sa kaibigan. Habang naglalakad sila ay may naalala siyang itanong sa kaibigan kung kanino ito naka utang ng gano’n kalaki na halaga. “Anong kapalit ng inutang mong pera Pare?” “Wala, Pare ang gusto lang ni Madam, ay magtrabaho sa kaniya sa palengke at maaari mong bayaran ng installment.” “Tangna! Alam mo namang may gusto sa akin ang babaeng ‘yon?” “Aba! Eh, mas mabuti pala para kahit hindi mo na iyon bayaran, daanin mo na lang sa himas Pare.” “Gago! Mamaya ay akalain pa non na may gusto ako sa kaniya, no way!” “Paano mo mababayaran ang pera kung ayaw mong magtrabaho kay Madam?” “Bigyan mo ako ng ilang araw para mapag isipan ko Pare.” “Sige, basta pag nakapagdesisyon ka na ay sabihin mo agad at ng masabi ko kay Madam.” Hanggang maari ay ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa babaeng ‘yon kaya ayaw niya, kaya lang saan naman siya kukuha ng pera para mabayaran ito. Bakit naman sa dinami rami ng malalapitan ng kaibigan ay doon pa talaga ito lumapit. Sumakit tuloy ang ulo niya sa mga isipin, kaya sa halip na umuwi ng bahay para maligo at matulog ay sa tambayan siya tumuloy. Ngunit hindi siya makapag-isip mabuti kaya sumakay ng motorcycle niya at pinaharurot iyon palato. Nasumpungan na lang niya ang sarili na nasa isang sementeryo at patungo sa himlayan ng Ina. Doon ay naupo muna siya habang hinahaplos ang lapida ng kaniyang mahal na Ina. Dito lang siya nakakaramdam ng katiwasayan ng isipan hanggang namalayan na lang na nakahiga na siya at sinimulang kausapin ito. Kung hindi pa naramdaman ang pagpatak ng ulan ay hindi pa siya magigising. Agad na bumangon at tumakbo patungo sa nakaparada niyang motor at habang mabilis na nagmamaneho ay nakapag desisyon na siya. Papasok siya sa palengke bilang kargador at hindi para maging tauhan ng babaeng iyon. Kinabukasan maaga pa ay naka gayak na siya, bagong paligo at nakasuot ng jeans na may sira sa magkabilang tuhod, black plain t-shirt at sapatos na de goma. Ngunit ng makita siya ng dalagang kapitbahay ay agad na nilapitan siya nito. Subalit mabilis siyang dumistansya dahil baka dambahin na naman siya nito. Wala pa naman itong kahihiyan, mahilig sa PDA, ka babaeng tao ay mas nauna pang gumawa ng move at hindi makapaghintay na lalaki ang unang lumapit. “Ops! Stop! Huwag mong sirain ang araw ko! Ang aga-aga at hindi ka pa yata nagsisipilyo ay gusto muna agad akong dahasin!” “Whatever! Saan ka ba pupunta my love at naka porma ka ng ganito kaaga?” “Aakyat ako ng ligaw! Bakit may problema ka?” “Ikaw? Aakyat ng ligaw? Iyang torpe ma na’yan?" At malakas na tumawa. Sasagot pa sana siya ng matanawan ang kaibigan na patungo sa kanila. “Ang tagal mo Pare! Kundi ka pa dumating ay baka tinubuan na ako ng sanga dito sa tabi ng kapatid mong saksakan ng kapal ng mukha!” “Ay! Grabe! Mukha ko talaga ang makapal? At ikaw? Tutubuan ng sanga? Iyang saksakan ng suplado mong yan? Baka hindi sanga ang tumubo sayo! Baka sungay!” At mabilis na tumalikod, kundi lang niya talaga love ang lalaking ito ay baka binato na niya ng tsinelas ang mukha nitong saksakan ng gwapo. “Tara na Pare, baka sa kaka away ninyo ay kayo ang magkatuluyan at maging bayaw pa kita.” “Sira ulo ka! Alam mong parang kapatid ko lang yang sister mo!” “Bakit ba ayaw mo sa kapatid ko Pare? Ay maganda naman ‘yon, mabait, maalalahanin, maalaga at mapagmahal.” “Kapatid mo nga! Kung maka build up ka ay wagas! Tara na at baka magbago pa ang isip ko ay ‘di na ako magtrabaho sa palengke!” >>>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD