Chapter- 1
"Baby, gising na at may dala akong lugaw sayo, alas diyes na ng umaga kaya bangon ka na riyan ah!”
Sa halip na bumangon ay tinakpan pa ng unan ang kaniyang ulo. May hang over siya at ayaw niya munang bumangon.
Subalit makulit ang dalagang kapitbahay niya at hindi ito titigil hanggat hindi siya tatayo ng higaan. Wala pa namang kahihiyan ang babaeng ito at siguradong pag 'di pa siya kumilos ay papasukin siya nito sa kaniyang kwarto.
“Hindi ka talaga babangon?” Sabay dive niya sa tabi ni Cain at mabilis na pinatungan ito sa katawan.
“s**t! Ano ba! Umalis ka nga riyan sa likuran ko! Wala ka talagang kahihiyan at bakit ang aga-aga ay naririto ka?”
“May dala nga akong lugaw! Kaya bangon na!”
Naiinis na biglang tumayo dahil ayaw niyang manatili sa higaan ang babaeng ito. Matagal na niyang alam na malaki ang gusto nito sa kaniya, kaya lang hindi niya ito type. Ni hindi nga siya nakakaramdam ng init kahit na sinasadya nito na idiin ang malaking dibdib sa kaniyang katawan. Maganda naman at sa katunayan nga ay maraming manliligaw ito. Kaya lang talagang hindi niya gusto, baka pa kung palipasan lang ay pwede na. Ngunit hindi siya basta papasok sa alanganin dahil once na pinatulan niya ito ay siguradong makakapag asawa siya ng wala sa oras. Ang mga kapatid nito ay mga halang ang kaluluwa, hindi naman siya takot sa mga iyon ang problema ay kaibigan niya ang isang kuya nito.
“Umuwi ka na! At salamat dito sa lugaw mo!”
“You’re welcome may love,” saka niya mabilis na ninakawan ng halik ang supladong kaibigan ng kapatid.
“Ano ba yan! Wala ka talagang kahihiyan! Hindi ka pa yata nagsisipilyo! Pahalik halik ka pa!” Subalit hindi na siya sinagot ng dalaga at tumakbo na ito palabas ng bahay.
Matapos maghilamos ay na upo na siya sa maliit na lamesang naroon at inumpisahan kainin ang lugaw nang biglang dumating ang humahangos na batang teenager. Sinulyapan lang niya ito at ipinagpatuloy ang pagkain.
“Big Boss!”
“Anong kailangan mo Bentoy? Kumakain ako kaya maghintay ka riyan!” Dahil takot sa kaniya ay na tahimik naman agad ito. Alam niyang mahalaga ang pinunta nito sa kaniya kaya nagmamadali na siya sa pagsubo at nang matapos ay agad na tumayo. Matapos mailagay sa lababo ang pinagkainan at makainom ay humarap na sa binatilyo.
“Anong kailangan mo?”
“Bos, sa tambayan po may mga kalalakihan na nanggugulo at naroon sila Kuyang, nakikipag bugbugan…”
Hindi na niya hinintay matapos itong magsalita pa at dinampot ang susi ng kaniyang motorcycle saka mabilis na umalis, patungo ng tambayan. Halos umusok siya sa galit ng matanawan na duguan ang isa niyang katropa. Basta na lang iniwan ang motor sa gilid at sinugod ang mga lalaking may mga hawak ng tubo at kutsilyo. Hindi siya naging siga ng Tondo kung hahayaan lang niyang mabugbog ang mga katropa.
Ganitong may hang over pa siya ay talagang may kalalagyan ang mga lalaking ito. Wala pa naman siyang suot na t-shirt kaya nangingintab ang katawan niya sa tama ng sikat ng araw.
Bawat tamaan ng suntok at sipa niya ay lugmok, sa edad niyang 25 years old at alagang-alaga sa ehersisyo kasama na ang mabigat na trabaho ay balewala sa kaniya ang mga ito. Tumagal ng halos twenty minutes at ang limang lalaki ay mga nakabulagta sa semento. Kung hindi pa narinig ang silbato ng mga pulis ay hindi pa niya gustong umalis doon. Gusto pa nga sana niyang balian ng mga paa ang mga ito para hindi na makapang gulo pa sa iba.
“Bosing! Sibat na!”
Saka pa lang niya iniwan ang mga lalaki, binalikan ang kaniyang motor at mabilis na pinasibad iyon pabalik ng bahay.
As usual naroon na naman sa tarangkahan ng bahay niya ang dalagang makulit. May dala pa naman itong medical kit. Subalit sa halip na huminto at bumaba siya ng motor ay pinaharurot palayo, gustong humalakhak ng makita sa side mirror ang hindi maipinta na mukha ng babae.
Humantong siya sa harap ng libingan ng Ina, doon ay na upo siya sa puntod nito at maya maya pa ay nakahiga na sa semento. Nakatitig siya sa maaliwalas na kalangitan, hanggang kailan ba siya sa ganitong buhay? Magmula ng mawala ang Mama niya noong high school siya ay naging ganito na siya at hindi maiwasang mag balik tanaw sa kaniyang nakaraan.
“Anak, bakit ayaw mong puntahan ang Ama, mo?”
“Bakit gusto mong iwan kitang mag isa dito?”
“Hindi naman sa ganon, Anak, ang gusto ko lang ay makilala mo siya dahil baka hindi na kita magawang alagaan pa.”
“Mama! Ayaw kong nagsasalita ka ng ganyan, kahit ano pa ang mangyari ay hinding hindi tayo maghihiwalay. Kahit hindi pa ako makapagtapos ng pag-aaral ay ayos lang po sa akin. Basta ang mahalaga ay magkasama tayo, hindi naman po sa ayaw kong makilala ang tunay kong Ama. Sa ngayon ay ayaw ko muna, dahil once na ginawa ko ang gusto mo ay siguradong magkakahiwalay tayo.”
Mula ng araw na iyon ay nanahimik na ang kaniyang Ina, na hinayaan naman niya ito. Subalit sa pagdaan ng mga araw ay tila may kakaiba siyang napapansin dito. Mabilis mahulog ang katawan at laging tila pagod kaya kinausap niya ang Ina.
“Mama, huwag ka ng magtrabaho at titigil na lang ako sa pag-aaral. Kahapon po ay kinausap ako ng kaklase ko na kung gusto kong magtrabaho sa factory nila.”
“Anak, huwag! Ang gusto ko ay makatapos ka ng pag aaral para may future ka pagdating ng araw.”
“Maaari pa naman akong mag aral muli, Mama, marami pa naman pong pagkakataon.”
“Hindi ka hihinto sa pag-aaral, kaya huwag muna akong kulitin sa bagay na yan!”
Hindi na siya sumagot pa dahil alam niyang hindi siya mananalo sa Ina, kaya tumalikod na lang at pumasok sa kaniyang silid.
Graduating na siya at kasalukuyang nag-take ng examination ng tawagin siya ng isang guro. Kaya napilitang iwan ang mga test paper at lumabas ng classroom.
“I’m sorry, Cain Laurince, but you need to go to the hospital right now!”
“Bakit po Ma’am? Sino po ang pupuntahan ko doon? At paano po ang exam ko?” Sunod-sunod niyang tanong sa may edad na guro.
“You Mother, She's-gone....”
Pinutol niya ang iba pang gustong sabihin nito, dahil hindi niya kayang marinig pa. May hint na siya tungkol sa kaniyang, Mama. Kaya siguro naririnig niyang tumutunog ang kaniyang keypad mobile phone. Hindi lang niya iyon sinagot dahil oras ng exam niya at ayaw na ma-distract ang isipan.
“S-salamat po Ma’am, wala siya sa sarili ng bumalik sa loob ng classroom para kunin ang kaniyang mga gamit. Kahit ang mga kaklase ay nagtataka kung bakit isa-isang isinisilid niya ang mga iyon sa kaniyang backpack. Sinisikap na huwag tumulo ang luha ngunit ng maramdaman ang palad ng kaniyang adviser ay doon na pumatak ang kaniyang mga luha. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at halos mapa luhod siya sa panghihina. Inaalalayan siya ng kaniyang guro para makalabas ng classroom at dinala sa isang bench.
“I know what you feel, Cain Laurence, you need to be strong iho, kailangan mong tanggapin na wala na ang iyong Mama. Go! Puntahan mo na siya, at tungkol sa exam mo ay bibigyan ka ng school ng special exam pag ready ka nang mag take muli.”
Hindi na nagawang magpasalamat, wala sa sarili na humakbang palayo.
Sumakay siya ng Taxi at pagdating niya sa ospital ay halos hindi niya maihakbang ang mga paa. Ang bigat bigat ng kaniyang pakiramdam, ngunit isang kamay ang humila sa kaniya.
“Pasensya ka na Pare, wala kaming nagawa sa ermat mo. Ang sabi ng mga doktor ay acute na daw ang sakit na Leukemia. Matagal na pa lang may sakit ang iyong, Mama, at ayon sa record ay halos tatlong taon na nang madiagnose ang sakit niya.”
Wala siyang maisagot sa kaibigan, napahagulgol na lang siya ng iyak at unti-unting humakbang papasok sa kinaroroonan ng Ina. Ngayon niya pinagsisihan kung bakit hindi siya nakinig sa utos nito noon na puntahan niya ang tunay na Ama. Kung nakinig sana siya sa Ina, siguro ay nakagawa siya ng paraan at napa gamot niya ang sakit nitong Leukemia at hindi sana ito namatay.
Bumalik siya sa reyalidad ng dumaloy ang luha niya sa pisngi patungo sa gilid ng tenga. Kaya bumangon na at minsan pang hinaplos ang lapida ang Ina saka tuluyan umalis.
Pagdating niya sa bahay ay may dalawang pulis at alam niyang dahil iyon sa nangyaring gulo kanina lang.
“Sumama ka sa presento dahil sa mga reklamo at kasong isinampa sa iyo.”
“Sandali lang mga bossing at ipagbibilin ko lang itong motor at ang bahay ko sa mga kapitbahay.”
Hindi naman sumagot ang mga pulis, kabisado na ng mga ito ang kaniyang linyada dahil palagi naman siyang nakukulong kaya naging suki na ng mga ito.
Gustong matawa ni Cain, talagang siya pa ang kinasuhan ng mga gagong yon. Walang imik na sumakay na lang siya sa patrol car, ano pa nga ba, eh di kulong na naman siya. Ilang araw na naman kaya siya sa kulungan?
Pagdating nila sa presento ay dumiretso na si Cain sa selda at doon ay tumayo siya sa gilid habang hinihintay ang pulis na magbubukas ng rehas. Nang matanaw ang pulis ay kinawayan pa niya ito at malapad ang ngiti na ibinigay dito.
“Tangna! Narito ka na naman? Ano na namang katarantaduhan ang ginawa mo CL?”
“Aba! Ewan ko dyan sa mga kasamahan mo bakit nila ako hinuli, na miss yata ako ng mga yan eh!”
“Bakit kasi ayaw mo pang tanggapin ang inaalok sayo ni General, sana ay wala ka sa ganitong sitwasyon.”
“Bakit hindi ikaw ang mag apply diyan sa corrupt mong amo?”
“Tangna! Manahimik ka nga! Mamaya may makarinig pa sayo!”
“Dalhan mo na lang ako ng kutson dito Bossing at gusto ko ng mahiga, napagod ako sa pakikipag bugbugan kanina eh!” Pag iiba niya ng topic nila.
Hindi na mabilang kung ilang beses na siyang nakulong sa jail na iyon, kaya nga kabiruan na niya ang jail guard. Binibigay rin nito ang mga gusto niyang kainin or ibang request niya basta ang hindi lang ay ang palayain siya. Kaya naman sa tuwing lumalaya siya ay inaabutan niya ang pamilya nito ng pera. Ang pera na galing sa pagtatrabaho niya bilang isang taxi driver. Hindi nga lang permanently dahil pa extra extra lang siya sa tunay na driver.
Masarap ang tulog niya ng magising sa ingay ng mga kalalakihan na bagong pasok sa kabilang selda. Kaya mainit ang ulo na bumangon at lumapit sa rehas at malakas na sumigaw.
“Tangna! Ang iingay ninyo! Mga wala kayong modo! Oras ng pagtulog ko ay hindi nyo na iginagalang?”
“Aba! Ikaw na tangna muka! Baka basagin ko yang pagmumukha mo! Umuwi ka sa bahay mo at doon ka matulog, ulol!”
“At sino ka para utusan ako? Taga saan ka at hindi mo ako kilalang gago ka?” Namataan niya ang jail guard at tinawag ito.
“Bossing, paki bukas nga ang pintuan at bibigyan ko lang ng leksyon ang tangna na gago diyan sa kabilang selda!”
“Huwag kang maingay CL! Shhh, manahimik ka nga! Dimo ba alam na Montemayor, yang hinahamon mo!”
“Montemayor, ba ika mo? Sigurado ka?”
“Sigurado ako, nakita ko ang record kay Hepe, kaya tumahimik ka riyan at baka ikaw ang mabigyan niyan ng leksyon!”
Malakas siyang tumawa na ikinaiinis ng jail guard, kaya iniwan na siya nito. Napasandal siya sa gilid, kung totoo ang sinasabi ng jail guard ay kamag-anak niya ito o baka isa sa kapatid niya?
>>>