Chapter- 4

2613 Words
“Hulihin nyo ang maangas na lalaking yan?” “Subukan nyo akong posasan at magkakalintikan tayo dito, alalahanin mo Hepe, malaki ang atraso ng mga bataan mo. Gusto mo bang i-upload nating sa social media para sumikat sila pati na ang mastermind?” “Huwag mo akong takutin bata! Sige lagyan ng posas yan!” “Opss! Hepe, nasaan ang warrant of arrest? Alam mo naman na labag sa batas ang gagawin mong paghuli kay bossing, napaka imposible na hindi mo alam yon?” Nalingunan niya ang kaibigan kasama ang buong tropa, mga nakatayo ang mga ito at walang kagitingiti. Alam niyang naghihintay lang ng signal niya ang mga ito at anumang oras ay maaaring umatake. "Bossing, tatayo na lang ba tayo rito? Kating kati na kami sa mga alipores ni Hepe." Gustong matawa ni Cain, bumulong pa talaga sa kaniya. "Relax lang, hayaan natin na sila ang mauna gumawa ng move." Subalit biglang bumunot ng baril ang isang tauhan ni Hepe, kaya naman hindi na niya hinintay na iputok pa iyon at sa mabilis na galaw ay nasipa niya kaya tumilapon sa kanal. "Hepe, talagang bang gusto nyong sumikat?" Upload the video, baling niya sa kasamahan na IT. "Gusto yata nilang maging sikat at pag usapan ng buong bansa." "Copy bossing," malapad na ngiti ni Resty sa wakas may kalalagyan na itong Hepe nila na walang alam kundi ang hingan sila ng lagay. "S-sandali!" "Kinakabahan ka na ba Hepe? Madali naman akong kausap, huwag mo ng galawin ang lugar ko at wala tayong pag uusapan pa!" "Sige, delete all video at tapos ang usapan!" "Siguraduhin mo lang Hepe, dahil once na sumira ka sa kasunduan natin ay mas malala ang mangyayari!" Wala siyang tiwala sa matandang 'to kaya sininyasan niya si Kuyang, na lumapit sa kaniya. "Pare?" Halos dumikit na ang tainga ni Kuyang sa kaniyang bibig kaya umatras siya ng konti. "Layo ka nga! Amoy kang tutuli!" Sabay tulak niya dito na ikinatawa ng lahat na nakarinig at mabuti na lang at di nakahalata ang mga mga alipores ni Hepe. Nang tumalikod si Hepe, pati na mga alipores nito ay halos mag tatalon sa tuwa ang mga tao. "Ang galing mo Bossing, akalain mo yon nadala sa bluff si Hepe?" Hanggat maaaring maiwasan ang gulo ay kaniyang gagawin, dahil pag nagkataon baka may mamatay pag nag rambulan. At sigurado na ang dadamputin ay sila hindi ang mga tauhan ni Hepe. Mabuti na lang at napaniwala niya ang matandang 'yon na obvious na may katarantaduhan na ginagawa dahil agad na natakot. Kinabukasan ay tinawag siya ng kapit bahay na taxi driver at sinabing siya raw muna ang maglabas. Tinanggap naman niya agad para makapag pahinga naman siya sa palengke at nang maiba naman. At tila yata maswerte siya sa araw na ito dahil may sumakay agad at nagpa hatid sa isang mamahaling villages. “Manong pogi dyan na lang po sa malaking gate na kulay black.” Agad na iginilid ang taxi at hinintay itong makababa, sa tingin niya ay isang kasambahay ito doon dahil sa pananalita ay parang parti ng Bisaya ang tono sa salita. Matapos magpasalamat ay nag u-turn na siya at mabagal na nagmamaneho dahil panay linga niya sa paligid. Napaka ganda ng mga bahay at may ilang mamahaling kotse na nakaparada sa gilid at hindi maiwasang mag imagine na one day makakapag maneho rin siya ng mga ganoong sasakyan. Pagliko niya sa kanan ay muntik na siyang makabangga, takot at kaba ang kaniyang nararamdaman hindi na alintana kung malakas ang pagkauntog niya. Agad na umayos siya ng upo at sinilip kong nahagip ba niya iyon ngunit halos tumigil ang kaniyang paghinga ng makitang nasa harapan niya ang red ferrari. Alam niyang napaka mahal ng sasakyang yon kaya siguradong aawayin siya ng may ari at panigurado na pag babayarin ng mahal. Kaya malamang ay balik kulungan siya dahil wala naman siyang pera. “Oh! s**t!” tanging nasambit niya ng bumukas ang pintuan ng Red Ferrari, at natulala siya ng lumabas doon ang isang napaka gandang babae. Kahit ang paglabas niya ng Taxi, ay hindi na halos namalayan dahil walang ibang laman ang isipan kundi ang nakakahalina na kagandahan nito. “Are you okay?” hindi alam ni Camilla kung bakit gano’n na lang ang naramdaman niya ng makita ang lalaki na muntik ng makabangga sa kaniya. Kusang tumaas ang kaniyang palad ng makita ang bukol sa noo at hinaplos ang mukha nito na napaka gwapo. Subalit hindi nagsasalita ang kaharap kaya napilitang umalis na lang siya at nilisan ang lugar. Nang bumalik si Cain sa reyalidad ay wala na ang babae at ang sasakyan nito. Nakaramdam siya ng panghihinayang ng hindi man lang siya naka hingi ng paumanhin kung bakit naman biglang natulala siya. Hanggang makauwi ng bahay ay hindi na nawala sa isipan ang magandang babae. Lalo na ang napakalambot na palad at mabangong amoy nito ay tila hindi na nawala sa kaniyang ilong. “My love, bakit para kang nawawala sa sarili mo ha? Kanina ka pa pabalik balik dito sa harapan ng bahay mo? Wala ka bang plano na pumasok sa loob?” “F*ck! Bakit ba hindi niya man lang natitigan ang mukha?” “Anong sinasabi mo riyan my love at bulong ka ng bulong?” Ngunit hindi parin nasagot si Cain at tila naiinis pa ito sa pakunot-kunot ng noo nito. “Hoy! Para kang baliw!”saka niya malakas na binatokan ito. “Bakit mo ako binatokan, Pantasya? Ano ba ang sasabihin mo, kaya sabihin mo na agad bilis!” “Ewan ko sayo! Talagang nasisiraan ka na ng ulo, dyan ka na nga!” Saka lang niya naalala ang pumasok sa loob ng kaniyang bahay, mabilis na nag shower at gusto niyang mahiga, ayaw niyang iwaglit sa isipan ang maliit na alaala ng mukhang yon. Habang nakahiga ay nakatitig siya sa kisame at napapangiti pa ng maalala kung paano hinaplos ang mukha niya ng malambot na palad na yon. At bago pa naka tulog ay isang pangako ang kaniyang binitiwan, hahanapin niya ang babaeng lamang ng kaniyang buong sistema. “Pare? Ayos ka lang? Tama nga ang sabi ni Moneth, para ka na raw baliw. Ano ba ang nangyari sayo at nag labas ka lang ng taxi ay nagkaganyan ka na? “Tangna! Paano ka nakapasok?” “Aba! Bukas ang pintuan mo kaya nga nakapasok ako eh.” “Gano’n ba? Ano pala ang kailangan mo at naririto ka?” “Nasa labas si Dahlia, hanap ng hanap sayo!” “s**t! Bakit nalaman non ang bahay ko?” “Shhh, baka marinig ka Pare, hindi niya alam na dito ang bahay mo ang sinabi ko ay naglipat ka na ng lugar.” “Lintik na babaeng yan nangangati na naman yata, try mo kaya na ikaw naman ang kumamot baka sakaling mawala ang sakit ng ulo ko!” “Sira ka Pare! Hindi non ako magugustuhan dahil mahilig yon sa pogi.” “So inaamin mo na panget ka?” saka siya na pa bungisngis habang pinipigilan mapalakas ang tawa. “Hindi naman, lamang ka lang ng tatlong paligo sa akin kaya’t sayo lahat nagkakagusto ang mga babae. Kaya nga minsan ayaw kong magsasama sayo eh, hindi ako maka-chicks dahil pag nakita ka nila ay goodbye Kuyang na!” “Aba! Ano ang drama mo?” “Wala naman Pare, gusto ko lang sabihin sayo ang magandang balita sa palengke. Nagtatanong sila kung kailan ka raw may libreng oras, gusto ka yatang imbitahin na maging panauhing pandangal.” “Saan naman yan, at anong okasyon ba yon?” “May gaganapin raw sa palengke na salu-salo at kailangan ang presensya mo roon.” “Akala ko ba panauhing pandangal?” “Bakit hindi ba at gano’n na rin yon?” “Puro ka kalokohan! Kailan ba iyon?” “Mamayang gabi na raw, bandang ala-syete ay dapat naroroon na tayo.” “Kala ko ako lang ang imbitado eh, bakit kasama ka?” nangingiti siya sa naging reaksyon ng kaibigan. “Aba! Syempre bodyguard mo ako, saka marami raw chiks ang pupunta roon mamaya Pare, kaya sigurado makakahimas ka na naman, at bilang bodyguard mo ay…” “Yon lang pala ang sasabihin mo, labas na at matutulog ako,” sabay tulak niya dito palabas ng pintuan. “Natiyan pa si Dahlia, Pare kaya huwag kang maingay, o gusto mong pasokin ka rito ng babaeng yon?” “Ikaw na lang, imbitahin mo sa bahay mo at malay mo magpa kamot na rin sa’yo.” “Sige Pare, sabi mo eh.” Masaya siya sa kaalamang tinupad ni Hepe ang kanilang kasunduan dahil magmula noon ay tuluyan ng naging tahimik ang lugar nila, unti unting dumalang na rin ang mga mandurukot. Pati mga batang kalye ay iilan na lang ang makikita sa daan, at lahat ng mga magulang ng mga bata ay kaniyang pinakiusapan. Katatapos lang niyang magtanghalian kaya’t nakatamabay siya sa kanto ng may taong lumapit sa kaniya. “Bakit ganyan ang tingin mo sa akin? May kailangan ka ba?” medyo lumayo siya ng konte at baka bigla siyang suntokin ng kaharap mas mabuti na ang naka handa. "Cain Monteverde?" "Ako nga, anong kailangan mo?" Seryoso niyang tanong dito. "Sumunod ka sa akin at may mahalagang bagay kang dapat malaman." Hindi sana siya susunod sa lalaki, ngunit may maliit na tinig sa kaniyang isipan ang nag utos na sundan ito. Humantong sila sa simpleng restaurant, at agad na tinanong ng walang paligoy ligoy ang kaharap na napag alaman niyang abogado. Ngunit sa halip na sagutin siya nito ay may inilabas na folder. "Read this Mr. Monteverde." Agad na dinampot niya iyon at pinasadahan ng tingin, at natilihan siya habang nag-iisip ng dapat itanong kaya nakatitig lang siya sa hawak na mga papel. "Kung gusto mong makuha ang malaking asset na iyan ay kailangan mong magtungo sa mansyon Monteverde, dapat doon ka manirahan at mamahala ng ibang mga negosyo" "P-pag iisipan ko muna ito Atty." Yon na lang ang tangi niyang naisagot. Nag iwan naman ito ng tarheta at saka nagpaalam sa kaniya. Nasa bahay na siya ay tila hindi pa rin makapaniwala sa mga nalaman, ibig sabihin ay napaka yaman pala ng kaniyang Mama, at namatay lang ng gano’n kaaga dahil sa sakit na hindi man lang nakapag pa gamot sa kadahilanang wala silang pera. At dahil lang din sa matinding katunggali sa negosyo ang pamilya ng kaniyang tunay na Ama, ay itinakwil ito. Napaiyak siya sa awa sa Ina, dahil sa kaniya kaya ito nag hirap ng mahabang panahon. Kinagabihan ay naghahanda siya para sa gaganaping okasyon sa palengke, nang pumasok ang kaibigan at bihis na bihis. “Oh, saan ang lakad mo at ganyan ang porma mo?” “Bodyguard mo ako Pare, bilisan mo na riyan magbihis at malapit ng mag 7PM.” “Akala ko aakyat ka ng ligaw, kaya tatanungin ko sana kung nasaan ang gitara mo?” biro niya sa kaibigan na seryoso na nakatingin sa kaniya. “Bakit Pare, sa palagay mo ay sasagutin ako ng babaeng liligawan ko kung ikaw ang singer?” Malakas siyang napahalkhak sa sinabi ng kaibigan, “bakit nasali ako sa panliligaw mo?” “Aba! Natural dahil ako ang gitarista kaya ikaw ang manganganta!” “Halika na nga!” sabay dampot niya sa susi ng kaniyang motorcycle. Pagkalabas nila ay nakatayo doon si Pantasya habang nakasimangot. “Pag nahanginan yang mukha mo ay ‘dina yan babalik sa dati at mapapalitan na ang codename mo Simang.” “Ano?” “Simang na ang itatawag ko sayo, parang mas bagay sayo ang pangalang yon.” habang pinipigilan na mapa bungisngis. “Halika na Kuyang, at baka itong si Simang ay…” pinutol ang kaniyang pagsasalita ng tumama ang matigas na bagay at sapol siya sa parting likuran. “F*ck s**t! Bakit mo ako binato ayan narumihan ang damit ko! Ito na nga lang ang pinaka maganda kong t-shirt ay dinumihan mo pa, tsk tsk.” “Dapat lang yan sayo!” “Moneth! Tama na! Umuwi ka nga sa bahay! Wala kang pinipiling oras alam mong may pupuntahan kami ay aasta ka ng ganyan!” Unang beses na nakita ni Cain na galit si Kuyang, sa kapatid. “Halika na, hayaan mo na yang kapatid mo at mahuhuli na tayo.” “Pasensya ka na Pare, minsan sumusobra naman yang kapatid ko kaya kailangan na pagsabihan din.” “Ayos lang yon, sanay na ako dyan kay Simang...ah Pantasya pala.” “Loko ka kung ano-anong binabansag mo dyan kay Moneth, bakit kasi hindi mo pa ligawan yang kapatid ko ng tumino.” “Tangna! Paulit ulit na lang tayo, hindi ko nga type ang kapatid mo at wala akong nararamdaman sa kaniya dahil para sa akin ay kapatid ko na yon!” lakas tama rin itong kaibigan niya at pag hindi pa ito tumigil ay babatukan na niya. Pagdating nila sa lugar ay maraming tao at halos napuno na ang maliit na basketball court. “Dito na lang tayo mag park Pare, para madali mamaya pag uwi, sa dami ng tao ay mahihirapan tayo kung doon pa sa parking mismo.” Sige sabi mo eh, parang ikaw ang boss at ako ang bodyguard, biro niya ulit sa kaibigan. “Parang gano’n nga ang dating Pare, kaya umasta ka na boss ah!” At parang sinisisi pa siya, “bakit kasi ganyan ang suot mo? Para kang bigtime bossing sa porma mo.” Sa halip na maasar ay tinawanan pa siya nito ng malakas. “Pare, ang daming chicks, kaya lumayo layo ka sa akin ng konte at ng maka diskarte naman malay natin magka girlfriend na ako.” “Akala ko ba bodyguard kita? Pag iinis niya sa kaibigan habang naghahaba ang leeg nito pagtingin sa mga babae. “Akala ko rin eh, pero hindi pala kaya pagbigyan mo muna ako ngayon.” “Sige, magkita na lang tayo sa mata pagkatapos ng party.” at tinalikuran na niya ito. Sa halip na tumuloy siya sa may unahan ay tumambay na lang sa gilid at nakinig sa MC. medyo madilim ang kaniyang kinatatayuan kaya hindi siya doon mapapansin agad. Hindi pa siya nagtatagal sa pagkakatayo ay nakarinig ng mahinang usapa sa kabilang ng malaking puno. Kaya minabuti na mag kubli habang nakikinig sa usapan ng dalawang lalaki, ngunit nagpanting ang tainga niya sa narinig. Dumampot siya ng maliit na bato at hinagisan ang dalawa, nakita niyang naghiwalay agad kaya mabilis niyang sinundan ang isa. Pagliko sa medyo madilim at walang gaanong tao ay bigyan niya ng isang malakas na sipa at subsob ito sa semento saka niya sinuntok. “Sinong nagpadala sa inyo dito para magbigay ng gulo sa gabing ito? “A-anong sinasabi mo? Hindi ko alam ang sinasabi mo.” “Gusto mong mabali ang iyong paa, nag hindi ka na makalakad pang muli?” “Hindi! At pakana ni Hepe ang gulo mamayang hatinggabi ang plano nilang lusubin ang basketball court.” “Go!” Nag init ang kaniyang ulo kaya ang ginawa ay binalikan ang kaniyang motor at pinaharurot iyon palayo. Kailangan na hindi makapang gulo ang mga alipores ng matandang yon. Mabilis na nagtungo sa tambayan at kinausap ang lahat ng mga tropa. “Maghanda kayo bago mag midnight, kailangan hindi makapasok ng palengke ang mga alipores ni Hepe.” “Talagang mahirap kausap ‘ang matandang yon, sige bossing magkita tayo bago mag midnight.” Tinawagan rin niya ang mga tao sa loob ng palengke, at sinabihan na maghanda para sa pag atake ni Hepe. >>>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD