Napilitan si Cain na bumalik sa nagaganap na pasinaya dahil tinawag siya ng kaibigan na si Kuyang, hinahanap raw siya dahil hihingan ng kaunting pananalita. Napaka awkward naman ng kaniyang suot kaya lang ay wala naman siyang ibang damit para sa ganitong okasyon. Nang naglalakad na siya patungo sa unahang bahagi kung saan ay naroroon ang mga panauhing pandangal, Mayor, Vice at ibang mga konsehal. Lahat ay sa kaniya nakatingin at ang iba ay gustong matawa at ang iba ay seryoso na nakamasid lang sa kaniya na tila nagtataasang pa ng mga kilay.
“Magandang gabi, mga kapitagpitagan na panauhing pandangal sa gabing ito ay malugod po kaming nagpapasalamat dahil pinag ukulan ninyo ng panahon ang aming munting kasiyahan na ito. Sa atin na butihing punong bayan at sa kaniyang salig ganon rin sa mga konsehal. Maraming salamat po sa inyong lahat.”
Nang biglang namatay ang ilaw kaya’t agad na tumalon si Cain sa pwesto ng Mayor, alam niyang ito ang punterya ni Hepe para sila ang mapag bintangan sakaling may masamang nangyayari dito.
“Sino ka?”
“Mayor, ako po ito yong nagsalita kani-kanina lang, sumunod po kayo sa akin at iaalis ko kayo sa lugar na ito ng ligtas.”
Naramdaman ni Cain ang mahigpit na hawak nito sa kaniyang braso. “Mayor, yuko!” isang bala ang dumaplis sa kaniyang braso ngunit balewala sa kaniya iyon. Malayo sa bituka, ang laging nasa isipan sa tuwing nasa ganito siyang senaryo. Mabilis ang galaw na nakalayo sila sa lugar na iyon at tumuloy sa tambayan.
“Bossing! Pasensya na at walang na katunog na hapon pa pala ay naka pwesto na ang sniper at ibang mga tauhan ni Hepe.”
Ayos lang yon, ang mahalaga ay walang nasaktan sa inyo…”
“Anong kinalaman ni Hepe, sa gulong nangyari sa gulo?”
“Ahm,” gustong mapamura si Cain kung bakit bumabanat na lang basta ang isang ka tropa, ang hindi ba nito napansin ka kasama niya ang Mayor nila? Wala na siyang maaaring gawing dahilan pa kaya sinabi na niya ang totoo.
“Totoo ba ang lahat ng mga sinabi mo Mister?”
“Ako po si Cain Monteverde, pasensya na po Mayor ngunit ang lahat ng nabanggit ko sa inyo ay katotohanan. Sa katunayan nga po ay nagkasundo na kami na hindi na nila gugulohin ang lugar na ito. Kaya nga po nagulat rin kami sa nakarating na balita tungkol sa gagawing pagsalakay nila.”
“Pasensya na kayo sa maling ginagawa ng Hepe natin, hayaan ninyo at aaksyonan ko agad kailangan managot ang mga taong may kagagawan sa gulo.”
“Salamat ho Mayor, aasahan po namin na may parusang dapat igawad sa mga taong sangkot kung bakit nangyari iyon sa gabi ng pasinaya.”
Hindi naman nagtagal at dumating ang ilang bodyguard ng Mayor, at bago pa mag alisan ay nagpaalam pa ito sa kanila.
Matapos ang gulong nangyari at bumalik ng bahay si Cain na may sugat sa braso, dahil iyon sa daplis ng bala. As usual naroroon na naman ang dalaga, kaya hinayaan niya itong sumunod sa kaniya sa loob.
“Ang sabi ng Kuya, ko ay may bumaril daw sayo, kaya halika na at lalagyan ko ng gamot ang braso mo.” kahit sinong makakita sa kanila ay iisipin na may relasyon sila. Subalit para kay Cain ay kapatid lang nya ito kaya kahit anong gawin pa nito sa kaniya ay hindi siya apektado. At dahil mabait sa kaniya kaya naman hinahayaan lang niya ito na mag labas pasok sa kaniyang bahay.
“Bilisan muna at umuwi ka, papuntahin mo rito ang Kuya, mo at may pag uusapan kaming importante.”
“Sige na nga! Ayaw mo lang na naririto ako, huh!” at nagdadabog na umalis.
Hindi nagtagal ay dumating ang kaibigan na si Kuyang, “Pare, may mahalaga ka raw sasabihin?
“Alamin mo ang usap-usapan tungkol sa nangyari, at bakit gusto nilang patayin ang butihing Mayor. Dahil ba sa darating na elections or talagang may iba pang dahilan?”
“Copy, Pare.”
“Kuyang, salamat.”
“Wala yon Pare.”
Kinabukasan ay maagang kumatok sa kaniyang pintuan ang kapitbahay na taxi driver at sinabi sa kaniya na kung gusto raw niyang ilabas ang taxi.
“Pauwi kami ng probinsya kaya ikaw muna ang bahala diyan Cain, mga ilang araw lang naman.”
“Sige, tamang tama at wala rin akong gagawin ngayon.”
Pagkatapos maligo ay gumayak na sa pag alis, pasipol sipol pa siya habang palabas ng bahay. Himala na wala ang dalagang makulit, siguro ay nagsawa na rin, at sana ay hindi na nga ito magtatambay sa harapan ng bahay niya.
Mabagal ang takbo niya palabas ng hingway nang may pumara sa kanya na isang lalaki.
“Saan kita ihahatid sir?” ngunit sa halip na sagutin siya nito ay nagtanong ito.
“Gusto mong magtrabaho ng malaki ang sahod?”
Hindi muna siya sumagot at tinitigan niya ito sa rear mirror, kung totoo ang sinasabi nito at hindi siya pinagloloko.
“Anong trabaho naman yan?”
“Driver bodyguard ang magiging trabaho mo kay Boss, at malaki ang offer.”
“Legal ba ang trabaho ng Boss, mo?” parangka niyang tanong dito.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Ang ibig kong sabihin ay kung hindi illegal ang mga negosyo niya, dahil hindi ako interesado sa mga ganyan.”
“Aba! Syempre nasa legal, at mabait si Boss.”
“Sige saan ba?”
“Okay doon na tayo dumiretso, siguradong matutuwa si boss dahil napapayag kita.”
“Bakit, kilala ba ako ng Boss, mo? Inutusan ka ba niya para alokin ng ganyang trabaho?” bigla siyang nagkaroon ng duda sa kaniyang kausap.
“Hindi naman, ang ibig kong sabihin ay siguradong masaya iyon dahil may driver bodyguard na siya.”
Habang patungo sila sa lugar ay parang familiar sa kaniya ang kanilang dinadaanan.
“Sigurado ka ba na dito tayo pupunta? Akala ko ba may mga negosyo ang Boss, mo ay bakit dito tayo sa residential pupunta?”
“Dito raw kita ihatid sabi ni Boss, sakaling pumayag ka at tungkol sa sweldo ay siya na ang magsasabi sayo.
Nang iliko na niya sa isang kanto ay doon na niya naalala ang lahat, anim na buwan na ang lumipas at dito niya mismo muntik ng masagasaan ang magandang babae. Magmula ng araw na iyon ay hindi na matahimik ang kaniyang puso at isipan, kung dito ang bahay ng magiging Boss niya ay sigurado na magkikita silang muli. Nakaramdam siya ng kakaibang kasiyahan, subalit naglahong bigla ang saya ng maalala na wala pala siyang pinag aralan. Siguradong hindi siya tatanggapin pag nalaman na high school graduate lang ang natapos niya.
“Magbusina ka sa malaking gate na iyon.”
“Bakit papasok ba tayo sa loob?”
“Aba! Oo dahil malayo ang lalakarin natin pag iniwan mo ang taxi dito.”
Isang busina palang ng bumukas ang maliit na pintuan ay may sumilip na isang gwardiya. Sininsyasan ito ng kaniyang pasahero at lumapit naman sa kanila.
“Si Ma’am Camilla, hindi pa ba lumabas?”
“Hindi pa, sige pasok na kayo.”
Napakalaki pala ng bahay ng magiging Boss niya, habang palapit sa malaking pintuan na may ilang nakatayong gwardya ay panay linga niya sa paligid. Itinigil lang niya ang Taxi sa gilid at sumunod na siya papasok sa loob.
“Isang kasambahay ang kanilang nasalubong, “doon mo raw ihatid sa library at naroon si senorita.”
Napaisip siya sa narinig, ibig sabihin sakaling matanggap siya ay babae ang kaniyang Boss.
Huminto sila sa tapat ng isang pintuan, “ikaw na lang ang pumasok sa loob at babalik na ako sa post ko, good luck.”
“Sige, salamat.
Kumatok muna siya at biglang bumukas ang pintuan, ibig sabihin ay auto open pala iyon. Pagpasok pa lang niya ay sumalubong ang amoy na hindi niya maaring makalimutan. Gusto niyang isipin na ang magiging Boss niya ay ang babaeng hanggang ngayon ay laman ng kaniyang sistema. Pero napaka imposible naman yata, baka pareho lang ng pabango na ginamit.
“Hey! Halika maupo ka, bakit nakatayo ka riyan?”
Parang na freez siya sa gagawing paghakbang ng marinig ang boses nito at unti-unting bumaling ang mukha sa nakatayong babae. “s**t! Siya nga!”
“Ano yon?”
“Ahm, wala Ma’am.” nagbabara ang kaniyang lalamunan sa lakas ng kaba.
“Paki basahin bago ka mag fill up.”
Nakatitig lang siya sa papel, nauunawaan niya ang nilalaman ng mga nakasulat doon. Subalit alam niyang hindi siya qualified para doon kaya ibinalik niya iyon sa kaharap.
“Ma’am, pasensya na hindi pala ako para sa trabahong ito, wala po akong degree at high school lang ang natapos ko. Wala rin akong maibibigay sa mga requirements na gaya ng nakasaad diyan sa papel, p-pasensya na sa abala.” Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong hiya sa sarili, kaya’t agad na tumayo at nag paalam na.
“Sit down, hindi naman mahalaga ang nakasulat sa papel na yon, formality lang naman kaya kailangan ng signature mo.”
Napahinto siya sa gagawing pag labas at humarap sa babae, huling huli niya ang malamlam nitong mga mata na nakatitig sa kaniya habang humahakbang palapit sa kinatatayuan niya.
“Please Cain, be my bodyguard.”
Halos mapaso ang kaniyang pakiramdam ng hawakan siya sa kamay at hilahin pabalik sa upuan. Nagpatianod na lang sa paghakbang at tila wala sa sarili na naupo uli. Para siyang nakalutang sa kung saan, at ang mainit na palad na dumapo sa kaniyang balat kanina lang ay hindi niya malimutan. Ang kakaibang amoy nito na napakasarap sa kaniyang ilong na kung maaari lang ay hilingin niya rito na lapitan siyang muli. Pero teka, bakit alam nito ang kaniyang pangalan? Sa pagkaka alam niya ay wala pa siyang binibigay na information tungkol sa kaniyang sarili.
“Maaari ba akong magtanong Ma’am?”
“Yes, go ahead cain.”
“How did you know my name? I mean, my first name?”
“Sasabihin ko sayo ang totoo Cain, kung natatandaan mo yong panahong muntik muna akong mabangga, anim na buwan na ang nakalipas. Hinahanap kita at nalaman ko ang plate number ng taxi mo kaya ka nahanap ng mga tauhan ni Daddy, dahil gusto kong ikaw ang maging driver bodyguard ko.”
“Bakit ako ang napili mo Ma’am, samantalang ang dami nyong mga tauhan.”
“Alam mo ang biglang pakiramdam na safe ka pag kasama mo ang taong iyon? Kaya please Cain, be my bodyguard, ayaw ko sa mga tao ni Daddy at ikaw ang gusto ko.”
Pakiramdam niya ay namumula ang kaniyang mukha dahil sa pag iinit, iba ang dating sa kaniya ng salitang “ikaw ang gusto ko” biglang nanigas ang kaniyang harapan at unti-unting nabuhay. Gusto niyang mapamura, dahil once na tumayo siya ay siguradong mapapansin iyon ng kaharap. Paano pa kaya kung araw-araw niya itong makakasama baka laging sa banyo ang bagsak niya. Presence pa lang nito ay binubuhay na ang kaniyang mga ugat sa katawan. Ang napaka puti nitong balat, mabangong amoy at ang napakalambot na palad ay lalong nagpapainit ng kaniyang pakiramdam. Ang isipin na hinahalikan niya ito ay, “s**t!” tumayo siya at nagtungo sa nakitang isang pintuan. Pagpasok niya ay sumalubong na naman ang amoy nito na galing doon, minabuting maghilamos at baka sakaling bumalik siya sa normal. Ngunit pag tingin niya sa salamin ay nakita niyang nakatayo sa pintuan ang babae.
“What happened to you Cain? Masama ba ang pakiramdam mo?”
Sa halip ay biglang natanong niya ito, “ganito ka rin ba sa ibang mga lalaki? Oh, i mean sa mga tauhan ng Dad mo? Masyado kang nag aalala at m-malapit…”
“Hindi! Tanging sayo lang Cain…”
“Stop calling me that name! kasi bodyguard mo lang ako!”
“Ha? Ano ba ang dapat kong itawag sayo?”
“Call me by my last name at iwasan mong masyadong malapit sa akin dahil baka makalimutan ko na tauhan mo lang ako.”
“Wow! Salamat Cain,” hindi napigilan ay napayakap siya sa binata.
Si Cain ay tila na istatwa at halos hindi makagalaw, takte! Lalo ng nabuhay ang hindi dapat mabuhay. Sa lambot ng katawan at napakasarap na amoy ay gusto na niyang lamukosin ito ng halik. Subalit hindi naman nagtagal ang yakap na iyon at agad ring bumitaw saka siya hinila uli paupo na pinasalamatan niya dahil kong hindi ay makikita nito ang bukol na bukol niyang harapan.
“Cain, let’s go! Mag lunch na tayo at nagutom ako…”
“Ha?”
“Anong ha? Ay start na ng trabaho mo, kaya halika na!” Malakas na hinila niya ang kamay ng binata, masaya siyang makakasama niya ito sa araw-araw.
“Sandali lang Ma’am, kasi yong Taxi na dina drive ko, maaari bang sa sunod na araw na lang ako magsimula sa trabaho ko?”
“No! I want you now Cain! At yang taxi mo ay ipahatid na lang natin sa isang tauhan ni Daddy.
Takte na babaeng to! Ayan na naman siya sa “iwant you now” lintik hindi siya tatagal pag laging ganito ang maririnig niya sa bagong Boss.
“Naku! Huwag ganon Ma’am, kailangan na ako mismo ang maghatid sa may ari…”
“Walang problema kung yon ang gusto mo, tara na sa taxi mo ako sasakay at ipapamaneho ko ang sasakyan sa ibang tauhan.”
Wala talaga siyang lusot, ang gulo pa naman sa lugar na iyon.
Sakay sila ng taxi ni Cain, kaya naman tinudo na niya ang lakas ng AC mabuti na lang at malinis ang loob. Nang marating nila ang lugar ay sinabihan niya ang dalaga na lumipat na muna sa sasakyan nito at ihahatid lang niya ang taxi. Ngunit hindi ito pumayag at sumama pa talaga sa kaniya sa looban. Kaya ng maiparada ang Taxi sa gilid ng bahay ng may ari ay bumaba na sila. Halos lahat ng tao na nakakita sa kanila ay nakatingin. Nakaramdam ng inis si Cain, ng mapansin na kakaiba ang titig ng ibang lalaki sa kasama niya. Kaya’t hinila niya ang ang dalaga sa kaniyang tabi at hinawakan sa kamay.
“Cain, ang aga mo naman gumarahe?”
“Pasensya na po manong Tonyo at may biglaan lang na pupuntahan.” nakangiti niyang sagot sa may edad na lalaki.
“At sino naman ang napakagandang kasama mo? Girl friend mo ba?”
Ayaw na niyang humaba pa ang usapan, isa pa ayaw rin niyang sagutin ang tanong nito.
“Salamat ho Manong, alis muna kami.” hawak parin niya sa kamay ang dalaga habang naglalakad pabalik kong saan naghihintay ang sasakyan nito.
“Next time huwag kang magsuot ng ganyan, pinagpiyestahan ka ng mga mata.”
“Ha? Bakit ano bang masama sa suot ko?”
Oh, s**t! Bakit ba niya nasabi iyon, nakalimutan ba niya na Boss nya ito? Saka lang na realize na hawak pa rin niya ito sa kamay. Kaya biglang binitiwan iyon ng matanawan na ang sasakyan nito.
Agad na lumabas ang tauhan nito ng makita na silang naroroon, “Boss, tumawag pala ang Dad mo.”
“Sige, salamat.”
Paano mauna na ako Boss, Pare, ikaw na ang bahala ingat kayo.”
Tinanguan lang niya ito at sumakay na siya, natilihan ng makitang nasa front sit ang babae. Hindi ba dapat na sa likorang upuan ito naka upo? Bakit nasa tabi niya ito at parang walang planong lumipat sa likoran?
“Cain, alam ko ang iniisip mo at ayaw ko sa likoran kaya start muna ang engine dahil dito ko gusto sa tabi mo.”
Ayan na naman ito sa mga ganong salita, haisttt, pag laging ganito ay baka makagawa siya ng mali at pagsisihan niya sa bandang huli.
“Saan ba ang punta natin Ma’am?”
“Maria Camilla ang pangalan ko, pag tayong dalawa lang.”
“Sige, MC, tawagin mo naman akong CL.” nangingiti siya.
>>>