‘Ma’am, hindi po ako maaaring mag stay in, may responsibility ako sa lugar namin at hindi ko maaaring pabayaan iyon. Papasok na lang ako ng maaga at kung may importanteng pupuntahan ka kahit out of duty ako ay tumawag ka lang at darating ako.” Gano’n ba? Sige ikaw ang bahala.” Hangga’t maaari ay kailangan niyang rendahan ang sarili dahil baka tuluyang mahulog ang puso niya sa kaniyang Boss at siguradong masasaktan lang siya. Pagkalabas ng mansyon Montes-Malvar ay pinasibad agad niya ang kaniyang motorcycle. Kailangan niyang tumuloy sa palengke dahil may problema doon. “Anong nangyari dito?” “Naku si Badong, nag wala Bossing dahil nabasted daw ng nililigawan at sa sobrang lasing ay ayan ang ginawa niya.” “Nasaan siya ngayon?” “Dinampot ng mga pulis, dahil hindi na nakikinig at nang ma