Makalipas ang isang linggo ay tapos na ang pagliliwaliw ni Camilla, back to normal na ang lahat. Ngunit may kakaiba siyang napapansin kay Cain, parang umiiwas ito sa kaniya at ayaw niya ng gano’n. “Anong nangyari habang wala ako, may problema ka ba sa mga kasama mo Cain? Hindi ka naman dating ganyan, nawala lang ako ng isang linggo ay may kakaiba na sa’yo.” “Ayos lang ako medyo hindi maganda ang gising ko kaninang umaga kaya huwag muna lang akong pansinin. Saan ba kita ihahatid ngayon, tinanghali ka yata ng gising?” “Sa Makati mo ako ihatid, tapos balikan mo na lang ako roon.” “Sige ikaw ang bahala, mga anong oras ba?” “Hintayin mo ang tawag ko.” nararamdaman niyang may mali talaga kay Cain. Ayaw naman niyang magtanong dahil nahihiya siya, baka kung anong isipin pa nito sa kaniya. Sab